Nanlaki ang mata ko dahil sa narinig kong sinabi ni Tita. I wasn't ready for this! Hindi pa nga ako ready sa confrontation about sa kasal namin, tapos biglang kakain sa isang table ang dalawang pamilya? This isn't happening!“Okay,” sang-ayon ni Alaric sa sinabi ni Tita! Hindi man lang niya naisip na baka hindi magandang plano yon!Umalis si Alaric para lumapit ulit sa parents niya na nasa living area. Naiwan ako kina Tita at Mama. Si Serenity ay nakangisi sa akin. Kunwari, busy kay Baby Levi pero halatang ready makinig ng sermon.“Saan ka pumunta nung tumakas ka?” tanong ni Tita nang nakaalis na si Alaric. I shifted weight. “Sa Angeles, Tita.” “Angeles? Saan doon? Nabenta na ang mansion kaya saan ka pwedeng pumunta doon?” curious na tanong niya. So it's really true huh! Bakit kaya hindi alam nina mama na nabenta pala yon? Kung alam niya, hinding hindi niya ako papapuntahin doon nung gusto niya akong tumakas. Hindi ko sinagot si Tita. I'm still a bit hurt by her. I can't forget h
“Tita, tara na,” aya ko nang mapansin kong medyo mas lumala ang tension kina Tita at Kiara. Agad akong tumalikod matapos kong ayain si Tita. Kung sasama siya sa taas o hindi ay bahala na siya. Though, what she said made me think she knew Alaric's mom during her college days. I wonder what their story is?Nang dumating ako sa kwarto, si Serenity lang ang nakita kong sumunod. Hindi na tumuloy si Tita at Mama. “Paano niyo nalaman na nandito ako?” tanong ko kay Serenity nang maisara niya ang pintuan. “I don't know. Basta sinabi lang sa amin ni Tita itong address ng penthouse. Naturally, pupuntahan namin para mahanap ka,” sagot niya with her in a matter of fact tone. “Where's Scarlet?” tanong ko na lang.Serenity sighed. “You know how studious that one is. Nasa university, sinusunog ang kilay kahit alam naman niyang siya ang overall valedictorian.”“At ikaw? Wala kang trabaho?” Tinaasan ko siya ng kilay. Para siyang nasamid pero tinakpan niya, kunwari naubo siya. “Okay lang naman. App
“Son, you should go back to work,” unang salita galing sa papa ni Alaric. “This would help the business. Marami pa rin ang gustong umalis…” ani niya. He didn't stretch his statement pero alam kong marami ang nag-aalisan daw na investors dahil hindi na si Alaric ang CEO. Nabanggit niya sa akin yon dati pa.Kaya lang ay may bagong business si Alaric at yon ang pinagtutuunan niya ng pansin. Kaya hindi ko alam ngayon kong papayag ba siyang bumalik. “I'll think about it, papa,” sagot niya. Ang tono niya ay parang hindi interesado. “Bumalik kana. It's been two years. Nahihirapan na ang papa mo para kumbinsihin ang ibang investors,” singit ng mama ni Alaric. From my sitting position, kita ko ang pag-irap ni Tita dahil narinig niya ang boses ni Kiara. Parang suklam na suklam siya sa babae. “I'll think about it, mama. I'm busy with something now.” “Okay lang naman siguro kay Seraphina na magtrabaho ka?” biglang sali sa akin ni Kiara. Napabaling tuloy ako sa kanya. Napaawang ang labi ko s
Matapos ang tanghalian ay tahimik ang lahat na lumipat sa living area. Medyo nawawala na ang tension na kanina lang ay bumabalot sa amin. Ni hindi ko malasahan ang kinakain ko dahil sa sobrang katahimikan. Ngayon na nag-uusap si Papa at papa ni Alaric ay medyo nawawa ang tensyon sa pagitan ng pamilya namin. “Mauna na kami sa inyo. May importante pa akong pupuntahan,” paalam ni Tito nang medyo nakapag pahinga sila ni Tita. “Sige po, Tito.” Tumayo ako para samahan sila sa labas. “Kung ganon ay sasabay na rin kami, anak,” ani mama. Tumayo siya kaya tumayo rin si papa. Kita kong nagpaalam si papa sa parents ni Alaric. Sinamahan ko sila sa labas. “Kailangan ka bibisita sa atin?” tanong ni mama ng nasa tapat na kami ng elevator. Bumaling siya sa akin na may ngiti sa labi. “Don't worry. I just want to talk. Wala na akong magagawa ngayong kasal na kayo.”Tumango ako. “Bibisita ako mama. Titignan ko pa. Ite-text ko kayo,” pag assure ko sa kanila. Niyakap ko sila isa isa bago sila pumasok
Limang araw ang lumipas nang bumisita bigla ang parents ko at ang parents ni Alaric. Mabuti at wala ng nangahas na bumisita matapos nila. Kaya nasulit namin ang limang araw na kami lang tatlo. Pero parang hindi naman makuntento si Alaric at gusto pa niyang mag-ibang bansa kami. “I’m okay staying here as long as I’m with you and our son,” bulong ko sa kanya. Nasa sofa kami. Nanonood ng spongebob kasi iyon ang gusto ni baby Levi. Naka sandal ang ulo ko sa balikat niya at kunwari nalang kaming nanood. Samantalang titig na titig si Levi sa TV. Alaric chuckled. “The experience is different. Gusto kong maranasan niyo rin sa ibang bansa.” Napatango ako. Maganda rin namang plano yon. Marami kaming makikitang bagong tanawin. At sinabi rin ni Alaric na baka mapilitan siyang bumalik sa Helexion kung patuloy na bumaba ang sales kaya niyaya niya ako hanggang hindi pa siya nakakabalik. “I’m okay with it. Saan mo ba gusto?” tanong ko. “Italy.” He trailed off as he thought of something. “Especi
Kiara shifted on her seat. Halatang na awkward-an dahil sa pagbalik ni Eliza. Pilit siyang ngumit sa amin bago siya tumayo. “Maiwan ko muna kayo, samahan ko lang si Eliza,” paumanhin niya. Nang bumalik sila sa kusina ay siya naman ang pagdating ng isang kasambahay, may dala siyang snacks. Ibinaba niya yon sa coffee table sa unahan namin. Wala siyang sinabi. Basta nalang siyang umalis matapos niyang ilapag ang pagkain. “Sino sino ang nakatira rito sa mansion niyo?” tanong ko matapos kong kumuha ng pagkain sa table. Naitanong ko lang kasi masyadong tahimik ang paligid.May tinitignan si Alaric sa cellphone niya pero bumaling siya sa akin nang magtanong ako. “Just my parents. Tito Asher has his own house in Batangas,” sagot niya. “How many cousins do you have?” I was just wondering if pinsan niya ba sa father side sina Chesca at Daphne? I never saw that two. Meron pa naman silang atraso sa akin!Alaric chuckled because of my question. “I have two cousins in my Tito Asher. Si Chesc
Nakayakap ako kay Alaric nang marinig namin ang ingay ng mga bagong dating na bisita. Agad kong nakilala ang boses ni Analise. Hindi nga lang ako kumalas ng yakap. Tumawa lang si Alaric at hindi rin naman siya umangal, nakayakap din siya sa akin. “Maraming kwarto sa taas. Hindi ko alam kung saang kwarto pumasok si Eliza. I was alone in my room.”Naniniwala naman ako. I was just so affected with Eliza that I can’t help not to think bad. Bakit ba siya nandito? The mere fact that she is welcome here tells me that Kiara still likes her. Yoon ang ikinatatakot ko. Nang may marinig akong tumikhim ay doon lang ako kumalas ng yakap. “Hi,” bati ni Analise. Nakangiti siya sa amin despite seeing us hugging. Kita kong nasa likod niya si Chesca at Daphne. Hindi sila makatingin sa amin. I don't know if it's because they're guilty for what they did to me or they don't just want to see me. Either way I don't want to see them too. Pinunta ko lang talaga rito ay ang bilin ni Kiara. “Why are you her
Agad akong tumayo sa sinabi ni Chesca. Rinig kong tinawag ako ni Alaric pero binalewala ko siya. Mabilis akong lumabas ng backyard at saka hinanap ang anak ko. Malawak ang mansion nila at maraming kwarto. Yoon ang napansin ko habang nagmamadaling lumabas. Kaso, paglabas ko, isang malawak na harden ang sumalubong sa akin. Sa kaliwang bahagi ay ang malawak nilang swimming pool. Walang tao pareho sa pool at sa garden. Napatingin ako sa hula ko ay lighthouse. Sampung metro ang layo non sa pool. Agad kong tinahak yon para silipin kong naroon sila. Pero laking dismaya ko nang marating ko yon at wala ring tao.Lalong kumalabog ang puso ko. Pero dahil sa kaba, sinuri ko ang bawat sulok ng labas para lang makasigurado na hindi sila nagtatago. Pero nasuri ko na ang bawat sulok ay wala pa rin akong makita. Mabilis akong pumasok nang mapagtanto kong wala talagang tao sa labas. Saktong palabas din si Alaric para siguro puntahan ako. “Si Levi?” tanong ko. I could feel my body getting stiff. “Wa
“Ma’am Serenity, hindi ka pa po uuwi?” biro sa akin ni Mela, ang isang accountant na ka-team ko. Tumatawa siya dahil halos kaming dalawa lang ang nandito sa opisina namin. Tumawa rin ako. “Mamaya na. Wala naman akong uuwian na asawa. Baka ikaw meron?” biro ko rin. Humagalpak siya ng tawa. Kanina pa dapat kami nag-out. Pero hindi muna ako nag-out para matapos na itong trabaho na ginagawa ko. Nasasayangan ako na e-stop kasi malapit na akong matapos. “Samahan na kita ma’am. Wala rin naman akong inuuwian.” I smirked at her. Kaya lang, nang malapit na malapit na akong matapos sa work ko ay biglang tumunog ang cellphone ko. Hirap na hirap kong hinanap pa yon dahil wala akong interest na sagutin. Pero ng mahanap ko ang cellphone ko, tumaas ang kilay ko nang makitang new number ang tumatawag. Kahit ayaw kong sagutin, napilitan ako.“Hello?” bungad ko sa kabilang linya.“Hello ma'am, delivery po.” Nilayo ko ang cellphone ko sa tenga ko bago tinignan ulit ang number na tumatawag. Baka kas
I was so busy typing the things I'm inputting in the data when someone suddenly stopped me.“Ma'am, ipinapatawag ka po ni Ms. Esperanza,” magalang na sinabi ng isang employee. Agad akong nagulat sa sinabi niya. Not that it's bad. I'm just not used to this. Palagi kasing si Chief at ang CEO lang ang tumatawag sa akin. Ngayon pati si Zephyra na?“Sige sige,” wala sa sariling sagot ko. I’m so busy with this tapos kailangan ko pang pumunta? Naibigay ko naman na ang kailangan niya ah! I'm still professional despite feeling annoyed by her. Hirap na hirap akong iniwan ang trabaho ko. I don't really like stopping my work lalo pag dere-deretso ang tintrabaho ko kasi yong momentum masisira!Mabilis ang bawat lakad ko. Hinahabol na baka pagbalik ko nandoon pa rin ang momentum. Pero nang dumating ako sa opisina ni Zephyra ay parang naglaho lahat ng momentum na sinasabi ko. “Where's the report I'm asking?” unang bungad niya sa akin. Not the typical Zephyra na mahihiya pa bago ka tatanungin. Ngi
Agad nanlaki ang mata ko. Agad kong naisip ang kalagayan ng condo ko. Shit! “Huwag na sa condo ko!” napalakas na sabi ko. Pero dere-deretso lang ang takbo ng kotse niya. “Ryker!” tawag ko. “Sa condo mo na. Hintayin nalang natin na umalis yong friend mo!” He laughed at me. “Why? What's wrong with your condo?” Makalat! Hindi ako nakapaglinis ng umalis ako dahil late na akong nagising! Wala akong nagawa nang dumeritso siya sa tower ng condo ko. Nakasimangot ako at nakakunot ang noo ng pagbuksan niya ako ng pintuan. “Come on, Serenity. Is there corpse in your flat?” tanong niya. Tumataas ng kilay sa akin.“Of course not!” inis kong sinabi. “Then let's go,” tumatawa niyang sinabi. Hindi ako lumabas ng kotse niya kaya hinawakan niya ako sa braso. Sapilitan niya akong pinaalis doon.“I'm sure umuwi na ang friend mo. Bumalik na tayo sa condo mo?” pilit ko sa kanya. I smiled at him to convince him further. He shook his head. “Nandito na tayo.” Pilit niya akong pinapaglakad habang ha
“Bukas kana bumalik sa trabaho. You're tired.”Nakaupo ako sa sofa niya at medyo basa pa ang buhok. Kakatapos lang namin maligo. Pinapatuyo ko ng towel dahil wala siyang hair dryer dito sa opisina niya. “Okay. So, pwede na akong umuwi?” tanong ko. He chuckled. “No. You're not going home. Sa condo kita iuuwi ngayon. I'll just finish this and we'll go.”“Dala ko ang kotse ko. Hindi pwedeng iwan dito.” Hindi niya ako sinagot. Kalaunan ay may sinabi siya sa intercom.“Can you bring some food inside?” rinig kong sabi niya sa sekretarya niya. Hindi rin nagtagal ay pumasok ang sekretarya niya na may dalang cake at inumin. Ngumuso ako ng bigla kong naalala ang lasa nong pansit sa baba! Sayang yon! Nagparinig pa ako sa wala!Nang lumabas ang sekretarya niya, bumaling ako sa kanya.“Marunong kang gumawa ng pansit?” tanong ko. “I want pansit.” Pero kita kong seryoso siya sa binabasa niya sa laptop niya. Isang segundo lang siyang tumingin sa akin bago niya ibinalik ulit ang mata sa monitor.
Nangilabot ako sa bulong niya sa akin. Yong iniiisip ko na pansit ay bigla nalang nawala sa utak ko at napalitan ng ibang bagay. His both hands travel down from my shoulder to my elbow. Bumaling ako sa gilid para makita kung saang palapag na kami. We're near to his floor pero hindi na makapag-antay itong lalaking to. Naramdaman kong hinawakan niya ang baba ko at saka pinatakan ng halik ang labi ko. “I missed you,” he whispered huskily after kissing me.At magsisinungaling ako kung sasabihin kong hindi ko siya na miss. I did miss him too. It's just that I got demoted into lower position kaya hindi na ako basta basta nakakapunta sa opisina niya. Wala akong dahilan kasi hindi naman ako sa kanya nagre-report. Nang bumukas ang elevator ay nagmadali siyang lumabas. Deri-deritso siya sa opisina niya. Sumunod lang ako sa kanya, medyo nagtatagal maglakad. Tumango pa ako sa sekretarya niya bago ako pumasok. Pagpasok ko, nasa table na siya. Tanggal na ang coat niya at tinatanggal na niya ang
Nakaupo ako ngayon sa bagong desk ko, kasama ang mga team ko. Medyo may kalayuan lang ang table ko sa kanila for privacy reason. Nonetheless, I don't have a private office now. Pwede naman akong mag request kasi yong dati daw na manager ay may sariling opisina pero hindi ko na ginawa. Maganda na rin to para mabilis lang ang usapan namin ng mga ka-team ko. Nag-unat ako nang matapos ko ang ginagawa kong report. Kanina pa ako nakaupo kaya medyo nananakit na ang likod ko. Matapos kong e-print ang ginawa ko at nailagay sa folder, tumulak na ako para kay Zephyra. It's been two weeks. I kinda miss my old job. Medyo hindi hectic ang gawain doon. Ito kasi, ang dami dami kong inaasikaso kaya wala akong time sa ibang bagay. Nang dumating ako sa dati kong opisina, nadatnan ko lang ay si Eloisa. Biglang kumunot ang noo ko dahil hindi ko makita si Zephyra. “Serenity!” natutuwang tawag ni Eloisa. Natawa ako sa kanya. “I miss you too girl!” biro ko. “Where's Zephyra?” tanong ko. Eloisa shrugged
Nakatayo ako ngayon sa opisina ko habang pinagmamasda si Zephyra na nagpapasok ng mga gamit niya. Akala ko, mga one week pa bago siya magsisimulang magtrabaho. Pero hindi! Kinabukasan matapos kong pumayag na ma-assign as financial manager, ngayon ay narito na siya. Kasama pa ang mga kaibigan ko. “Bakit naman ang bilis mong magsimula?” medyo iritang tanong ko sa kanya. Ibinaba niya ang box na dala niya sa table ko at saka ngumiti sa akin. “Wala na kasi akong magawa. Kaya gusto kong magtrabaho na.” Bumaling ako kay Eloisa at gulat na gulat siya dahil makakasama niya sa iisang opisina si Zephyra. Halos hindi siya makapagsalita dahil nandito din ang mga kaibigan ko na kaibigan na rin ni Zephyra. “Saan ito, Zephyra?” tanong ni Sofia. May dala siyang box. Sinilip ko ang laman at nakitang mga picture frame yon! Is this girl serious?“Dyan lang muna sa lapag. Hindi pa kasi nakakapag ligpit si Serenity. Wala pa akong mapaglagyan ng mga gamit ko.” Sikreto akong umirap at saka naglakad s
“Kailan ba yan?” tanong ko kay Eloisa. Binabalita niya sa akin na may get together daw ang finance department at gusto niyang sumama kami. Naisip ko na okay naman na sumama ako para makilala ko pa ang ibang employees. “Next week pa. Two days outing lang sa Palawan. Sa weekend pa yon kaya walang matatamaan na schedule.” “Sige sige. Sasama ako. Para naman maiba ang view minsan. Hindi puro computer lang,” tumatawa kong sabi. Agad nga lang kaming natigil sa pag-uusapl nang biglang may kumatok sa opisina namin. Matapos ay unti unti niyang binuksan ang glass door. “Hello, ma'am,” nahihiyang sinabi ng babae. Pumasok siya sa loob at sa akin dumitetso. “Ma’am pinapatawag ka po ng CEO.” Medyo nanlaki ang mata ko sa kanya. “Why?” “Hindi po niya nasabi.” Awkward siyang ngumiti sa akin. “Iyon lang po ma'am. Alis na po ako.” Matapos lumabas nong babae ay agad akong sumunod. I wonder why he called me. The last time na ipinatawag niya ako sa isang employee, yon ay dahil ipapakulong niy
“Hindi ka pa magla-lunch?” tanong sa akin ni Eloisa. Nag-aayos na siya pababa sa cafeteria. Umiling ako. “Wala akong ganang kumain. Sa pantry ulit ako mamaya.”“Okay. Sige mauuna na ako sayo,” paalam niya. Tumango ako. Hindi naman sa wala akong gana. Sinabi kasi ni Ryker sa samahan ko siya kumain ngayon sa opisina niya kaya doon ako kakain. Nang makita kong nakababa na si Eloisa ay saka ako tumayo para pumunta sa opisina ni Ryker. Mabuti nalang at wala akong nakasabay habang papunta ako. Not that it matters pero baka magtaka sila kung bakit lunchtime at sa taas ako pumupunta instead na sa baba para kumain. Pagdating ko sa tamang palapag, nakita ko ang secretary niya. Agad siyang tumayo nang makita niya ako. “Mr. Saldivar is not around. Nasa meeting pa po siya.” “Okay. I'll just wait for him.” Papasok na sana ako sa loob nang magsalita ulit ang secretary niya. “Miss Esperanza is also inside waiting for him,” pormal niyang sinabi. Nahinto ako saglit. “What for?” “She didn't te