I couldn't hide my happiness. Even though my day didn't start well because of what my classmates and I talked about—how they are really avoiding me and don't want to be friends with me ay hindi ko naman inaasahan na sa kabila ng mga nangyari ay biglaan rin ako na magkakaroon ng kaibigan.Estrella Lee.Mom, I have a friend now.Esther is really giving me the vibe that she doesn't care about what other people say. At kahit new student siya ay pumapatol agad siya sa mga schoolmate namin. Katulad ng nangyari kanina, rinig na rinig namin na dalawa na kami ang pinag-uusapan ng mga nasa cafeteria, palabas na kami non nang magulat ako dahil sinita niya talaga."What's your problem with us? Eh, ano kung kaibigan ako ni Pristine?""You don't know her, or maybe you know tapos you are just after her wealth."At that moment, I was about to speak up to defend Esther because she was being insulted, but she stopped me. Even Kio was ready to speak, but Esther was the one who confronted the woman while
Nang mamatay ang tawag ay nag-iisang linya pa rin ang mga kilay ko sa pagtataka. My eyebrows were still furrowed in confusion. Sebastian never talked to me before, and now, he's calling me—a video call, to be exact."Baka napindot lang? Kaso bakit ang tagal?" I asked myself.Schoolmate ko rin dati si Sebastian, from Elementary to Senior highschool pero magkaiba kami ng section at block. Ngayon lang kami naging magkaklase. Kaso kahit magkakilala na kami ng matagal ay hindi naman niya ako kinakausap kahit minsan--kanina lang.Tapos dalawang salita na, 'Enough, Pristine.'Napanguso ako at rereplyan ko na lang sana ang message ni Esther tungkol sa mga libro na inaalok niya sa akin na baka gusto kong basahin ay bigla naman nanguna ang pangalan ni Sebastian. Napataas talaga ang kilay ko nang i-message niya ako."Why are you not answering my call, Pristine?"That doesn't sound nice. Pero hindi naman talaga nice si Sebastian. He's too full of himself. Arrogant. Parang katulad ni Gael, pero an
Kaaalis lang ni Elijah ngayong umaga. Wala pa ngang isang araw na wala siya. And he said earlier that after three days he will come back. Kasi mukhang hindi rin basta-basta ang ipinunta niya sa Karmona. Naunawaan ko na 'yon, eh.Pero ngayon naman ang sinabi niya na dalawang linggo na mawawala siya na naging tatlong araw na lang at ngayon ay ito at pauwi na! Hindi ko ba alam kung ikatutuwa ko na uuwi na nga siya dahil para bang abala 'yon sa mga maiiwan niya sa trabaho. Also, the friend he mentioned surely knows he will be back to his duty right now.Eli is not the type who would lie because he is a righteous man. And when he says something, you can trust that it's the truth. Those who know him understand that he stands by his word at sa halos isang taon na kasama ko siya bilang bodyguard ko ay 'yon ang isa sa mga napatunayan ko talaga.Ang kaibigan na binanggit niya naman rin ay mukhang mahalaga sa kaniya. The way he said his name though. Kung kliyente rin kasi ay tiyak na hindi niya
"Bakit, ma'am?"Nang makabalik si Ate Lena at si Kio ay lumapit kaagad sa akin ang huli. Siguro ay napansin niya na hindi ako mapakali. At habang nag-aayos ang ate ng mga ipasusukat niya sa akin na gown ay sinabi ko na nga ako kay Kio."Uuwi daw si Elijah and he's on the way now.," sabi ko at nang titigan ko siya ay napailing lang siya habang nakangiti. Para bang inaasahan na niya ang sasabihin ko.Inilayo sandali ni Kio ang tingin at kinuha niya ang cellphone niya ay itinapat niya sa akin ang screen non. Nang makita ko ay napakagat ako sa aking pang-ibabang labi, puno 'yon ng mga mensahe ni Elijah at walang kahit isang reply na galing sa kaniya. Sunod-sunod na mga tanong kung ano ang ginagawa ko at kung bakit hindi ako matawagan."Alam ko na rin naman na hindi makakatiis yun. Ang higpit ba naman pagdating sa 'yo. Sinabi ko na rin kanina na may ginagawa ka lang sa loob at baka kausap mo 'yong kaibigan mo pero hindi pa rin siya mapakali. Is he always like this, Ma'am Pristine? Ibang-ib
Habang nakatingin ako kay Elijah na iniikot ang tingin sa buong silid ko ay naalala ko ang sinabi ni Kio kanina. Kung sinabi daw ba sa akin ni Eli na ang papa mismo ang may nais na hindi ako malapitan ng mga lalake. I know my father is just being protective of me, pero alam ko rin na hindi naman siya ganoon kaingat to the point na bawal akong malapitan ng ibang lalake unless if may bago na naman banta sa buhay ko at lahat ay pinagdududahan niya.Should I talk to papa? Pero sa pagbalik na niya.But looking back, I don't remember Eli ever saying that it was papa's order. I just assumed because he's taking orders from my father. Pero kung pakikipagkaibigan lang naman ay siguro hindi bawal. Should I open this to him? Mukha namang kalmado na siya ngayon at hindi tulad kanina na parang pag may narinig siya na hindi niya nagustuhan ay magsusungit na naman siya."Have you finished with your dinner?" tanong niya pagkabalik ng pansin sa akin. Ilang segundo rin niya na tinitigan ang buong silid
Sa halos isang taon nang maging bodyguard ko si Elijah ay ngayon lang talaga kami nagtalo ng ganito."What?" I snapped.When he looked at me again, the moonlight helped me see the displeasure on his face. Parang nauubos na rin ang pasensiya niya sa usapan namin na ito--na hindi ko alam kung saan papunta."So innocent, he's looking at you differently, Pristine," he said as if he was struggling to release it. He even licked his lips. Ako ay mas nagtaka, nangunot ang noo sa inaakto niya."Eli, sa tingin ko walang kapupuntahan ang usapan natin na 'to. If you think masama na makipag-usap ako kay Sebastian at pagbabawalan mo ako then it's a no this time. Hindi ako susunod sa 'yo. I will still see it for myself. Hindi ako judgemental na tao at alam mo 'yon."Hindi niya 'yon nagustuhan. Inilayo niya kasi agad ang tingin niya at pansin na pansin ko ang pagngangalit ng panga niya. Pinipigilan niya na magsalita dahil mukhang hindi maganda ang lalabas sa bibig niya.Napabuntong hininga ako at hin
I don't know why, but even though I had a little argument with Elijah, it doesn't bother me at all. I found his reactions earlier amusing, natuwa talaga ako! And if he hadn't said that I'm just a 'little sister,' I would think he's madly jealous of Sebastian, which is why he doesn't want me talking to him.Kasi bakit naman ayaw niya? His reason--or papa's reason for not letting me have a male friend is too shallow for me. Napag-isip ko na mababaw 'yon at kung si Sebastian, papa will not decline because he knew the Ynares clan."Pristine, your lolo is here already. Are you going to have your dinner? Pumunta muna tayo sa opisina niya at ipakita ang mga damit."Nakuha ang atensyon ko ng Ate Lena nang tawagin niya ako. She looked nervous. Nagsalubong ang mga kilay ko dahil hindi naman siya usually ganito, oo may kaba siya pero parang mas kabado siya ngayon."Did something happen, ate?" nag-aalala ko na tanong.Magkasalikop ang mga kamay niya. I looked at Kio at the back, he was standing n
Pagkalabas ng Ate Lena ay saka ko napagtanto na hindi ako ipinatawag ng lolo tungkol sa pag-uusap sa susuotin na damit sa Charity gala. Naramdaman ko ang panlalamig ng mga kamay ko nang tumingin ito sa akin. Pero sandali lang dahil mas matagal ang naging atensyon niya kay Elijah."I thought you were working on a special case in Karmona?"He knew? Akala ko ay sa papa lang nagsabi si Eli. Pero sabagay rin walang nakakalampas na balita sa lolo. Lahat dito ay nalalaman niya. He has eyes and ears inside this mansion."I'm done with my work, sir.""Three weeks, and you're done with barely a single day completed?" sagot ng lolo habang napapailing. Hindi kumbinsido sa sagot ni Eli.Hindi naman na niya tinuloy ang pagtatanong dahil na sa akin na ulit ang pansin niya. Ang nanlilisik na mga mata. Umayos ako ng tayo at nakatingin lang rin sa lolo. He doesn't like it when he's talking to me and I'm not looking at him."Gael will no longer be your fiancé, Pristine. If he ever talks to you or shows
Nakatingin lang ako kay Elijah, at kahit mukhang nagmamadali siya ay hindi naman marahas ang pagkakahila niya sa akin. Tumahimik na rin ako dahil hindi naman niya ako sinagot. At nang makarating kami sa sasakyan niya na nakapark sa gilid ay pinagbuksan niya ako at nauna na akong pumasok sa loob.My lips pouted as I looked outside the window, seeing Kio and Esther heading to their car. At si Eli ay nilingon ko naman nang makasakay na rin. I was watching him, waiting for him to start the engine, but then I noticed his eyes were closed, and his head was resting.Napabuntong-hininga talaga ako habang nakatingin pa rin sa kaniya. Nang hindi ako makatiis ay hinawakan ko ang kamay niya.The silence between us is making us think the wrong things about what we’re feeling.“If this is about the kiss, Elijah, you don’t need permission. You’re always allowed to. You have every right because you’re my man,” I reminded him and my lips pressed together and I took courage to say what’s on my mind nex
“Wala,” walang ngiting sagot ko at nilingon ko na lang ang labas ng bintana. And as soon as I turned my head, I was caught off guard. My lips parted as the city lights gleamed beautifully before my eyes.“W-Wow…”Hindi ko namalayan na nasa tuktok na kami ngayon habang nakasakay sa ferris wheel and that, it suddenly stopped. Mas napagmasdan ko at na-appreciate ko pa lalo kung gaano kaganda ang mga ilaw sa baba. At nang bahagya naman akong tumingin sa itaas ay nailapat ko pa ang isang palad ko sa bintana nang makita naman ang iilang mga bituin. Up in the sky, the stars were starting to show—twinkling softly, as if they, too, were part of this moment.Lilingunin ko na sana non si Elijah para sabihin kung gaano kaganda ang labas nang bigla ay hawakan niya ako sa kamay ko na mismong nakalapat sa bintana.“Why…” I paused, thrown off by the way he was looking at me.“Are you mad at me?” he asked—and that’s when I noticed it. His eyes flickered with unease, like he was searching my face for a
I couldn’t wipe the smile off my face even as the Ferris wheel went higher. Pero hindi na ako tumingin pa ulit sa baba, sa dalawang nagbabangayan pa rin. I shook my head at them. But honestly, just the thought of Esther and Kio being together made me giggle. Napapangiti ako at napapailing. What if nga, ano?Sometimes it’s true that the more you hate, the more you love.“Nakakatuwa talaga silang dalawa.”A few seconds passed by after I recovered from the kilig I was feeling for the two, I looked at Eli in front of me. Medyo nagulat ako ng kaunti sa paraan ng tingin niya. His attention is still focused on me!And the way Elijah was positioned made it seem even more intense, drawing me in without saying a word.His legs were crossed, his elbow resting on his knee. Nakasalumbaba siya habang malalim ang tingin sa akin. Nang magkatitigan kami ng ilang segundo ay sandali akong natigilan. His eyes pull me in, those that once seemed emotionless are now gazing at me intently, filled with warmth
Napapangiti ako pero pinipigil ko. Nang makita ko naman na nilingon ‘yon ni Elijah ay pagbaling sa akin saka siya tumango. Hinawakan niya ulit ang kamay ko at naglakad na kami palapit sa gate–ay teka, wala pa kaming ticket.“Eli, bibili pa tayo ng–” pero napahinto ako bigla para sabihin na wala nga kaming ticket nang makita ko si Esther at si Kio na pababa ng kahihinto pa lang na ferris wheel.Hala! Sumakay sila?“Pristine!” sigaw ni Esther sa akin at nauna na siyang lumapit. She’s smiling at me, nakasuot siya ng faded jeans at simpleng sky blue na blouse. Nakatali rin ang buhok niya. And Kio, who’s always wearing a bodyguard suit, was now dressed in casual clothes. Naka-faded blue jeans rin ito at sky blue na t-shirt. Para silang naka-couple attire ni Esther! Not to mention they’re both wearing a white sneakers!“Esther…” sambit ko nang yakapin ako ni Esther, napangit ako at hinimas ang likod niya. Si Kio ay dumiretso naman kay Eli at nag-abot ng ticket. At napaawang ang mga labi ko
Mas naramdaman ko na humigpit ang pagkakahawak ni Elijah sa kamay ko, hinila rin niya ako ng mas malapit at sa gilid ng mga mata ko ay pansin ko na napapatingin sa amin ang ibang mga nagdaraan.Sa sagot na ‘yon ni Eli ay mas napagtanto ko lang na tama ako kaya naman umiling agad ako sa kaniya.“I am not thinking that you cannot protect me alone, Eli, hindi ganoon, saka alam kong hindi mo ako pababayaan, masyado lang rin akong nag-iisip pagkatapos ng mga nangyari kagabi. Alam natin pareho na hindi naman titigil ang lolo, but this time he won’t just take me away from you, m-malakas ang kutob ko na babalikan ka niya o si Ma’am Kamila at ‘yon… ‘yon ang ikinakatakot ko.”Napapikit ako ng mariin at huminga ng malalim. Sa sandaling ‘yon, dumaan ang malamig na hangin sa gitna naming dalawa. Nang idilat ko ang mga mata ko, at pagtingin ko kay Elijah, saka ko biglang narinig ang boses ng lolo na papatayin niya rin ako… katulad ng ginawa niya sa mama.My body trembled and I lowered my head again
Habang kasama ko si Elijah, hindi mawala sa isipan ko na baka ang saya na nararamdaman ko ngayon ay may kapalit. I couldn’t avoid overthinking. I tend to feel this a lot when I’m at my happiest—like something bad is bound to happen, waiting just around the corner to hit me.Siguro dahil sanay ako na ang buhay ko ay umiikot sa takot, lungkot, at puro pagbabanta. Na sandaling kaligayahan lang, hindi ko na ma-enjoy dahil sa isip ko na may mangyayari na mas mabigat.It’s just that what’s happening feels surreal, like a dream.Umangat ang tingin ko kay Eli na kasabay ko naglalakad. Hawak niya ng mahigpit ang kamay ko at nandito kami sa isang amusement park. Sinunod niya ang gusto ko kanina, pero hindi kami sumakay sa kahit anong rides. We just walked around, played some games, and walked some more while he held my hand. Masaya ako simula kanina, pero ito nga, at nawala ang saya na 'yon nang mapagtanto ko na pakiramdam ko may kapalit ang nararanasan kong ligaya.Hindi pa naman kasi tapos an
PristineI never thought that one day, Elijah and I would be out in the daylight, simply enjoying the view of the lake while watching the swans glide gracefully across the water. Kahit noong bodyguard ko pa siya, hindi ko talaga naisip na makakalabas ako ng ganito kasama siya. Siguro dahil dati, noong nasa bahay pa ako, hindi ko man lang sinubukan na magpaalam para lumabas o kahit maglibot sa mall. That’s because I knew Lolo wouldn’t agree, and Papa would also tell me to just stay at home.My world back then was limited to the mansion and school, doon lang talaga, kahit nga field trip? Hindi ako pwedeng sumama. It wasn’t just about strict rules, it was about safety. Lolo’s enemies were always lurking, and I knew that stepping outside meant taking a risk. Syempre, ayokong mag-alala ang papa noon kaya’t sumusunod rin ako. Isa pa, wala rin akong mga kaibigan na maaari kong maisama dahil nga takot na makipaglapit sa akin ang mga ito dahil isa akong Vera Esperanza.The surname alone speaks
“What did you say? Ulitin mo nga ang sinabi mo!”Rinig na rinig sa labas ng malaking gate ng mansion ng mga Ynares ang boses ni Halyago Vera Esperanza. Hindi siya makapaniwala na maaga siyang tumungo doon para makausap si Margus ngunit ang ibubungad sa kaniya ng guard ay bawal siyang pumasok! “Sinusunod ko lang po ang trabaho ko, sir.”What the hell just happened!“Bago ka lang ba dito, ha? Hindi mo ba ako nakikilala?!” he shouted. Umabante pa siya upang mas malapitan ang guard na bahagyang nakayuko. Ang dalawang tauhan niya na nasa likod niya ay naglakad rin palapit at ang isa ay nagsalita pa.“Kasosyo sa negosyo ni Mr. Ynares ang amo namin, pwede na tawagan mo siya at sabihin na narito si Mr. Vera Esperanza para makausap siya.The old man’s hands clenched as he took his phone out from his pocket. Dati-rati ay nakakapasok naman siya kaagad ng diretso sa mansion ng mga Ynares dahil pinagbubuksan siya ng kahit na sinong guard. “Kung bago ka dito, I’ll make sure you’re fired once Mar
Pierre ignored it before because he hoped that one day, his father would treat them well.“I-I’m sorry… I’m s-so sorry…”Nanghihina ang katawan ni Pierre na napahawak sa gilid ng sofa at muling napaupo. His head tilted to the side, his gaze unfocused and his eyes wide and unblinking in shock while tears kept on falling. Patuloy rin siya sa pagbulong ng patawad pero ganoon rin si Kamila, nagpatuloy rin ito sa paglabas ng saloobin at hinanakit sa kaniya.“Tapos ngayon gusto mo pa rin na kausapin ang ama mo? You tried last night, and for me, that was enough! Wala ka nang nakuhang maayos na salita, tapos sasabihin mo pa ‘yon for the last time? Gumising ka, Pierre! Your words will never change him! Even if you beg, or even if your life was on it, hinding-hindi na magbabago si Halyago!”His mind still refused to process it. Yet Kamila’s firm voice echoed in his ears. Alam ni Pierre na hindi ito magsisinungaling para lang idiin ang ama niya dahil ramdam niya ang bigat at sakit sa bawat salit