"You see that man outside earlier wearing a suit? Ang cute. The snake tattoo on his neck caught my attention.""Napansin ko rin 'yon! I love man with inks. But by the way, he was talking to Pristine. Is he her new bodyguard?""Mukha ngang bagong bodyguard. Nakita ko na lumabas sila sa kotse ng magkasama, eh.""Oh. Bad. I like the cold one."Each whisper was accomapnied by glances. Pansin ko 'yon sa gilid ng mga mata ko habang nagte-take down ako ng notes sa magiging discussion ngayon sa financial accounting."I like the other one too. Baka natapos na kasi ang contract?""Maybe?"Ma'am Melendez hasn't arrived yet. Kaya naman may oras pa na mag-usap ang mga kaklase ko. And they're not quiet about their topic. Nahulaan ko naman nang mapag-uusapan ako at si Kio na bago sa paningin nila, pero ayos lang sa akin. As if they skip a day talking about my life."Baka marinig kayo."Alam nila sigurado na naririnig ko rin sila. Their voices were a little loud enough for me and the people at the ba
Napatingin ako sa mga kaklase ko na ngayon ay nasa amin ang atensyon."H-Hello..." sagot ko agad.She talked to me! And she's smiling! Her eyes even sparkle while looking at me."Seatmate tayo. Ano ang pangalan mo? Ang ganda mo naman. Artista ka ba? O anak ng artista? Ang puti-puti mo. Angel siguro pangalan mo?" Angel again. Naalala ko ang bata kanina.But w-what... wait. A-Ano ang una kong sasagutin sa mga tanong niya?Nang marinig ko naman ang pagtawa ni Ma'am Melendez ay sabay kami na napatingin dito ng bagong kaklase namin."Esther, nagugulat rin sa 'yo si Pristine, look at her facial expression. Take it easy. Mamaya ka na rin magtanong ng magtanong dahil magsisimula na ang klase natin.""Ay, opo, Ma'am! Sorry po!" she said and did a peace sign.The discussion started. Pero wala sa topic namin ang atensyon ko kung hindi nasa bagong namin na kaklase. She's looking at me! Nang lingunin ko ito ay nakangiti pa rin sa akin."May... kailangan ka ba?"Anong name mo?"Ohh. Nabanggit na ni
I couldn't hide my happiness. Even though my day didn't start well because of what my classmates and I talked about—how they are really avoiding me and don't want to be friends with me ay hindi ko naman inaasahan na sa kabila ng mga nangyari ay biglaan rin ako na magkakaroon ng kaibigan.Estrella Lee.Mom, I have a friend now.Esther is really giving me the vibe that she doesn't care about what other people say. At kahit new student siya ay pumapatol agad siya sa mga schoolmate namin. Katulad ng nangyari kanina, rinig na rinig namin na dalawa na kami ang pinag-uusapan ng mga nasa cafeteria, palabas na kami non nang magulat ako dahil sinita niya talaga."What's your problem with us? Eh, ano kung kaibigan ako ni Pristine?""You don't know her, or maybe you know tapos you are just after her wealth."At that moment, I was about to speak up to defend Esther because she was being insulted, but she stopped me. Even Kio was ready to speak, but Esther was the one who confronted the woman while
Nang mamatay ang tawag ay nag-iisang linya pa rin ang mga kilay ko sa pagtataka. My eyebrows were still furrowed in confusion. Sebastian never talked to me before, and now, he's calling me—a video call, to be exact."Baka napindot lang? Kaso bakit ang tagal?" I asked myself.Schoolmate ko rin dati si Sebastian, from Elementary to Senior highschool pero magkaiba kami ng section at block. Ngayon lang kami naging magkaklase. Kaso kahit magkakilala na kami ng matagal ay hindi naman niya ako kinakausap kahit minsan--kanina lang.Tapos dalawang salita na, 'Enough, Pristine.'Napanguso ako at rereplyan ko na lang sana ang message ni Esther tungkol sa mga libro na inaalok niya sa akin na baka gusto kong basahin ay bigla naman nanguna ang pangalan ni Sebastian. Napataas talaga ang kilay ko nang i-message niya ako."Why are you not answering my call, Pristine?"That doesn't sound nice. Pero hindi naman talaga nice si Sebastian. He's too full of himself. Arrogant. Parang katulad ni Gael, pero an
Kaaalis lang ni Elijah ngayong umaga. Wala pa ngang isang araw na wala siya. And he said earlier that after three days he will come back. Kasi mukhang hindi rin basta-basta ang ipinunta niya sa Karmona. Naunawaan ko na 'yon, eh.Pero ngayon naman ang sinabi niya na dalawang linggo na mawawala siya na naging tatlong araw na lang at ngayon ay ito at pauwi na! Hindi ko ba alam kung ikatutuwa ko na uuwi na nga siya dahil para bang abala 'yon sa mga maiiwan niya sa trabaho. Also, the friend he mentioned surely knows he will be back to his duty right now.Eli is not the type who would lie because he is a righteous man. And when he says something, you can trust that it's the truth. Those who know him understand that he stands by his word at sa halos isang taon na kasama ko siya bilang bodyguard ko ay 'yon ang isa sa mga napatunayan ko talaga.Ang kaibigan na binanggit niya naman rin ay mukhang mahalaga sa kaniya. The way he said his name though. Kung kliyente rin kasi ay tiyak na hindi niya
"Bakit, ma'am?"Nang makabalik si Ate Lena at si Kio ay lumapit kaagad sa akin ang huli. Siguro ay napansin niya na hindi ako mapakali. At habang nag-aayos ang ate ng mga ipasusukat niya sa akin na gown ay sinabi ko na nga ako kay Kio."Uuwi daw si Elijah and he's on the way now.," sabi ko at nang titigan ko siya ay napailing lang siya habang nakangiti. Para bang inaasahan na niya ang sasabihin ko.Inilayo sandali ni Kio ang tingin at kinuha niya ang cellphone niya ay itinapat niya sa akin ang screen non. Nang makita ko ay napakagat ako sa aking pang-ibabang labi, puno 'yon ng mga mensahe ni Elijah at walang kahit isang reply na galing sa kaniya. Sunod-sunod na mga tanong kung ano ang ginagawa ko at kung bakit hindi ako matawagan."Alam ko na rin naman na hindi makakatiis yun. Ang higpit ba naman pagdating sa 'yo. Sinabi ko na rin kanina na may ginagawa ka lang sa loob at baka kausap mo 'yong kaibigan mo pero hindi pa rin siya mapakali. Is he always like this, Ma'am Pristine? Ibang-ib
Habang nakatingin ako kay Elijah na iniikot ang tingin sa buong silid ko ay naalala ko ang sinabi ni Kio kanina. Kung sinabi daw ba sa akin ni Eli na ang papa mismo ang may nais na hindi ako malapitan ng mga lalake. I know my father is just being protective of me, pero alam ko rin na hindi naman siya ganoon kaingat to the point na bawal akong malapitan ng ibang lalake unless if may bago na naman banta sa buhay ko at lahat ay pinagdududahan niya.Should I talk to papa? Pero sa pagbalik na niya.But looking back, I don't remember Eli ever saying that it was papa's order. I just assumed because he's taking orders from my father. Pero kung pakikipagkaibigan lang naman ay siguro hindi bawal. Should I open this to him? Mukha namang kalmado na siya ngayon at hindi tulad kanina na parang pag may narinig siya na hindi niya nagustuhan ay magsusungit na naman siya."Have you finished with your dinner?" tanong niya pagkabalik ng pansin sa akin. Ilang segundo rin niya na tinitigan ang buong silid
Sa halos isang taon nang maging bodyguard ko si Elijah ay ngayon lang talaga kami nagtalo ng ganito."What?" I snapped.When he looked at me again, the moonlight helped me see the displeasure on his face. Parang nauubos na rin ang pasensiya niya sa usapan namin na ito--na hindi ko alam kung saan papunta."So innocent, he's looking at you differently, Pristine," he said as if he was struggling to release it. He even licked his lips. Ako ay mas nagtaka, nangunot ang noo sa inaakto niya."Eli, sa tingin ko walang kapupuntahan ang usapan natin na 'to. If you think masama na makipag-usap ako kay Sebastian at pagbabawalan mo ako then it's a no this time. Hindi ako susunod sa 'yo. I will still see it for myself. Hindi ako judgemental na tao at alam mo 'yon."Hindi niya 'yon nagustuhan. Inilayo niya kasi agad ang tingin niya at pansin na pansin ko ang pagngangalit ng panga niya. Pinipigilan niya na magsalita dahil mukhang hindi maganda ang lalabas sa bibig niya.Napabuntong hininga ako at hin
"Pristine."Sa gitna ng paghingi ko ng tawad ng ilang ulit kay Sebastian ay narinig ko ang boses ng papa sa aking likod. Natigilan ako, napasinghap, at medyo nataranta dahil sa mga luha na nasa magkabilang pisngi ko. He will be worried if he sees me crying kaya agad kong pinalis ang mga iyon.Si Sebastian naman sa harapan ko ay napatingin sa likod ko at bahagyang yumuko. I knew he was showing respect to my father, who was now walking closer to us. Huminga ako ng malalim at inayos ang sarili ko. Nang sakto nang nasa likod ko na ang papa ay saka naman ako humarap."Pa..."But when I saw him, he wasn't looking at me—he was looking at Sebastian. Seryoso ang ekspresyon ng mukha ng aking ama, na ikinakunot ng noo ko. Alam kong hindi naman masamang tao ang tingin niya kay Sebastian, kilala niya ito bilang mabuting bata dahil anak ito ng kaibigan rin niya sa negosyo, pero the way he was looking at him right now... it was as if the latter was an enemy."Mr. Vera Esperanza—""No need for the fo
Nanlamig ang pakiramdam ko lalo na sa paraan ng pagtingin niya sa akin.Maybe I hoped too much... m-maybe the light I saw in him, the kindness I thought he had shown me despite knowing I'm in love with someone else, was never real. That he really had his own intentions."S-Sebastian—" and I gasped when he suddenly pulled me by the arm, umatras ako at sinubukan kong bawiin ang braso ko pero mahigpit na niyang hawak 'yon."Is this what you really want? Ang pilitin rin ako, Sebastian?" hindi makapaniwalang tanong ko. "Hindi mo naiintindihan ngayon kung anong ginagawa ko, Pristine, but soon, you will..." mabibigat ang bawat salita nang sabihin niya, na ikinailing ko.Ano pa ba ang hindi ko naiintindihan d-dito? "Pero tama ka, I have the power to make this stop, for you to be free, Pristine. At alam mo ba bukod doon? Kaya ko rin mapaluhod ang lolo mo sa harapan ko. Hindi ba't ang gusto mo ay makakawala sa kaniya? Na mas maprotektahan kayo ng papa mo. That's what I'm fckng doing right now
Agad akong napahawak sa gilid para hindi tuluyang matumba. Nang lingunin ko naman si Kio ay nakaalalay na siya pero umayos rin nang makitang seryoso ang tingin ko sa kaniya.What was the name of that drug again? Hindi medicine 'yon at alam kong intentional na banggitin ni Kio na medicine para hindi ako mag-alala dahil nakita niya kung paano rin ako napraning dahil dalawang linggo nang walang malay si Elijah! Naningkit lalo ang mga mata ko sa pag-alala doon. What was--Astra! Yes. That was the name of that drug. Iyon ang narinig ko na pangalan nang pag-usapan nilang dalawa 'yon ni Havoc!And when I asked Esther, she said that Astra is as a drug rather than medicine, it can be described as a sedative or hypnotic substance with strong sleep-inducing effects. At totoo nga daw na pwedeng isang buwan o higit pa ang maging epekto non!Nang maalala ko 'yon ay mas tumalim ang tingin ko kay Kio."No. You will not use that drug," I said, my voice strict and cold, leaving no room for argument.
I slowly moved away from Elijah on the bed. Nakatingin ako sa kaniya habang ingat na ingat akong hindi siya magising. He fell asleep after we talked about my birthday, na ilang araw na lang ang binibilang. Natuwa pa nga ako dahil hindi na niya binanggit pa si Sebastian. Pero iyong sinabi niyang "runaway"bago namin mapag-usapan ang mga magaganap sa birthday ko—it actually sounded like he's not that serious, but he also looked like he is... ganoon ang pakiramdam ko, eh.Honestly, I wasn't surprised by that question anymore. Kasi simula nang sabihin niya sa akin na tutulungan niya akong umalis sa bahay na 'to, na makalayo sa lolo ay naramdaman ko nang mauulit muli 'yon. And because of what happened to me recently, when Lolo Halyago hurt me again, hindi na rin ako nagulat sa tanong ni Elijah.At sa totoo lang, pagkatapos ng mga nalaman ko mula kay lolo mismo, gustong-gusto ko na rin umalis dito. I’m just gathering enough courage to talk to my father. Nagpasya ako na sabihin dito ang tung
Nang hindi sumagot si Elijah ay sumampa ako sa kama at niyakap siya. I rested my head in his chest and hugged him tightly. "Should I remind you that you are not just myBodyguard? Or should I remind you how much... I love you?" I heard his breathing, his fast heartbeat and then he moved after I said that. Ang mga kamay niya ay dumako sa baywang ko. Hinihintay ko rin siyang magsalita pero nang manatili siyang tahimik pagkalipas nang ilang segunod ay napatingin ako sa kaniya. But I gasped and was surprised when his arms gently carry me to his lap. Ngayon ay mas dumikit ako sa kaniya at gahibla na lang ang layo ng mga labi namin sa isa't-isa. "I'm scared..." he whispered. "Eli..." I called him with concern. I knew it... hindi lang pagsisisi sa nagawa niya ang nararamdaman niya sa mga nakalipas na araw. "Still fckng scared and even after you said that you love me, Pristine? May mga araw na sa tuwing nakatingin ako sa 'yo, pakiramdam ko maaaring magbago ang tingin mo sa 'kin, and tha
Elijah didn't recover right away after he woke up from two weeks of sleep. Nanghihina pa rin siya kahit tatlong araw na ang nakalipas. Kio and Havoc had expected this to happen, sila na muna ang in-charge sa safety namin ng papa. Pero unang araw nang magising si Eli ay hindi rin naman ako nakatiis at pagkatapos lumiban na ako sa klase. Now I've been absent for two days and. Nakaalalay ako sa tabi ni Elijah, I was the one feeding him, assisting him to his needs o sa kung ano ang gagawin niya. I even stayed with him in his room because I'm afraid that something bad might happen. Dito talaga ako natutulog, sa kama sa tabi niya and he didn't disagree with that. Hindi kasi maalis ang kaba sa akin na baka mamaya ay mawalan ulit siya ng malay o ano. Ito rin ang naging epekto ng dalawang linggo niyang walang malay. But Eli... he was silent since he woke up and we had that conversation. Pakiramdam ko, itong dahilan ng pananahimik niya ay dahil hindi nga narealize rin niya na sumobra siya sa
Hindi ko maiwasan na hindi makaramdam ng pag-aalala kay Elijah. Narito ako ngayon sa silid niya, sa may mansion rin at kanina pa siya pinagmamasdan. May IV siya sa kamay, may ilang mga nakalagay rin aparato para mamonitor ang hearbeat niya.H-How many days has it been? Lagpas na sa isang linggo kaya mas lalo akong nakakaramdam ng takot at kaba. Sir Antonius—Elijah's father told me that this is normal, he's calm yet I can't feel at ease with his words. Kahit alam kong mas siya ang nakakaalam ng totoong lagay ng anak niya.Ang gusto rin noong una ng Sir Antonius pagkatapos ng nangyari nang araw na pigilan niya si Eli at mawalan ng malay ay iuuwi niya ito pero nakiusap ako na kung maaari ay dito na lang sana at huwag nang ilayo pa. Alam ko kasi na magiging limitado lang ang pagbisita ko, baka hindi rin ako kaagad makaalis kung kailan ko gustuhin. At nagpapasalamat naman ako dahil pumayag naman rin ito."I understand you, hija. Okay. But, I need to talk to your father and explain what real
My eyes blinked a few times because I couldn't process it. That after everything I said, I still couldn't stop him. "W-Why... E-Eli..." Naikuyom ko ang nanginginig kong mga kamay habang patuloy ako sa pag-iyak. My sobs filled my room, and it hurt me even more. Mas nanunuot 'yong sakit sa bawat segundo na lumilipas. I truly understood now how far Elijah w-was willing to go to give me a peaceful life—even if it meant h-he wouldn't be a part of it anymore. "No... Ayoko ng b-buhay na wala siya." Pagkasabi ko non ay kaagad rin akong tumayo. Even if my body still hurt from what lolo did earlier, I stood up and ran to stop Elijah. "Eli!" I shouted. Tumayo ako at kahit na walang sapin sa paa ay sinundan ko siya. Pagkalabas ko ng silid ko ay walang kahit sinong nakabantay. Ang bilis ng pagtibok ng puso ko habang tinatakbo na ang palabas. H-He was fast! "Elijah!" sigaw kong muli at nang makarating na ako sa hagdan pababa ay doon ko siya nakitang palabas na mismo ng mansion. Hindi ako tu
Ilang beses ko ba kailangan ipaliwanag? N-na hindi naman niya' yon kasalanan. "It drives me insane that I wasn't able to protect you, that I failed to keep you safe... it was like knives digging deeper inside me. And I’m angry at myself because I promised to always be there for you, to never let anything harm you. I can do it, I can fcking kill all of them to make you safe. Pero ano ang nangyari? You were hurt... badly hurt that I almost... lost you."His eyes... there was only the feeling of his pain and his regret. And despite everything, I could feel how much he cared, how deeply he felt for me, at n-nasasaktan ako ng sobra na makita siyang ganito lalo at alam ko rin kung ano ang pinagdaanan niya sa kamay ng lolo at ng mga kaaway nito para lang masiguro ang kaligtasan ko."Hindi mo 'yon k-kasalanan, Elijah..." sagot ko habang umiiling sa kaniya. At kahit sa nanlalabong mga mata ay nakita ko ang pagbabago ng ekspresyon sa mukha niya. The softness vanished, the worry was nowhere to