Salbahe talaga... sana mag-ingat si Ashley.
AshlynTuluyan ng lumipat ang kakambal ko sa condo niya at in-invite niya kami ni Marco na doon magdinner at mabilis naman itong pumayag na ikinaasar ko. Pero kailangan kong pumayag din kaya kagaya niya ay tinanggap ko ang imbitasyon ng kapatid ko.Hinanda ko ang aking sarili sa pagharap sa kanya at kailangan ko ring planuhin kung paano ko siya paseselosin ng husto. Alam kong may nangyayari na muli sa kanila ni Marco kaya naman mas lalo pa akong nanggagalaiti. “Ash, ready ka na?” ang tanong ni Marco na nagpabalik sa ulirat ko.“Ha? Oo, ready na ako. Ikaw ba?” Ang sagot kong nakangiti sa kanya. Ayaw kong ipahalatang wala akong gana dahil baka magkaroon siya ng kakaibang hinala sa akin. Hindi ako pwedeng magpakita ng kahit na anong emosyon maliban sa pagiging masaya para sa kakambal ko.Nagsimula na kaming magbiyahe at nagulat na lang ako ng tanungin niya ako. “Saan banda ang condo ni Ashley?”Gusto kong tumawa ng malakas dahil sa itsura niya na akala mo ay talagang wala siyang alam. Per
MarcoExcited akong makita ang sweetheart ko kaya naman agad kong pumayag ng imbitahin niya kami para sa dinner. Hindi ko na naisip na baka magtaka ang asawa ko dahil alam ko naman na agad din siyang papayag.Habang nasa biyahe ay ang mahal ko ang nasa isipan ko. Mula ng umalis siya sa mansyon ay ilang beses na rin kaming nagkita ng palihim. Sa tuwina ay sinasabi ko kay Ashlyn na nasa meeting ako. Kaya sa susunod ay hindi ko na pwedeng gawing dahilan iyon.Ayaw ko talagang palipatin ang mahal ko, pero gusto niya talaga kaya wala na akong magagawa. Pagka park ko ng sasakyan ay mabilis na akong umakyat sa unit niya at si Ashlyn ang sumalubong sa akin na tuwang tuwang sinabi sa akin ang tungkol sa lalaking ngayon ay katabi ni Ashley sa hapag.“Sis, matagal na ba kayong magkakilala ni Sandro?” tanong ni Ashlyn bago ito sumubo ng pagkain habang naghintay naman ako ng sagot ni Ashley.“Sabi niya, pero hindi ko naman maalala.”“Matagal na talaga, kaya nga nag alala ako ng hindi na siya umuwi
MarcoHindi kami nagkaroon ng pagkakataon na magkasarilinan ni Ashley kaya naman umuwi akong bigong malaman ang tungkol sa lalaking iyon. Habang nagbibiyahe pauwi ay panay ang salita ni Ashlyn tungkol sa dalawa.“Alam mo, Marco, parang bagay naman silang dalawa.”“Hindi ko makitang bagay sila,” tiim ang bagang na sabi ko. Humigpit pa ang pagkakahawak ko sa manibela dahil sa hindi ko alam kung anong oras uuwi ang Sandro na yon.“Ano ka ba, ang sweet nga ni Sandro eh. Sana ay magkatuluyan na sila..” kinikilig pang sabi ni Ashlyn na lalong nagpainit ng ulo ko ngunit kailangan ko ring magtimpi dahil baka makahalata siya pero hinding hindi ko hahayaan na magkagustuhan nga ang dalawa.Sa ngayon ay malinaw na kailangan ko ng ialis ang hinala ko sa Lance na yon dahil itong si Sandro ang siyang kasama ngayon ni Ashley.Pagdating sa bahay ay agad akong nagpunta sa aking study room. Bubuksan ko na ang pintuan ng bigla akong pigilan ni Ashlyn. “Hindi ka ba maglilinis muna ng katawan?” “Hindi na,
AshleyHanggang sa makatapos sila ay nanatili akong nakikinig. May pagka masokista yata ako eh, ewan ko ba. Inisip ko na lang na ako pa rin ang dahilan ng pag ungol ni Marco, tutal kami naman talaga ang nagsimula.Sa totoo lang ay nakakaramdam din ako ng pagod sa tuwing nasasaktan ako. Doon pumapasok sa isipan ko yung salitang “let go”. Bakit ba hindi ko na lang na pakawalan si Marco at maging masaya sa piling ng iba? Deserve ko naman siguro iyon. Hindi ko tuloy maiwasang maisip na baka hindi ko mahal ang sarili ko kaya hinahayaan kong masaktan ako ng ganito. Pero ano ba ang magagawa ko kung si Marco talaga ang hinahanap hanap ng puso ko?Ano ngayon ang gagawin ko, patuloy na lang ba akong makikiamot ng panandaliang kaligayahan?Dahil sa kakaisip at kalituhan ay hindi ako lumabas ng aking condo ng ilang araw at itinuon ko ang aking atensyon sa pagsusulat. Nakarami pa nga ako, ngunit pawang mga mapanakit na scene ang nagawa ko. Sinabayan ko ang kapighatiang nararanasan ng aking bida pa
Umiling iling ulit ako at tsaka ibinalik ang aking tingin sa aking laptop para ipagpatuloy ang pagsusulat. Hindi ako pwedeng tumingin sa iba para lang sa ikagagaan ng kalooban ko.Hindi ko na namalayan ang oras at masyado na akong na-hook sa sinusulat ko kaya nagulat na lang ako ng may kamay na humawak sa balikat ko na kay Sandro lang naman din. Nilingon ko siya at napansin kong tulog pa naman din siya. Yun nga lang ay nakatagilid na ito.Muling gumalaw ang kamay niya na nasa balikat ko kaya naman kinuha ko iyon at balak ko sanang ayusin. Ngunit hinawakan niya ako at dinala ang aking kamay sa kanyang dibdib kaya naman kinailangan kong tumayo at maupo sa sofa bago ko dahan dahang binawi ang aking kamay.Ngunit kahit na anong gawin ko ay hindi ko magawang makakawala sa pagkakahawak niya kaya naman hinayaan ko na lang siya at baka magising. Umayos ako ng upo pa para hindi naman ako mangalay at bahagyang sumandal sa kanya. Hindi naman na siguro niya ito mamasamain dahil siya naman ang nang
AshleyNaramdaman ko ang pagdampi ng mga labi ni Sandro, magaan at mapanuyo. Nakakadala at nakaka-enganyo na tugunin. Naipikit ko ang aking mga mata at sinubukang namnamin iyon, baka sakali, kagaya ng sinabi niya ay may mabago sa damdamin ko.Naiawang ko ang aking bibig at doon nagsimulang lumalalim ang kanyang paghalik na sa totoo lang ay nakakadala. Gustong gusto ko ng tumugon ngunit mas pinili ko ang pigilan siya. Kita ko ang pagdaan ng lungkot sa kanyang mukha at hindi ko alam kung bakit ba nagpaliwanag pa ako.“I like it. I like the kiss and I want to respond. Pero hindi ko gusto ang manggamit ng tao.”“Ashley,” sabi niya ngunit pinigilan ko siyang magsalita. Marahan kong hinawakan ang kanyang ibang labi.“Ang sabi mo we had this friends with benefits relationship before and hindi ko mapaniwalaan ang sarili ko that I could really do that. Siguro nga ay totoo yon dahil aaminin kong natatangay ako ng mga halik mo ngayon lang. But, hindi iyon sapat na dahilan para idamay pa kita sa k
Hinayaan lang ako ni Sandro na kumalma at hinayaan ko naman din siya na pakalmahin ako. Magaan sa pakiramdam ko na alam kong may isang taong nakakaunawa sa akin at sa kalagayan ko. Kahit na alam kong gusto niyang magkahiwalay kami ni Marco ay hindi pa rin niya ipinapamukha sa akin na ako’y isang kabit.Tinapos namin ang pagkain at siya na rin ang nag hugas ng kinainan namin. Ako naman ay pinabalik niya na sa sala. Habang nakatalikod siya ay tinignan ko siyang mabuti, bakit nga hindi ko subukan? Baka sakali, tuluyan ko ng makalimutan si Marco at maitama ko na ang lahat ng pagkakamali ko.Sumandal ako sa sofa at tumingin sa kisame bago ko ipinikit ang aking mga mata. Nakakapagod na rin ang umiyak ng dahil sa isang taong mahal ako pero hindi naman ako kayang ipaglaban at laging second option lang.Maya maya lang ay naramdaman ko na ang paglubog sa tabi ng kinauupuan ko, ibig sabihin ay tapos na si Sandro sa ginagawa niya at ngayon ay katabi ko na.Idinilat ko ang aking mga mata at tinigna
AshleyHindi na ako nakatulog nang makaalis si Marco. Paano ko bang magagawa iyon gayung napakasakit sa pakiramdam? Ganito na lang ba kami lagi? Paano kapag nagka-anak na sila? Paano kung nabuntis ako? Ganito pa rin ba? Dalawa na kami ng anak ko na makikiamot sa oras niya dahil hindi naman kami ang legal na pamilya niya?Hindi ko alam kung ano ang ginagawa ng ibang kabit na kagaya ko sa ganitong mga pagkakataon. At ang mga tumatagal, sobrang bilib ako sa lakas at tapang ng sikmura at kalooban nilang lunukin ang lahat ng sakit na ito.Alam kong kabit at alam kong kasalanan. Ang akala ng marami ay basta ganun lang, hindi nila naiisip ang sakit na araw-araw naming nararamdaman. Yes, we deserve to get hurt dahil pamilya ang sinisira namin and hindi ko rin masisisi ang mga tao na paghuhusga. Alam ko rin na napakalaki ng kasalanan ko sa Panginoon, pero kagaya rin ng mga tunay na asawa, gusto ko rin maging masaya at ayaw ko rin masaktan si Ashlyn.Mabuti na lang at wala akong regular na traba
AshleyNgayon na talagang handa na si Marco para magsimula ulit ng aming masayang pamilya ay hindi ko pa rin mapigilan ang mag-isip kung ano na ang nangyari kay Ashlyn. Matagal ko na siyang hindi nakikita, at kahit na noong nanganak ako ay hindi niya ako dinalaw.Gusto kong malaman kung talagang wala ng balak na manggulo ng babaeng ‘yon kaya kailangan ko ring malaman kung nasaan siya. Hindi ako maka tiempo na umalis para puntahan siya sa condo at kung sakali naman na yayain ko si Marco ay baka hindi ito pumayag.Napatingin ako sa aming anak na ngayon ay nakahiga sa sofa sa aking tabi. Mas maganda sana kung naging kambal din ang anak namin, sigurado akong lalo silang mamahalin ni Marco.“Ma’am, may sulat po.” Nilapag ng katulong sa center table ang isang sobra. Kinuha ko iyon at tinignan kung kanino galing ngunit walang nakasulat kaya binuksan ko na.May papel sa loob, kinuha ko iyon at binasa.“I know who you are.” Nanginig ang aking mga kamay kasabay ang panlalaki ng aking mga mata.
AhleyNakapamili na kami ng wedding gown ni Ashlyn at sa buong panahon na yon ay naging parang ang tahimik na ni Mommy. Tanging si Dad na lang ang siyang nakikipag-usap at nagsa-suggest ng mga bagay bagay.Nakaramdam ako ng kaba ngunit inisang tabi ko lang iyon. Sa aming dalawa ni Ashlyn ay mas madalas na ako ang paboran ng aming ina kung magkataon na sabay kaming may kailangan.“Mi, ano sa palagay niyo ang bagay na motif?” tanong ko.“Ha?” natitigilan niyang tugon.“Mi, may problema po ba kayo?” tanong ni Ashlyn. “Parang wala ho kayo sa inyong sarili eh.”“Naku hindi naman, para kasing hindi pa ako makapaniwala na mag-aasawa ka na. Parang kailan lang ay—”“Ano ba yan, Mi…” sabi ko sabay ngiti. Tinignan ko siyang mabuti at nagtagpo ang aming mga mata. Ramdam ko, may gumugulo sa kanya.Inakbayan siya ni Dad kaya sumandig siya sa kanyang dibdib na madalas niyang gawin sa tuwing pakiramdam niya ay nanghihina siya. And that made me even sure na may mali.“Ilang gabi na kasing umiiyak niton
AshleyI’m overwhelmed. Hindi ko akalain na magbabago talaga ang desisyon ni Marco pagkatapos naming magkaanak. Sinasabi ko na nga ba at ang bata lang ang solusyon. Hindi ako nagkamali sa aking desisyon.Kung hindi ako nabuntis, siguradong hiwalay na kami ngayon ni Marco. No. Hindi ako makakapayag na masira lang lahat ng pinag planuhan ko para mapunta ako ngayon sa kalagayan ko.*** Flashback ***I was looking at Ashlyn. She looks so happy and I was smiling pero sa loob-loob ko ay kung ilang ulit ko na siyang pinatay.I hate her! I hate the fact that we’re siblings paano pa kaya ang katotohanang kakambal ko siya.We have the same face but people treat us differently. Bata pa lang kami ay siya na ang maganda, mabait, matulungin, mapagbigay etc.!!!Sa tingin ko ay plastic siya at nagpapanggap lamang sa harap ng mga tao. But I am not like those people na napapaikot at nabibilog niya, lalo na ang aming mga magulang. I hate them as well.Ikakasal na siya kay Marco Montecillo. Kilalang busin
MarcoSa paglipas ng araw at linggo ay sinubukan kong mahalin ulit si Ashlyn, ngunit kahit na anong gawin ko ay laging si Ashley ang naiisip ko. Bakit ganon? Bakit ang bilis na naglaho ng pagmamahal ko sa aking asawa na alam ko naman na mahal na mahal ko noon pa man kaysa sa nararamdaman ko para kay Ashley ngayon?Hindi ba dapat, dahil hindi na kami nagkikita ay tuluyan na ring mawala sa sistema ko si Ashley? Wala akong ibang nais mangyari ngayon kung hindi ang tuluyan ng maayos ang aking pamilya pati na ang kaligayahan ni Ashley. Gusto ko na pare-pareho na kaming matahimik.Mahirap man ay sisikapin kong tuluyan ng maayos at maibalik sa dati ang pagtitinginan namin ni Ashlyn.Araw ng Sabado. Kahit may pasok sa office ay hindi ako umalis. Gusto kong makasama ang asawa at anak ko. Kagaya noong nagsisimula pa lang kami ni Ashlyn. Inilalaan ko ang araw na ito para sa bonding time namin.“Oh, hindi ka papasok?” gulat na tanong ng asawa ko ng makita ako. Hindi kasi ako nakabihis ng pang-opis
MarcoMasakit para sa akin na tuluyang iwan si Ashley. Mahal na mahal ko siya. Pero anong magagawa ko? Hindi lang ang asawa ko ang iiwan ko kung sakali, pati na rin ang aming anak.Dapat ay noon ko pa ito ginawa. Di sana ay hindi ko na siya nabuntis pa. Hindi ko maaatim na iwan ang anak ko dahil sa kasalanan ko.“Hey, where have you been?” tanong ng aking asawa ng dumating ako sa bahay. Tatlong araw na ng makauwi siya mula sa hospital at ngayon ay kasama niya sa aming silid ang aming anak.“Work, may kinailangan lang akong tapusin.” Hindi ko alam kung wala man lang ba siyang nahalata pero ngiti ang itinugon niya sa akin bago tumayo sa kama. Sa itsura niya ay mukhang kanina pa siya gising.“Kaya pala mukhang pagod na pagod ka. Gusto mo bang kumain muna bago ka magpahinga?” malambing niyang tanong habang hinahaplos ang aking pisngi. Nakaligo na ako sa condo ni Ashley kaya siguradong naaamoy niya ako.“Nakaligo ka na,” sabi niya.“Oo, gusto ko kasi ay matutulog na lang pagdating.”“O sig
AshlynUmaga, ng magising ako ay mag-isa nalang akong nakahiga sa aking kama. Napabuntong hininga at walang ganang bumangon. Desisyon ko naman ito kaya kailangan kong panindigan. Alam ko na ako ang tunay na asawa, pero hindi ko kaya na magsama kami nna alam ko rin na kailanman ay hindi ko maibibigay sa kanya ang matagal na niyang pinapangarap. Anak.Kahit man lang sana isa ay pwede, ngunit hindi. Kung ipipilit ko ang karapatan ko ay habang buhay akong kakainin ng guilt. Ayun na si Ashley, kayang kaya niyang bigyan ng buong pamilya si Marco. Sa palagay ko ay okay na ‘yon.Naglakad ako papunta sa parador at kumuha ng malaking t-shirt at isinuot bago ako lumabas ng aking silid. Sinalubong ako ng mabangong amoy ng sinangag kaya ang akala ko dumating si Sandro dahil ganon naman siya kapag maagang nagpupunta sa unit ko.“San–” natigil ako sa pagsasalita ng makita ko ang lalaking naglalagay ng bowl na may lamang fried rice sa lamesa.“Are you expecting someone else this morning?” tanong ni Ma
Note: Again, uulitin ko po. Ang POV ng kambal ay ang original na katauhan na po nila. Salamat. Mature ContentAshlynMinsan pa, gusto kong maramdaman ang pagmamahal ng asawa ko sa huling pagkakataon. May mabaon lamang akong alaala sa paglayo ko.Tumayo ako sa aking kinauupuan at lumapit sa kanya. Ilang saglit akong nanatiling nakatayo lang sa harapan niya habang nakatingala siya sa akin at magkahinang ang aming mga mata.Hinaplos ko ang kanyang pisngi at hindi ko na pinigilan ang aking sarili. Yumukod ako para siniil siya ng halik.Noong una ay natigilan pa siya na parang nag-iisip kung tutugunin ba niya o hindi. Balak ko na sanang sumuko at lumayo ngunit hinapit na niya ako sa aking bewang dahilan upang mapakandong ako sa kanya kasunod ang pagtugon niya sa aking halik.Maalab at talagang nakakapaso ang naging palitan namin ng halik. Sa bawat pagsipsip niya sa aking labi ay katumbas din ng pagsipsip ko ng sa kanya. Kung anumang gawin niya ay ginagawa ko rin.Umupo ako ng pakandong pah
AshlynIsang linggo pa ang lumipas matapos ang pag-uusap namin na iyon ni Sandro. Kahit hindi siya makapaniwala na hindi ako ang tunay na Ashley ay unti unti na rin niyang tinanggap iyon ng maluwag sa kanyang kalooban.Nanatili pa rin ako sa condo at patuloy lang din sa pagsusulat. Nabuksan ko na rin ang isang writer account ko matapos kong sikaping marecover ang aking email account dahil hindi ko pa rin matandaan ang password ko. Password. Dahil doon ay mas nakumpirma ko nang matagal ng alam ng kambal ko ang lahat lalo at alam niya ang password dito sa condo na siya ang tunay na may-ari.Patuloy ako sa pagsulat dahil ito ang talagang alam kong trabaho ko na lingid sa kaalaman nila Marco, Ashley at ng mga magulang ko noon. Hindi naman sa mapaglihim ako, sadya lang hindi ako mahilig magkwennto at isa pa, nahihiya akong ipaalam sa kanila iyon dahil hindi naman ako talaga confident sa ginagawa ko.Naalala ko na dahil sa hiya kong sabihin sa kanila ang tungkol dito ay sinabi ko na lang na
Note: Ang POV po ng kambal ay ang mga original na po, remind ko lang para po hindi kayo malito. Salamat.AshlynGusto ko mang puntahan sa hospital si Ashley para kamustahin ay hindi ko na ginawa. Sa paglipas kasi ng mga araw ay lalo ko lang naiisip na may alam siya sa lahat na hindi ko naman din matanggap dahil sa tiwala at pagmamahal ko sa kanya.“Ash, okay ka lang ba?” Tumingin ako kay Sandro at bakas sa mukha niya ang pag-aalala. Hindi ko sure kong nakakahalata na siya na marami na akong naaalala, hindi naman din kasi siya nagtatanong. “Oo naman, bakit naman magiging hindi?” tanong ko na sinamahan ko pa ng bahagyang ngiti.Lately ay lalong naging madalas ang pagtambay niya dito sa unit ko. Ang sabi niya ay wala namang masyadong ginagawa sa office niya.“Napapansin ko lang na masyado kang tahimik. Baka kako kung ano na ang naiisip mo dahil sa unti unting pagbalik ng alaala mo.”“Bakit mo naman nasabi yan? Mahal ko ang sarili ko at kahit papaano ay may takot naman ako sa Diyos kaya h