Mapangahas na pinagalaw ni Yvonne ang kanyang mga labi. Ayaw marinig ang mga sinasabi ni Alaric. Ayaw niya na pinamimigay o pinahahanap siya nito ng iba!Marahan niyang kinagat ang ibabang labi nito at kahit na ramdam niyang nilalayo siya nito ay nagpabigat pa siya lalo sa itaas nito. Bahala na itong hindi makahinga!Kaya lang siya ang naghabol ng hininga matapos nitong patulan ang h*lik niya. Namilog ang mga mata niya at naitukod ang kamay sa kama para makalayo rito ngunit kinabig nito ang batok niya at walang pasabing pinasok ang dila sa loob ng bibig niya."Uhm—"Napapikit siya nang mariin matapos maging masuyo ang h*lik nito na tila pinapaamo ang mga labi niya. Kun'di niya pa ito marahang tinulak sa d*bdib ay hindi pa nito titigilan ang mga labi niya. Kusa itong lumayo nang nakangisi habang siya ay binigyan ito ng matalim na tingin at kunwaring pinunasan ang mga labi niya."Don't kiss me if you don't like it," sarkastikong bigkas nito.Napairap siya ngunit natameme rin. Tama naman
Namawis ang noo ni Yvonne sa sinabi ni Apollo. Parang hindi pa siya handang makita si Don Frederick. Nahihiya pa siya lalo na't siya itong umalis sa mansyon noon. Pero kasi naman! Si Alaric naman ang nagpalayas sa kanya!"Err. Gotta go!" mabilis na paalam ni Apollo matapos maramdaman ang galit na titig ni Alaric.Nangunot pa ang noo niya noong tumakbo na akala mo ay takot na takot sa Kuya."Damn! I should have brought you to your apartment." Napayuko ito at nasapo ang noo.Tumikwas ang kilay niya, "At bakit sa apartment ko? Bakit? Ayaw mo talaga ako rito?!" asik niya rito.Napaangat ito ng tingin at maliit na napanganga."Ano? Nababahag na buntot mo ngayong pinapatawag ka ng Lolo mo? Sumisid lang pala ang kaya mo pero hindi kayang—sandali lang naman, Alaric!" reklamo niya matapos itong tumayo at tangayin siya palabas ng kwarto."Wait nga lang! Excited ka naman!" muling hirit niya.Nagpabigat siya para lang hindi siya nito madala malapit sa hagdan. Effective naman dahil tumigil ito at
Nanikip ang d*bdib ni Yvonne lalo na noong tuluyang bitiwan ni Alaric ang kamay niya. Hindi siya nakakilos. Napatitig lang siya sa kamay niyang naiwan sa ere."I will be doing this, not because you made me choose it. I am doing this because I want to," diretsong bigkas ni Alaric kay Don Frederick.Napalunok siya at naitago ang kanyang kamay. Malinaw naman na mas pinili nito ang pagiging Castellanos. Wala na siyang laban doon. Pero ang puso niya, daig pa ang sinaksak ng punyal dahil lang hindi siya nito pinili."I will welcome you with open arms," natutuwang sambit ni Don Frederick.Kumuyom ang kamay niya at halos manlabo ang mga mata dahil sa luha matapos mapansing lumapit nga sa matanda si Alaric. Namanhid ang mga paa niya roon. Gusto na niyang umalis dahil talo siya sa laban pero ang mga paa niya ay ayaw kumilos.Dapat talaga ay hindi na siya naghabol. Sa huli ay hindi rin pala siya nito pipiliin."I'm sorry, Lo. I don't want to be a Castellanos if that means leaving my wife. I will
"What is it again?" nagtitimping tanong ni Alaric sa kanya.Hindi na niya maibukas ang mga labi. Alam naman niyang galit na galit ito."Speak."Napapikit siya nang mariin at nangingiwi sa mahigpit nitong hawak sa hita niya."Contraceptives. Hindi pa ako handang magbuntis," pikit-matang pag-amin niya."F*ck! All this time you are taking pills to avoid getting pregnant?!"Kinagat niya ang ibabang labi. Alam din naman niyang gustong-gusto siya nitong mabuntis pero hindi pa lang talaga siya handa noon."Where are those pills? I'm gonna throw them away!"Napamulat siya ng mga mata at napamaang noong lumayo ito at pumasok sa kwarto. Bahagya siyang nataranta at bumaba mula sa lababo."Alaric, ako na lang ang magtatapon," pigil niya ngunit hindi ito nakinig.Gigil nitong binuksan ang mga kabinet niya at drawer. Kulang na lang ay guluhin ang mga damit niya doon. Napairap siya at agad na kinuha ang bag niya. Hinalughog niya mula roon ang pakete ng pills."Heto na, itatapon ko na," pagkuha niya
"What?! Are you kidding me?!" hindi makapaniwalang tanong ni Margarita.Hindi siya makakilos sa pwesto niya. Nangyari na ang kinatatakutan niya. Hindi niya alam kung paano iyon pagtatakpan.Tumikhim si Alaric at iniwan ang lababo. Seryoso itong lumapit sa kanya at hinapit ang bewang niya. Kitang-kita niya tuloy ang panlalaki ng mga mata ni Margarita dahil sa ginawa nito."I'm telling the truth. Yvonne is my wife. We have been married for about—""No. Hindi iyon totoo, Margarita. I'm sorry, pinalayas siya at wala lang siyang mapuntahan kaya siya nandito," mabilis niyang agad na paliwanag."What the f*ck, Missy? What are you saying?" nalilitong baling sa kanya ni Alaric.Pinirmi niya ang mga labi at binaklas ang hawak nito sa bewang niya. Mali talagang binalikan niya ito."And you think you can fool me, Yvonne?" hinanakit ni Margarita.Napapikit siya nang mariin matapos makita ang pangingilid ng luha nito."I'm sorry," mahinang bigkas niya para sa kanyang kapatid."What the f*ck are you
"You're a Montenegro?" hindi makapaniwalang tanong sa kanya ni Alaric.Seryoso niya itong tinitigan. Nanghina siya matapos maramdaman ang tuluyang paglayo nito."Why did you f*cking lie to me?" hinanakit nito.Tinapangan niya ang tingin. Hindi ngayon ang oras para magpaliwanag siya rito. Kailangan niya pang habulin si Margarita."Because I want to. Magkapatid kami ni Margarita, iyon ang totoo. At handa akong magparaya para sa... a-te ko."Muntik na siyang pumiyok sa dulo. Umawang ang labi nito at hindi niya makayanan ang dismayang nakikita sa mukha nito."You should have told me," bulong nito, "Why didn't you tell me from the very start?"May himig pag-asa ang boses nito na tila wala itong pakialam kahit pa kapatid siya ni Margarita.Liningon niya ito at malamig na tiningnan, "Because I don't trust you, Alaric," pagsisinungaling niya.Napakurap ito at kitang-kita niya ang sakit na dumaan sa mga mata nito. Pilit nitong inaangat ang gilid ng labi para sa isang pilit na ngiti ngunit hind
"Sa ospital, please!" pakiusap niya kay Alaric.Ni hindi niya nakausap ang daddy niya. Nabigla siya sa sinabi nitong nag-aagaw buhay si Margarita."Where?" mahinahong tanong ni Alaric habang nililiko muli ang sasakyan."Hindi ko alam. Saan ba dapat?" natutuliro niyang tanong."Call your father—""Seriously, Alaric? Gusto mong tawagin si Daddy? Didn't you hear how mad he was?" naging sarkastiko ang boses niya.Hindi ito umimik at pinanatili lang ang tingin sa daan. Ilang minuto pa ay tinigil niya ang sasakyan sa isang kilala at mamahaling ospital."Dito ka na lang. Huwag ka ng sumama sa loob. Baka mag-away pa kayo ni Daddy," pigil niya habang tinatanggal ang seatbelt.Ayaw naman niyang lumala pa ang sitwasyon. Isa pa, ayaw niya ring mamura ito muli ng daddy niya."I will claim responsibility. Please, hayaan mo na akong sumama. Dalawa tayo rito, hindi ko hahayaan na mag-isa kang humarap sa daddy mo."Napatigil siya sa sinabi nito. Wala naman sa kanya kung mapagalitan siya pero hindi niy
"P-aano naman po ako?" nanghihinang tanong ni Yvonne sa kanyang ama.Umiwas ito ng tingin, "I'll be sending you abroad. Makaka-move on ka rin—""Pero mahal ko po si Alaric! Isa pa, hindi niya gusto si Ate!"Wala na siyang pakialam kahit pa nawawalan na siya ng galang. Gusto niya lang ipaglaban ang karapatan niya bilang asawa ni Alaric.Napaatras siya noong tumingin sa kanya ang kanyang ama. Nakikita niya ang pinaghalong galit at pag-aalala sa mga mata nito."I know it's unfair for you, but I want to save Margarita. I cannot lose her, I cannot lose my firstborn—""Pero okay lang na masaktan dahil anak ako sa labas?" Tinuro niya pa ang sarili.Muling umiwas ng tingin ang kanyang ama, "Alaric is just a man. Marami pang lalaki sa mundo. Hayaan mo na siya sa kapatid mo. What I can promise you is that you will handle my company once you come back here. Ikaw ang gagawin kong tagapagmana basta't iwan mo lang si Alaric. Ibigay mo na siya kay Margarita, huwag mo ng pahirapan pa ang sarili mo,"