Share

CHAPTER 5

Binuhat na ako ng asawa ko papunta sa kama habang patuloy na nagpapalitan ng halik ang aming mga labi.

Inihiga niya ako sa kama at patuloy na hinalikan. Kung dati ay simpleng halik lang ang nagagawa namin, ngayon ay medyo nagulat ako dahil lumalim at tumagal na ang kaniyang paghalik sa akin na para bang ayaw na niyang pakawalan pa ang labi ko. 

Naging mapangahas na rin ang kaniyang dila, pinasok na ang loob ng bibig ko na para bang may hinanap. At syempre hindi ako nagpatalo dahil agad ko iyon sinalubong ng aking dila. Nag-espadahan ang aming dila, muntik na akong mapaungol nang hulihin niya ang akin at sinipsip. Kaya gumanti rin ako, hinuli ko ang kaniyang dila at sinipsip din.

“Hmm . . .” kumawala sa kaniya ang munting ungol dahil sa ginawa ko at mas lalo nagkaroon ng kasabikan sa kaniyang pagtugon.

Nag-init na ang katawan ko, at alam kong gano’n din siya dahil naramdaman ko na pagtusok ng kung ano sa bandang puson ko.

Hanggang sa pinakawalan niya ang aking labi at bumaba ang kaniyang halik sa panga ko, napunta sa akin tainga, nakiliti ako nang padaanan ng kaniyang dila ang butas ng tainga ko at dinilaan palabas. Napapikit na lang ako at napahawak sa kaniyang ulo. Hanggang sa bumaba ang kaniyang halik sa leeg ko, ngunit naging mabagal ang pagbaba dahil bawat balat na malapatan ng kaniyang labi ay kaniya itong s********p.

“K-Kyle . . .” anas ko na parang kinakapos na ng hininga dahil sa kaniyang ginagawa sa akin. Para na akong kinukuryente na ewan, para akong sinisilaban na dahil tuluyan nang nag-init ang buong katawan ko. Nagustuhan ko ang kaniyang ginagawa sa akin at gusto kong ipagpatuloy pa niya hanggang sa magawa niya ang gusto niyang gawin sa katawan ko.

“Uhm . . .” Nakagat ko ang aking labi kasabay ng aking pagsinghap nang maramdaman ang pagmasahe ng kaniyang kamay na nakapasok na pala sa suot kong damit, nakahawak na sa suot kong bra.

Bumaba pa nang bumaba ang kaniyang pagsipsip, at para akong pinapaso sa pagtama ng kaniyang mainit na hininga sa balat ko. Napakainit pero napakasarap sa pakiramdam, parang nananayo ang mga balahibo sa buong katawan ko.

Hanggang sa tuluyan na niyang naalis ang butones ng suot kong damin. Bumungad sa kaniya ang suot kong bra. Inihinto niya na ang pagsipsip sa balat ko at napatitig sa dalawa kong malulusog na dibdib na natatakpan ng kulay pula kong bra. 

Kitang-kita ko ang kaniyang paglunok dahil sa paggalaw ng kaniyang adam’s apple.

“K-Kyle . . .” hindi ko mapigilan anas, dahilan para mapunta ang tingin niya sa mukha ko.

“A-Angela.” Para na itong natauhan na agad na sinara ang binaklas kong damit bago ngumiti sa akin at hinaplos na ang pisngi ko. “I’m sorry, medyo nadala lang ako.”

Napasimangot naman ako. “P-pero bakit mo kailangan mag-sorry? Hindi mo ba itutuloy?”

He stared at me and swallowed. “’Yong pinagkainan pala natin sa baba, kailangan ko munang iligpit.”

Para akong sinampal nang mabilis na siyang umalis sa ibabaw ko at diretsong lumabas ng kuwarto nang hindi na ako nilingon pa.

Naiwan akong nakahiga sa kama na parang hindi makapaniwala.

Why? Bakit niya hindi na naman itinuloy? Hanggang halik na lang ba? Naiintindihan ko naman dati na nirerespeto niya lang ako kaya hindi niya ako magawang sipingan dahil wala pa akong maalala. Pero ngayon, parang sumubra naman yata siya sa pagtitiis na umabot pa ng dalawang taon pero hanggang halik lang ang kaniyang ginagawa. Eh kahit naman hindi niya sabihin ay nararamdaman ko naman na gustong-gusto na niya akong angkinin, pero pinipigilan niya lang ang sarili niya.

Pero hanggang kailan? Hanggang kailan siya magtitiis? Paano kung hindi na bumalik pa ang alaala ko? Ano, hanggang halik na lang kami habang buhay? Matitiis niya ang gano’n? Lokong asawa!

Kaya naman kaysa magmukmok ay agad kong inayos ang sarili ko at sumunod na sa kaniya palabas.

Pagpasok ko ng kusina ay naabutan ko siyang nagliligpit ng mga pinagkainan namin.

“Oh, Mahal, gusto mo pa bang kumain ulit?” kaniyang tanong sa akin pero patuloy lang sa pagliligpit.

Hindi ako sumagot, basta mabilis na akong lumapit sa kaniya at agad na yumakap sa kaniyang baywang mula sa likuran, dahilan para mapatigil siya sa pagliligpit ng mga plato.

“Ayaw mo ba sa akin dahil lang sa wala akong maalala? Siguro ay hindi mo naman talaga ako mahal kaya hanggang halik lang ang ginagawa mo sa akin kahit mag-asawa naman tayo,” may pagtatampo ko nang wika at isinandal pa ang ulo sa kaniyang likod habang nanatiling nakayakap sa kaniyang baywang.

Natahimik siya, hindi agad nakasagot sa akin. Kaya muli akong nagsalita.

“Mahal mo ba ako, Kyle?”

Sandali pa siyang natahimik, pero sumagot na rin kalaunan.

“Bakit, hindi mo ba ramdam?” kaniyang pabalik na tanong sa akin.

Napangiti na ako.

“Syempre ramdam na ramdam ko, Mahal. Kaya ayos lang sa akin na angkinin mo. Mag-asawa naman tayo, kaya hindi mo na kailangan pang hintayin na makaalala ako. I’m all yours.”

Sa sinabi ko ay humarap na siya sa akin. Diretso akong tiningnan sa mata at napalunok pa.

“Angkinin mo ako hangga’t gusto mo,” dugtong ko at inabot pa ang kaniyang guwapong mukha para lang mahaplos. “Asawa mo ako, kaya may karapatan kang angkinin ako kung kailan mo gusto.”

Muli ay pansin ko ang kaniyang paglunok at hinaplos din ang mukha ko. “Hindi mo ba pagsisisihan ang pag-alok ng sarili mo sa akin?”

Natawa naman ako sa kaniyang sagot.

“At bakit naman ako magsisisi? May dapat ba akong pagsisihan na ikaw ang naging asawa ko?”

Umiling siya sa akin habang nanatiling blangko. “Hindi. Wala naman.” Ilang sandali pa niya akong tinitigan sa mata bago muling dinugtungan ang kaniyang salita. “Wala kang dapat pagsisihan na ako ang naging asawa mo. Dahil ako lang ang lalaking nararapat sa ’yo. At sa akin ka lamang ano man ang mangyari. Bumalik man ang alaala mo, magiging akin ka pa rin dahil ako pa rin ang asawa mo. Sa akin ka pa rin uuwi pagdating sa huli.”

Lumapad na ang ngiti ko sa narinig.

“Then make love to me. Huwag ka nang magtiis pa sa akin kasi mag-asawa naman tayo, eh.”

Sa wakas, sumilay na ang kaniyang magandang ngiti.

“I want it to be special. Let’s get married again, and I will make love to you on our honeymoon,” he said and kissed me on my forehead.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status