Mas maigi pa sigurong subukan mong magmahal ng iba at baka sakaling matagpuan mo ang taong kaya kang ipakilala at ipagmalaki.
Umiling iling ulit ako at tsaka ibinalik ang aking tingin sa aking laptop para ipagpatuloy ang pagsusulat. Hindi ako pwedeng tumingin sa iba para lang sa ikagagaan ng kalooban ko.Hindi ko na namalayan ang oras at masyado na akong na-hook sa sinusulat ko kaya nagulat na lang ako ng may kamay na humawak sa balikat ko na kay Sandro lang naman din. Nilingon ko siya at napansin kong tulog pa naman din siya. Yun nga lang ay nakatagilid na ito.Muling gumalaw ang kamay niya na nasa balikat ko kaya naman kinuha ko iyon at balak ko sanang ayusin. Ngunit hinawakan niya ako at dinala ang aking kamay sa kanyang dibdib kaya naman kinailangan kong tumayo at maupo sa sofa bago ko dahan dahang binawi ang aking kamay.Ngunit kahit na anong gawin ko ay hindi ko magawang makakawala sa pagkakahawak niya kaya naman hinayaan ko na lang siya at baka magising. Umayos ako ng upo pa para hindi naman ako mangalay at bahagyang sumandal sa kanya. Hindi naman na siguro niya ito mamasamain dahil siya naman ang nang
AshleyNaramdaman ko ang pagdampi ng mga labi ni Sandro, magaan at mapanuyo. Nakakadala at nakaka-enganyo na tugunin. Naipikit ko ang aking mga mata at sinubukang namnamin iyon, baka sakali, kagaya ng sinabi niya ay may mabago sa damdamin ko.Naiawang ko ang aking bibig at doon nagsimulang lumalalim ang kanyang paghalik na sa totoo lang ay nakakadala. Gustong gusto ko ng tumugon ngunit mas pinili ko ang pigilan siya. Kita ko ang pagdaan ng lungkot sa kanyang mukha at hindi ko alam kung bakit ba nagpaliwanag pa ako.“I like it. I like the kiss and I want to respond. Pero hindi ko gusto ang manggamit ng tao.”“Ashley,” sabi niya ngunit pinigilan ko siyang magsalita. Marahan kong hinawakan ang kanyang ibang labi.“Ang sabi mo we had this friends with benefits relationship before and hindi ko mapaniwalaan ang sarili ko that I could really do that. Siguro nga ay totoo yon dahil aaminin kong natatangay ako ng mga halik mo ngayon lang. But, hindi iyon sapat na dahilan para idamay pa kita sa k
Hinayaan lang ako ni Sandro na kumalma at hinayaan ko naman din siya na pakalmahin ako. Magaan sa pakiramdam ko na alam kong may isang taong nakakaunawa sa akin at sa kalagayan ko. Kahit na alam kong gusto niyang magkahiwalay kami ni Marco ay hindi pa rin niya ipinapamukha sa akin na ako’y isang kabit.Tinapos namin ang pagkain at siya na rin ang nag hugas ng kinainan namin. Ako naman ay pinabalik niya na sa sala. Habang nakatalikod siya ay tinignan ko siyang mabuti, bakit nga hindi ko subukan? Baka sakali, tuluyan ko ng makalimutan si Marco at maitama ko na ang lahat ng pagkakamali ko.Sumandal ako sa sofa at tumingin sa kisame bago ko ipinikit ang aking mga mata. Nakakapagod na rin ang umiyak ng dahil sa isang taong mahal ako pero hindi naman ako kayang ipaglaban at laging second option lang.Maya maya lang ay naramdaman ko na ang paglubog sa tabi ng kinauupuan ko, ibig sabihin ay tapos na si Sandro sa ginagawa niya at ngayon ay katabi ko na.Idinilat ko ang aking mga mata at tinigna
AshleyHindi na ako nakatulog nang makaalis si Marco. Paano ko bang magagawa iyon gayung napakasakit sa pakiramdam? Ganito na lang ba kami lagi? Paano kapag nagka-anak na sila? Paano kung nabuntis ako? Ganito pa rin ba? Dalawa na kami ng anak ko na makikiamot sa oras niya dahil hindi naman kami ang legal na pamilya niya?Hindi ko alam kung ano ang ginagawa ng ibang kabit na kagaya ko sa ganitong mga pagkakataon. At ang mga tumatagal, sobrang bilib ako sa lakas at tapang ng sikmura at kalooban nilang lunukin ang lahat ng sakit na ito.Alam kong kabit at alam kong kasalanan. Ang akala ng marami ay basta ganun lang, hindi nila naiisip ang sakit na araw-araw naming nararamdaman. Yes, we deserve to get hurt dahil pamilya ang sinisira namin and hindi ko rin masisisi ang mga tao na paghuhusga. Alam ko rin na napakalaki ng kasalanan ko sa Panginoon, pero kagaya rin ng mga tunay na asawa, gusto ko rin maging masaya at ayaw ko rin masaktan si Ashlyn.Mabuti na lang at wala akong regular na traba
Ashlyn“Marco!” bulalas ko. “Alam kong nag-aalala ka para sa kambal ko, pero malaki na sila. Alam na nila ang ginagawa nila.” Kailangan kong panindigan ang pagiging tanga sa harapan nila kahit na nanggigil na ako at gusto ko ng salaksakin ng kutsarang hawak ni Sandro ang bunganga ni Ashley sa galit.Hindi na talaga napigilan ng lintik na Marco na ito ang kanyang selos! Bakas ang sakit sa mukha ni Ashley. Okay na dapat iyon, buti nga sa kanya. Pero alam kong nasabi iyon ni Marco dahil sa selos. At alam ko rin na siya ang kakantutan ng kambal ko magdamag.“Kung gawin man namin iyon ng magdamag ay wala namang problema, binata ako at dalaga siya. Kung mabuntis ko man din siya ay kaya ko ring panagutan,” singit ni Sandro. Napaka seryoso ng kanyang mukha na akala mo nga ay may nangyari sa kanila ni Ashley.Muli namang tumingin si Marco kay Ashley na walang reaksyon. “Oo nga naman, parehong single kaya walang masama. As long as nagmamahalan sila ay wala na tayong dapat ipag-alala sa kambal ko
SandroPinuntahan ko ng maaga si Ashley para sana sabay na kami mag-almusal. Nakailang doorbell na ko ngunit hindi niya ako pinag bubuksan ng pintuan. Kahit na balabagin ko pa ay wala talaga. Sinubukan kong tawagan ang kanyang cellphone ngunit hindi rin niya sinasagot kaya naman sobrang nag-alala na ako.Wala na akong naisip na maayos kaya naman sinira ko na ang pintuan at ganun na lang ang takot ko ng makita ko siyang nakahiga sa sofa at walang saplot. Ang akala ko ay kung ano na ang nangyari ngunit ng mapansin kong walang kahit na anong bakas ng panlalaban or anything that indicates na may nangyaring hindi maganda ay naisip kong nanggaling si Marco dito.Nilapitan ko siya ngunit napaso ako dahil sa sobrang init niya. Mabilis ko siyang binuhat at dinala sa kanyang silid. Kumuha ako ng malamig na tubig at naghanap ng maliit na towel para mapunasan ko siya.Nawala ang lahat ng inis ko sa kaalamang may nangyari na naman sa kanila ng bayaw niya dahil sobrang nag-aalala na ako sa kalagayan
Ashley“Anong ginawa mo?” tanong ko kay Sandro. Isang linggo na mahigit ang nakalipas ng manggaling dito sila Marco at Ashlyn at simula noon ay araw-araw na rin siyang nag pupunta dito. As in walang palya.“Hindi kita pwedeng pabayaan, mahirap ng maiwan ka saglit at nagkakasakit ka,” sabi niya. Sasagot na sana ako ngunit bigla akong natigilan dahil bigla akong may naalala.‘Sweet, hindi talaga kita pwedeng iwan kahit saglit ano?’ sabi ni Marco na nakangiti. Pero sino ang kausap niya? Ako ba? Naipilig ko ang aking ulo dahil bigla na lang akong hinawakan ni Sandro sa balikat at bahagya inuga.“Are you okay?” nag-aalala niyang tanong. Napatingin ako sa kanya at parang gusto kong banggitin ang saglit na alaalang iyon ngunit nag-aalala din akong baka iba ang isipin niya.“Yes, I'm okay. Ikaw pa nga ang iniisip ko dahil baka nakakaabala na ako sayo.”“Ano ka ba, wala lang yon. Tsaka kapag kailangan naman ako sa office ay agad akong nagpupunta doon.” Nginitian ko siya at hinayaan na lang sa g
AshleyHindi ko na ipinaalam pa kay Ashlyn ang desisyon kong magpa-check up dahil malayo naman na kami sa isa’t-isa. Alam ko naman rin na ang pag galing ko ang tangi rin niyang hiling kaya wala akong nakikitang masama kahit na hindi ko pa iyon ipaalam sa kanya.Matagal ko na rin sinabi sa kanya na hindi ako naniniwala na umeepekto sa akin ang niresetang gamot ng aming doktor ngunit kagaya nga ng sinabi niya ay nakakaranas na siya ng mangilan ngilang pagbalik ng kanyang alaala.Nang kasunod na araw ay maaga akong gumising upang ipaghanda ang sarili ko ng breakfast at idinamay ko na syempre si Sandro just in case na magpunta siya. Ayaw ko naman na siya na lang lagi ang paglutuin ko at nakakahiya naman.Hindi nga ako nagkamali dahil mga bandang 8 am ay dumating ang lalaki. “Wow, nakaluto na ah!”Ngumiti ako sa kanya at itinuro ang upuang katapat ng sa akin para sabay na kaming mag-almusal. Bihis na bihis ito at mukhang may pupuntahang importante.“May meeting ka?” tanong ko.“Sort of. Nag
Ashley“Uminom ka ba ng gamot mo? I’m sure binigyan ka ng doktor mo,” nag-aalala kong tanong pero hindi dahil sa kalagayan niya kung hindi dahil baka natuklasan na niyang peke ang gamot na pinapainom ko sa kanya.“Oo, binigyan ako ng doktor ko ng gamot. Sinasabay ko sa gamot natin at si Sandro ang madalas na mag-remind sa akin.” Nakahinga ako ng maluwag matapos niyang sumagot. Napangiti ako sa kanya at nilapitan pa siya lalo at nakita ko si Marco na tumayo mula sa kanyang kinauupuan.Hawak pa rin niya ang kanyang ulo at tila nasasaktan talaga siya dahil na rin sa luhang tumutulo na mula sa kanyang mga mata. Alam kong nag-aalala na si Marco kaya kailangan kong magdahilan.“Ah!” sabi ko. Mas ginalingan ko pa ang pag-arte sabay hawak sa aking tiyan. Nakita ko ng yapusin ni Sandro ang kambal ko habang mabilis na lumapit naman sa akin si Marco.“May masakit ba?” nag-aalala niyang tanong.“Masakit ang tiyan ko, manganganak na yata ako..” sabi ko kahit na alam kong hindi pa naman. Hindi na ma
“Wala naman, anong sabi ng doktor?” tanong ng kakambal ko na tila kabado.“Migraine lang, kaya wala kang dapat na alalahanin.” Nakita ko kung paano lumuwag ang kanyang paghinga ng sabihin ko iyon. “Isa pa, lagi naman akong sinasamahan ni Sandro kaya wala ka talagang dapat na ipag-alala.”“Ayan Marco, makakahinga na ako ng maluwag dahil alam kong may tumitingin na sa kakambal ko.” Sabi ni Ashlyn sabay tingin kay Marco na nakatingin naman sa akin.“Wala kang trabaho?” tanong ni Marco sa ngayon ay katabi ko na ring si Sandro.“Meron, pero hawak ko ang oras ko. I’m a lawyer.”“Lawyer ka?” bulalas na tanong ni Ashlyn. So, hindi niya alam ang profession talaga ni Sandro kagaya ng sinabi sa akin ng lalaki.“Oo.” Simpleng tugon ni Sandro.“Wait lang at kukuha ako ng mamimiryenda natin.” Tumayo ang kakambal ko at nagsimula ng lumakad papunta sa kitchen.“Ah, saan ang restroom niyo?” tanong naman ni Sandro. Itinuro ni Marco kung saan at umalis na rin ang lalaki kaya naiwan na kaming dalawa ng la
AshleyIlang linggo pa ang lumipas at nagiging panay panay na rin ang pagdaloy ng mga alaala kong ayaw kong tanggapin. Dahil sa mga nalaman ko at sa mga alaalang patuloy na nagpa-flash sa aking isipan ay unti-unti kong nare-realize ang katotohanang napakasakit para sa akin.“Okay ka lang ba, Ash?” tanong ni Sandro. Napatingin ako sa kanya, naisip ko na ang kakambal ko talaga ang siyang Ash na tinutukoy niya na nagkaroon siya ng friends with benefits status. Gusto kong sabihin sa kanya iyon ngunit pinigilan ko ang aking sarili. Baka naman hindi pa talaga nakakaalala ang kakambal ko, kagaya ng sinabi ni Dr. Encinares ay suppressant ang laman ng botelya ng gamot na pareho naming tine-take. Paano kung biktima rin lang pala siya non.“Oo naman, bakit mo naitanong?”“Para kasing ang lalim ng iniisip mo eh.”“May mga plot kasi na pumapasok sa isipan ko at alam mo na, bilang writer, nagsisimula na akong isulat din iyon sa isip ko.” Natawa siya dahil sa sinabi ko na ikinatawa ko na rin. “Puro
AshleyNang umalis si Marco ay hindi na rin ako natahimik. Habang sige ang pagtawag niya sa akin ng Sweetheart ay paulit ulit na nagpa-flash sa isipan ko ang kanyang nakangiting mukha at tumatawag ng “sweet”.Hindi ko na alam ang iisipin ko dahil litong lito na rin ako. Bakit ko nakikita ang mga bagay na ‘yon? Hindi na ako lumabas ng aking silid hanggang sa gumabi at nagpatuloy lang sa pag-iyak. Nakatulugan ko na rin ang hapunan at maagang maaga nagising ng kasunod na araw. Tumingin ako sa salamin at nakita kong medyo maga ang aking mga mata dala ng pag-iyak. Tinapik ko ang aking magkabilang pisngi bago bumuga ng hangin at tsaka ako lumabas ng aking silid para magsimula ng aking araw.Lumipas pa ang mga araw na ni hindi na rin nag text or tumawag si Marco. Nalungkot ako at patuloy na nasaktan ngunit pinilit kong kayanin. Salamat sa presensya ni Sandro na patuloy na nagpapatawa at nagpapagaan ng aking kalooban. Nagpatuloy ako sa pagsusulat at sa paglipas din ng mga araw ay may mga pag
Ashlyn“Buwisit!!!” sigaw ko sabay bato ng aking cellphone.“Bwisit ka Marco!!” tili ko pa. Nasa aming silid ako at dahil late na ay gusto kong i-check kung nasaan siya at baka kasama na naman niya ang kambal ko. Pero ano ito? Sinigawan niya ako!Unang beses iyon na ginawa ni Marco na may kasamang bad words. Bakit? Bakit niya ginawa iyon? Anong nangyari at mukhang mainit ang kanyang ulo? Nanggaling ba siya sa kakambal ko? Nagkausap ba sila? Nagselos na naman ba siya kay Sandro at sa akin niya ibinunton ang kanyang galit? Peste talaga ang kakambal ko na ‘yon. Kahit kailan ay tinik siya sa kaligayahan ko.Mamatay ka na, mamatay ka na Ashlyn! Kahit na pinagpalit ko na ang ating kalagayan ay ikaw pa rin, ikaw pa rin ang pinipili ni Marco! Lahat na ginawa ko para tuluyan ng maging akin ang asawa mo, pero talagang hindi mo ako pinatatahimik! Oo, ako ang tunay na Ashley at ang kakambal ko ang tunay na Ashlyn na siyang tunay na asawa ni Marco.Kinalma ko ang aking sarili bago ko kinuha ang aki
MarcoPagka-uwi namin ni Ashlyn galing sa hospital ay hinayaan ko na siyang magpahinga. Si Ashley ang gusto kong dalhin sa doktor para ma-check-up dahil sa sakit niya ngunit hindi iyon ang nangyari.Sobra ang naging pag-aalala ko ng malaman kong nilagnat siya. Halos magdamag ay magkasama kami at halos magpakasawa din ako sa pag-angkin sa kanya. Pero sa isang text lang ni Ashlyn ay nagawa ko siyang iwanan. I feel guilty, dahil alam kong nasasaktan din siya.Tapos merong Sandro na nagbibigay sa kanya ng atensyon na dapat ay sa akin nanggaling. May palagay akong alam ng lalaking iyon ang nangyayari sa amin ni Ashley at sigurado din akong sinusulsulan na niya ang mahal ko para makipaghiwalay sa akin.Ilang araw na kaming hindi nagkikita at dahil sa guilty ako ay hindi ko rin magawang tawagan siya. Ang gusto ko ay makausap siya ng personal kaya naman agad akong pumunta sa condo niya ng makakuha ako ng pagkakataon.Ngunit hindi ko inaasahan na maririnig ko ang mga salitang iyon sa bibig niya
Ashley“Buntis?” takang tanong niya.“Do you know her?” tanong ko. Kasi parang kilalang kilala niya ang kakambal ko. “She’s married so natural lang naman na mabuntis siya, right?” dagdag ko pa.“I see, I just couldn’t believe it. Maybe prayer did help her.”“What do you mean?” Na-curious na ako sa mga sinasabi niya at gusto ko pa siyang kausapin.“Anyway, may pasyente pa akong kailangan na puntahan.” Iyon lang at tinalikuran na niya ako. Gusto ko siyang habulin at kausapin pa, bigla kasing parang kinabahan ako na ewan. Pakiramdam ko ay may malalaman akong importante kung magkakausap pa kami. Ngunit wala akong nagawa kung hindi ang sundan lang siya ng tingin.Ako naman ay nagpatuloy na lang din sa paglalakad papunta sa Neurology Department. Mas importante na unahin ko ang sarili kong kalagayan sa ngayon kaysa ang iba.“Ms. Ruiz,” tawag ng nurse kaya naman lumapit ako sa kanya at iginiya ako papasok sa isang silid. Umabot ako sa palistahan at may cut off pala ng lunch time. Meron namang
AshleyHindi ko na ipinaalam pa kay Ashlyn ang desisyon kong magpa-check up dahil malayo naman na kami sa isa’t-isa. Alam ko naman rin na ang pag galing ko ang tangi rin niyang hiling kaya wala akong nakikitang masama kahit na hindi ko pa iyon ipaalam sa kanya.Matagal ko na rin sinabi sa kanya na hindi ako naniniwala na umeepekto sa akin ang niresetang gamot ng aming doktor ngunit kagaya nga ng sinabi niya ay nakakaranas na siya ng mangilan ngilang pagbalik ng kanyang alaala.Nang kasunod na araw ay maaga akong gumising upang ipaghanda ang sarili ko ng breakfast at idinamay ko na syempre si Sandro just in case na magpunta siya. Ayaw ko naman na siya na lang lagi ang paglutuin ko at nakakahiya naman.Hindi nga ako nagkamali dahil mga bandang 8 am ay dumating ang lalaki. “Wow, nakaluto na ah!”Ngumiti ako sa kanya at itinuro ang upuang katapat ng sa akin para sabay na kaming mag-almusal. Bihis na bihis ito at mukhang may pupuntahang importante.“May meeting ka?” tanong ko.“Sort of. Nag
Ashley“Anong ginawa mo?” tanong ko kay Sandro. Isang linggo na mahigit ang nakalipas ng manggaling dito sila Marco at Ashlyn at simula noon ay araw-araw na rin siyang nag pupunta dito. As in walang palya.“Hindi kita pwedeng pabayaan, mahirap ng maiwan ka saglit at nagkakasakit ka,” sabi niya. Sasagot na sana ako ngunit bigla akong natigilan dahil bigla akong may naalala.‘Sweet, hindi talaga kita pwedeng iwan kahit saglit ano?’ sabi ni Marco na nakangiti. Pero sino ang kausap niya? Ako ba? Naipilig ko ang aking ulo dahil bigla na lang akong hinawakan ni Sandro sa balikat at bahagya inuga.“Are you okay?” nag-aalala niyang tanong. Napatingin ako sa kanya at parang gusto kong banggitin ang saglit na alaalang iyon ngunit nag-aalala din akong baka iba ang isipin niya.“Yes, I'm okay. Ikaw pa nga ang iniisip ko dahil baka nakakaabala na ako sayo.”“Ano ka ba, wala lang yon. Tsaka kapag kailangan naman ako sa office ay agad akong nagpupunta doon.” Nginitian ko siya at hinayaan na lang sa g