Share

KABANATA 76

Hindi siya makakilos. Hindi alam kung uupo na ba o tatakbo na palabas. Nanunuot sa balat niya ang matalim na titig ni Alaric. Ayaw niya itong punain ngunit pansin niya ang malaking pagbabago nito. Bukod sa tila parang may maitim na awra na nakapalibot dito, mas lalo pa itong bumata kumpara sa edad nito.

"Yvonne, come here," bulong ni Fufu sa kanya.

Doon pa lang siya kumurap at umiwas ng tingin. Nakahanda na pala ang isang upuan para sa kanya. Mabuti na lang at malayo iyon kay Alaric. Iyon nga lang, ramdam niya ang titig nito sa kanya.

"It's nice meeting you, Ms. Yvonne," ani ng isang matanda na agad tumayo at naglahad ng kamay sa kanya.

Pinilit niyang ngumiti at nakipag-handshake. Susunod din sana ang iba ngunit nag-ingay ang upuan ni Alaric. Pagsulyap niya ay nakatayo na ito at tingin niya ay lalapit sa kanya. Dumagundong sa kaba ang d*bdib niya. Wala sa loob na napakapit siya kay Fufu.

"Can we turn this project down?" bulong niya sa manager.

"Eh? Of course not! Pirmado na 'to. Breac
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status