At lumabas na ang katotohanan. Kailan kaya malalaman nila Marco at ng tunay na Ashlyn ang totoo?
AshleyNang umalis si Marco ay hindi na rin ako natahimik. Habang sige ang pagtawag niya sa akin ng Sweetheart ay paulit ulit na nagpa-flash sa isipan ko ang kanyang nakangiting mukha at tumatawag ng “sweet”.Hindi ko na alam ang iisipin ko dahil litong lito na rin ako. Bakit ko nakikita ang mga bagay na ‘yon? Hindi na ako lumabas ng aking silid hanggang sa gumabi at nagpatuloy lang sa pag-iyak. Nakatulugan ko na rin ang hapunan at maagang maaga nagising ng kasunod na araw. Tumingin ako sa salamin at nakita kong medyo maga ang aking mga mata dala ng pag-iyak. Tinapik ko ang aking magkabilang pisngi bago bumuga ng hangin at tsaka ako lumabas ng aking silid para magsimula ng aking araw.Lumipas pa ang mga araw na ni hindi na rin nag text or tumawag si Marco. Nalungkot ako at patuloy na nasaktan ngunit pinilit kong kayanin. Salamat sa presensya ni Sandro na patuloy na nagpapatawa at nagpapagaan ng aking kalooban. Nagpatuloy ako sa pagsusulat at sa paglipas din ng mga araw ay may mga pag
AshleyIlang linggo pa ang lumipas at nagiging panay panay na rin ang pagdaloy ng mga alaala kong ayaw kong tanggapin. Dahil sa mga nalaman ko at sa mga alaalang patuloy na nagpa-flash sa aking isipan ay unti-unti kong nare-realize ang katotohanang napakasakit para sa akin.“Okay ka lang ba, Ash?” tanong ni Sandro. Napatingin ako sa kanya, naisip ko na ang kakambal ko talaga ang siyang Ash na tinutukoy niya na nagkaroon siya ng friends with benefits status. Gusto kong sabihin sa kanya iyon ngunit pinigilan ko ang aking sarili. Baka naman hindi pa talaga nakakaalala ang kakambal ko, kagaya ng sinabi ni Dr. Encinares ay suppressant ang laman ng botelya ng gamot na pareho naming tine-take. Paano kung biktima rin lang pala siya non.“Oo naman, bakit mo naitanong?”“Para kasing ang lalim ng iniisip mo eh.”“May mga plot kasi na pumapasok sa isipan ko at alam mo na, bilang writer, nagsisimula na akong isulat din iyon sa isip ko.” Natawa siya dahil sa sinabi ko na ikinatawa ko na rin. “Puro
“Wala naman, anong sabi ng doktor?” tanong ng kakambal ko na tila kabado.“Migraine lang, kaya wala kang dapat na alalahanin.” Nakita ko kung paano lumuwag ang kanyang paghinga ng sabihin ko iyon. “Isa pa, lagi naman akong sinasamahan ni Sandro kaya wala ka talagang dapat na ipag-alala.”“Ayan Marco, makakahinga na ako ng maluwag dahil alam kong may tumitingin na sa kakambal ko.” Sabi ni Ashlyn sabay tingin kay Marco na nakatingin naman sa akin.“Wala kang trabaho?” tanong ni Marco sa ngayon ay katabi ko na ring si Sandro.“Meron, pero hawak ko ang oras ko. I’m a lawyer.”“Lawyer ka?” bulalas na tanong ni Ashlyn. So, hindi niya alam ang profession talaga ni Sandro kagaya ng sinabi sa akin ng lalaki.“Oo.” Simpleng tugon ni Sandro.“Wait lang at kukuha ako ng mamimiryenda natin.” Tumayo ang kakambal ko at nagsimula ng lumakad papunta sa kitchen.“Ah, saan ang restroom niyo?” tanong naman ni Sandro. Itinuro ni Marco kung saan at umalis na rin ang lalaki kaya naiwan na kaming dalawa ng la
Ashley“Uminom ka ba ng gamot mo? I’m sure binigyan ka ng doktor mo,” nag-aalala kong tanong pero hindi dahil sa kalagayan niya kung hindi dahil baka natuklasan na niyang peke ang gamot na pinapainom ko sa kanya.“Oo, binigyan ako ng doktor ko ng gamot. Sinasabay ko sa gamot natin at si Sandro ang madalas na mag-remind sa akin.” Nakahinga ako ng maluwag matapos niyang sumagot. Napangiti ako sa kanya at nilapitan pa siya lalo at nakita ko si Marco na tumayo mula sa kanyang kinauupuan.Hawak pa rin niya ang kanyang ulo at tila nasasaktan talaga siya dahil na rin sa luhang tumutulo na mula sa kanyang mga mata. Alam kong nag-aalala na si Marco kaya kailangan kong magdahilan.“Ah!” sabi ko. Mas ginalingan ko pa ang pag-arte sabay hawak sa aking tiyan. Nakita ko ng yapusin ni Sandro ang kambal ko habang mabilis na lumapit naman sa akin si Marco.“May masakit ba?” nag-aalala niyang tanong.“Masakit ang tiyan ko, manganganak na yata ako..” sabi ko kahit na alam kong hindi pa naman. Hindi na ma
Author's Note: Reminder ko po, original names na po nila ang gamit sa POV dahil nagbalik na ang alaala ng tunay na Ashlyn na dating si Ashley.AshleyNakuhanan na ako ng dugo at lumabas na rin ang result. Hinihintay na lang namin ang doktora na tumingin sa akin. “Magiging okay lang ho kaya siya, dok?” tanong ni Marco habang hawak hawak ang aking kamay.“Kung gusto niyong makasiguro since malapit na rin ang due ni Mommy ay pwede niyo naman na po siyang ipa-admit. Kung dito po siya nagpapacheck at nandito ang doktor niya ay pwede po namin siyang i-inform about it,” sabi ng doktor.Tumingin ang doktora sa akin kaya naman bahagya akong ngumiwi para naman hindi niya mahalatang umaarte lang ako.“Siguro po ay mas maigi ng ma-admit siya para masiguro ang kaligtasan nila ni baby lalo at madalas sumakit ang tiyan ni mommy.”“Do what you think is necessary, doc.” Halatang halata ang concern sa tinig ni Marco kaya naman puspos ako ng kaligayahan ng mga oras na ‘yon. “Okay po,” tugon ng doktor b
MarcoNapapansin ko ng sinisikap ng asawa ko na huwag akong mapalapit or makalapit sa kakambal niya.Sa tuwing susubukan ko, kagaya ng sa kanina ay bigla na lang itong may nararamdaman. At isa lang ang maaaring dahilan kung bakit. Alam niya kung anuman ang namamagitan sa amin ng kapatid niya.Ang tanong, bakit hindi niya kami kinumpronta? Ipinilig ko ang aking ulo at tiningnan ang natutulog na ngayong asawa ko.Sinadya ba niyang hindi kami sitahin dahil alam na niyang pipiliin ko ang kakambal niya?Hindi ko maiwasan ang mag-alala para sa anak namin. Nasa tiyan pa lamang ay makakaharap na sa pagkasira ng aming pamilya.Sumandal ako sa couch at pumikit. Kung si Ashley ang nakahiga sa hospital bed na yon ay sigurado akong hindi ako aalis sa tabi niya.Speaking of Ashley. Kamusta na kaya siya? Sobra ang sakit ng kanyang ulo siguro dahil napansin ko ang pagluluha ng kanyang mga mata. Gustong gusto ko siyang lapitan at yakapin at baka sakaling kahit papaano ay mabawasan ang sakit.Ngunit
MarcoIsang linggo na sa hospital si Ashlyn at hindi pa rin siya nanganganak, pero sabi ng doktor ay any time soon ay lalabas na nga ang aming baby.Sa buong linggong iyon ay sinikap kong maging attentive sa kanya. Desidido na akong magsimulang muli, alang-alang sa magiging anak namin at sa ikatatahimik ni Ashley.Napansin ko namang ang pagiging masaya ng asawa ko kaya naisip ko na tama na talaga ang ginagawa ko.Tanghaling tapat, habang kumakain kami ni Ashlyn ng lunch ay bigla niyang nabanggit ang kakambal.“Hindi man lang nagpupunta ‘yon, ano na kaya ang nangyari sa kanya? Kumusta na kaya ang kambal ko?”Mukhang malungkot siya ng tignan ko at halos hindi manguya ang pagkaing nasa bibig niya. Nag-aalala siguro dahil kagaya ng sinabi niya ay hindi na nga namin nakita si Ashley pagkatapos ko siyang dalin dito.“Baka naman busy lang,” simpleng tugon ko sabay tingin sa aking kinakain. Ayaw kong may makita pa siyang ibang expression sa mukha ko na maaaring magsimula ng isipin niya.“Sana
Note: Ang POV po ng kambal ay ang mga original na po, remind ko lang para po hindi kayo malito. Salamat.AshlynGusto ko mang puntahan sa hospital si Ashley para kamustahin ay hindi ko na ginawa. Sa paglipas kasi ng mga araw ay lalo ko lang naiisip na may alam siya sa lahat na hindi ko naman din matanggap dahil sa tiwala at pagmamahal ko sa kanya.“Ash, okay ka lang ba?” Tumingin ako kay Sandro at bakas sa mukha niya ang pag-aalala. Hindi ko sure kong nakakahalata na siya na marami na akong naaalala, hindi naman din kasi siya nagtatanong. “Oo naman, bakit naman magiging hindi?” tanong ko na sinamahan ko pa ng bahagyang ngiti.Lately ay lalong naging madalas ang pagtambay niya dito sa unit ko. Ang sabi niya ay wala namang masyadong ginagawa sa office niya.“Napapansin ko lang na masyado kang tahimik. Baka kako kung ano na ang naiisip mo dahil sa unti unting pagbalik ng alaala mo.”“Bakit mo naman nasabi yan? Mahal ko ang sarili ko at kahit papaano ay may takot naman ako sa Diyos kaya h
MarcoNa-guilty ako sa anak ko dahil sa mga sinabi ko sa nanay niya. Ayaw ko kasing gamitin ng babae ang bata para lang mapasunod ako sa gusto niya. Naisip ko na kung magpapanggap akong naghihinala sa paternity ni Asher ay mag-iisip siya ng ibang paraan at hahayaan niyang maiwan sa akin ang bata.Ama ako at mahal na mahal ko ang aking anak. Kahit na hindi ang tunay kong asawa ang kanyang ina ay galing pa rin siya sa akin kaya handa akong protektahan siya sa kahit na anong pwedeng makasakit sa kanya.Si Ashley ang nanay niya, pero sigurado akong walang amor ang babaeng ‘yon sa anak namin lalo at ginamit lamang niya iyon upang hindi ako tuluyang makipaghiwalay sa kanya.Ngayon mas naging maliwanag sa akin ang lahat. Kaya niya ginawa ang bagay na ‘yon ay dahil sa alam na niya ang nangyayari sa amin ng kambal niya. Dahil hindi nga siya ang tunay kong asawa ay nagpanggap siyang walang alam. Habang ang tunay na Ashlyn ay alalang alala sa kanya at sobrang nagi-guilty dahil sa inakala niya– na
“Marco, may out of town ako pero sisikapin kong makabalik agad.” Nasa dining table kami at nag-aagahan. Tumingin sa akin ang lalaki ngunit wala namang sinabi kaya naman nilambing ko na siya.“Marco, promise sisikapin kong makabalik agad.”“Do whatever you want to do. Wala na akong pakialam the moment na pinili mo ang pagtatrabaho.”“Marco naman, pagtatalunan na naman ba natin ito? Nag-usap na tayo, hindi ba?” tanong ko.“At sinabi ko na sayo, go but we’re done.”“And what do you mean by that?” galit kong tanong. “Ito ba ang ginagamit mong dahilan para makipaghiwalay sa akin?”“Rere, pakidala muna ang bata sa kwarto niya.”“Sige po, Sir.” Agad na umalis ang yaya bitbit si Asher na titig na titig sa amin.Magsasalita na sana ako ng tuluyan ng makaalis si Rere pero naunahan na ako ni Marco.“Leave. Hindi kita pipigilan. And if you’re thinking na ginagawa ko itong dahilan para makipaghiwalay sayo, sige totoo nga.”“Marco!” sigaw ko. Wala silang komunikasyon ni Ashlyn kaya imposibleng ang k
Ashley6 months.Kailangan sa loob ng anim na buwan ay matagpuan ko na ang Ashlyn na ‘yon. Kailangan kong masiguro na hindi na siya lilitaw pa.Hindi ko alam kung ano ang nangyari at bigla na lang nagbago si Marco. Ang akala ko noon ay magtutuloy-tuloy na ang maganda naming pagsasama. Nadala na ako ng mga sinabi niya kaya hindi ko makapaniwala na bigla na lang ay para siyang naging ibang tao.Magtitiis akong hindi makalapit sa kanya ng anim na buwan pero sisiguraduhin kong susulitin ko ang mga magiging pagsasama namin pagkatapos.Sisiguraduhin ko ang kaligayahan namin kasama ang aming anak.Si Asher. Ang aming anak.Laking pasalamat ko na talagang siya ang naging ama ng bata. Noong una ay kinabahan talaga ako. Hindi ko malaman kung ano ang gagawin ko. Pero after na masiguro na anak namin ang bata talaga ay naisip kong talagang sinasang-ayunan ako ng pagkakataon.Naisip ko na talagang para sa akin si Marco.Ang langit na ang siyang gumawa ng paraan para hindi niya ako paghinalaan.Pagla
Marco“Hindi naman sa ganon, Marco. Ang gusto ko lang, sana ay malaman mo na talagang pinipilit ko naman na mag-stay dito sa bahay. Pero hinahanap ng katawan ko ang pagtatrabaho.”Tinitigan ko siyang mabuti at kita ko ang sandaling pag-aalinlangan na ituloy pa ang kanyang sasabibin ngunit sinabi niya pa rin. “Ano ang tunay mong dahilan kung bakit gusto mo pa ring magtrabaho?” tanong ko kahit na alam kong magdadahilan lang siya.Pero wala na akong pakialam dahil ngayon ay sigurado na ako na hindi siya ang asawa ko.Lagi kong tinatawag na “Sweet” ang asawa ko. Pero siya ay laging Marco lang. Nagbabago lang iyon kapag alam niyang nagtatampo ako at sinusuyo na ako. Bagay na hindi ginagawa ngayon ng kaharap ko.Pakiramdam ko ay ang laki kong tanga dahil napaikot niya ako. I was already with my real wife pero pinili ko pa rin subukan na i-workout ang relationship namin ng inakala kong si Ashlyn.Napakalaki kong inutil.Paano kong napagkamalang si Ashlyn ang kakambal niyang si Ashley? “Hind
MarcoEverytime na nasa bahay ako ay nanatili ako sa aking study room, kagaya na lang ngayon. Pagkatapos kong kamustahin si Asher at makipaglaro dito ng ilang saglit ay iniwan ko na siya sa kanyang yaya at nagbihis na muna ako bago pumunta sa aking study room para mapag-isa.Pero ngayon ay may iba na akong balak. Naka-install na ang CCTV sa palibot ng bahay ng walang kaalam alam ang aking asawa. Bawat sulok ay siniguro ko na makukuha at ayon kay Rere, matagal na naman daw nawala ang babae sa bahay kanina.Ngayon ay pagkakataon ko ng malaman kung saan siya dumadaan sa tuwing umaalis siya ng bahay. Una ko ng tiningnan ang footage sa likod, specifically simula sa pintuan ng kitchen at doon ko nakita si Ashlyn na lumabas.Sinundan ko ang tinunton niya hanggang sa kabilang camera kasunod ang nasa gilid ng bahay na malapit sa harapan. Iyon din ang part na halamanan kung saan ko inangkin si Ashley ng panahong dito pa siya nakatira.Napansin kong tumingin tingin pa siya sa paligid bago tuminga
Sa tuwing binabalik balikan ko ang mga pangyayari ay iisa ang natatandaan kong sinabi ng doktor tungkol kay Ashlyn ng magising. Okay naman daw at walang anumang damage sa kanyang ulo or utak after ng mga laboratories niya.Nagtaka rin ang doktor kung bakit wala siyang maalala kaya in-assure na lang sa akin na agad ding babalik ang lahat ng iyon sa lalong madaling madaling panahon.Samantala, kay Ashley ay talagang nagkaroon siya ng damage sa ulo. Kaya naging matagal ang pagkaka-coma niya at inaasahan na talaga ng doktor na wala siyang maalala na kahit ano kapag nagising na.Hindi ko na binigyan pa ng anumang pag-iisip pa iyon dahil ang pagkakagising ng asawa ko ang naging priority ko.Ganon na lang ang ginhawang naramdaman ko ng makita kong dilat ang kanyang mga mata. Umiyak talaga ako ng araw na ‘yon at ngayon ko lang naalala na nakangiti na siya sa akin agad ng makita ako.Niloko lang kaya niya ako? Hindi kaya siya talaga si Ashlyn at nagpanggap lang?Pero kung ganon nga, bakit siya
Marco“Hindi pa ba alam kung nasaan na si Ashley ngayon?” tanong ko kay Andy. Sa tinagal tagal ng pagpapahanap ko sa babae ay wala pa rin nakuhang kahit na anong impormasyon ang detective na kinuha niya.“Pasensya na po, Sir. Kahit ako ay hindi rin makakuha ng kahit na anong impormasyon na may kinalaman kay Ma’am Ashley. Sinubukan ko na rin tignan ang bank account niya. Lahat ng banko ay chineck ko na kung merong nag-open ng account na nasa pangalan niya para lang magkaroon kami ng idea ng kinaroroonan niya ngunit wala pa rin.”Alam kong totoo ang sinasabi niya.Pagkatapos ng mga nakaraang imbestigasyon ko tungkol sa asawa ko gawa ng kuryosidad ay kung ano-ano na ang pumapasok sa utak ko.Nalaman ko na nagpa-check-up siya sa isang OB GYNE bago ang kanilang aksidente pero wala akong matandaan na nagsabi siya sa akin.Nag-alala ako na baka buntis na pala siya ng panahon na ‘yon ngunit naisip ko na sinabi na sana ng doktor iyon kung ganon nga especially na-coma din siya.“Pero Sir, may i
AshleyGusto kong makasiguro na wala na ngang ugnayan ang dalawa at hindi ko malalaman iyon kung hindi ko gagamitin ang mga ito.Clone ito ng telepono nila at dati ko ng gamit sa tuwing gusto kong malaman ang pinag-uusapan nila. Mabuti na lang at hindi ko ito sinira ng inakala kong nagbalik loob na sa akin si Marco.Tignan natin kung ano ang itinatago niyo. Kapag nalaman ko na pinagkakaisahan niyo ako ay lintik lang ang walang ganti.Tumayo ako mula sa pagkakaluhod at inilibot ang aking paningin sa loob ng aming walk-in closet at naghanap ng pwede kong paglagyan ng mga ito na hindi mapapansin ni Marco.Madali lang naman dahil hindi naman pumipirmi dito si Marco, kagaya ng sinabi ko na, palaging nasa kanyang study room siya o kaya naman ay sa silid ni Asher. Pero hindi ako pwedeng mag kampante. Hindi ko alam ang tinatakbo ng isip niya lalo na ngayong sinigawan na niya ako.“Ahhh!!!!!!!!” sigaw ko. Sobrang galit ang nararamdaman ko dahil sa nangyari. Hindi ako makakapayag na mapunta sa w
AshleyHawak ko ang aking dibdib and looking at him in disbelief. Itinago ko ang gulat at galit ko dahil kailangan ko pa rin panindigan ang pagiging Ashlyn ko sa paningin niya.“Kailanman ay hindi mo ako sinigawan at wala akong matandaan na kahit na anong pagkakataon na nagalit ka sa akin. Anong nangyari, Marco?”“Magpasalamat ka at hawak ko ang anak ko, kung hindi ay baka kung ano pa ang nagawa ko sayo. Ngayon, kung gusto mong magtrabaho ay gawin mo. Basta hindi ka na rin pwedeng tumuntong sa pamamahay ko!”“Kung aalis ako ay dadalhin ko ang anak ko.”“Subukan mo, ilalaban ko ng custody sa anak ko. Hindi mo kayang mag-alaga kaya inuunahan na kita, umalis ka kung gusto mo at kalimutan mo ang anak ko.”Tinalikuran niya ako at lumabas sila ni Asher ng silid habang wala akong magawa kung hindi ang sundan lang sila ng tingin hanggang sa tuluyan niyang maisra ang pintuan.Naglakad ako palapit sa kama at napaupo doon. Bakit biglang nagka ganon si Marco? Tandang tanda ko, nagsimula iyon may i