"P-aano naman po ako?" nanghihinang tanong ni Yvonne sa kanyang ama.Umiwas ito ng tingin, "I'll be sending you abroad. Makaka-move on ka rin—""Pero mahal ko po si Alaric! Isa pa, hindi niya gusto si Ate!"Wala na siyang pakialam kahit pa nawawalan na siya ng galang. Gusto niya lang ipaglaban ang karapatan niya bilang asawa ni Alaric.Napaatras siya noong tumingin sa kanya ang kanyang ama. Nakikita niya ang pinaghalong galit at pag-aalala sa mga mata nito."I know it's unfair for you, but I want to save Margarita. I cannot lose her, I cannot lose my firstborn—""Pero okay lang na masaktan dahil anak ako sa labas?" Tinuro niya pa ang sarili.Muling umiwas ng tingin ang kanyang ama, "Alaric is just a man. Marami pang lalaki sa mundo. Hayaan mo na siya sa kapatid mo. What I can promise you is that you will handle my company once you come back here. Ikaw ang gagawin kong tagapagmana basta't iwan mo lang si Alaric. Ibigay mo na siya kay Margarita, huwag mo ng pahirapan pa ang sarili mo,"
AFTER TWO YEARS"Sa magazine ka na naman nakatingin," nakangising bungad ni Apollo matapos nitong makita si Alaric na madilim na nakatitig sa hawak na magazine.Umayos si Alaric sa kanyang swivel chair at masamang tiningnan ang kapatid. Nakangising aso lang si Apollo habang papalapit. Gusto niya tuloy itong batukan ngunit wala siya sa mood.Noong makalapit ay dumungaw ito sa magazine, "Pasilip nga kung maganda pa rin siya—tsk, she's showing her cleavage too much—""Don't f*cking look at it!"Galit niyang sinara ang magazine dahilan upang umatras si Apollo at itaas ang dalawang kamay nito."Chill, bro. Nagsasabi lang ako ng totoo—""I don't give a f*ck! Lumayas ka nga at lumipat sa sarili mong kumpanya."Umingos ito pero umupo pa rin aa upuan sa harap ng kanyang mesa."You don't give a f*ck pero galit? You're still bitter. Hirap ba mag-move on?" natatawang tanong nito kaya't muli niyang binigyan ng masamang tingin."You're wasting my time, Apollo."Tuluyan niyang tinapon sa basurahan a
"Mommy, are we really going to visit your country?" inosenteng kumurap si Chelsea kay Yvonne na kanyang kinangiti.Hinagod niya ang mukha nito at mabilis na hin*likan sa pisngi."Yes, Baby. We'll just wait for your Uncle Connor so we can leave later tonight. I already have the tickets!" Tinaas niya pa ang mga hawak na tickets."I'm so excited, Mommy! I want to meet Aunty Nina personally!"Lumawak ang ngiti niya dahil doon. Mas favourite pa yata ng anak niya si Nina kaysa sa kanya."Come here, My dear. Let Mommy give you a warm hug."Napahalakhak siya noong ito mismo ang yumakap sa kanya nang mahigpit. Malaki talaga ang pasasalamat niya at may Chelsea Buenavista na bigay sa kanya. Napawi kahit paano ang lungkot niya."Wow, my future family looks so pretty to look at."Sabay silang napalingon ni Chelsea sa pinto. Napangiti siya matapos makita roon si Connor na ngiting-ngiti."Uncle! You're late!" sermon dito ni Chelsea.Napakamot si Connor sa noo niya at kunwaring nagpa-awa."I'm so sor
Hindi siya makakilos. Hindi alam kung uupo na ba o tatakbo na palabas. Nanunuot sa balat niya ang matalim na titig ni Alaric. Ayaw niya itong punain ngunit pansin niya ang malaking pagbabago nito. Bukod sa tila parang may maitim na awra na nakapalibot dito, mas lalo pa itong bumata kumpara sa edad nito."Yvonne, come here," bulong ni Fufu sa kanya.Doon pa lang siya kumurap at umiwas ng tingin. Nakahanda na pala ang isang upuan para sa kanya. Mabuti na lang at malayo iyon kay Alaric. Iyon nga lang, ramdam niya ang titig nito sa kanya."It's nice meeting you, Ms. Yvonne," ani ng isang matanda na agad tumayo at naglahad ng kamay sa kanya.Pinilit niyang ngumiti at nakipag-handshake. Susunod din sana ang iba ngunit nag-ingay ang upuan ni Alaric. Pagsulyap niya ay nakatayo na ito at tingin niya ay lalapit sa kanya. Dumagundong sa kaba ang d*bdib niya. Wala sa loob na napakapit siya kay Fufu."Can we turn this project down?" bulong niya sa manager."Eh? Of course not! Pirmado na 'to. Breac
"Arghh! How dare him! How dare him!" ilang beses na sigaw ni Yvonne sa loob ng Van noong pauwi na sila.Gigil na gigil siya at inis na inis dahil kay Alaric."Ang sarap ng reunion niyo, galit na galit agad," tumatawang komento ni Fufu habang nagce-cellphone.Binalingan niya ito at sinamaan ng tingin, "Isa karing gaga, alam mo na pa lang si Alaric, tinanggap mo pa!" naiinis niyang singhal dito.Binaba nito ang cellphone at maarteng sumenyas ng pera."Girl, Castellanos iyon. Malaking pera 'to at mas magandang exposure para sa'yo. I know what is best for you, Yvonne. Trust me." Kumindat pa ito ngunit umirap lang siya."Tss. Paano niyan ako makakapagtrabaho ng maayos kung lagi siyang nasa photoshoot? Baka lahat ng kilos ay mali sa kanya," reklamo niya.Humalakhak bigla si Fufu na kinakunot ng noo niya, "And why would you be affected? Ikaw ang nang-iwan di ba?"Natameme siya sa sinabi nito. Humalukipkip siya at umirap sa bintana."Sa yummy no'n? Hindi ko iyon pakakawalan kung ako ikaw. Bak
"Again. Nothing is a good shot," malamig na imporma ni Alaric na kinanganga niya.Kanina pa sila paulit-ulit sa mga shots. Ilang beses na rin siyang nagpalit ng damit pati props. Malalasing na nga yata siya kakainom sa mamahaling wine makakuha lang ng good shots, pero lahat ay palpak para kay Alaric. Pinalampas niya nga kanina ang pang-iinis nito sa dressing room pero ngayon, tingin niya sasabog siya sa galit. Matalim niya ngang tiningnan ang camera man na si Eron. Kumibit balikat lang ito at tila walang pakialam kahit paulit-ulit sila.Pagod na pagod siya. Gutom na rin lalo pa't malapit ng mag-lunch."Miss Yvonne, heto po ulit iyong red rose at wineglass." Maingat na inabot ni Pia ang mga iyon sa kanya.Nagtagis ang mga ngipin niya at labag sa loob na kinuha iyon. Ni hindi man lang siya makahingi ng waterbreak."Give me a fierce look again, Miss Yvonne," utos ni Eron.Hinawakan niya ng pareho ang red rose at glass sa isang kamay. Tinapat ang mga iyon sa bibig niya. Imbis na sa camer
"I-i can explain, Connor."Napangiwi siya matapos humigpit ang hawak nito sa hita niya.Why the h*ck did you mention his name? Why? Do you miss making out with him? malamig na tanong nito.Matalim ang naging titig nito sa kanya. Halatang gigil na gigil sa galit.Napaigik siya muli sa sakit, "You're h-urting me."Doon pa lang yata ito natauhan."F*ck, I'm sorry, Babe," panunuyo nito.Nangilid ang luha niya matapos makita ang pamumula ng hita niya. Paniguradong mangingitim iyon bukas."Babe, I'm sorry."Sinubukan siya nitong hawakan muli ngunit agad siyang bumaba mula sa kitchen counter at tinalikuran ito."I need space. I'll be sleeping in Chelsea's room," mahinang bigkas niya sa takot na pumiyok siya dahil sa nagbabadyang iyak."Space? For what?! I was jealous! Come on!"Umiling siya rito at hindi na lumingon. Diretso ang lakad niya patungo sa kwarto ni Chelsea. Hindi niya matanggap na kaya siya nitong saktan nang dahil kay Alaric. Kasalanan naman niya pero kahit na!"Yvonne! Come bac
Nakatanga lang si Yvonne habang hila-hila siya sa palapulsuhan ni Alaric patungo sa dressing area nila."Leave and get an ointment!"Tumalima ang mga nasa loob at agad na lumabas. "Sit," utos nito.Hindi siya agad na nakakibo. Nakatayo pa rin siya kahit na pinaghila na siya nito ng upuan."I said sit!"Namilog ang mga mata niya at agad na umupo bago pa man ito bumangis. Salubong ang kilay nitong niluhod ang isang tuhod upang matingnan ng maayos ang pasa niya."K-umuha ka kaya ng upuan," mahinang suhestiyon niya.Baka kasi mangalay ito, sisihin pa siya.Hindi naman ito nakinig. Napaiwas siya ng tingin noong haplusin nito nang marahan ang pasa niya."This is a hand. Who's hand is this?" dudang tanong nito, "Sa boyfriend mo?"Mabilis siyang napalingon dito. Nahuli niya itong nakatingala sa kanya at mariin ang titig. Tipong bawal siyang magsinungaling kun'di ay paparusahan siya."Huh? H-indi—""Don't lie to me. Sinasaktan ka niya?" malamig nitong tanong.Napalunok siya. Kahit malamig ang
"Alec Yvo Castellanos! Don't run, Buddy!" hinihingal na sigaw ni Alaric sa anak niyang two years old.Kanina pa ito takbo nang takbo sa sementeryo. Ubos na yata ang energy niya mahabol lang ito."Yvo! Come here to Mommy!" malambing na sigaw ni Yvonne.Nagsalubong ang mga kilay niya noong agad na lumapit ang anak kay Yvonne. Dinig niyang mahinang tumawa ang asawa niya at agad na binuhat si Yvo. Nginisihan pa siya nito bago tinalikuran."F*ck! Ako dapat ang kakampi mo, Yvo," bulong-bulong niya sa hangin."That's alright, Daddy. I am here," si Chelsea na humawak sa kamay niya.Kahit pagod ay binuhat niya ito."Daddy, I'm too old! Put me down! I'm already seven years old!" reklamo nito pero hindi siya nakinig."You're still my princess, hm."Ayaw na nga niya itong tumanda o maging dalaga. Ngayong tatay na siya, kinakabahan na siya na baka mapahamak ang mga anak niya.Lumapit sila kay Yvonne. Nakaupo na ito sa harap ng puntod at sinindihan ang kandila. Umupo siya sa tabi nito at binaba rin
"I'm excited! Ano na, Yvonne?" Kinikilig na bigkas ni Mayu mula sa labas ng banyo.Tuwang-tuwa ito habang siya ay kinakabahan. Pinagamit kasi siya nito ng pregnancy test kit kaninang nagduwal siya. Ngayon ay hinihintay niya na lang ang resulta.Kagat-kagat niya ang hinlalaking daliri habang naka-abang ngunit kusa siyang natigilan at namilog ang mga mata matapos makita ang pagpula ng dalawang linya."Oh my God," hindi niya mapigilang bulalas."Uy, ano na? Baka himatayin na sa sala si Alaric kakahintay," pang-aasar pa ni Mayu.Huminga siya nang malalim ngunit nanginginig pa ang kamay noong kuhanin ang kit. Ilang beses siyang lumunok upang pigilan ang pagbagsak ng luha niya. Agad din siyang lumabas, agad na napatayo ng tuwid si Mayu."Ano? I'm sure it's positive." Ngumiti ito at hinawakan ang balikat niya.Kinagat niya ang ibabang labi at marahang tumango. Namilog ang mga mata nito at gusto yatang sumigaw sa tuwa pero ito mismo ang nagtakip sa sariling bibig."Uhm, nasaan si Alaric?"Bin
"Shh, maririnig ka nila," mahinang bulong niya kay Alaric.Ngumisi ito at mahinang dum*ing habang patuloy sa paggalaw sa ibabaw niya.Umawang ang mga labi niya at kumapit sa braso nito."Pasaway ka talaga, gabi-gabi ka na lang nandito," paos niyang sermon.Walang mintis kasi itong nagpupunta sa kwarto niya simula noong umuwi sila sa mansyon. Buong isang buwan itong laging umaakyat sa bintana. Saktong papadilim pa lang yata ay naroon na ito tapos aalis na bago pa man sumikat ang araw. Siya nga ang kinakabahan at baka mahuli sila ng Daddy niya.Diniin niya ang hawak sa braso nito noong bumilis ang galaw nito. Sabay silang napaungol pagkatapos. Binagsak nito ang ulo sa leeg niya. Dinig niya ang mahinang hingal nito kasabay ng sa kanya."Umuwi ka na. Maliwanag na sa labas," mahinang utos niya."Tss. Mamaya na, I still want to cuddle you." Nag-iwan ito ng mumunting h*lik sa leeg niya.Mabigat siyang huminga at pumikit."Susunduin ko na kayo mamaya."Napamulat siya roon, "Naayos mo na ang k
Wala yatang gustong magsalita sa mga naroon. Maging ang ama niya ay umiwas ng tingin. Napalunok tuloy siya."Don't be rude to my wife, Lo."Napalingon siya kay Alaric na mula sa kusina. Buhat-buhat nito si Chelsea."Your wife? Kasal pa kayong dalawa?" malamig na turan ng matanda.Siya na mismo ang napakapit kay Alaric. Umikot naman agad ang braso nito sa bewang niya."Carry Chelsea first," bulong nito kaya't kinuha niya si Chelsea."Just put me down, Mommy. I'm heavy, the baby might not breathe."Narinig niya ang mga singhapan dahil doon."Buntis ka, Yvonne?" si Margarita na namilog ang mga mata."Ah? H-indi—""She will, but soon. This is the reason why I invited all of you here—""Hindi mo pa ako sinasagot, Alaric. Huwag kang magmadali," putol ng Lolo nito.Kita niyang umigting ang panga ni Alaric bago huminga nang malalim at nilingon ang Lolo niya."Give her back to her father.""Lo, we're still married—""Wala akong pakialam kahit kasal kayo. Bakit? Sinabi mo na ba sa kanilang ikaw
"G*go ka ba? Bakit mo sinabi iyon kay Connor?!" naiinis niyang singhal kay Alaric.Tumiim-bagang lang ito at binalik ang cellphone niya kay Fufu. Ngumisi pa si Fufu."Bagay lang iyon sa kanya. Pero di nga, kasal pa kayong dalawa?" Tinaasan pa sila ng kilay ni Fufu.Naningkit ang mga mata niya at hindi sumagot."I'll ask for extra securities. I'll be back here later," pagpapaalam ni Alaric.Akmang paalis na 'to pero hinila ni Chelsea ang longsleeve nito."Thank you, Uncle Gwapo," mahinang bigkas nito.Bumuntong hininga si Alaric at humarap muli sa kanilang dalawa. Sumilay ang ngiti nito at marahang ginulo ang buhok ni Chelsea."Shh, call me Daddy, Princess, and you're always welcome, hm."Nagulat siya noong humikbi si Chelsea, "I have a daddy now? You love me even if you told me before that Mommy doesn't love me?"Namilog ang mga mata niya sa narinig habang si Alaric ay natigilan. Naningkit ang mga mata niya rito at mahinang kinurot sa tagiliran."Ikaw pala ang salarin kung bakit nagta
Nanlabo ang paningin niya dahil sa luha. Nabitiwan niya si Yaya Melly at halos matumba siya sa panghihina pero naramdaman niya ang matipunong katawan ni Alaric na sumalo sa kanya."Don't cry. I will help you find her," bulong nito.Napasinghap siya at tuluyang napaiyak, "Kasalanan mo 'to. Kapag may nangyaring masama kay Chelsea, hindi kita mapapatawad, Alaric," mahina ngunit madiin niyang banta.Hindi naman ito kumibo. May tinawagan lang ito at hindi niya maintindihan kung sino.Nasapo niya ang mukha at napahagulhol. Wala na siyang pakialam kahit na niyakap pa siya ni Alaric. Sobrang sikip ng d*bdib niya."Tumawag ka na ba ng pulis, Miss Melly?" dinig niyang tanong ni Alaric."Opo, Sir. Kaso wala pa raw pong 24 hours na nawawala kaya baka hindi pa nila hinahanap.""F*ck. Fine. Ako na ang maghahanap. Paki bantayan po si Yvonne."Hinatid pa siya nito papasok sa loob ng condo niya at iniwan kay Yaya Melly. Hindi niya nga alam na umalis na ito kung hindi pa siya inabutan ng baso ng tubig
"A-no bang pinagsasabi mo, Alaric? P-aanong kasal pa tayo?"Kanina niya pa ito kinukulit ngunit ayaw na nitong sumagot. Pilit siya nitong pinapatulog. Paano naman siya makatutulog kung ganoon ang sinabi nito kanina?"Just sleep, Yvonne—""The f*ck, Alaric? Tingin mo ba makatutulog ako ngayon?!"Hinila niya ang buong kumot para ibalot sa katawan niya. Walang pakialam kahit pa mangisay sa lamig ng aircon si Alaric."Hind ako nakikipagbiruan, Alaric. Ji-no-joke time mo ba ako?""Just don't marry that Connor guy."Napatawa siya nang mapakla. Gusto niyang maiyak bigla. Sayang lang ang pag-alis niya at pagpaparaya kung kasal pa rin naman pala siya rito."Connor is my fiance, pakakasalan ko siya no matter what," pagdidiin niya.Bigla itong humarap sa kanya at kitang-kita niya ang gigil sa panga nito. Naningkit ang mga mata nito at bigla na lang hinawakan ang braso niya."I'm still your husband, Aber—""Don't call me that! Hiwalay na tayo! Dapat pinroseso mo ang annulment papers natin! May pi
Buong araw siyang tinuruan ni Alaric. Kinabukasan naman ay ilang meetings din ang dinaluan nila maghapon. Lahat iyon medyo nakaka-frustrate lalo pa't ayaw na talaga ng ilang investors. Ma-i-stress siguro siya ng sobra kung hindi nila napapayag ang huling investors. Dahil doon ay nakangiti pa naman siyang naka-uwi."Mommy, you became so busy," si Chelsea na agad yumakap sa bewang niya noong makapasok siya sa condo."I'm sorry, Baby. I'm helping your grandfather, hm. After this problem is solved, we can go on vacation. Alright?"Napalabi ito pero tumango rin, "Am I being a burden to you, Mommy?"Napaawang ang mga labi niya sa tanong nito. Nagkatinginan pa sila ni Yaya Melly dahil doon."Ma'am, kahapon pa iyan ganyan. Sabi ko mahal mo siya ng sobra kaya huwag niyang isipin iyon," kwento ni Yaya Melly.Napatango siya. Lumuhod at pinantayan ang tangkad ni Chelsea, "Baby, nope, you are not. You are my happiness and strength. Remember that, hm.""But, Mommy, someone told me that you might no
"Dad, hindi naman na kailangan. Hindi naman ako obligasyon ni Alaric," pangungumbinsi ni Yvonne sa ama nito.Kahapon kasi ay sa mansyon siya nito umuwi sa sobrang sakit ng damdamin niya. Naikwento niya ang nangyari dito, maging ang paghingi niya ng tulong kay Alaric. Ngayon naman ay basta na lang siya nitong niyaya sa kumpanya ni Alaric."Look at him now? He is beyond successful. Noon ay allergic iyan sa salitang kumpanya," komento nito habang naghihintay sila sa opisina ni Alaric.Napalabi siya. Himala ngang nagpatayo ito ng kumpanya gayong puro dagat ang hilig nito."This only means he didn't love you at all. Kung mahal ka talaga niyan dati, siya mismo ang magkukusang tumulong sa kumpanya noon pa!" mahina ngunit gigil nitong bigkas.Nanlaki ang butas ng ilong niya. Ayaw na nga niyang magbalik tanaw pero pinipilit talaga nitong hindi siya mahal ni Alaric."I know, Dad," labas sa ilong na sagot niya.Natatandaan pa naman niya ang pagsabi sa kanya ni Alaric ng I love you, maging paglab