Chapter: LAST CHAPTER ELIZE NAPAHIKAB ako at inunat-unat ang aking katawan bago iminulat ang aking mga mata. Maliwanag na sa buong silid pero wala na akong katabi sa kama at mag-isa na lang sa loob kuwarto. Nang mapatingin ako sa alarm clock na nasa bedside table ay alas otso na, kaya kahit na parang inaantok pa ako ay pinilit kong bumangot at naligo sa loob ng banyo. Nang matapos sa pagligo ay hindi na ako nag-abala pang magbihis at isinuot ko na lang ang white bathrobe at binalot ng puting tuwalya ang ulo ko bago lumabas ng kuwarto at bumaba ng hadgan.Pababa pa lang ako ay rinig ko na ang pag-iyak ng kambal, kaya nagmamadali akong naglakad papunta ng kitchen. Pero nang mapatapat na ako sa nakasiwang na pinto ay agad akong natigilan nang makita kong ano ang nangyayari sa loob. Nakatalikod si Drex at walang damit na pang-itaas habang nakasuot ng apron at parang may hinahalo sa kawali, I think nagluluto, habang ang kambal naman ay nakaupo sa kani-kanilang swivel chair at naka-seatbelt pa. Umiiyak si Shann
Last Updated: 2022-10-11
Chapter: CHAPTER 33DREX I WAS just sixteen years old and Elize was fourteen when we first met in my parents house. I still remember the day when my mom introduced her to me. That day was my mom's birthday."Come here, son. May ipapakilala ako sa 'yo. Tama na muna 'yang pagbabasa mo ng libro," excited na sabi ni mommy pagkapasok ng kuwarto ko."I'm not interested, Mom," tamad kong sagot habang nakasandal sa headboard ng aking kama at nakatutok pa rin ang tingin sa binabasa kong libro."Oh come on, son. Pagbigyan mo na si mommy, anak. Huwag mo naman akong ipahiya sa Tita Amanda mo. Sinabi kong ipapakilala kita sa anak niya ngayon dahil magiging school mate mo siya by this year."I frowned at my mom as she grabbed my arm. "Mom, I'm not interested, okay? Look, I'm studying here. I don't want to go out!""Hay naku naman, anak. Puro na lang libro ang inaatupag mo kapag narito ka sa bahay. Subukan mo namang magkaroon ng kaibigan. Hindi ka ba nabo-boring sa life mo? School-bahay ka na lang palagi."Hindi na ak
Last Updated: 2022-10-11
Chapter: CHAPTER 32MULA sa paghuhugas ng plato ay napasinghap ako dahil sa biglang pagyapos ng dalawang braso ni Drex sa aking baywang."Mahal ko, tama na 'yan, kanina pa kaya ako inaantok..." Inamoy-amoy niya ang leeg ko. "Pinatulog ko na ang mga anak natin, kaya dapat matulog na rin tayo.""Tatapusin ko lang 'tong mga plato. Puwede ka namang matulog kahit wala ako, hindi ko naman dala ang mata mo.""Hindi kasi ako matulog kapag hindi kita katabi. Oo nga at hindi mo dala ang mata ko, pero mahal ko, dala-dala mo ang puso ko..." nilambingan niya pa ang kanyang boses.Hindi ko na napigilan ang ngiti ko at nagpunas ng kamay bago humarap sa kanya. "Sus, nambubula ka na naman. Oo na, sige na."Agad na lumapad ang kanyang ngiti. "Okay, let's go!"Napayakap na lang ako sa kanyang leeg nang bigla niya akong buhatin palabas ng kitchen.Pagkapasok namin sa loob ng kuwarto ay agad niya akong inihiga sa kama at pumaibabaw naman siya sa akin na kinasimangot ko."Teka, akala ko ba inaantok ka na?""Let's make love fi
Last Updated: 2022-10-11
Chapter: CHAPTER 31ANG tadhana ay talaga nga namang mapagbiro, hindi natin alam kung anong mangyayari sa ating hinaharap. Minsan ang akala natin na siya ang makakatuluyan natin ay hindi pala, minsan may mga pangakong hindi talaga natutupad, dahil 'yon na talaga ang nakatadhana. Nangyayari ang mga hindi nating inaasahang mangyari sa hinaharap.Nang ibalita namin ni Drex sa parents namin na nagkabalikan na kami ay talaga namang tuwang-tuwa sina Tita Mesha at mommy, and of course, si daddy and Tito Harold. Talagang makikita sa kanilang mga mukha ang tuwa sa nalamang nagkabalikan na kami ng dati kong best friend na ngayon ay asawa ko na.Nakauwi na rin sina mommy, daddy at Loraine sa mansyon. Nang malaman kasi nila na okay na kami ni Drex ay kinabukasan din ay umuwi agad sila, talagang binigyan lang nila kami ni Drex ng araw para mag-usap at nang sa gayon ay magkabalikan. Well, their plan was successful, dahil talaga namang nagkabalikan kami ni Drex, and I'm very thankful.And about naman sa aksidente namin
Last Updated: 2022-10-11
Chapter: CHAPTER 30KINABUKASAN nang magising ako ay mag-isa na lang akong nakahiga sa kama at gano'n na lang ang gulat ko nang makita ang orasan, 2 minutes na lang at alas dose na ng tanghali.Napabalikwas ako ng bangon at nanghihinang pumasok ng banyo.Pakiramdam ko ay parang binugbog ang katawan ko. Ramdam ko ang pangangatog ng mga tuhod ko at parang kumikirot pa ang pagitan ng hita ko na kinangiwi ko. Paglabas ko ng kuwarto ay sa hagdan pa lang ako ay kitang-kita ko na ang kambal na nakaupo sa couch katabi ng kanilang ama."Hey, good morning!"Napalingon ang kambal nang marinig ang boses ko at mabilis na bumaba si Aeron sa sofa bago patakbong lumapit sa akin, kaya agad ko itong binuhat at pinaulanan ng halik sa mukha na kinahagikhik nito."I think it should be good afternoon, tanghali na kaya!" natatawang sambit ni Drex at binuhat naman si Shannel bago lumapit sa 'kin at hinalikan ako sa pisngi. "Nagutom ka na ba? Gusto mong ipaghain kita ng pagkain?"Mahina akong umiling. "Ayoko, hindi pa naman ako
Last Updated: 2022-10-11
Chapter: CHAPTER 29WALANG alinlangan kong tinugon ang kanyang labi. I missed him so much. I miss his lips, his body, I miss all of his. It's been two years at hanggang ngayon ay nadadala pa rin ako sa kanyang mga uhaw na halik.Nang maihiga niya ako sa ibabaw ng kama ay saka siya bumitaw sa labi ko at tinitigan ang mukha ko bago ngumiti nang matamis sa akin.He touched my face using his right hand. "Are you sure about this? Do you want me to continue?" he asked in a canorous tone. "I don't wanna force you anymore, so tell me if you want me to stop this."I slowly shook my head. "No. Don't stop, Drex. Just continue, please? I missed you so much. And I want you to continue!" I flirty answered, touching his face down to his sexy lips."You don't have to beg for it. I love you, my queen." He kissed my forehead. "I love you so much!"Matapos niyang halikan ang noo ko ay muli niyang sinakop ang labi ko, kaya muli akong tumugon at iniyakap ang mga braso sa kanyang leeg, hanggang sa naramdaman ko na lang ang pa
Last Updated: 2022-10-11
Chapter: CHAPTER 6KASAL? Gusto ni Kyle na ikasal kami muli bago niya ako angkinin bilang asawa niya? Kinilig naman ako sa sinabi niyang iyon. Nakakatawa lang dahil bakit pa namin kailangan magpakasal ulit para lang maangkin niya ang katawan ko? Eh kung kinasal na rin naman kami dati noong hindi pa nawawala ang alaala ko?Pero sa isipin na pakakasalan niya muli ako para lang maangkin sa muling pagkakataon bilang asawa niya, parang may mga paru-paru ang nagsiliparan sa dibdib ko. Ibang klase rin pala talaga magmahal ang asawa ko at magpakita ng kaniyang respeto. Ang sarap lang sa pakiramdam. Ang suwerte ko sa kaniya, dahil bukod sa guwapo na ay maalaga pa at napaka-gentleman.Ako na yata ang pinakamasuwerteng babae sa buong mundo dahil napaka-perfect na lalaki ang napunta sa akin. Kaya lubos akong nagpapasalamat sa panginoon. Perfect husband ang asawa ko at hindi cheater katulad sa ibang asawa na madalas ko nababalitan nambababae, may bisyo, hindi lang ’yon dahil nambubugbog pa. Ang malas lang ng mga bab
Last Updated: 2024-07-10
Chapter: CHAPTER 5Binuhat na ako ng asawa ko papunta sa kama habang patuloy na nagpapalitan ng halik ang aming mga labi.Inihiga niya ako sa kama at patuloy na hinalikan. Kung dati ay simpleng halik lang ang nagagawa namin, ngayon ay medyo nagulat ako dahil lumalim at tumagal na ang kaniyang paghalik sa akin na para bang ayaw na niyang pakawalan pa ang labi ko. Naging mapangahas na rin ang kaniyang dila, pinasok na ang loob ng bibig ko na para bang may hinanap. At syempre hindi ako nagpatalo dahil agad ko iyon sinalubong ng aking dila. Nag-espadahan ang aming dila, muntik na akong mapaungol nang hulihin niya ang akin at sinipsip. Kaya gumanti rin ako, hinuli ko ang kaniyang dila at sinipsip din.“Hmm . . .” kumawala sa kaniya ang munting ungol dahil sa ginawa ko at mas lalo nagkaroon ng kasabikan sa kaniyang pagtugon.Nag-init na ang katawan ko, at alam kong gano’n din siya dahil naramdaman ko na pagtusok ng kung ano sa bandang puson ko.Hanggang sa pinakawalan niya ang aking labi at bumaba ang kaniya
Last Updated: 2024-07-10
Chapter: CHAPTER 4Isang malakas na sampal ang sumalubong sa akin pagkapasok ko pa lang sa loob ng kuwarto.“Ano, nakipagkita ka na naman sa lalaking ’yon, ha? Someone saw you in a restaurant where you met your ex-boyfriend again! You are married to me, pero bakit nakikipagkita ka pa rin sa lalaking ’yon?!”Gulat akong napatingin sa kaniya at napahawak na sa aking nasampal na pisngi. “Ano ba ’yang pinagsasabi mo? Hindi ako nakipagkita sa kaniya o sa kung sino mang lalaki!” depensa ko at nag-umpisa nang mangilid ang luha sa mga mata ko.Pero bigla na lang niya hinablot ang buhok ko at malakas na hinila palapit sa kaniya. “Don’t deny it. Alam kong nakipagkita ka ulit sa lalaking ’yon. My Mom and my best friend saw you. Sinundan ka nila at nakita ka kasama ng lalaking ’yon! That bastard kissed you! May kinikita kang kabit nang hindi ko alam!” he shouted at my face.Ngunit umiling ako habang nakangiwi na dahil sa sakit ng kaniyang paghila sa buhok ko. “No, that’s not true. They’re just lying to you. Walang
Last Updated: 2024-07-10
Chapter: CHAPTER 3ANG saya saya ko dahil sa wakas ay nakabalik na rin si Kyle. Ngayon ay kasalukuyan na kaming kumakain ng lunch, pero bago niya inumpisahang kumain ay pinaglagay muna ako ng pagkain sa plato ko. Sanay na rin ako, ganito siya lagi sa akin, sobrang maasikaso.“Ano, Mahal, masarap naman ba ang luto ko ngayon?” tanong ko nang matikman na niya ang dalawang putahe ng ulam.He smiled and nodded while eating. “Palagi naman, Mahal. Noon pa man ay masarap ka na talaga magluto. Paborito ko na ang luto mo dati pa.”Napangiti naman ako at natuwa sa kaniyang sagot. Pero bakit ko nga ba tinatanong pa nang paulit-ulit kung masarap ba ang luto ko? Eh palagi naman paborito na niya dati pa ang sinasagot niya sa akin. Pero at least hindi siya nagsisinungaling dahil nakikita ko naman na magana siya lagi kumain lalo na kapag alam niyang ako ang nagluluto.“So, kumusta naman dito habang wala ako? Ayos naman ba ang farm natin? Wala naman bang nangyaring mga gulo?”“Wala naman, Mahal. At oo nga pala, napatani
Last Updated: 2024-07-07
Chapter: CHAPTER 2PAGKAGISING ko pa lang ay agad akong naglinis sa loob ng bahay. Hindi naman kalakihan ang bahay namin, dalawang palapag pero dalawa lang ang kuwarto sa taas at isa naman sa baba. Tinulungan naman ako sa paglilinis ng aming nag-iisang katulong na si Ate Bebe, siya sa labas at kusina, ako naman sa loob.Hindi ko mapigilan ang mapangisi habang pinupunasan ang mga picture frame kung saan may mga litrato naming mag-asawa. May mga litrato kami nang hindi pa kami kasal, hanggang sa ikinasal kami. At base sa mga litrato namin ay mukhang mahal na mahal naman ako ng asawa ko. May litrato pa kami kung saan nakasuot siya ng lab coat at nakangiti kami pareho sa camera, siya ang kumuha ng litrato dahil nakataas pa ang kaniyang kamay na may hawak sa camera. Base sa litrato ay mukhang niyaya niya akong mag-selfie sa loob ng ospital, makikita kasi sa background na nasa ospital kami.He’s a doctor by the way, a neurosurgeon. Pero ang sabi niya sa akin ay nag-resign na raw siya sa pagiging doctor mula n
Last Updated: 2024-07-07
Chapter: CHAPTER 12 Years Later . . .Angela’s POVNAPAKAGANDA ng tanawin, napakasarap ng simoy ng hangin, pero parang medyo dumidilim, parang uulan yata mamaya.Nakaupo lang ako sa sala ng maliit na kubo na nakatayo rito sa gitna ng palayan. Pinapanood ko ang mga trabahador namin sa kanilang pagtatanim ng mga palay.Gusto ko sanang tumulong magtanim, pero baka mapagalitan na naman ako ng asawa ko katulad na lang dati na nagalit sa akin dahil lang sa tumulong ako. Hindi naman nagalit, pero pinagsabihan ako na hindi na ako dapat tumulong pa dahil kaya nga may mga trabahador para sila na lang ang gumawa. At baka raw magkasakit pa ako kapag magtagal sa initan, baka lagnatin pa ako. Nag-aalala lang talaga siya sa akin. Kaya magmula no’n ay tamang panood na lang ako sa aming mga trabahador dito sa aming lupain.“Nakakapagod naman, darling ko. Pahingi nga ng isang halik.”“Ay diyos ko po ginoo, lumalandi ka pa kahit ang tandan-tanda mo na!”“Sige na, darling, isang halik lang pampawala ng pagod.”Napangiti n
Last Updated: 2024-07-07