Aalis na lang ay gusto pa yatang makaisa. Palike, comment and vote po ng gems. Salamat.
WARNING! MATURE CONTENT!AshleyLulong na lulong at miss na miss ko na talaga ang lalaking ito kaya naman hindi ko na rin napigilan ang aking sarili. Pasalamat na lang ako at ayon din sa kanya ay umalis ang aking kakambal. Hindi ko na matandaan ang huling beses kaming naging ganito ka-intimate. Narinig ko ang pagsara ng pintuan at ang tuluyang pagkatanggal ng robe na bumabalot sa aking katawan. Ang bango bango din ni Marco at sigurado akong kakaligo niya lang din.“I miss you so much, sweetheart.” ang ungol niya habang sige ang pagsimsim niya sa aking leeg pagkatapos ay diniladilaan pa niya. Sarap na sarap ako sa ginagawa niya kaya naman giniya ko pa siya pababa sa aking dibdib. Gustong gusto kong sinususo niya at nilalamas ang aking malulusog na hinaharap at alam kong ganun din siya.Nagkandaliyad na ako, buti na lang at salo salo ako ni Marco. Nakapulupot ang isa niyang kamay sa aking baywang para hindi ako matumba habang sige ang paglamas ng isa sa isa kong dede tapos ay nilalaro ng
Mature Content AshlynHindi ako papayag na magkita silang dalawa at mas lalong hindi ko sila bibigyan ng pagkakataon na magkasama. Paano kung bigla na lang makipaghiwalay sa akin si Marco kahit na may anak na kami. Although nakikita ko kung gaano siya ka-concern sa akin at sa pinagbubuntis ko ay hindi ko pa rin maiwasang mag-alala ng husto. Alam ko kung gaano nila kamahal ang isa’t isa at any time ay pwede akong i-dispatsa ni Marco.Kaya naman ginagawa ko ang lahat para lang mabantayan sila, sukdulang kopyahin ko ang kanilang cell phone numbers para lang malaman ko kung magtatagpo sila. Nakatanggap ng text si Marco mula sa isang nurse, kaya naman tinawagan ko siya. Kaya lang ay unattended na iyon. Sigurado akong in-off na niya iyon at pupuntahan niya ang kakambal ko na hindi ko hahayaang mangyari kaya naman tinawagan ko siya at pinauwi.Nang sabihin niya sa aking aalis na siya ng bahay at maninirahang mag-isa sa kanyang condo ay kinabahan ako. Natakot ako dahil baka hindi na rin umuwi
AshlynTuluyan ng lumipat ang kakambal ko sa condo niya at in-invite niya kami ni Marco na doon magdinner at mabilis naman itong pumayag na ikinaasar ko. Pero kailangan kong pumayag din kaya kagaya niya ay tinanggap ko ang imbitasyon ng kapatid ko.Hinanda ko ang aking sarili sa pagharap sa kanya at kailangan ko ring planuhin kung paano ko siya paseselosin ng husto. Alam kong may nangyayari na muli sa kanila ni Marco kaya naman mas lalo pa akong nanggagalaiti. “Ash, ready ka na?” ang tanong ni Marco na nagpabalik sa ulirat ko.“Ha? Oo, ready na ako. Ikaw ba?” Ang sagot kong nakangiti sa kanya. Ayaw kong ipahalatang wala akong gana dahil baka magkaroon siya ng kakaibang hinala sa akin. Hindi ako pwedeng magpakita ng kahit na anong emosyon maliban sa pagiging masaya para sa kakambal ko.Nagsimula na kaming magbiyahe at nagulat na lang ako ng tanungin niya ako. “Saan banda ang condo ni Ashley?”Gusto kong tumawa ng malakas dahil sa itsura niya na akala mo ay talagang wala siyang alam. Per
MarcoExcited akong makita ang sweetheart ko kaya naman agad kong pumayag ng imbitahin niya kami para sa dinner. Hindi ko na naisip na baka magtaka ang asawa ko dahil alam ko naman na agad din siyang papayag.Habang nasa biyahe ay ang mahal ko ang nasa isipan ko. Mula ng umalis siya sa mansyon ay ilang beses na rin kaming nagkita ng palihim. Sa tuwina ay sinasabi ko kay Ashlyn na nasa meeting ako. Kaya sa susunod ay hindi ko na pwedeng gawing dahilan iyon.Ayaw ko talagang palipatin ang mahal ko, pero gusto niya talaga kaya wala na akong magagawa. Pagka park ko ng sasakyan ay mabilis na akong umakyat sa unit niya at si Ashlyn ang sumalubong sa akin na tuwang tuwang sinabi sa akin ang tungkol sa lalaking ngayon ay katabi ni Ashley sa hapag.“Sis, matagal na ba kayong magkakilala ni Sandro?” tanong ni Ashlyn bago ito sumubo ng pagkain habang naghintay naman ako ng sagot ni Ashley.“Sabi niya, pero hindi ko naman maalala.”“Matagal na talaga, kaya nga nag alala ako ng hindi na siya umuwi
MarcoHindi kami nagkaroon ng pagkakataon na magkasarilinan ni Ashley kaya naman umuwi akong bigong malaman ang tungkol sa lalaking iyon. Habang nagbibiyahe pauwi ay panay ang salita ni Ashlyn tungkol sa dalawa.“Alam mo, Marco, parang bagay naman silang dalawa.”“Hindi ko makitang bagay sila,” tiim ang bagang na sabi ko. Humigpit pa ang pagkakahawak ko sa manibela dahil sa hindi ko alam kung anong oras uuwi ang Sandro na yon.“Ano ka ba, ang sweet nga ni Sandro eh. Sana ay magkatuluyan na sila..” kinikilig pang sabi ni Ashlyn na lalong nagpainit ng ulo ko ngunit kailangan ko ring magtimpi dahil baka makahalata siya pero hinding hindi ko hahayaan na magkagustuhan nga ang dalawa.Sa ngayon ay malinaw na kailangan ko ng ialis ang hinala ko sa Lance na yon dahil itong si Sandro ang siyang kasama ngayon ni Ashley.Pagdating sa bahay ay agad akong nagpunta sa aking study room. Bubuksan ko na ang pintuan ng bigla akong pigilan ni Ashlyn. “Hindi ka ba maglilinis muna ng katawan?” “Hindi na,
AshleyHanggang sa makatapos sila ay nanatili akong nakikinig. May pagka masokista yata ako eh, ewan ko ba. Inisip ko na lang na ako pa rin ang dahilan ng pag ungol ni Marco, tutal kami naman talaga ang nagsimula.Sa totoo lang ay nakakaramdam din ako ng pagod sa tuwing nasasaktan ako. Doon pumapasok sa isipan ko yung salitang “let go”. Bakit ba hindi ko na lang na pakawalan si Marco at maging masaya sa piling ng iba? Deserve ko naman siguro iyon. Hindi ko tuloy maiwasang maisip na baka hindi ko mahal ang sarili ko kaya hinahayaan kong masaktan ako ng ganito. Pero ano ba ang magagawa ko kung si Marco talaga ang hinahanap hanap ng puso ko?Ano ngayon ang gagawin ko, patuloy na lang ba akong makikiamot ng panandaliang kaligayahan?Dahil sa kakaisip at kalituhan ay hindi ako lumabas ng aking condo ng ilang araw at itinuon ko ang aking atensyon sa pagsusulat. Nakarami pa nga ako, ngunit pawang mga mapanakit na scene ang nagawa ko. Sinabayan ko ang kapighatiang nararanasan ng aking bida pa
Umiling iling ulit ako at tsaka ibinalik ang aking tingin sa aking laptop para ipagpatuloy ang pagsusulat. Hindi ako pwedeng tumingin sa iba para lang sa ikagagaan ng kalooban ko.Hindi ko na namalayan ang oras at masyado na akong na-hook sa sinusulat ko kaya nagulat na lang ako ng may kamay na humawak sa balikat ko na kay Sandro lang naman din. Nilingon ko siya at napansin kong tulog pa naman din siya. Yun nga lang ay nakatagilid na ito.Muling gumalaw ang kamay niya na nasa balikat ko kaya naman kinuha ko iyon at balak ko sanang ayusin. Ngunit hinawakan niya ako at dinala ang aking kamay sa kanyang dibdib kaya naman kinailangan kong tumayo at maupo sa sofa bago ko dahan dahang binawi ang aking kamay.Ngunit kahit na anong gawin ko ay hindi ko magawang makakawala sa pagkakahawak niya kaya naman hinayaan ko na lang siya at baka magising. Umayos ako ng upo pa para hindi naman ako mangalay at bahagyang sumandal sa kanya. Hindi naman na siguro niya ito mamasamain dahil siya naman ang nang
AshleyNaramdaman ko ang pagdampi ng mga labi ni Sandro, magaan at mapanuyo. Nakakadala at nakaka-enganyo na tugunin. Naipikit ko ang aking mga mata at sinubukang namnamin iyon, baka sakali, kagaya ng sinabi niya ay may mabago sa damdamin ko.Naiawang ko ang aking bibig at doon nagsimulang lumalalim ang kanyang paghalik na sa totoo lang ay nakakadala. Gustong gusto ko ng tumugon ngunit mas pinili ko ang pigilan siya. Kita ko ang pagdaan ng lungkot sa kanyang mukha at hindi ko alam kung bakit ba nagpaliwanag pa ako.“I like it. I like the kiss and I want to respond. Pero hindi ko gusto ang manggamit ng tao.”“Ashley,” sabi niya ngunit pinigilan ko siyang magsalita. Marahan kong hinawakan ang kanyang ibang labi.“Ang sabi mo we had this friends with benefits relationship before and hindi ko mapaniwalaan ang sarili ko that I could really do that. Siguro nga ay totoo yon dahil aaminin kong natatangay ako ng mga halik mo ngayon lang. But, hindi iyon sapat na dahilan para idamay pa kita sa k
Author's Note: Reminder ko po, original names na po nila ang gamit sa POV dahil nagbalik na ang alaala ng tunay na Ashlyn na dating si Ashley.AshleyNakuhanan na ako ng dugo at lumabas na rin ang result. Hinihintay na lang namin ang doktora na tumingin sa akin. “Magiging okay lang ho kaya siya, dok?” tanong ni Marco habang hawak hawak ang aking kamay.“Kung gusto niyong makasiguro since malapit na rin ang due ni Mommy ay pwede niyo naman na po siyang ipa-admit. Kung dito po siya nagpapacheck at nandito ang doktor niya ay pwede po namin siyang i-inform about it,” sabi ng doktor.Tumingin ang doktora sa akin kaya naman bahagya akong ngumiwi para naman hindi niya mahalatang umaarte lang ako.“Siguro po ay mas maigi ng ma-admit siya para masiguro ang kaligtasan nila ni baby lalo at madalas sumakit ang tiyan ni mommy.”“Do what you think is necessary, doc.” Halatang halata ang concern sa tinig ni Marco kaya naman puspos ako ng kaligayahan ng mga oras na ‘yon. “Okay po,” tugon ng doktor b
Ashley“Uminom ka ba ng gamot mo? I’m sure binigyan ka ng doktor mo,” nag-aalala kong tanong pero hindi dahil sa kalagayan niya kung hindi dahil baka natuklasan na niyang peke ang gamot na pinapainom ko sa kanya.“Oo, binigyan ako ng doktor ko ng gamot. Sinasabay ko sa gamot natin at si Sandro ang madalas na mag-remind sa akin.” Nakahinga ako ng maluwag matapos niyang sumagot. Napangiti ako sa kanya at nilapitan pa siya lalo at nakita ko si Marco na tumayo mula sa kanyang kinauupuan.Hawak pa rin niya ang kanyang ulo at tila nasasaktan talaga siya dahil na rin sa luhang tumutulo na mula sa kanyang mga mata. Alam kong nag-aalala na si Marco kaya kailangan kong magdahilan.“Ah!” sabi ko. Mas ginalingan ko pa ang pag-arte sabay hawak sa aking tiyan. Nakita ko ng yapusin ni Sandro ang kambal ko habang mabilis na lumapit naman sa akin si Marco.“May masakit ba?” nag-aalala niyang tanong.“Masakit ang tiyan ko, manganganak na yata ako..” sabi ko kahit na alam kong hindi pa naman. Hindi na ma
“Wala naman, anong sabi ng doktor?” tanong ng kakambal ko na tila kabado.“Migraine lang, kaya wala kang dapat na alalahanin.” Nakita ko kung paano lumuwag ang kanyang paghinga ng sabihin ko iyon. “Isa pa, lagi naman akong sinasamahan ni Sandro kaya wala ka talagang dapat na ipag-alala.”“Ayan Marco, makakahinga na ako ng maluwag dahil alam kong may tumitingin na sa kakambal ko.” Sabi ni Ashlyn sabay tingin kay Marco na nakatingin naman sa akin.“Wala kang trabaho?” tanong ni Marco sa ngayon ay katabi ko na ring si Sandro.“Meron, pero hawak ko ang oras ko. I’m a lawyer.”“Lawyer ka?” bulalas na tanong ni Ashlyn. So, hindi niya alam ang profession talaga ni Sandro kagaya ng sinabi sa akin ng lalaki.“Oo.” Simpleng tugon ni Sandro.“Wait lang at kukuha ako ng mamimiryenda natin.” Tumayo ang kakambal ko at nagsimula ng lumakad papunta sa kitchen.“Ah, saan ang restroom niyo?” tanong naman ni Sandro. Itinuro ni Marco kung saan at umalis na rin ang lalaki kaya naiwan na kaming dalawa ng la
AshleyIlang linggo pa ang lumipas at nagiging panay panay na rin ang pagdaloy ng mga alaala kong ayaw kong tanggapin. Dahil sa mga nalaman ko at sa mga alaalang patuloy na nagpa-flash sa aking isipan ay unti-unti kong nare-realize ang katotohanang napakasakit para sa akin.“Okay ka lang ba, Ash?” tanong ni Sandro. Napatingin ako sa kanya, naisip ko na ang kakambal ko talaga ang siyang Ash na tinutukoy niya na nagkaroon siya ng friends with benefits status. Gusto kong sabihin sa kanya iyon ngunit pinigilan ko ang aking sarili. Baka naman hindi pa talaga nakakaalala ang kakambal ko, kagaya ng sinabi ni Dr. Encinares ay suppressant ang laman ng botelya ng gamot na pareho naming tine-take. Paano kung biktima rin lang pala siya non.“Oo naman, bakit mo naitanong?”“Para kasing ang lalim ng iniisip mo eh.”“May mga plot kasi na pumapasok sa isipan ko at alam mo na, bilang writer, nagsisimula na akong isulat din iyon sa isip ko.” Natawa siya dahil sa sinabi ko na ikinatawa ko na rin. “Puro
AshleyNang umalis si Marco ay hindi na rin ako natahimik. Habang sige ang pagtawag niya sa akin ng Sweetheart ay paulit ulit na nagpa-flash sa isipan ko ang kanyang nakangiting mukha at tumatawag ng “sweet”.Hindi ko na alam ang iisipin ko dahil litong lito na rin ako. Bakit ko nakikita ang mga bagay na ‘yon? Hindi na ako lumabas ng aking silid hanggang sa gumabi at nagpatuloy lang sa pag-iyak. Nakatulugan ko na rin ang hapunan at maagang maaga nagising ng kasunod na araw. Tumingin ako sa salamin at nakita kong medyo maga ang aking mga mata dala ng pag-iyak. Tinapik ko ang aking magkabilang pisngi bago bumuga ng hangin at tsaka ako lumabas ng aking silid para magsimula ng aking araw.Lumipas pa ang mga araw na ni hindi na rin nag text or tumawag si Marco. Nalungkot ako at patuloy na nasaktan ngunit pinilit kong kayanin. Salamat sa presensya ni Sandro na patuloy na nagpapatawa at nagpapagaan ng aking kalooban. Nagpatuloy ako sa pagsusulat at sa paglipas din ng mga araw ay may mga pag
Ashlyn“Buwisit!!!” sigaw ko sabay bato ng aking cellphone.“Bwisit ka Marco!!” tili ko pa. Nasa aming silid ako at dahil late na ay gusto kong i-check kung nasaan siya at baka kasama na naman niya ang kambal ko. Pero ano ito? Sinigawan niya ako!Unang beses iyon na ginawa ni Marco na may kasamang bad words. Bakit? Bakit niya ginawa iyon? Anong nangyari at mukhang mainit ang kanyang ulo? Nanggaling ba siya sa kakambal ko? Nagkausap ba sila? Nagselos na naman ba siya kay Sandro at sa akin niya ibinunton ang kanyang galit? Peste talaga ang kakambal ko na ‘yon. Kahit kailan ay tinik siya sa kaligayahan ko.Mamatay ka na, mamatay ka na Ashlyn! Kahit na pinagpalit ko na ang ating kalagayan ay ikaw pa rin, ikaw pa rin ang pinipili ni Marco! Lahat na ginawa ko para tuluyan ng maging akin ang asawa mo, pero talagang hindi mo ako pinatatahimik! Oo, ako ang tunay na Ashley at ang kakambal ko ang tunay na Ashlyn na siyang tunay na asawa ni Marco.Kinalma ko ang aking sarili bago ko kinuha ang aki
MarcoPagka-uwi namin ni Ashlyn galing sa hospital ay hinayaan ko na siyang magpahinga. Si Ashley ang gusto kong dalhin sa doktor para ma-check-up dahil sa sakit niya ngunit hindi iyon ang nangyari.Sobra ang naging pag-aalala ko ng malaman kong nilagnat siya. Halos magdamag ay magkasama kami at halos magpakasawa din ako sa pag-angkin sa kanya. Pero sa isang text lang ni Ashlyn ay nagawa ko siyang iwanan. I feel guilty, dahil alam kong nasasaktan din siya.Tapos merong Sandro na nagbibigay sa kanya ng atensyon na dapat ay sa akin nanggaling. May palagay akong alam ng lalaking iyon ang nangyayari sa amin ni Ashley at sigurado din akong sinusulsulan na niya ang mahal ko para makipaghiwalay sa akin.Ilang araw na kaming hindi nagkikita at dahil sa guilty ako ay hindi ko rin magawang tawagan siya. Ang gusto ko ay makausap siya ng personal kaya naman agad akong pumunta sa condo niya ng makakuha ako ng pagkakataon.Ngunit hindi ko inaasahan na maririnig ko ang mga salitang iyon sa bibig niya
Ashley“Buntis?” takang tanong niya.“Do you know her?” tanong ko. Kasi parang kilalang kilala niya ang kakambal ko. “She’s married so natural lang naman na mabuntis siya, right?” dagdag ko pa.“I see, I just couldn’t believe it. Maybe prayer did help her.”“What do you mean?” Na-curious na ako sa mga sinasabi niya at gusto ko pa siyang kausapin.“Anyway, may pasyente pa akong kailangan na puntahan.” Iyon lang at tinalikuran na niya ako. Gusto ko siyang habulin at kausapin pa, bigla kasing parang kinabahan ako na ewan. Pakiramdam ko ay may malalaman akong importante kung magkakausap pa kami. Ngunit wala akong nagawa kung hindi ang sundan lang siya ng tingin.Ako naman ay nagpatuloy na lang din sa paglalakad papunta sa Neurology Department. Mas importante na unahin ko ang sarili kong kalagayan sa ngayon kaysa ang iba.“Ms. Ruiz,” tawag ng nurse kaya naman lumapit ako sa kanya at iginiya ako papasok sa isang silid. Umabot ako sa palistahan at may cut off pala ng lunch time. Meron namang
AshleyHindi ko na ipinaalam pa kay Ashlyn ang desisyon kong magpa-check up dahil malayo naman na kami sa isa’t-isa. Alam ko naman rin na ang pag galing ko ang tangi rin niyang hiling kaya wala akong nakikitang masama kahit na hindi ko pa iyon ipaalam sa kanya.Matagal ko na rin sinabi sa kanya na hindi ako naniniwala na umeepekto sa akin ang niresetang gamot ng aming doktor ngunit kagaya nga ng sinabi niya ay nakakaranas na siya ng mangilan ngilang pagbalik ng kanyang alaala.Nang kasunod na araw ay maaga akong gumising upang ipaghanda ang sarili ko ng breakfast at idinamay ko na syempre si Sandro just in case na magpunta siya. Ayaw ko naman na siya na lang lagi ang paglutuin ko at nakakahiya naman.Hindi nga ako nagkamali dahil mga bandang 8 am ay dumating ang lalaki. “Wow, nakaluto na ah!”Ngumiti ako sa kanya at itinuro ang upuang katapat ng sa akin para sabay na kaming mag-almusal. Bihis na bihis ito at mukhang may pupuntahang importante.“May meeting ka?” tanong ko.“Sort of. Nag