Nag-isip pa ako kung magre-reply ako kay Serenity pero nagpasya akong huwag ng magreply. Ang importante alam nilang okay lang ako. Kaya ng mabagot ako sa cellphone ni Alaric ay ibinalik ko rin. Gabi na nang dumating kami sa penthouse. Tulog na si baby Levi at pati ako ay inaantok na rin. Alas dos ng gabi kami dumating kaya mabilisan lang akong nag-ayos. I wore my satin nightdress and do a quick night routine before I sleep. Si Alaric ay may ginawa pa sa laptop niya kaya hindi ko na alam kung kailan siya natulog. At dahil late akong nakatulog, tanghali din akong nagising. Pero unlike sa mansion, dito sa Penthouse may staff si Alaric. May nagluluto ng breakfast at may naglilinis. I don't really need to wake up early just to do household chores.Tahimik sa kwarto nang magising ako. Ako lang mag-isa. Ngumiwi ako ng kumalam ang sikmura ko dahil kaunti lang ang nakain ko kagabi. Kaya kahit ayaw ko pang-bumaba, napilitan ako. Hindi na ako nag-abalang mag-ayos. Pati suklay ay wala. Plano k
Napalakas ang hawak ko sa ballpen ng tumama sa mukha ko ang folder na kanina lang ay inabot ko sa boss ko. “Mali to! How many times do I have to correct your work?” galit niyang sigaw. Hinilot niya ang sentido at saka matalim akong tinitigan. “Are you sure you know what you are doing, Ms. Salazar?” pang-iinsulto pa niya. I close my lips tight and inhale to calm myself from saying bad words. Eh ikaw? Alam mo rin ba ang ginagawa mo? Bobo ka! Putangina mo! Paupo-upo ka lang naman dyan! Hindi ko alam ilang beses ko siyang namura-mura sa isip ko. It was so tempting to say something! Pero sempre boss ko siya at kailangan ko 'tong trabaho kaya kailangan kong magtimpi. Three months ago, I was newly hired as an assistant project manager. Maganda ang naging trabaho ko at humanga sa akin ang supervisor ko. Nagpasya siyang bigyan ako ng project na ako ang magha-handle. Ang kasamaang palad, ang boss ko ay hindi ko alam kung ano ang ikinagagalit palagi. Yumuko ako at nagpaumanhin. “I'm sorr
I tried to forget about my boss. Nang inaya ako ni Sara para sumayaw, agad akong sumama. The music was too loud and I wanted to get lost in it. I dance like it was my last dance. Bigay todo at walang pakialam sa mga naririnig na sipol. “Whooaaa…Go girl! Ang sexy mo!” sigaw ni Sara despite the loud music. For a moment while dancing, nakalimutan ko ang problema ko. Pero hindi ko alam ang nangyari bigla. I was too lost in my dance na nagulat nalang ako ng biglang may humawak sa bewang ko at tumama ang likod ko sa matigas na katawan. The immediate heat coming from the person spread on my back. Kita kong nagulat si Sara at ang mga kasamahan ko sa nangyayari. Natigilan sila sa pagsasayaw at gulat silang tumingin sa akin at sa tao sa likod ko. “Kaya mali-mali ang trabaho mo dahil ganito ang inaatupag mo,” bulong ng lalaki sa likod ko. Biglang tumibok ng mabilis ang puso ko. Agad kong hinawi ang kamay niyang nakapalopot sa bewang ko pero ayaw niyang tanggalin. Mas lalo niya pa ako idi
“Tulala ka na naman ate,” ani Serenity, kapatid ko. Umahon ako sa pagkakasandal sa sofa at saka siya binalingan. Nanliliit ang mata niya at nanantya. “Don't mind me.”I dreaded Monday. Pero ang kasamaang palad ay lunes na bukas. Hindi ko alam kung ano ang nangyari noong gabing medyo nalasing ako. I know I was still in the right mind… Or maybe not. Hindi kasi kapanipaniwala ang mga naaalala ko. Did my eyes play tricks on me? Did my hearing malfunction that day? Umiling ako at tumawa ng wala sa sarili. Imposibleng naging mabait sa akin ang lalaking 'yon. Hindi talaga ‘yon magiging mabait. He is Alaric Satanas after all! Lasing lang ako kaya hindi naging maganda ang judgment ko. “Baliw na yata,” rinig kong bulong ni Serenity. Hindi naman ako baguhan sa trabaho pero I feel unease now that I'm walking inside the office. Hindi ko alam kung bakit hindi mawalawala sa isip ko ang nangyari sa bar. Pero nang dumating ako sa office namin, I noticed na normal naman ang lahat. “Good morning,
Umatras ako dala ang anim na folder. Ramdam kong nanginginig ang kamay ko kahit anong diin kong hawak sa mga ito. Sinipa niya ang swivel chair niya paalis sa tabi niya. Nagmadali siyang tumawag sa cellphone niya. Gamit ang isang kamay ay tuluyan niyang tinganggal ang necktie sa leeg. Tumalikod siya sa akin at kita ko ang pagpupuyos ng kamao niya. Nanlalamig ang katawan ko at halos hindi ko maintindihan ang mga sinasabi niya. Nahinto ako sa paghinga ng bumaling siya sa akin. Madilim ang tingin niya at nakayulom ang kamay habang nakikipag usap pa rin sa katawagan niya. Base sa kunting naintindihan ko sa tawag niya, milyon milyon ang involve na pera sa kontrata na 'yon. Tumagal nang dalawampung minuto ang tawag. Matapos ay agad siyang umupo at may ginawa sa laptop niya. Hindi na niya ako binalingan. Pigil na pigil pa rin ang hininga ko. Hindi ko alam ilang minuto akong nakatayo. Kung matagal man' yon ay hindi ko na nararamdaman dahil sa tindi ng kaba ko. Ni hindi ko kayang gumalaw sa
Gusto kong mag absent sa trabaho. Masyado akong nawindang sa nangyari sa opisina ni Alaric. I can't believe he did that! Putang ina niya! Ano ba ang plano niya? Bakit niya ako ginaganito? Kung galit siya, galit lang dapat. Bakit may mga paganon siya? Bakit! Ilang beses kong tinanong ang sarili ko, tinansya kung gusto ko bang pumasok, pero my body, mind and soul all agree that I shouldn't, that I don't want to go to work. “Kahapon pa yan nababaliw,” rinig kong sinabi ni Serenity kay Scarlet, isa ko pang kapatid. “Talaga!”Serenity nodded with conviction. “Malala ngayon…may pahawak-hawak na sa labi. Kahapon tumatawa-tawa lang yan ng wala sa sarili,” pag-iimbento niya ng storya. Nagtawanan silang dalawa. Matalim ko silang binalingan dahil sa pagtawa nila. How could they laugh at my misery! “Will you please mind your own business? Kung wala kayong mapag-usapan, huwag ako!”“Oh please… Concern lang ako, ate,” maarteng sinabi ni Serenity. “You are not with your usual self.”I'm the old
Mas lalo pa akong kinabahan sa sinabi ni Sara. Kaya mas determinado akong huwag makita ang boss ko. Dahil nagpapanggap akong nanghihina, nang niyaya ako ni Sara para mag-lunch sa labas, hindi ako sumama. I told her na sa pantry na ako kakain para hindi na mapalayo. Sempre panindigan ang panghihina para kung may dadalhin ako sa boss ko nagyong hapon, ipapagawa ko kay Sara. Malungkot tuloy akong kumain dahil halos lahat ng colleague ko ay sa labas kumain. May bagong bukas na restaurant sa tapat ng kumpanya kaya naisipan nilang pumunta sa opening nito. Sumisimsim ako ng kape habang ngalalakad papunta sa table ko ng may nakita akong babaeng lumalapit sa akin. She was wearing an expensive suit. Alam ko dahil may mga ganong suit si mama at sinabi niyang mahal daw ang mga yon. “Excuse me, Miss. Where's the office of engr. Ferrer?” tanong niya sa akin habang tumitingin-tingin sa paligid. Napaisip ako ng ilang segundo bago nakasagot. “Ay ma'am, I think you are in the wrong place. Walang e
Hindi ko alam kung ano ang sakit ng boss ko. Seriously, galit siya pero ginugulo niya ang isip ko. Bakit matapos niya akong durog-durugin, gaganunin niya ako? Sinabunutan ko ang sarili ko habang nahihibang sa mga iniisip. Ano ba ang plano niya? This isn't right! “Sinabi ko na kay mama,” rinig kong sinabi ni Serenity kay Scarlet. Nasa sala sila kasama ko. Dapat ay sa kwarto ako pero masisiraan ako ng bait sa loob ng kwarto ko kaya lumabas ako. Akala ko madi-distract ang isipan ko kung dito ako sa labas pero bumabalik pa rin sa akin ang isipan tungkol kay Alaric. Lumiban ulit ako. At alam ko sa sarili ko na sa susunod na lunes na ako babalik. Pero nagu-guilty din ako dahil maliit ang maitutulong ko sa gastusin sa bahay. Bumuntung hininga ako at saka sinabunutan ang sarili. Hindi ko namalayan ang pag-upo ni mama sa tabi nina Serenity kaya nakita niyang nababaliw ako. “Sabi ko naman mama eh. Noong lunes pa yan ganyan,” sumbong ni Serenity. Umupo ako ng tuwid. I glared at Serenity
Nag-isip pa ako kung magre-reply ako kay Serenity pero nagpasya akong huwag ng magreply. Ang importante alam nilang okay lang ako. Kaya ng mabagot ako sa cellphone ni Alaric ay ibinalik ko rin. Gabi na nang dumating kami sa penthouse. Tulog na si baby Levi at pati ako ay inaantok na rin. Alas dos ng gabi kami dumating kaya mabilisan lang akong nag-ayos. I wore my satin nightdress and do a quick night routine before I sleep. Si Alaric ay may ginawa pa sa laptop niya kaya hindi ko na alam kung kailan siya natulog. At dahil late akong nakatulog, tanghali din akong nagising. Pero unlike sa mansion, dito sa Penthouse may staff si Alaric. May nagluluto ng breakfast at may naglilinis. I don't really need to wake up early just to do household chores.Tahimik sa kwarto nang magising ako. Ako lang mag-isa. Ngumiwi ako ng kumalam ang sikmura ko dahil kaunti lang ang nakain ko kagabi. Kaya kahit ayaw ko pang-bumaba, napilitan ako. Hindi na ako nag-abalang mag-ayos. Pati suklay ay wala. Plano k
Matagal natapos ang celebration, inabot ng madaling araw. Pero kahit ganon, may iilang mga bisita na piniling umuwi matapos ng celebration. Kasama na roon ang mga kaibigan ni Alaric. Understandable naman kasi puro importanteng tao ang mga yon.Sina Tita ay nanatili sila. Bukas pa sila aalis dahil mahirap mag-byahe ng gabi.Pag-akyat ko ng kwarto namin, tulog na tulog na si Baby Levi. Binalingan ko ang orasan at kita kong ala-una na. Pumipikit na ang mata ko dahil sa antok. Pagod akong humiga sa gilid ng kama. Ramdam kong agaran ang pagka-idlip ko kung hindi lang ako tinanong ni Alaric.“Wife, you haven't changed yet.”Hirap na hirap akong sumagot. “I'm too sleepy. Bukas na,” garagal kong sagot at naiidlip na ulit. Hindi pa ako tukuyang nakatulog nang naramdaman kong isa isang natanggal ang suot kong heels. I then felt the zipper of my dress loosen. I was falling asleep but I could also feel what Alaric was doing. Sadyang tamad lang ang utak kong mag-function. When he removed my dres
Matapos akong makeup-an, tinulungan ako ng mga makeup artist na isuot ang simpleng puting gown na ngayon ko lang nakita. I didn't know there's a dress prepared for me. Akala ko kahit ano lang sa mga puting dress ko ang isusuot ko. It was an off-shoulder white wedding dress. May slit siya sa gitna. There were glitters everywhere that it shone under the light. Kabado ako nang pababa ako ng hagdanan. Nauna na ang mga bisita sa labas. Nahuli ako para magmarcha. Sinabihan ako na kasama kong magma-marcha si Tito James at Tita Patricia. I was alone when I was walking downstairs. Nasa labas na ang ibang bisita. The event made me feel overwhelmed. I inhaled deeply when I stopped in front of the backdoor. Pagbukas nito ay makikita agad ang ginawang altar para sa wedding. Hindi ko alam ilang minuto akong nanatili doon. Kumalabog ang puso ko ng unti unting bumubukas ang pintuan. Unang sumalubong sa akin ay ang romantic music na nagp-play sa speaker. And then once the door is fully opened, nag
Pag-akyat ko kay Levi ay hindi a ako nakababa. Hindi na ako pinababa nina Tita. Pinaakyat pa nila ang pang dinner ko para lang hindi ako makalabas. Sila na raw ang bahalang gumawa ng pwede pang gawin sa preparation. Kaya wala akong nagawa. Matapos kong kumain, naligo at pinatulog na nila ako. Alas dyes pa lang, sinasabihan na ako ni Ashley na matulog. Nasa kwarto ko siya at ilang beses na niyang nasabi na matulog ako. Nag aaply pa ako ng skincare gusto na niya akong matulog.“Alam mo Ashley, kung gusto mong matulog… matulog ka! Kanina ka pa,” kunwari ay naiinis kong sinabi sa kanya. Inirapan ko pa para tumahimik na. Umirap siya sa akin, kagaya ng pag irap ko sa kanya. “Ikakasal ba ako bukas? Hindi! Pero ikaw oo kaya matulog ka! Huwag matigas ang ulo,” sermon niya. Natawa nalang ako sa kanya. Wala na akong nagawa. Matapos kong mag skincare ay natulog na ako. Ayaw niya akong tantanan kaya natulog nalang ako. Kinabukasan, ng magising ako, sa kwarto ulit ang breakfast ko. Ayaw nila ak
The next day, pag gising ko nakita ko si Ate Shasha sa mansion. Gulat na gulat ako ng maabutan ko siya sa kusina. Na late ako ng gising kaya pag gising ko wala akong kasama sa kama. Pagbaba ko, akala ko ang mag-ama ko ang nasa kusina pero nagulat ako ng si Ate Shasha ang nakita ko. “Good morning, señorita,” tumatawang bati ni Ate Shasha. “Nakahanda na ang pagkain mo. Hindi kana daw hinihintay ng mag ama mo kasi ang bagal mo daw gimising,” pagbibiro niya sa akin. Natawa ako. It's not that I don't want to wake up early. It's just that this past two days, dahil kasama ko si Alaric at Baby Levi, wala akong pino-problema kaya napapasarap ang tulog ko. Si Alaric din kasi ang umaasikaso kay Levi sa umaga kaya wala akong inaalala. I know it's my duty as a mother to take care of Levi pero ginagawa kasi yon ni Alaric. Sabay silang naliligo. Sabay silang kakain. Kaya okay lang na late na ako gumigising. “Bumalik kana po pala, Ate,” nakangiti ko ding sinabi. Agad akong umupo sa barstool at sak
Inaantok na ako ng pinag damit ako ni Alaric ng t-shirt niya. He also made me wear my undies na kinuha niya sa closet ko. Humikab ako matapos niya akong bihisan. “Where's baby Levi?” garagal kong tanong. Konting konti nalang at alam kong makaka idlip na ako.“He's in other room,” sagot niya habang nagsusuot siya ng tshirt niya.“Bakit hindi dito?” Tumawa siya ng mahina. “I plan to take you tonight, Seraphina. I can't risk him being in the same room while making you moan.” Inaantok akong umirap. Matapos niyang magbihis ay binuhat niya ako para dalhin sa kabilang kwarto. Hindi na ako nag protesta at saka ninamnam ang pagkakabuhat niya sa akin. “Ikaw ang nagbuhat sa akin kaninag umaga?” inaantok kong tanong.“U-huh! Why did you sleep outside?”Gusto kong isagot na dahil hinihili ako ng hangin pero hindi ko na nagawang sumagot. Bumibigat na ang talukip ng mata ko. Naramdaman ko nalang na tumama ang likod ko sa malambot na kama ng ibaba niya ako. Pagkatapos non ay naramdaman kong nakum
Kumakalabog ang puso ko habang lumalapit si Alaric. It didn't help that he's glaring at me. Like I did something wrong. Well, technically akala niya may ginawa ako. Akala niya pinili ko si Magnus kaysa sa kanya. Nang nasa harap ko na siya, agad niyang hinawakan ang baba ko at saka inangat ang mata ko para magtama ang mata namin. He then bent down to plant kisses on my lips. Tatlong beses niyang pinatakan ng mabababaw na halik ang labi ko.“Did I wake you up?” tanong niya sa mababang tono. Pero hindi pa ako nakakasagot ay bumaba ang kamay niya sa magkabilang gilid ko. Agad lumapit ang katawan niya sa akin. I don't think he even wanted me to answer because he immediately attacked my lips again. Wala pa akong nasasabi ay nasa labi ko na ang labi niya. Hindi na mababaw ang halik niya. Kinagat niya ang ibabang labi ko at agad na pumasok ang dila niya, exploring every corner of my mouth. He kissed me thoroughly like a hungry man. Hindi ko namalayan na dahil sa gigil niyang humalik ay na
Seraphina’s POVNakatulugan ko ang pag-iyak. Kaya pag gising ko, medyo masakit ang ulo ko. Matagal akong nanatli lang sa kama. Ang tahimik ng paligid. Halos wala akong marinig. Tanging ang paghinga ko lang ang naririnig ko. Hindi ko alam ilang oras akong nakahiga lang. Ang alam ko, nakatulog ulit ako. Kaya pag gising ko ulit, alas dose na. Mabagal ang mga kilos ko. Wala rin naman akong iniisip na gagawin. Sa bathroom, tulala ako habang naliligo. Ni hindi ko halos matandaan kung nakapag shampoo naba ako dahil mas matagal ang pagkatulala ko kaysa gawin ang dapat gawin. Inabot ako ng dalawang oras sa paliligo. Nang bumaba ako, wala naman akong ganang magluto kaya biscuit lang at tubig ang kinain ko. Wala akong gana sa lahat. Medyo nanghihina pa ako. Kaya matapos kong kumain, nagpasya akong lumabas sa likod ng mansion. Paglabas ko, agad bumagsak ang balikat ko. Naalala ko noong nandito pa ang mag ama ko. Parang nagsisi ako kung bakit ang bilis kong nagpasya na bumalik sa bahay. Masay
Eliza’s POV Nakaupo ako ngayon sa mansion ng mga Ferrer. It's been two years and the house still feels empty. Simula ng sumugod dito ang mama ni Seraphina, hindi na naging homey ang mansion nila. Palagi nalang itong tahimik at halos walang party na nagaganap. Alaric stopped going here. Tito Ethan wanted the feud to stop kaya hindi siya masaya sa naging aksidente ni Seraphina. Kaya ng malaman niyang si Tita ang totoong humahabol sa sinasakyang kotse ni Seraphina, naging malamig na din si Tito kay Tita. Yes, he helped her deny the accusation pero nanlalamig din siya kay Tita. Since then, the mansion has no warmth in it. Tumigil na ding bumisita sina Analise, Chesca at Daphne. Wala na rin naman silang rason na pupuntahan. Hindi na dinadausan ng party ang mansion kaya nanatili itong tahimik sa nagdaang dalawang taon. Alaric stepped down as CEO of Helixion Pharma. Magaling siyang CEO kaya simula ng umalis siya marami sa mga investors ang nagalit. They want him back pero walang magawa si