Share

CHAPTER 4

Author: TheInvisibleMind
last update Huling Na-update: 2024-10-29 19:42:56

Isang malakas na sampal ang sumalubong sa akin pagkapasok ko pa lang sa loob ng kuwarto.

“Ano, nakipagkita ka na naman sa lalaking ’yon, ha? Someone saw you in a restaurant where you met your ex-boyfriend again! You are married to me, pero bakit nakikipagkita ka pa rin sa lalaking ’yon?!”

Gulat akong napatingin sa kaniya at napahawak na sa aking nasampal na pisngi. 

“Ano ba ’yang pinagsasabi mo? Hindi ako nakipagkita sa kaniya o sa kung sino mang lalaki!” depensa ko at nag-umpisa nang mangilid ang luha sa mga mata ko.

Pero bigla na lang niya hinablot ang buhok ko at malakas na hinila palapit sa kaniya. “Don’t deny it. Alam kong nakipagkita ka ulit sa lalaking ’yon. My Mom and my best friend saw you. Sinundan ka nila at nakita ka kasama ng lalaking ’yon! That bastard kissed you! May kinikita kang kabit nang hindi ko alam!” he shouted at my face.

Ngunit umiling ako habang nakangiwi na dahil sa sakit ng kaniyang paghila sa buhok ko. “No, that’s not true. They’re just lying to you. Walang katotohanan ang mga pambibintang nila sa akin. Gumagawa lang sila ng kuwento para siraan ako sa ’yo!” depensa ko pa rin kahit nasasaktan na sa lakas ng kaniyang kapit sa buhok ko, pakiramdam ko nga ay parang madadala na ang anit ko. “Maniwala ka, hindi ako nakipagkita sa kahit na sinong lalaki dahil wala naman akong lalaki.”

Pagak siyang natawa sa sagot ko at patapon nang binitiwan ang buhok ko— na muntik ko nang ikatumba sa aking kinatatayuan dahil nawalan ako ng balanse, mabuti na lang ay nakahawak ako sa hamba ng pinto.

“Then explain these!” Itinapon niya sa mukha ko ang ilang mga litrato. Nagliparan ito sa harap ko. Hinabol ko naman ng tingin ang pagkahulog ng mga ito sa sahig, pero nagulat na lang ako nang makita ang sarili ko na nakikipaghalikan nga sa isang lalaki sa loob ng isang restaurant.

Naguluhan na ako, napuno ng pagkalito habang nakatingin sa mga litrato.

“Ano? Ngayon ka magpaliwanag sa pagiging taksil mo!”

Marahas na akong umiling at muling tumingin sa kaniya. “No, that’s not me! Edited lang ang mga ’yan. Please, maniwala ka naman sa akin!” Tinangka ko pang humawak sa kaniyang braso, pero malakas niyang piniksi ang kamay ko.

“Huwag ka nang magsinungaling pa!” Isang malakas na sampal ang muli niyang pinalipad papunta sa pisngi ko.

Sa lakas ng sampal ay muntik na akong bumagsak at tumama pa ang likod ko sa pinto. 

Tuluyan nang kumawala ang aking impit na hikbi at pinilit pa rin tumingin muli sa kaniya.

Ngunit nanlilisik na ang kaniyang mga mata sa akin dahil sa labis na galit. Nakakatakot. Nanginginig na ang aking mga kamay at sunod-sunod nang nagsitulo ang luha sa mga mata ko.

“Bakit ba mas pinaniniwalaan mo sila kaysa sa akin na asawa mo?” naiiyak ko nang tanong sa kaniya.

“Because you’re a liar! And they have evidence that you have another man! That you’re a cheater! Umalis lang ako saglit ng bansa pero nanlalaki ka na agad?!” galit niyang sigaw na sagot sa akin at muling hinablot ang buhok ko palapit sa kaniya. “Sa lahat ng pinakaayoko ay ’yong malanding tulad mo. Pasalamat ka mahal kita, dahil kung hindi ay baka pinatay na kita dahil sa kalandian mo. Pero sige, magmula sa araw na ’to ay hindi ka na makakalabas pa sa kuwartong ito.” Hinila na niya ako sa aking buhok palapit sa kama at malakas na akong itinulak.

Tumama ang ulo ko sa gilid ng kama at bumagsak ang katawan ko sa sahig. Para akong nahilo. Pero muli na niya ako akong dinampot at kinaladkad papunta sa taas ng kama. Napahiga ako, pero sa aking paghiga ay ang galit niyang paghawak sa panga ko at sinalubong ako ng nanlilisik pa ring tingin.

“Tandaan mong akin ka lang. At papatayin ko kung sino mang lalaking aagaw sa ’yo mula sa akin.” Bigla na niya akong siniil ng halik. Pero mabilis kong iniwas ang aking mukha, kaya agad din nakawala ang labi ko sa kaniyang labi.

“Masyado ka nang sumubra. Kung ganito ka rin lang naman na hindi naniniwala sa akin kahit ano’ng paliwanag ko. Mas mabuti sigurong maghiwalay na lang tayo at nang matapos na ’to.”

Natahimik siya sa sinabi ko. Pero kalaunan ay pagak nang natawa.

“Hiwalay? Gusto mong makipaghiwalay? So inaamin mo na rin na mas may kabit ka.”

Matapang na akong tumingin sa kaniya. “Huwag mo akong baliktarin. Matagal ko nang hindi nakikita si Frances. At hindi ko siya mahal dahil ikaw ang mahal ko!” sigaw kong sagot at kumawala na ang hikbi. “Mas pinili kita kaysa sa kaniya ’di ba? Kaya bakit ganiyan ka? Mas pinapaniwalaan mo ang mga walang katotohanan na sumbong sa ’yo ng best friend mong alam mong malaki ang pagkagusto sa ’yo. At ang mommy mo na alam mong ayaw sa akin kaya gumagawa ng paraan para siraan ako sa ’yo. Ang dali ka nilang mapaniwala. Samantalang ako na asawa mo, kahit anong paliwanag ko sa ’yo ay ayaw mong maniwala. Kung alam ko lang na ganito ka, sana si Frances na lang ang pinili ko, hindi ang walang kwentang katulad mo.”

Nanlaki na ang kaniyang mga mata sa akin.

“P’wes, magtiis ka sa piling ko dahil asawa kita! Akin ka! I will kill that man. Nakikita mo, papatayin ko ang lalaking ’yon sa harap mo!”

Namimilipit na lang ako sa sakit ng kaniyang sikmuraan. Pero matapos akong sikmuraan ay pinunit na ang suot dress at buong puwersang inangkin.

Ang tanging nagawa ko na lang ay umiyak, dahil hindi ko na kaya pang lumaban.

“MAHAL.”

“Mahal!”

Bigla akong nagising sa malakas na pagyugyog sa akin.

Sa pagmulat ko ay ang guwapong mukha agad ng asawa kong si Kyle ang bumungad sa akin na puno na ng pag-aalala.

“Umiiyak ka habang tulog. Ayos ka lang ba, asawa ko?” may pag-aalala nitong tanong sa akin at hinaplos pa ang ulo ko.

“K-Kyle.” Napabalikwas na ako ng bangon. “Kyle!” Yumakap na ako sa kaniya. “There’s a man in my dreams again, binubugbog niya na naman ako dahil sa selos. Pero hindi ko naman makita ang mukha niya,” naiiyak ko nang sumbong. I was traumatized again. Bumalik na naman sa akin ang panaginip na madalas kong mapaniginipan last year.

Niyakap din ako ng asawa ko pabalik. “It's okay. I’m here, hindi ko hahayaan na may manakita sa ’yo.” Hinaplos-haplos na lang nito ang likod para pakalmahin ako.

Ngunit hindi ko pa rin mapigilan ang maiyak kahit yakap na niya.

“H-hindi kaya totoo ’yon? Hindi kaya parte ’yon ng mga nawala kong alala?” I asked, still sobbing.

Napabitaw naman ng yakap sa akin si Kyle at gulat na akong tiningnan. Pero agad ding natawa at ikinulong na ang mukha ko sa kaniyang malapad na kamay, marahan nang pinunasan ang luha sa pisngi ko gamit ang kaniyang hinlalaki.

“Mahal, paano naman magiging totoo ang isa lamang panaginip? At paano mo naman naisip na parte ’yon ng nawala mong alaala? Tingin mo ba kaya kitang saktan?”

Napanguso na ako. “Hindi.”

He let out a sigh. “It’s just a nightmare. Hindi ka dapat umiiyak dahil wala namang katotohanan ’yon, isa lamang ’yon bangungot.” And he hugged me again.

Napayakap na lang ako sa kaniya. Hinayaan niya muna akong kumalma bago ako pinakawalan at muli nang hinaplos ang mukha ko, pinunasan muli ang luha sa pisngi ko.

“Ang mas mabuti pa ay bumaba na tayo at kumain. Naihanda ko na ang pagkain natin sa baba. Pero kung gusto mong dito na lang kumain, then kukunin ko na lang at dalhin dito.”

Umiling ako. “No, doon na lang tayo sa baba.”

He smiled. “Alright.” Binuhat na niya ako.

“Kyle, I can walk.”

“I know, pero gusto pa rin kitang buhatin. Kawawa kasi ang asawa ko, umiiyak pa sa kaniyang panaginip at pinagbibintangan pa ako na nambubugbog ng asawa.” He chuckled.

Napanguso na lang ako at napasandal na lang sa kaniyang dibdib.

Ewan ko ba, pero bumalik na naman sa akin ang ganoong klase ng panaginip na parang totoo at talagang nakaka-trauma.

Pero napaka-impossible naman na maging totoo, dahil hindi naman gano’n si Kyle na basta na lang nananakit ng asawa. Sa dalawang taon na wala akong maalala ay ni minsan hindi niya ako nagawang saktan, ewanan lang paminsan-minsan dahil may mga negosyo siya sa ibang lugar na kailangan puntahan at hindi niya ako pinapasama.

KASALUKUYAN na kaming nagdi-dinner. Hindi na ako umimik pa at tahimik na lang kumain. Panay ang lagay ni Kyle ng pagkain sa plato ko pero hindi ko na ito pinansin. Naalala ko na nagtatampo nga pala ako sa kaniya dahil sa pagtaas niya ng boses sa akin kanina.

“Napakatimik mo yata. Galit ka pa rin ba sa akin, Mahal?” Finally, he asked.

“H-hindi na,” tipid ko lang sagot at nanatili lang ang tingin sa plato ko. Wala na naman lasa ang kaniyang tinola, kaya nilagyan ko na lang ng konting asin.

“I’m sorry, Mahal, mali ako sa pagtaas ng boses sa ’yo kanina. Nagalit ako agad sa maliit na bagay. Kaya ka siguro dinadalaw na naman ng masamang bangungot dahil sumama na naman ang loob mo sa akin. Kaya humihingi ako ng tawad, hindi ko sinasadyang mapagtaasan ka ng boses.”

Nag-angat na ako ng tingin.

“Patawarin mo na ako, mahal ko.” He pouted.

Tsk. Tingnan mo ’to, nagpapa-cute sa akin. Akala niya siguro makukuha niya ako sa pagpapa-cute niya.

Napanguso na rin ako. “Oo na, pinapatawad na kita.”

And he finally smiled. “Thank you, Mahal. I love you, asawa ko.”

Tuluyan na akong napangiti at pinagpatuloy na lang ang kain.

“Nga pala, Mahal, aalis ako ulit bukas ng hapon papuntang Maynila. Kaya maiiwan muna kita ulit dito. Sinabihan ko na rin si Ate Bebe na samahan ka muna nila habang wala ako.”

Bumalik ang pagsimangot ko sa narinig at napahinto sa pagsubo ng pagkain sa aking bibig. “Ha? Pero bakit ka aalis ulit? Akala ko ba isasama mo na ako sa susunod? Nangako ka, ’di ba?”

He sighed. “Sa susunod na lang kita isasama.”

Tuluyan nang sumama muli ang loob ko. 

“Palagi ka naman ganiyan, puro ka sa susunod pero hindi mo naman tinutupad.” Uminom lang ako ng tubig at tumayo na, naglakad na paalis.

“Mahal!”

Hindi na ako lumingon pa at nagtatampo na akong umakyat para bumalik na lang sa kuwarto. Pero nasa kalagitnaan pa lang ako ng hagdan nang maabutan na ako ng asawa ko ay niyakap ako mula sa baywang mula sa likuran, dahilan para mapahinto ako.

“Oo na, sige na, kung ayaw ng asawa kong umalis ako, then hindi na lang ako aalis.”

Nakasimangot na akong humarap sa kaniya. “Babae siguro ang kikitain mo roon kaya ayaw mo akong pasamahin. Aminin mo na.”

Natawa si Kyle. “Hey, wala akong babae.” Hinawakan na nito ang mukha ko at bahagyang pinanggigilan ang pisngi ko sa pamamagitan ng mahinang pagkurot. “Hmm. Napakaselosa naman ng asawa ko. Nagseselos kahit wala naman dapat pagselosan.”

Umismid ako at sinamaan siya ng tingin. “Sinasabi mong wala, pero ayaw mo naman akong isama. Nangako ka noong tumawag ako sa ’yo na isasama mo na ako sa susunod. Pero kasinungalingan lang pala ’yon. Pinagloloko mo lang pala ako! P’wes, huwag mo na akong kausapin pa, ayoko sa ’yo!” Inis ko nang hinawi ang kaniyang kamay at mabilis na akong umakyat.

“Hey, mahal ko!” Natatawa na niya akong hinabol.

Tumakbo naman ako. Naghabulan kami sa hagdan paakyat sa taas. Pero bago ko pa mapihit ang doorknob ng bedroom namin ay napatili na lang ako.

“Gotcha!” Nahuli niya na ako sa baywang at diretso akong binuhat.

Natawa na tuloy ako, pero hinampas ko pa rin siya sa balikat. “Bitiwan mo ako, Kyle! Ayoko sa ’yo!”

“Hmm. Ang mahal ko, napaka-cute magtampo.” He just chuckled. Binuhat pa rin ako at binuksan na ang pinto. 

“Bitiwan mo sabi—” Hindi ko na natuloy ang pagsasalita nang bigla na lang niyang sinakop ang labi ko at dinala na ako papasok sa pinto.

Kaya naman imbes na magpumiglas ay mas pinili kong iyapos na lang ang braso ko sa kaniyang leeg at agad na tinugon ang kaniyang halik.

Kaugnay na kabanata

  • My Brother-In-Law Is My Fake Husband    CHAPTER 5

    Binuhat na ako ng asawa ko papunta sa kama habang patuloy na nagpapalitan ng halik ang aming mga labi.Inihiga niya ako sa kama at patuloy na hinalikan. Kung dati ay simpleng halik lang ang nagagawa namin, ngayon ay medyo nagulat ako dahil lumalim at tumagal na ang kaniyang paghalik sa akin na para bang ayaw na niyang pakawalan pa ang labi ko. Naging mapangahas na rin ang kaniyang dila, pinasok na ang loob ng bibig ko na para bang may hinanap. At syempre hindi ako nagpatalo dahil agad ko iyon sinalubong ng aking dila. Nag-espadahan ang aming dila, muntik na akong mapaungol nang hulihin niya ang akin at sinipsip. Kaya gumanti rin ako, hinuli ko ang kaniyang dila at sinipsip din.“Hmm . . .” kumawala sa kaniya ang munting ungol dahil sa ginawa ko at mas lalo nagkaroon ng kasabikan sa kaniyang pagtugon.Nag-init na ang katawan ko, at alam kong gano’n din siya dahil naramdaman ko na pagtusok ng kung ano sa bandang puson ko.Hanggang sa pinakawalan niya ang aking labi at bumaba ang kaniya

  • My Brother-In-Law Is My Fake Husband    CHAPTER 6

    KASAL? Gusto ni Kyle na ikasal kami muli bago niya ako angkinin bilang asawa niya? Kinilig naman ako sa sinabi niyang iyon. Nakakatawa lang dahil bakit pa namin kailangan magpakasal ulit para lang maangkin niya ang katawan ko? Eh kung kinasal na rin naman kami dati noong hindi pa nawawala ang alaala ko?Pero sa isipin na pakakasalan niya muli ako para lang maangkin sa muling pagkakataon bilang asawa niya, parang may mga paru-paru ang nagsiliparan sa dibdib ko. Ibang klase rin pala talaga magmahal ang asawa ko at magpakita ng kaniyang respeto. Ang sarap lang sa pakiramdam. Ang suwerte ko sa kaniya, dahil bukod sa guwapo na ay maalaga pa at napaka-gentleman.Ako na yata ang pinakamasuwerteng babae sa buong mundo dahil napaka-perfect na lalaki ang napunta sa akin. Kaya lubos akong nagpapasalamat sa panginoon. Perfect husband ang asawa ko at hindi cheater katulad sa ibang asawa na madalas ko nababalitan nambababae, may bisyo, hindi lang ’yon dahil nambubugbog pa. Ang malas lang ng mga bab

  • My Brother-In-Law Is My Fake Husband    START

    “Ano’ng pinaplano mo? Are you going to kill the patient? She’s still alive, bro!”“I know. Just shut up. She can’t go back to my brother again. She will just suffer!” sagot niya sa kaibigan at itinurok na sa nakahigang babae ang injection.“But, bro, ano ba ang plano mo? Kailangan na natin siyang gamutin at baka kung ano pa ang mangyari sa kaniya kung tatagal!”“Itikom mo ang bibig mo, Leo. Mamaya tayo mag-usap. But for now, just shut up.”Natahimik ang kaniyang kaibigan na isa ring neurosurgeon katulad niya, pero naroon pa rin sa mukha nito na naguguluhan sa kaniya, lalo na nang marinig nito ang kaniyang sinabi matapos iturok ang injection sa babae.“Time of death: 06:34 PM,” he announced, looking at wrist watch.“What, bro?” Tila hindi makapaniwala ang kaniyang kaibigan na mas lalong naguluhan.He looked at his friend. “I need your help. Maghanap ka ng clinic, pero huwag na huwag mong ipapaalam sa iba. Just wait me there, darating ako in one hour.”Naguguluhan man ay tumango na lang

  • My Brother-In-Law Is My Fake Husband    CHAPTER 1

    2 Years Later . . .Angela’s POVNAPAKAGANDA ng tanawin, napakasarap ng simoy ng hangin, pero parang medyo dumidilim, parang uulan yata mamaya.Nakaupo lang ako sa sala ng maliit na kubo na nakatayo rito sa gitna ng palayan. Pinapanood ko ang mga trabahador namin sa kanilang pagtatanim ng mga palay.Gusto ko sanang tumulong magtanim, pero baka mapagalitan na naman ako ng asawa ko katulad na lang dati na nagalit sa akin dahil lang sa tumulong ako. Hindi naman nagalit, pero pinagsabihan ako na hindi na ako dapat tumulong pa dahil kaya nga may mga trabahador para sila na lang ang gumawa. At baka raw magkasakit pa ako kapag magtagal sa initan, baka lagnatin pa ako. Nag-aalala lang talaga siya sa akin. Kaya magmula no’n ay tamang panood na lang ako sa aming mga trabahador dito sa aming lupain.“Nakakapagod naman, darling ko. Pahingi nga ng isang halik.”“Ay diyos ko po ginoo, lumalandi ka pa kahit ang tandan-tanda mo na!”“Sige na, darling, isang halik lang pampawala ng pagod.”Napangiti n

  • My Brother-In-Law Is My Fake Husband    CHAPTER 2

    PAGKAGISING ko pa lang ay agad akong naglinis sa loob ng bahay. Hindi naman kalakihan ang bahay namin, dalawang palapag pero dalawa lang ang kuwarto sa taas at isa naman sa baba. Tinulungan naman ako sa paglilinis ng aming nag-iisang katulong na si Ate Bebe, siya sa labas at kusina, ako naman sa loob.Hindi ko mapigilan ang mapangisi habang pinupunasan ang mga picture frame kung saan may mga litrato naming mag-asawa. May mga litrato kami nang hindi pa kami kasal, hanggang sa ikinasal kami. At base sa mga litrato namin ay mukhang mahal na mahal naman ako ng asawa ko. May litrato pa kami kung saan nakasuot siya ng lab coat at nakangiti kami pareho sa camera, siya ang kumuha ng litrato dahil nakataas pa ang kaniyang kamay na may hawak sa camera. Base sa litrato ay mukhang niyaya niya akong mag-selfie sa loob ng ospital, makikita kasi sa background na nasa ospital kami.He’s a doctor by the way, a neurosurgeon. Pero ang sabi niya sa akin ay nag-resign na raw siya sa pagiging doctor mula n

  • My Brother-In-Law Is My Fake Husband    CHAPTER 3

    ANG saya saya ko dahil sa wakas ay nakabalik na rin si Kyle. Ngayon ay kasalukuyan na kaming kumakain ng lunch, pero bago niya inumpisahang kumain ay pinaglagay muna ako ng pagkain sa plato ko. Sanay na rin ako, ganito siya lagi sa akin, sobrang maasikaso.“Ano, Mahal, masarap naman ba ang luto ko ngayon?” tanong ko nang matikman na niya ang dalawang putahe ng ulam.He smiled and nodded while eating. “Palagi naman, Mahal. Noon pa man ay masarap ka na talaga magluto. Paborito ko na ang luto mo dati pa.”Napangiti naman ako at natuwa sa kaniyang sagot. Pero bakit ko nga ba tinatanong pa nang paulit-ulit kung masarap ba ang luto ko? Eh palagi naman paborito na niya dati pa ang sinasagot niya sa akin. Pero at least hindi siya nagsisinungaling dahil nakikita ko naman na magana siya lagi kumain lalo na kapag alam niyang ako ang nagluluto.“So, kumusta naman dito habang wala ako? Ayos naman ba ang farm natin? Wala naman bang nangyaring mga gulo?”“Wala naman, Mahal. At oo nga pala, napatani

Pinakabagong kabanata

  • My Brother-In-Law Is My Fake Husband    CHAPTER 4

    Isang malakas na sampal ang sumalubong sa akin pagkapasok ko pa lang sa loob ng kuwarto.“Ano, nakipagkita ka na naman sa lalaking ’yon, ha? Someone saw you in a restaurant where you met your ex-boyfriend again! You are married to me, pero bakit nakikipagkita ka pa rin sa lalaking ’yon?!”Gulat akong napatingin sa kaniya at napahawak na sa aking nasampal na pisngi. “Ano ba ’yang pinagsasabi mo? Hindi ako nakipagkita sa kaniya o sa kung sino mang lalaki!” depensa ko at nag-umpisa nang mangilid ang luha sa mga mata ko.Pero bigla na lang niya hinablot ang buhok ko at malakas na hinila palapit sa kaniya. “Don’t deny it. Alam kong nakipagkita ka ulit sa lalaking ’yon. My Mom and my best friend saw you. Sinundan ka nila at nakita ka kasama ng lalaking ’yon! That bastard kissed you! May kinikita kang kabit nang hindi ko alam!” he shouted at my face.Ngunit umiling ako habang nakangiwi na dahil sa sakit ng kaniyang paghila sa buhok ko. “No, that’s not true. They’re just lying to you. Walang

  • My Brother-In-Law Is My Fake Husband    CHAPTER 3

    ANG saya saya ko dahil sa wakas ay nakabalik na rin si Kyle. Ngayon ay kasalukuyan na kaming kumakain ng lunch, pero bago niya inumpisahang kumain ay pinaglagay muna ako ng pagkain sa plato ko. Sanay na rin ako, ganito siya lagi sa akin, sobrang maasikaso.“Ano, Mahal, masarap naman ba ang luto ko ngayon?” tanong ko nang matikman na niya ang dalawang putahe ng ulam.He smiled and nodded while eating. “Palagi naman, Mahal. Noon pa man ay masarap ka na talaga magluto. Paborito ko na ang luto mo dati pa.”Napangiti naman ako at natuwa sa kaniyang sagot. Pero bakit ko nga ba tinatanong pa nang paulit-ulit kung masarap ba ang luto ko? Eh palagi naman paborito na niya dati pa ang sinasagot niya sa akin. Pero at least hindi siya nagsisinungaling dahil nakikita ko naman na magana siya lagi kumain lalo na kapag alam niyang ako ang nagluluto.“So, kumusta naman dito habang wala ako? Ayos naman ba ang farm natin? Wala naman bang nangyaring mga gulo?”“Wala naman, Mahal. At oo nga pala, napatani

  • My Brother-In-Law Is My Fake Husband    CHAPTER 2

    PAGKAGISING ko pa lang ay agad akong naglinis sa loob ng bahay. Hindi naman kalakihan ang bahay namin, dalawang palapag pero dalawa lang ang kuwarto sa taas at isa naman sa baba. Tinulungan naman ako sa paglilinis ng aming nag-iisang katulong na si Ate Bebe, siya sa labas at kusina, ako naman sa loob.Hindi ko mapigilan ang mapangisi habang pinupunasan ang mga picture frame kung saan may mga litrato naming mag-asawa. May mga litrato kami nang hindi pa kami kasal, hanggang sa ikinasal kami. At base sa mga litrato namin ay mukhang mahal na mahal naman ako ng asawa ko. May litrato pa kami kung saan nakasuot siya ng lab coat at nakangiti kami pareho sa camera, siya ang kumuha ng litrato dahil nakataas pa ang kaniyang kamay na may hawak sa camera. Base sa litrato ay mukhang niyaya niya akong mag-selfie sa loob ng ospital, makikita kasi sa background na nasa ospital kami.He’s a doctor by the way, a neurosurgeon. Pero ang sabi niya sa akin ay nag-resign na raw siya sa pagiging doctor mula n

  • My Brother-In-Law Is My Fake Husband    CHAPTER 1

    2 Years Later . . .Angela’s POVNAPAKAGANDA ng tanawin, napakasarap ng simoy ng hangin, pero parang medyo dumidilim, parang uulan yata mamaya.Nakaupo lang ako sa sala ng maliit na kubo na nakatayo rito sa gitna ng palayan. Pinapanood ko ang mga trabahador namin sa kanilang pagtatanim ng mga palay.Gusto ko sanang tumulong magtanim, pero baka mapagalitan na naman ako ng asawa ko katulad na lang dati na nagalit sa akin dahil lang sa tumulong ako. Hindi naman nagalit, pero pinagsabihan ako na hindi na ako dapat tumulong pa dahil kaya nga may mga trabahador para sila na lang ang gumawa. At baka raw magkasakit pa ako kapag magtagal sa initan, baka lagnatin pa ako. Nag-aalala lang talaga siya sa akin. Kaya magmula no’n ay tamang panood na lang ako sa aming mga trabahador dito sa aming lupain.“Nakakapagod naman, darling ko. Pahingi nga ng isang halik.”“Ay diyos ko po ginoo, lumalandi ka pa kahit ang tandan-tanda mo na!”“Sige na, darling, isang halik lang pampawala ng pagod.”Napangiti n

  • My Brother-In-Law Is My Fake Husband    START

    “Ano’ng pinaplano mo? Are you going to kill the patient? She’s still alive, bro!”“I know. Just shut up. She can’t go back to my brother again. She will just suffer!” sagot niya sa kaibigan at itinurok na sa nakahigang babae ang injection.“But, bro, ano ba ang plano mo? Kailangan na natin siyang gamutin at baka kung ano pa ang mangyari sa kaniya kung tatagal!”“Itikom mo ang bibig mo, Leo. Mamaya tayo mag-usap. But for now, just shut up.”Natahimik ang kaniyang kaibigan na isa ring neurosurgeon katulad niya, pero naroon pa rin sa mukha nito na naguguluhan sa kaniya, lalo na nang marinig nito ang kaniyang sinabi matapos iturok ang injection sa babae.“Time of death: 06:34 PM,” he announced, looking at wrist watch.“What, bro?” Tila hindi makapaniwala ang kaniyang kaibigan na mas lalong naguluhan.He looked at his friend. “I need your help. Maghanap ka ng clinic, pero huwag na huwag mong ipapaalam sa iba. Just wait me there, darating ako in one hour.”Naguguluhan man ay tumango na lang

DMCA.com Protection Status