2 Years Later . . .
Angela’s POV
NAPAKAGANDA ng tanawin, napakasarap ng simoy ng hangin, pero parang medyo dumidilim, parang uulan yata mamaya.
Nakaupo lang ako sa sala ng maliit na kubo na nakatayo rito sa gitna ng palayan. Pinapanood ko ang mga trabahador namin sa kanilang pagtatanim ng mga palay.
Gusto ko sanang tumulong magtanim, pero baka mapagalitan na naman ako ng asawa ko katulad na lang dati na nagalit sa akin dahil lang sa tumulong ako. Hindi naman nagalit, pero pinagsabihan ako na hindi na ako dapat tumulong pa dahil kaya nga may mga trabahador para sila na lang ang gumawa. At baka raw magkasakit pa ako kapag magtagal sa initan, baka lagnatin pa ako. Nag-aalala lang talaga siya sa akin. Kaya magmula no’n ay tamang panood na lang ako sa aming mga trabahador dito sa aming lupain.
“Nakakapagod naman, darling ko. Pahingi nga ng isang halik.”
“Ay diyos ko po ginoo, lumalandi ka pa kahit ang tandan-tanda mo na!”
“Sige na, darling, isang halik lang pampawala ng pagod.”
Napangiti na lang ako habang nakatingin sa dalawang matandang mag-asawa na nagtatanim ng palay. Malapit lang sila sa kubo kaya naririnig ko ang kanilang pag-uusap.
“Halikan mo na kasi si Tiyo Estor, Tiya Menda!” tukso ng pamangkin ng mag-asawa na ngayo’y kasama rin nila sa pagtatanim. Nasa mahigit twenty ang dami nila, pero nasa kabilang palayan ang iba.
“Halik lang pala, oh siya, pagbibigyan na kitang matanda ka!”
Naghiyawan na ang lahat nang maghalikan ang dalawang mag-asawa sa gitna ng palayan.
“Diyos ko po! Hindi na kayo nahiya kay Ma’am Angela!” hiyaw ng isang dalagita na kasama rin sa pagtatanim ng palay.
Napalingon naman sa akin ang dalawang matanda, at parang napahiya nang mapagtantong pinapanood ko pala sila.
“Naku, Ma’am, nakalimutan namin na nariyan pala kayo. Pasensya na po sa landian namin, mag-asawa, Ma’am!” paghingi ng paumanhin sa akin ng matandang babae.
Umiling naman ako. “No, okay lang po ’yon. Ang sarap niyo nga po panoorin, eh.”
Napangiti na ang mag-asawa sa sagot ko at pinagpatuloy na ang pagtatanim.
Napangiti na lang din ako.
Matanda na sila pero napaka-sweet pa rin at halata na mahal na mahal nila ang isa’t isa. How I wish na ganito rin kami ng asawa ko, mahal na mahal ang isa’t isa hanggang sa aming pagtanda.
Kaya lang . . . iba ang asawa ko, siya ’yong tipo ng lalaki na hindi malambing. Maalaga naman at maasikaso, pero feeling ko minsan ay parang hindi niya ako mahal. Never niya kasi akong nilambing katulad ng paglalambing ng iba sa kanilang mga asawa.
Palagi rin wala ang asawa ko nitong mga nakaraang buwan, katulad na lang ngayon na nasa Maynila na naman ulit. At heto ako, naiwan na naman dito sa Mindoro. Pero okay lang, hindi naman ako gaano malungkot sa araw-araw dahil nililibang ko ang sarili ko rito sa aming lupain.
May malawak kaming palayan, manggahan, may piggery, at may farm din ng mga umiitlog na manok. Pero ayoko sa farm ng mga manok kasi napakaraming langaw minsan, at ayoko rin sa piggery ng mga baboy kasi mabaho ang singaw kahit nalinisan na. Kaya dito lang talaga ako madalas tumambay sa palayan since may kubo rito sa gitna at masarap ang tanawin, masarap din ang simoy ng hangin kahit minsan ay mainit ang araw.
Matapos ang pagtatanim ng mga palay ay binigay ko na ang mga sahod ng trabahador bago ako umuwi sakay ng Sedan kasama ang aking driver na nasa mid 40’s na ang edad.
“Mang Kanor, tumawag po ba sa inyo si Kyle?” hindi ko na napigilang tanong sa aking driver.
“Hindi po, Ma’am. Bakit niyo po natanong? Hindi po ba makontak si Sir?”
Umiling ako. “I don’t know po. Hindi ko pa natatawagan kasi baka busy. Pero matanong ko lang po, Mang Kanor, kung kayo ba ang tatanungin, kaya niyo po bang hindi makita ang asawa niyo ng mga dalawang linggo?”
Natawa ang driver sa tanong ko. “Kaya naman po, Ma’am. Nakadepende rin kasi sa sitwasyon. ’Yong mga ofw nga sa ibang bansa ay hindi lang dalawang linggo ang tinitiis para sa kanilang pamilya kundi taon, pinakamababa na ang dalawang taon.”
Natahimik naman ako at mahinang napabuntonghininga na lang. Baka nga busy lang talaga ang asawa ko sa kaniyang business sa Maynila kaya inabot na ng dalawang linggo at hindi pa rin umuuwi. Samantalang dati ay mga dalawang araw lang at nakauwi na agad. Pero ngayon inaabot na talaga ng linggo. Kinakabahan tuloy ako na baka sa susunod na pagpunta sa Maynila ay buwan na ang abutin doon bago umuwi rito sa Mindoro.
Right now I missed him so much na. Sana lang umuwi na siya dahil gusto ko na siyang ipagluto ulit ng mga paborito niya. Gusto ko na ulit mahiga sa mga bisig niya. Gusto ko na ulit madama ang masarap na yakap niya.
KINABUKASAN ay pinuntahan ako ng kaibigan kong si Perling dahil nagpapasama ito sa akin na pumunta sa clinic para magpa-check-up kasi tatlong buwan na itong buntis, at ito ang una nitong pagbubuntis. Wala naman kasi ang asawa nito para samahan siya sa clinic, dahil nasa Parañaque, naroon kasi ang trabaho nito bilang Engineer.
“Grabe pala magtanong ang nurse sa mga buntis, ’no? Tinanong ba naman sa akin kung nakakailang rounds kami ng asawa ko minsan sa isang gabi? At nang sinabi ko naman na nakakasampung rounds kami ay parang ayaw naman maniwala,” natatawa nitong kuwento sa akin habang pauwi na kami.
“Grabe naman kayo sa sampung rounds.” Natawa na lang din ako.
“Kayo ba, nakakailang rounds kayo ni Kyle sa isang gabi?”
Bigla naman akong natahimik sa tanong nito.
“A-ang totoo niyan uhm . . . h-hindi pa kami nag-aano . . .” ngiwi kong sagot na parang hindi pa maituloy.
Napahinto naman si Perling sa paglalakad at tiningnan na ako. “Hindi pa kayo nag?”
“H-hindi pa namin ’yon ginagawa,” pag-amin ko na lang na napakagat pa sa aking labi.
Namilog na ang bibig ni Perling na tila nagulat. “Talaga? May gano’n? Mag-asawa kayo tapos sa ganda mong ’yan hindi ka sinisipingan ng asawa mo?” Pinasadahan pa ako nito ng tingin. “Baka naman hindi ka niya mahal? Arrange marriage lang ba kayo?”
“Ah eh, m-mahabang kuwento kasi,” ngiwing sagot ko at muli nang pinagpatuloy ang paglalakad.
Napasimangot naman si Perling. “Parang ang labo naman ng pagsasama niyo kung gano’n. Pero nakikita ko naman sa asawa mo na mahal na mahal ka. Kaya nakakagulat lang malaman na hindi ka pala niya sinisipingan. How come? Hindi kaya bading siya?”
Natawa naman ako. “Hindi bading ang asawa ko, ’no. May rason lang kasi kung bakit hindi pa namin ’yon ginagawa. Hindi pa kasi bumabalik ang mga alaala ko. Pero nagawa na namin ’yon dati.”
Tumango-tango na si Perling. “Ah kaya naman pala. Pero mabuti natitiis ka niya? Aba eh, sa ganda mong ’yan? Imposibleng hindi siya tigasan kapag katabi ka sa kama.”
“Hey, ano ka ba! Ang laswa mo naman magsalita!” natatawa ko na lang saway rito.
“Tsk. Kaw naman, nagiging direct to the point lang ako. Eh kasi nakakagulat talaga malaman na hindi niyo pala ginagawa ’yon mula nang mawala ang alaala mo. Pero kailan niyo naman balak magkaanak?”
“Hindi pa namin napag-uusapan ’yan.”
“Ang hirap kapag ganiyan, parang nakakapagduda. Hindi kaya may mahal na iba ang asawa mo kaya lagi ka na lang iniiwan dito sa Mindoro? Siguro ay naroon ang babaeng mahal niya sa Maynila at ’yon ang sinisipingan niya.”
Nanlaki ang mga mata ko at muling napahinto. “Walang babae ang asawa ko, ’no!”
Pero tumawa na sa akin si Perling. “Hehe! Joke lang! Kaw naman masyadong seryoso!” natatawa na nitong paghampas sa braso ko.
Napasimangot na lang ako at inirapan ito bago pinagpatuloy na muli ang paglalakad. “Hindi ako pagtataksilan ng asawa ko, ’no. Palagi niya kaya sinasabi sa akin na dream girl niya ako noon pa, at hindi pa rin siya makapaniwala na asawa na niya ako. Palagi niya rin ako sinasabihang maganda at walang makakapantay sa akin. Ano man ang mangyari ay lagi ko raw tatandaan na mahal na mahal niya ako.”
Pangiti-ngiti na sa akin si Perling. “Kaw naman, Mare, ’di ka na talaga mabiro. Pero oo, alam ko naman na ’di ka ipagpapalit ni Kyle. Pero mas maganda kung magkakaanak na kayo, kasi panigurado magiging maganda at guwapo ang anak niyo, kasi maganda ka, at napakaguwapo rin ni Kyle, katunayan ay crush nga ’yon ng bayan. Naku, kung ’di lang siguro in love sa ’yo ’yang asawa mo ay baka kabila-kabilaan na ang babae, sa dami ba naman ng mga babae rito sa bayan natin ang nabibighani tuwing nakikita siya. Mabuti na lang talaga hindi babaero ’yang si Kyle. Hindi nga tumalab ang pagpapa-cute sa kaniya ng anak ni mayor last month bago mag-election. Ang ganda pa naman no’n, pero syempre mas maganda ka kaysa sa kaniya.”
Nagulat naman ako sa narinig. “Talaga? Totoo ba ’yan? Nagpa-cute sa kaniya? Saan nangyari at kailan? Ba’t hindi ko alam?”
Natawa muli si Perling. “Diyan lang sa barangay natin nangyari. Kasi di ba nagkaroon ng libreng check-up dati, at ang asawa mo ang kinuha ni Mayor na doctor para magbigay ng libreng check-up sa ating mga kabarangay. At itong anak ni Mayor, nakita ko ay panay tingin sa asawa mo, nagpapapansin. Pero syempre, dedma lang ang asawa mo. Kaya nga tawang-tawa ako kasi parang engot lang ang anak ng Mayor na ’yon. Akala niya siguro ay malalamangan niya ang beauty mo.”
Napasimangot na lang ako. Hindi ko alam na may nangyari palang gano’n. Pero oo, kinuha nga ng Mayor si Kyle last month para magbigay ng libreng check-up dito sa aming barangay. Hindi ako sumama noong araw na ’yon kasi tinatamad akong lumabas. Kaya hindi ko alam na may gano’n na palang naganap. Pero oo, sanay naman ako na may naguguwapuhan sa asawa ko.
Pag-uwi sa bahay ay agad kong hinanap ang phone ko at tinawagan na ang number ng asawa ko.
Matagal pa nag-ring bago nito sinagot ang tawag ko.
“Oh, Mahal, napatawag ka. May problema ba?” agad na bungad sa akin.
Dahilan para mapasimangot naman ako.
“Kailangan pa bang may problema bago ako puwedeng tumawag sa ’yo? Syempre na miss na kita,” simangot kong sagot.
“Sige, may tinatapos lang akong trabaho. Uuwi ako agad. Baka bukas nariyan na ako.”
“Di kaya may babae ka riyan?” diretso kong tanong, hindi na nagpaligoy-ligoy pa.
Natawa naman ang asawa ko. “What? Aanhin ko naman ang babae?”
“K-kabit mo?”
Rinig ko ang mahina nitong halakhak.
“Mahal, I’m here for business. May mga inasikaso lang ako. Pero wala akong babae at kabit.”
Napanguso na ako. “Mabuti naman kung gano’n. Pero dapat sana sinama mo na lang ako riyan, eh.”
“Oo sige, isasama na kita sa susunod kong pagpunta rito.”
Nagliwanag na ang mukha ko. “Sige, promise mo ’yan. Oo nga pala, Mahal, may tanong pala ako sa ’yo.”
“Hmm. Ano ’yon?”
“Kailan mo gustong magkaanak?”
Bigla na lang itong natahimik, parang nabigla yata.
Naghintay ako ng ilan pang sandali pero hindi pa rin nakasagot. Hanggang sa bigla na lang nagpaalam.
“Ah, Mahal, sandali lang muna ah. Busy pa kasi ako. Tatawagan na lang kita ulit mamaya.”
“Mahal—” Hindi na ako nakasagot pa nang bigla na lang ako nitong binabaan.
Parang gusto kong maiyak sa inis. Bakit parang umiiwas siya? Mahirap bang sagutin ang tanong ko? Oh sadyang ayaw niya lang talaga magkaroon ng anak?
“Baka hindi siya mahilig sa bata.”
Malungkot na lang akong napabuntonghininga at ibinaba na lang ang phone sa ibabaw ng table.
PAGKAGISING ko pa lang ay agad akong naglinis sa loob ng bahay. Hindi naman kalakihan ang bahay namin, dalawang palapag pero dalawa lang ang kuwarto sa taas at isa naman sa baba. Tinulungan naman ako sa paglilinis ng aming nag-iisang katulong na si Ate Bebe, siya sa labas at kusina, ako naman sa loob.Hindi ko mapigilan ang mapangisi habang pinupunasan ang mga picture frame kung saan may mga litrato naming mag-asawa. May mga litrato kami nang hindi pa kami kasal, hanggang sa ikinasal kami. At base sa mga litrato namin ay mukhang mahal na mahal naman ako ng asawa ko. May litrato pa kami kung saan nakasuot siya ng lab coat at nakangiti kami pareho sa camera, siya ang kumuha ng litrato dahil nakataas pa ang kaniyang kamay na may hawak sa camera. Base sa litrato ay mukhang niyaya niya akong mag-selfie sa loob ng ospital, makikita kasi sa background na nasa ospital kami.He’s a doctor by the way, a neurosurgeon. Pero ang sabi niya sa akin ay nag-resign na raw siya sa pagiging doctor mula n
ANG saya saya ko dahil sa wakas ay nakabalik na rin si Kyle. Ngayon ay kasalukuyan na kaming kumakain ng lunch, pero bago niya inumpisahang kumain ay pinaglagay muna ako ng pagkain sa plato ko. Sanay na rin ako, ganito siya lagi sa akin, sobrang maasikaso.“Ano, Mahal, masarap naman ba ang luto ko ngayon?” tanong ko nang matikman na niya ang dalawang putahe ng ulam.He smiled and nodded while eating. “Palagi naman, Mahal. Noon pa man ay masarap ka na talaga magluto. Paborito ko na ang luto mo dati pa.”Napangiti naman ako at natuwa sa kaniyang sagot. Pero bakit ko nga ba tinatanong pa nang paulit-ulit kung masarap ba ang luto ko? Eh palagi naman paborito na niya dati pa ang sinasagot niya sa akin. Pero at least hindi siya nagsisinungaling dahil nakikita ko naman na magana siya lagi kumain lalo na kapag alam niyang ako ang nagluluto.“So, kumusta naman dito habang wala ako? Ayos naman ba ang farm natin? Wala naman bang nangyaring mga gulo?”“Wala naman, Mahal. At oo nga pala, napatani
Isang malakas na sampal ang sumalubong sa akin pagkapasok ko pa lang sa loob ng kuwarto.“Ano, nakipagkita ka na naman sa lalaking ’yon, ha? Someone saw you in a restaurant where you met your ex-boyfriend again! You are married to me, pero bakit nakikipagkita ka pa rin sa lalaking ’yon?!”Gulat akong napatingin sa kaniya at napahawak na sa aking nasampal na pisngi. “Ano ba ’yang pinagsasabi mo? Hindi ako nakipagkita sa kaniya o sa kung sino mang lalaki!” depensa ko at nag-umpisa nang mangilid ang luha sa mga mata ko.Pero bigla na lang niya hinablot ang buhok ko at malakas na hinila palapit sa kaniya. “Don’t deny it. Alam kong nakipagkita ka ulit sa lalaking ’yon. My Mom and my best friend saw you. Sinundan ka nila at nakita ka kasama ng lalaking ’yon! That bastard kissed you! May kinikita kang kabit nang hindi ko alam!” he shouted at my face.Ngunit umiling ako habang nakangiwi na dahil sa sakit ng kaniyang paghila sa buhok ko. “No, that’s not true. They’re just lying to you. Walang
Binuhat na ako ng asawa ko papunta sa kama habang patuloy na nagpapalitan ng halik ang aming mga labi.Inihiga niya ako sa kama at patuloy na hinalikan. Kung dati ay simpleng halik lang ang nagagawa namin, ngayon ay medyo nagulat ako dahil lumalim at tumagal na ang kaniyang paghalik sa akin na para bang ayaw na niyang pakawalan pa ang labi ko. Naging mapangahas na rin ang kaniyang dila, pinasok na ang loob ng bibig ko na para bang may hinanap. At syempre hindi ako nagpatalo dahil agad ko iyon sinalubong ng aking dila. Nag-espadahan ang aming dila, muntik na akong mapaungol nang hulihin niya ang akin at sinipsip. Kaya gumanti rin ako, hinuli ko ang kaniyang dila at sinipsip din.“Hmm . . .” kumawala sa kaniya ang munting ungol dahil sa ginawa ko at mas lalo nagkaroon ng kasabikan sa kaniyang pagtugon.Nag-init na ang katawan ko, at alam kong gano’n din siya dahil naramdaman ko na pagtusok ng kung ano sa bandang puson ko.Hanggang sa pinakawalan niya ang aking labi at bumaba ang kaniya
KASAL? Gusto ni Kyle na ikasal kami muli bago niya ako angkinin bilang asawa niya? Kinilig naman ako sa sinabi niyang iyon. Nakakatawa lang dahil bakit pa namin kailangan magpakasal ulit para lang maangkin niya ang katawan ko? Eh kung kinasal na rin naman kami dati noong hindi pa nawawala ang alaala ko?Pero sa isipin na pakakasalan niya muli ako para lang maangkin sa muling pagkakataon bilang asawa niya, parang may mga paru-paru ang nagsiliparan sa dibdib ko. Ibang klase rin pala talaga magmahal ang asawa ko at magpakita ng kaniyang respeto. Ang sarap lang sa pakiramdam. Ang suwerte ko sa kaniya, dahil bukod sa guwapo na ay maalaga pa at napaka-gentleman.Ako na yata ang pinakamasuwerteng babae sa buong mundo dahil napaka-perfect na lalaki ang napunta sa akin. Kaya lubos akong nagpapasalamat sa panginoon. Perfect husband ang asawa ko at hindi cheater katulad sa ibang asawa na madalas ko nababalitan nambababae, may bisyo, hindi lang ’yon dahil nambubugbog pa. Ang malas lang ng mga bab
“Ano’ng pinaplano mo? Are you going to kill the patient? She’s still alive, bro!”“I know. Just shut up. She can’t go back to my brother again. She will just suffer!” sagot niya sa kaibigan at itinurok na sa nakahigang babae ang injection.“But, bro, ano ba ang plano mo? Kailangan na natin siyang gamutin at baka kung ano pa ang mangyari sa kaniya kung tatagal!”“Itikom mo ang bibig mo, Leo. Mamaya tayo mag-usap. But for now, just shut up.”Natahimik ang kaniyang kaibigan na isa ring neurosurgeon katulad niya, pero naroon pa rin sa mukha nito na naguguluhan sa kaniya, lalo na nang marinig nito ang kaniyang sinabi matapos iturok ang injection sa babae.“Time of death: 06:34 PM,” he announced, looking at wrist watch.“What, bro?” Tila hindi makapaniwala ang kaniyang kaibigan na mas lalong naguluhan.He looked at his friend. “I need your help. Maghanap ka ng clinic, pero huwag na huwag mong ipapaalam sa iba. Just wait me there, darating ako in one hour.”Naguguluhan man ay tumango na lang

2 Years Later . . .Angela’s POVNAPAKAGANDA ng tanawin, napakasarap ng simoy ng hangin, pero parang medyo dumidilim, parang uulan yata mamaya.Nakaupo lang ako sa sala ng maliit na kubo na nakatayo rito sa gitna ng palayan. Pinapanood ko ang mga trabahador namin sa kanilang pagtatanim ng mga palay.Gusto ko sanang tumulong magtanim, pero baka mapagalitan na naman ako ng asawa ko katulad na lang dati na nagalit sa akin dahil lang sa tumulong ako. Hindi naman nagalit, pero pinagsabihan ako na hindi na ako dapat tumulong pa dahil kaya nga may mga trabahador para sila na lang ang gumawa. At baka raw magkasakit pa ako kapag magtagal sa initan, baka lagnatin pa ako. Nag-aalala lang talaga siya sa akin. Kaya magmula no’n ay tamang panood na lang ako sa aming mga trabahador dito sa aming lupain.“Nakakapagod naman, darling ko. Pahingi nga ng isang halik.”“Ay diyos ko po ginoo, lumalandi ka pa kahit ang tandan-tanda mo na!”“Sige na, darling, isang halik lang pampawala ng pagod.”Napangiti n