Share

KABANATA 73

"P-aano naman po ako?" nanghihinang tanong ni Yvonne sa kanyang ama.

Umiwas ito ng tingin, "I'll be sending you abroad. Makaka-move on ka rin—"

"Pero mahal ko po si Alaric! Isa pa, hindi niya gusto si Ate!"

Wala na siyang pakialam kahit pa nawawalan na siya ng galang. Gusto niya lang ipaglaban ang karapatan niya bilang asawa ni Alaric.

Napaatras siya noong tumingin sa kanya ang kanyang ama. Nakikita niya ang pinaghalong galit at pag-aalala sa mga mata nito.

"I know it's unfair for you, but I want to save Margarita. I cannot lose her, I cannot lose my firstborn—"

"Pero okay lang na masaktan dahil anak ako sa labas?" Tinuro niya pa ang sarili.

Muling umiwas ng tingin ang kanyang ama, "Alaric is just a man. Marami pang lalaki sa mundo. Hayaan mo na siya sa kapatid mo. What I can promise you is that you will handle my company once you come back here. Ikaw ang gagawin kong tagapagmana basta't iwan mo lang si Alaric. Ibigay mo na siya kay Margarita, huwag mo ng pahirapan pa ang sarili mo,"
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status