Hindi siya makakilos. Hindi alam kung uupo na ba o tatakbo na palabas. Nanunuot sa balat niya ang matalim na titig ni Alaric. Ayaw niya itong punain ngunit pansin niya ang malaking pagbabago nito. Bukod sa tila parang may maitim na awra na nakapalibot dito, mas lalo pa itong bumata kumpara sa edad nito."Yvonne, come here," bulong ni Fufu sa kanya.Doon pa lang siya kumurap at umiwas ng tingin. Nakahanda na pala ang isang upuan para sa kanya. Mabuti na lang at malayo iyon kay Alaric. Iyon nga lang, ramdam niya ang titig nito sa kanya."It's nice meeting you, Ms. Yvonne," ani ng isang matanda na agad tumayo at naglahad ng kamay sa kanya.Pinilit niyang ngumiti at nakipag-handshake. Susunod din sana ang iba ngunit nag-ingay ang upuan ni Alaric. Pagsulyap niya ay nakatayo na ito at tingin niya ay lalapit sa kanya. Dumagundong sa kaba ang d*bdib niya. Wala sa loob na napakapit siya kay Fufu."Can we turn this project down?" bulong niya sa manager."Eh? Of course not! Pirmado na 'to. Breac
"Arghh! How dare him! How dare him!" ilang beses na sigaw ni Yvonne sa loob ng Van noong pauwi na sila.Gigil na gigil siya at inis na inis dahil kay Alaric."Ang sarap ng reunion niyo, galit na galit agad," tumatawang komento ni Fufu habang nagce-cellphone.Binalingan niya ito at sinamaan ng tingin, "Isa karing gaga, alam mo na pa lang si Alaric, tinanggap mo pa!" naiinis niyang singhal dito.Binaba nito ang cellphone at maarteng sumenyas ng pera."Girl, Castellanos iyon. Malaking pera 'to at mas magandang exposure para sa'yo. I know what is best for you, Yvonne. Trust me." Kumindat pa ito ngunit umirap lang siya."Tss. Paano niyan ako makakapagtrabaho ng maayos kung lagi siyang nasa photoshoot? Baka lahat ng kilos ay mali sa kanya," reklamo niya.Humalakhak bigla si Fufu na kinakunot ng noo niya, "And why would you be affected? Ikaw ang nang-iwan di ba?"Natameme siya sa sinabi nito. Humalukipkip siya at umirap sa bintana."Sa yummy no'n? Hindi ko iyon pakakawalan kung ako ikaw. Bak
"Again. Nothing is a good shot," malamig na imporma ni Alaric na kinanganga niya.Kanina pa sila paulit-ulit sa mga shots. Ilang beses na rin siyang nagpalit ng damit pati props. Malalasing na nga yata siya kakainom sa mamahaling wine makakuha lang ng good shots, pero lahat ay palpak para kay Alaric. Pinalampas niya nga kanina ang pang-iinis nito sa dressing room pero ngayon, tingin niya sasabog siya sa galit. Matalim niya ngang tiningnan ang camera man na si Eron. Kumibit balikat lang ito at tila walang pakialam kahit paulit-ulit sila.Pagod na pagod siya. Gutom na rin lalo pa't malapit ng mag-lunch."Miss Yvonne, heto po ulit iyong red rose at wineglass." Maingat na inabot ni Pia ang mga iyon sa kanya.Nagtagis ang mga ngipin niya at labag sa loob na kinuha iyon. Ni hindi man lang siya makahingi ng waterbreak."Give me a fierce look again, Miss Yvonne," utos ni Eron.Hinawakan niya ng pareho ang red rose at glass sa isang kamay. Tinapat ang mga iyon sa bibig niya. Imbis na sa camer
"I-i can explain, Connor."Napangiwi siya matapos humigpit ang hawak nito sa hita niya.Why the h*ck did you mention his name? Why? Do you miss making out with him? malamig na tanong nito.Matalim ang naging titig nito sa kanya. Halatang gigil na gigil sa galit.Napaigik siya muli sa sakit, "You're h-urting me."Doon pa lang yata ito natauhan."F*ck, I'm sorry, Babe," panunuyo nito.Nangilid ang luha niya matapos makita ang pamumula ng hita niya. Paniguradong mangingitim iyon bukas."Babe, I'm sorry."Sinubukan siya nitong hawakan muli ngunit agad siyang bumaba mula sa kitchen counter at tinalikuran ito."I need space. I'll be sleeping in Chelsea's room," mahinang bigkas niya sa takot na pumiyok siya dahil sa nagbabadyang iyak."Space? For what?! I was jealous! Come on!"Umiling siya rito at hindi na lumingon. Diretso ang lakad niya patungo sa kwarto ni Chelsea. Hindi niya matanggap na kaya siya nitong saktan nang dahil kay Alaric. Kasalanan naman niya pero kahit na!"Yvonne! Come bac
Nakatanga lang si Yvonne habang hila-hila siya sa palapulsuhan ni Alaric patungo sa dressing area nila."Leave and get an ointment!"Tumalima ang mga nasa loob at agad na lumabas. "Sit," utos nito.Hindi siya agad na nakakibo. Nakatayo pa rin siya kahit na pinaghila na siya nito ng upuan."I said sit!"Namilog ang mga mata niya at agad na umupo bago pa man ito bumangis. Salubong ang kilay nitong niluhod ang isang tuhod upang matingnan ng maayos ang pasa niya."K-umuha ka kaya ng upuan," mahinang suhestiyon niya.Baka kasi mangalay ito, sisihin pa siya.Hindi naman ito nakinig. Napaiwas siya ng tingin noong haplusin nito nang marahan ang pasa niya."This is a hand. Who's hand is this?" dudang tanong nito, "Sa boyfriend mo?"Mabilis siyang napalingon dito. Nahuli niya itong nakatingala sa kanya at mariin ang titig. Tipong bawal siyang magsinungaling kun'di ay paparusahan siya."Huh? H-indi—""Don't lie to me. Sinasaktan ka niya?" malamig nitong tanong.Napalunok siya. Kahit malamig ang
"Mali ka lang ng narinig," pagkakaila ni Yvonne sa kanya.Nagtagis ang mga bagang ni Alaric. Hindi siya bingi. Tama ang narinig niya."Is she my daughter? Don't f*cking lie to me," mahina ngunit madiin niyang banta.Hindi ito kumibo, akmang lalayasan pa siya para itago ang bata ngunit hinaklit niya ito sa braso."Ano ba, Alaric! Uuwi na kami!"Umigting ang panga niya sa narinig. Gusto niya itong batuhin ng maraming tanong tungkol sa bata ngunit ayaw niyang magmukhang masama sa harap ng batang babae."Mister, you're hurting my mommy," inosenteng bigkas nito.Lumipad ang tingin niya sa batang babae. Nakatitig sa kanya ang asul nitong mga mata. Napaawang ang mga labi niya at nabitiwan si Yvonne. Agad itong lumayo at binuhat ang bata."Don't talk to him, Chelsea. Let's go home," dinig niyang pagbabawal nito.Nag-isang linya ang mga labi niya noong walang lingon na pumasok sa Van si Yvonne. Natanaw niya na lang ay ang pagkaway sa kanya ng batang babae."Chelsea," mahinang bigkas niya sa pa
Literal na hindi nakatulog si Yvonne matapos makita ni Alaric si Chelsea. Mabuti na nga lang at nagka-ayos sila ni Connor, kun'di ay isa pa iyong po'problema-hin niya."Someone rang the bell," ani Connor na ayaw pang umalis mula sa pagkakayakap sa kanya."I'll check it out and see. I'll wake you up once breakfast is ready."Umingit ito at ayaw pa siyang pakawalan ngunit walang nagawa noong kinalas niya ang yakap nito. Agad niya ring sinuot ang kanyang roba, nakahihiya naman kung haharap siyang naka-nighties lang.Humihikab pa siya dahil sa antok noong silipin mula sa peep hole kung sino ang bisita kaya lang ay wala siyang nakita. Kunot ang noong binuksan niya ang pinto. Tanging isang cup ng kape ang naroon, may nakadikit na papel sa cup.Mabilis niyang kinuha ang kape, luminga sa paligid bago pumasok sa loob. Nagtataka pa siya kung kanino galing iyon kaya't agad niyang inalis ang papel na nakadikit at binasa.I will be your next neighbor, and we might end up being neighbors with benef
Humingi siya ng dalawang araw na leave. Himala nga na pumayag si Alaric, sinabi pa nitong hindi na kailangan ang presensya niya sa susunod na shoot. Ang kapal di ba?! Kung hindi lang siya problemado, papatulan niya sana pero di na lang niya pinansin dahil binigyan siya ng problema ng kanyang ama. Ngayon nga'y patapos na ang dalawang araw pero hindi pa rin siya nagpupunta sa mansyon para kausapin ang ama niya."Yaya Melly, my uncle gwapo is so handsome. He is so cool!" dinig niyang pagmamayabang ni Chelsea sa Nanny nitong kahapon lang din dumating."Bebe girl, is he single? I'm single and ready to mingle," sagot ni Yaya Melly.Napailing siya sa usapan ng dalawa. Isa pa iyang problema niya, bukambibig na ni Chelsea kahit na isang araw lang nitong nakasama."You will fall in love with him, Yaya. He is every girl's dream!"Napangisi siya sa narinig mula kay Chelsea. Agad niyang sinara ang lipstick na ginamit at kinuha ang bag niya. Baka kung saan pa mapunta ang usapan ng dalawa."That's e