Grabe ang selos na yan ni Marco sigurado. See you po sa next chapter.
Ashlyn“Marco!” bulalas ko. “Alam kong nag-aalala ka para sa kambal ko, pero malaki na sila. Alam na nila ang ginagawa nila.” Kailangan kong panindigan ang pagiging tanga sa harapan nila kahit na nanggigil na ako at gusto ko ng salaksakin ng kutsarang hawak ni Sandro ang bunganga ni Ashley sa galit.Hindi na talaga napigilan ng lintik na Marco na ito ang kanyang selos! Bakas ang sakit sa mukha ni Ashley. Okay na dapat iyon, buti nga sa kanya. Pero alam kong nasabi iyon ni Marco dahil sa selos. At alam ko rin na siya ang kakantutan ng kambal ko magdamag.“Kung gawin man namin iyon ng magdamag ay wala namang problema, binata ako at dalaga siya. Kung mabuntis ko man din siya ay kaya ko ring panagutan,” singit ni Sandro. Napaka seryoso ng kanyang mukha na akala mo nga ay may nangyari sa kanila ni Ashley.Muli namang tumingin si Marco kay Ashley na walang reaksyon. “Oo nga naman, parehong single kaya walang masama. As long as nagmamahalan sila ay wala na tayong dapat ipag-alala sa kambal ko
SandroPinuntahan ko ng maaga si Ashley para sana sabay na kami mag-almusal. Nakailang doorbell na ko ngunit hindi niya ako pinag bubuksan ng pintuan. Kahit na balabagin ko pa ay wala talaga. Sinubukan kong tawagan ang kanyang cellphone ngunit hindi rin niya sinasagot kaya naman sobrang nag-alala na ako.Wala na akong naisip na maayos kaya naman sinira ko na ang pintuan at ganun na lang ang takot ko ng makita ko siyang nakahiga sa sofa at walang saplot. Ang akala ko ay kung ano na ang nangyari ngunit ng mapansin kong walang kahit na anong bakas ng panlalaban or anything that indicates na may nangyaring hindi maganda ay naisip kong nanggaling si Marco dito.Nilapitan ko siya ngunit napaso ako dahil sa sobrang init niya. Mabilis ko siyang binuhat at dinala sa kanyang silid. Kumuha ako ng malamig na tubig at naghanap ng maliit na towel para mapunasan ko siya.Nawala ang lahat ng inis ko sa kaalamang may nangyari na naman sa kanila ng bayaw niya dahil sobrang nag-aalala na ako sa kalagayan
Ashley“Anong ginawa mo?” tanong ko kay Sandro. Isang linggo na mahigit ang nakalipas ng manggaling dito sila Marco at Ashlyn at simula noon ay araw-araw na rin siyang nag pupunta dito. As in walang palya.“Hindi kita pwedeng pabayaan, mahirap ng maiwan ka saglit at nagkakasakit ka,” sabi niya. Sasagot na sana ako ngunit bigla akong natigilan dahil bigla akong may naalala.‘Sweet, hindi talaga kita pwedeng iwan kahit saglit ano?’ sabi ni Marco na nakangiti. Pero sino ang kausap niya? Ako ba? Naipilig ko ang aking ulo dahil bigla na lang akong hinawakan ni Sandro sa balikat at bahagya inuga.“Are you okay?” nag-aalala niyang tanong. Napatingin ako sa kanya at parang gusto kong banggitin ang saglit na alaalang iyon ngunit nag-aalala din akong baka iba ang isipin niya.“Yes, I'm okay. Ikaw pa nga ang iniisip ko dahil baka nakakaabala na ako sayo.”“Ano ka ba, wala lang yon. Tsaka kapag kailangan naman ako sa office ay agad akong nagpupunta doon.” Nginitian ko siya at hinayaan na lang sa g
AshleyHindi ko na ipinaalam pa kay Ashlyn ang desisyon kong magpa-check up dahil malayo naman na kami sa isa’t-isa. Alam ko naman rin na ang pag galing ko ang tangi rin niyang hiling kaya wala akong nakikitang masama kahit na hindi ko pa iyon ipaalam sa kanya.Matagal ko na rin sinabi sa kanya na hindi ako naniniwala na umeepekto sa akin ang niresetang gamot ng aming doktor ngunit kagaya nga ng sinabi niya ay nakakaranas na siya ng mangilan ngilang pagbalik ng kanyang alaala.Nang kasunod na araw ay maaga akong gumising upang ipaghanda ang sarili ko ng breakfast at idinamay ko na syempre si Sandro just in case na magpunta siya. Ayaw ko naman na siya na lang lagi ang paglutuin ko at nakakahiya naman.Hindi nga ako nagkamali dahil mga bandang 8 am ay dumating ang lalaki. “Wow, nakaluto na ah!”Ngumiti ako sa kanya at itinuro ang upuang katapat ng sa akin para sabay na kaming mag-almusal. Bihis na bihis ito at mukhang may pupuntahang importante.“May meeting ka?” tanong ko.“Sort of. Nag
Ashley“Buntis?” takang tanong niya.“Do you know her?” tanong ko. Kasi parang kilalang kilala niya ang kakambal ko. “She’s married so natural lang naman na mabuntis siya, right?” dagdag ko pa.“I see, I just couldn’t believe it. Maybe prayer did help her.”“What do you mean?” Na-curious na ako sa mga sinasabi niya at gusto ko pa siyang kausapin.“Anyway, may pasyente pa akong kailangan na puntahan.” Iyon lang at tinalikuran na niya ako. Gusto ko siyang habulin at kausapin pa, bigla kasing parang kinabahan ako na ewan. Pakiramdam ko ay may malalaman akong importante kung magkakausap pa kami. Ngunit wala akong nagawa kung hindi ang sundan lang siya ng tingin.Ako naman ay nagpatuloy na lang din sa paglalakad papunta sa Neurology Department. Mas importante na unahin ko ang sarili kong kalagayan sa ngayon kaysa ang iba.“Ms. Ruiz,” tawag ng nurse kaya naman lumapit ako sa kanya at iginiya ako papasok sa isang silid. Umabot ako sa palistahan at may cut off pala ng lunch time. Meron namang
MarcoPagka-uwi namin ni Ashlyn galing sa hospital ay hinayaan ko na siyang magpahinga. Si Ashley ang gusto kong dalhin sa doktor para ma-check-up dahil sa sakit niya ngunit hindi iyon ang nangyari.Sobra ang naging pag-aalala ko ng malaman kong nilagnat siya. Halos magdamag ay magkasama kami at halos magpakasawa din ako sa pag-angkin sa kanya. Pero sa isang text lang ni Ashlyn ay nagawa ko siyang iwanan. I feel guilty, dahil alam kong nasasaktan din siya.Tapos merong Sandro na nagbibigay sa kanya ng atensyon na dapat ay sa akin nanggaling. May palagay akong alam ng lalaking iyon ang nangyayari sa amin ni Ashley at sigurado din akong sinusulsulan na niya ang mahal ko para makipaghiwalay sa akin.Ilang araw na kaming hindi nagkikita at dahil sa guilty ako ay hindi ko rin magawang tawagan siya. Ang gusto ko ay makausap siya ng personal kaya naman agad akong pumunta sa condo niya ng makakuha ako ng pagkakataon.Ngunit hindi ko inaasahan na maririnig ko ang mga salitang iyon sa bibig niya
Ashlyn“Buwisit!!!” sigaw ko sabay bato ng aking cellphone.“Bwisit ka Marco!!” tili ko pa. Nasa aming silid ako at dahil late na ay gusto kong i-check kung nasaan siya at baka kasama na naman niya ang kambal ko. Pero ano ito? Sinigawan niya ako!Unang beses iyon na ginawa ni Marco na may kasamang bad words. Bakit? Bakit niya ginawa iyon? Anong nangyari at mukhang mainit ang kanyang ulo? Nanggaling ba siya sa kakambal ko? Nagkausap ba sila? Nagselos na naman ba siya kay Sandro at sa akin niya ibinunton ang kanyang galit? Peste talaga ang kakambal ko na ‘yon. Kahit kailan ay tinik siya sa kaligayahan ko.Mamatay ka na, mamatay ka na Ashlyn! Kahit na pinagpalit ko na ang ating kalagayan ay ikaw pa rin, ikaw pa rin ang pinipili ni Marco! Lahat na ginawa ko para tuluyan ng maging akin ang asawa mo, pero talagang hindi mo ako pinatatahimik! Oo, ako ang tunay na Ashley at ang kakambal ko ang tunay na Ashlyn na siyang tunay na asawa ni Marco.Kinalma ko ang aking sarili bago ko kinuha ang aki
AshleyNang umalis si Marco ay hindi na rin ako natahimik. Habang sige ang pagtawag niya sa akin ng Sweetheart ay paulit ulit na nagpa-flash sa isipan ko ang kanyang nakangiting mukha at tumatawag ng “sweet”.Hindi ko na alam ang iisipin ko dahil litong lito na rin ako. Bakit ko nakikita ang mga bagay na ‘yon? Hindi na ako lumabas ng aking silid hanggang sa gumabi at nagpatuloy lang sa pag-iyak. Nakatulugan ko na rin ang hapunan at maagang maaga nagising ng kasunod na araw. Tumingin ako sa salamin at nakita kong medyo maga ang aking mga mata dala ng pag-iyak. Tinapik ko ang aking magkabilang pisngi bago bumuga ng hangin at tsaka ako lumabas ng aking silid para magsimula ng aking araw.Lumipas pa ang mga araw na ni hindi na rin nag text or tumawag si Marco. Nalungkot ako at patuloy na nasaktan ngunit pinilit kong kayanin. Salamat sa presensya ni Sandro na patuloy na nagpapatawa at nagpapagaan ng aking kalooban. Nagpatuloy ako sa pagsusulat at sa paglipas din ng mga araw ay may mga pag
AshlynIlang buwan na ng huli kaming magkita ni Marco. Nang tuluyan na kaming magpaalamanan sa isa't isa. Pero hanggang ngayon ay masakit pa rin para sa akin ang ginawa ko.Ako ang legal na asawa, ang tunay niyang asawa. Pero hindi ko maipaglaban ng dahil sa takot. Hindi ko alam kung paano haharapin si Marco kung sakaling sabihin ko ang totoo tapos kapag nagsasama na kami ay malaman kong hindi ko siya mapasaya dahil hindi ako magkakaanak.Dahil sa takot ko na baka hindi ko mapigilan ang sarili ko na puntahan si Marco ay lumayo na lang ako.Salamat sa tulong ni Sandro na nakalipat na ako dito sa Cabiao, Nueva Ecija. Malayo man ay may internet pa rin akong nagagamit kaya naman tuloy tuloy pa rin ang aking pagsusulat.Kumikita ako sa parehong account ko at ang naantala kong nobela bago ang aksidente ay sinikap kong ipagpatuloy.Ang daming readers ang nagalit dahil nga sa tagal na hindi ako nag-update. May iba pang nagsabi na baka patay na raw ako. Well, parang ganon na nga ang nangyari s
Masamang masama ang loob ko dahil parang kung sino lang ako ng pagsabihan niya. Mukhang ang bata lang talaga ang mahalaga sa kanya. Wala akong nagawa kung hindi ang sundin ang kanyang kagustuhan. Sa ngayon ay pagbibigyan ko siya.Umakyat sila ni Asher habang naiwan naman ako sa sala. Simula ng manganak ako ay hindi pa ako nakaalis ng bahay. Wala na akong balita sa kung ano ang nangyayari maliban sa mga napapanood ko sa social media pati na rin sa T.V.Kailangan kong makagawa ng dahilan upang makalabas. Sa ngayon ay hindi pa pwedeng magtrabaho dahil ayaw ni Marco. Bwisit kasing Ashlyn ‘yon! Kung hindi dahil sa kanya ay hindi ko masasabi na hindi na ako magtatrabaho kapag nagkaanak na kami.“Ma’am, may babae pong naghahanap sa inyo.” Nilingon ko ang katulong at tsaka nagtanong.“Sino daw?”“Pinadala daw po ng agency para maging yaya,” tugon niya. Do’n ko lang naalala na tumawag nga pala ako sa agency.“Okay, papasukin mo at ng ma-interview.”“Okay po.” Umalis na ang katulong at pagbalik
AshleyNgayon na talagang handa na si Marco para magsimula ulit ng aming masayang pamilya ay hindi ko pa rin mapigilan ang mag-isip kung ano na ang nangyari kay Ashlyn. Matagal ko na siyang hindi nakikita, at kahit na noong nanganak ako ay hindi niya ako dinalaw.Gusto kong malaman kung talagang wala ng balak na manggulo ng babaeng ‘yon kaya kailangan ko ring malaman kung nasaan siya. Hindi ako maka tiempo na umalis para puntahan siya sa condo at kung sakali naman na yayain ko si Marco ay baka hindi ito pumayag.Napatingin ako sa aming anak na ngayon ay nakahiga sa sofa sa aking tabi. Mas maganda sana kung naging kambal din ang anak namin, sigurado akong lalo silang mamahalin ni Marco.“Ma’am, may sulat po.” Nilapag ng katulong sa center table ang isang sobra. Kinuha ko iyon at tinignan kung kanino galing ngunit walang nakasulat kaya binuksan ko na.May papel sa loob, kinuha ko iyon at binasa.“I know who you are.” Nanginig ang aking mga kamay kasabay ang panlalaki ng aking mga mata.
AhleyNakapamili na kami ng wedding gown ni Ashlyn at sa buong panahon na yon ay naging parang ang tahimik na ni Mommy. Tanging si Dad na lang ang siyang nakikipag-usap at nagsa-suggest ng mga bagay bagay.Nakaramdam ako ng kaba ngunit inisang tabi ko lang iyon. Sa aming dalawa ni Ashlyn ay mas madalas na ako ang paboran ng aming ina kung magkataon na sabay kaming may kailangan.“Mi, ano sa palagay niyo ang bagay na motif?” tanong ko.“Ha?” natitigilan niyang tugon.“Mi, may problema po ba kayo?” tanong ni Ashlyn. “Parang wala ho kayo sa inyong sarili eh.”“Naku hindi naman, para kasing hindi pa ako makapaniwala na mag-aasawa ka na. Parang kailan lang ay—”“Ano ba yan, Mi…” sabi ko sabay ngiti. Tinignan ko siyang mabuti at nagtagpo ang aming mga mata. Ramdam ko, may gumugulo sa kanya.Inakbayan siya ni Dad kaya sumandig siya sa kanyang dibdib na madalas niyang gawin sa tuwing pakiramdam niya ay nanghihina siya. And that made me even sure na may mali.“Ilang gabi na kasing umiiyak niton
AshleyI’m overwhelmed. Hindi ko akalain na magbabago talaga ang desisyon ni Marco pagkatapos naming magkaanak. Sinasabi ko na nga ba at ang bata lang ang solusyon. Hindi ako nagkamali sa aking desisyon.Kung hindi ako nabuntis, siguradong hiwalay na kami ngayon ni Marco. No. Hindi ako makakapayag na masira lang lahat ng pinag planuhan ko para mapunta ako ngayon sa kalagayan ko.*** Flashback ***I was looking at Ashlyn. She looks so happy and I was smiling pero sa loob-loob ko ay kung ilang ulit ko na siyang pinatay.I hate her! I hate the fact that we’re siblings paano pa kaya ang katotohanang kakambal ko siya.We have the same face but people treat us differently. Bata pa lang kami ay siya na ang maganda, mabait, matulungin, mapagbigay etc.!!!Sa tingin ko ay plastic siya at nagpapanggap lamang sa harap ng mga tao. But I am not like those people na napapaikot at nabibilog niya, lalo na ang aming mga magulang. I hate them as well.Ikakasal na siya kay Marco Montecillo. Kilalang busin
MarcoSa paglipas ng araw at linggo ay sinubukan kong mahalin ulit si Ashlyn, ngunit kahit na anong gawin ko ay laging si Ashley ang naiisip ko. Bakit ganon? Bakit ang bilis na naglaho ng pagmamahal ko sa aking asawa na alam ko naman na mahal na mahal ko noon pa man kaysa sa nararamdaman ko para kay Ashley ngayon?Hindi ba dapat, dahil hindi na kami nagkikita ay tuluyan na ring mawala sa sistema ko si Ashley? Wala akong ibang nais mangyari ngayon kung hindi ang tuluyan ng maayos ang aking pamilya pati na ang kaligayahan ni Ashley. Gusto ko na pare-pareho na kaming matahimik.Mahirap man ay sisikapin kong tuluyan ng maayos at maibalik sa dati ang pagtitinginan namin ni Ashlyn.Araw ng Sabado. Kahit may pasok sa office ay hindi ako umalis. Gusto kong makasama ang asawa at anak ko. Kagaya noong nagsisimula pa lang kami ni Ashlyn. Inilalaan ko ang araw na ito para sa bonding time namin.“Oh, hindi ka papasok?” gulat na tanong ng asawa ko ng makita ako. Hindi kasi ako nakabihis ng pang-opis
MarcoMasakit para sa akin na tuluyang iwan si Ashley. Mahal na mahal ko siya. Pero anong magagawa ko? Hindi lang ang asawa ko ang iiwan ko kung sakali, pati na rin ang aming anak.Dapat ay noon ko pa ito ginawa. Di sana ay hindi ko na siya nabuntis pa. Hindi ko maaatim na iwan ang anak ko dahil sa kasalanan ko.“Hey, where have you been?” tanong ng aking asawa ng dumating ako sa bahay. Tatlong araw na ng makauwi siya mula sa hospital at ngayon ay kasama niya sa aming silid ang aming anak.“Work, may kinailangan lang akong tapusin.” Hindi ko alam kung wala man lang ba siyang nahalata pero ngiti ang itinugon niya sa akin bago tumayo sa kama. Sa itsura niya ay mukhang kanina pa siya gising.“Kaya pala mukhang pagod na pagod ka. Gusto mo bang kumain muna bago ka magpahinga?” malambing niyang tanong habang hinahaplos ang aking pisngi. Nakaligo na ako sa condo ni Ashley kaya siguradong naaamoy niya ako.“Nakaligo ka na,” sabi niya.“Oo, gusto ko kasi ay matutulog na lang pagdating.”“O sig
AshlynUmaga, ng magising ako ay mag-isa nalang akong nakahiga sa aking kama. Napabuntong hininga at walang ganang bumangon. Desisyon ko naman ito kaya kailangan kong panindigan. Alam ko na ako ang tunay na asawa, pero hindi ko kaya na magsama kami nna alam ko rin na kailanman ay hindi ko maibibigay sa kanya ang matagal na niyang pinapangarap. Anak.Kahit man lang sana isa ay pwede, ngunit hindi. Kung ipipilit ko ang karapatan ko ay habang buhay akong kakainin ng guilt. Ayun na si Ashley, kayang kaya niyang bigyan ng buong pamilya si Marco. Sa palagay ko ay okay na ‘yon.Naglakad ako papunta sa parador at kumuha ng malaking t-shirt at isinuot bago ako lumabas ng aking silid. Sinalubong ako ng mabangong amoy ng sinangag kaya ang akala ko dumating si Sandro dahil ganon naman siya kapag maagang nagpupunta sa unit ko.“San–” natigil ako sa pagsasalita ng makita ko ang lalaking naglalagay ng bowl na may lamang fried rice sa lamesa.“Are you expecting someone else this morning?” tanong ni Ma
Note: Again, uulitin ko po. Ang POV ng kambal ay ang original na katauhan na po nila. Salamat. Mature ContentAshlynMinsan pa, gusto kong maramdaman ang pagmamahal ng asawa ko sa huling pagkakataon. May mabaon lamang akong alaala sa paglayo ko.Tumayo ako sa aking kinauupuan at lumapit sa kanya. Ilang saglit akong nanatiling nakatayo lang sa harapan niya habang nakatingala siya sa akin at magkahinang ang aming mga mata.Hinaplos ko ang kanyang pisngi at hindi ko na pinigilan ang aking sarili. Yumukod ako para siniil siya ng halik.Noong una ay natigilan pa siya na parang nag-iisip kung tutugunin ba niya o hindi. Balak ko na sanang sumuko at lumayo ngunit hinapit na niya ako sa aking bewang dahilan upang mapakandong ako sa kanya kasunod ang pagtugon niya sa aking halik.Maalab at talagang nakakapaso ang naging palitan namin ng halik. Sa bawat pagsipsip niya sa aking labi ay katumbas din ng pagsipsip ko ng sa kanya. Kung anumang gawin niya ay ginagawa ko rin.Umupo ako ng pakandong pah