"Tissue para sa kaibigan kong tanga," parinig ni Nina sa tabi niya.Napasimangot si Yvonne pero hindi rin mapigilan ang pangingilid ng luha niya. Na-kwento na niya kay Nina ang nangyari kagabi at literal na sinesermunan siya at inaaway nito mula pa kanina."Napakatalino mong babae pagdating sa negosyo pero tanga ka naman pagdating sa pag-ibig—""Di ko pa siya mahal," pagrarason niya rito.Namewang ito sa harap niya at mahina pang hinampas ang counter sa harap nilang dalawa."Kwento mo sa pagong iyang pag-ibig mong pururot," pagtataray nito.Napalabi siya at hindi magawang magtaray pabalik. Mali naman kasi siya at kasalanan naman talaga niya. May chance na siya na piliin si Alaric pero mas ginusto niyang ipamigay ito sa iba."Ano na ba ang gagawin ko? Hindi ko na mababawi ang desisyon ko," mahinang maktol niya.Inirapan siya ni Nina na halatang dismayado sa kanya, "Tanga-tanga mo talaga—""Makatanga ka naman diyan! Sakit ah!" reklamo niya pa rito."Che! Tanga ka naman talaga. Yakap mo
Walang tatalo sa kabog ng puso ni Yvonne sa oras na iyon dahil sa tawag ng kanyang ama. Ni hindi siya nakasagot agad."Pumunta ka ngayon din dito sa mansyon!" galit pa nitong utos bago pinatay ang tawag.Napapikit siya nang mariin at mahigpit na hinawakan ang cellphone."Shit!" mahinang mura niya dahil alam niyang magigisa na naman siya at hindi niya alam kung paano lulusutan iyon!Kahit ayaw niyang magpunta sa mansyon ng ama niya ay pinilit niya ang sarili. Sa harap pa lang ng malaking gate ay nangangatog na ang mga binti niya. Kung hindi niya nabungaran si Margarita ay baka hindi siya ngumiti."Yvonne! Thank you nga pala at tinawagan mo ang driver," tukoy nito noong naglasing ito.Pilit siyang ngumiti at tumango lang. Hindi siya makakibo. Natatakot nga siya na marinig nito ang pag-uusapan nila ng ama niya."Nandito na ang anak mo sa labas," maanghang na bigkas ng mama ni Margarita.Agad na kumuyom ang kamao niya dahil sa Ginang. Naalala niya rin kasi bigla ang usapan nila sa opisina
"Ang harsh mo sa kanya," simangot na bigkas ni Mayu kay Alaric matapos makitang mahimatay si Yvonne.Kinunot ni Alaric ang noo at hindi ito pinansin. Mas pinagtuonan niya ng pansin si Yvonne na nasa mga bisig na niya."She signed the annulment paper already, technically hiwalay na kami. Walang rason para mag-usap pa kami," malamig niyang paliwanag sa mga ito."Uh-oh, pinirmahan niya kasi may pirma mo na," singit ni Apollo kaya't matalim niya itong sinulyapan.Nagtaas lang ito ng kamay na tila sumusuko na, "Just saying," bulong pa nito."Ano'ng plano mo sa kanya? Ihahatid mo pauwi?" tanong ng kanyang Kuya Aldo."Ano pa nga ba? Hindi matutuwa si Lolo Frederick kapag nakita niya si Yvonne. Alam mo namang gusto niyang ipakasal si Alaric sa isa pang anak ni Michael Montenegro," singit ni Mayu.Mas lalong kumunot ang noo niya dahil doon. Sinabi niya nga kay Yvonne na magpapakasal siya sa iba pero hindi naman niya gagawin iyon. Mas sarili siyang isip at desisyon, hindi pwedeng lagi na lang d
Mapangahas na pinagalaw ni Yvonne ang kanyang mga labi. Ayaw marinig ang mga sinasabi ni Alaric. Ayaw niya na pinamimigay o pinahahanap siya nito ng iba!Marahan niyang kinagat ang ibabang labi nito at kahit na ramdam niyang nilalayo siya nito ay nagpabigat pa siya lalo sa itaas nito. Bahala na itong hindi makahinga!Kaya lang siya ang naghabol ng hininga matapos nitong patulan ang h*lik niya. Namilog ang mga mata niya at naitukod ang kamay sa kama para makalayo rito ngunit kinabig nito ang batok niya at walang pasabing pinasok ang dila sa loob ng bibig niya."Uhm—"Napapikit siya nang mariin matapos maging masuyo ang h*lik nito na tila pinapaamo ang mga labi niya. Kun'di niya pa ito marahang tinulak sa d*bdib ay hindi pa nito titigilan ang mga labi niya. Kusa itong lumayo nang nakangisi habang siya ay binigyan ito ng matalim na tingin at kunwaring pinunasan ang mga labi niya."Don't kiss me if you don't like it," sarkastikong bigkas nito.Napairap siya ngunit natameme rin. Tama naman
Namawis ang noo ni Yvonne sa sinabi ni Apollo. Parang hindi pa siya handang makita si Don Frederick. Nahihiya pa siya lalo na't siya itong umalis sa mansyon noon. Pero kasi naman! Si Alaric naman ang nagpalayas sa kanya!"Err. Gotta go!" mabilis na paalam ni Apollo matapos maramdaman ang galit na titig ni Alaric.Nangunot pa ang noo niya noong tumakbo na akala mo ay takot na takot sa Kuya."Damn! I should have brought you to your apartment." Napayuko ito at nasapo ang noo.Tumikwas ang kilay niya, "At bakit sa apartment ko? Bakit? Ayaw mo talaga ako rito?!" asik niya rito.Napaangat ito ng tingin at maliit na napanganga."Ano? Nababahag na buntot mo ngayong pinapatawag ka ng Lolo mo? Sumisid lang pala ang kaya mo pero hindi kayang—sandali lang naman, Alaric!" reklamo niya matapos itong tumayo at tangayin siya palabas ng kwarto."Wait nga lang! Excited ka naman!" muling hirit niya.Nagpabigat siya para lang hindi siya nito madala malapit sa hagdan. Effective naman dahil tumigil ito at
Nanikip ang d*bdib ni Yvonne lalo na noong tuluyang bitiwan ni Alaric ang kamay niya. Hindi siya nakakilos. Napatitig lang siya sa kamay niyang naiwan sa ere."I will be doing this, not because you made me choose it. I am doing this because I want to," diretsong bigkas ni Alaric kay Don Frederick.Napalunok siya at naitago ang kanyang kamay. Malinaw naman na mas pinili nito ang pagiging Castellanos. Wala na siyang laban doon. Pero ang puso niya, daig pa ang sinaksak ng punyal dahil lang hindi siya nito pinili."I will welcome you with open arms," natutuwang sambit ni Don Frederick.Kumuyom ang kamay niya at halos manlabo ang mga mata dahil sa luha matapos mapansing lumapit nga sa matanda si Alaric. Namanhid ang mga paa niya roon. Gusto na niyang umalis dahil talo siya sa laban pero ang mga paa niya ay ayaw kumilos.Dapat talaga ay hindi na siya naghabol. Sa huli ay hindi rin pala siya nito pipiliin."I'm sorry, Lo. I don't want to be a Castellanos if that means leaving my wife. I will
"What is it again?" nagtitimping tanong ni Alaric sa kanya.Hindi na niya maibukas ang mga labi. Alam naman niyang galit na galit ito."Speak."Napapikit siya nang mariin at nangingiwi sa mahigpit nitong hawak sa hita niya."Contraceptives. Hindi pa ako handang magbuntis," pikit-matang pag-amin niya."F*ck! All this time you are taking pills to avoid getting pregnant?!"Kinagat niya ang ibabang labi. Alam din naman niyang gustong-gusto siya nitong mabuntis pero hindi pa lang talaga siya handa noon."Where are those pills? I'm gonna throw them away!"Napamulat siya ng mga mata at napamaang noong lumayo ito at pumasok sa kwarto. Bahagya siyang nataranta at bumaba mula sa lababo."Alaric, ako na lang ang magtatapon," pigil niya ngunit hindi ito nakinig.Gigil nitong binuksan ang mga kabinet niya at drawer. Kulang na lang ay guluhin ang mga damit niya doon. Napairap siya at agad na kinuha ang bag niya. Hinalughog niya mula roon ang pakete ng pills."Heto na, itatapon ko na," pagkuha niya
"What?! Are you kidding me?!" hindi makapaniwalang tanong ni Margarita.Hindi siya makakilos sa pwesto niya. Nangyari na ang kinatatakutan niya. Hindi niya alam kung paano iyon pagtatakpan.Tumikhim si Alaric at iniwan ang lababo. Seryoso itong lumapit sa kanya at hinapit ang bewang niya. Kitang-kita niya tuloy ang panlalaki ng mga mata ni Margarita dahil sa ginawa nito."I'm telling the truth. Yvonne is my wife. We have been married for about—""No. Hindi iyon totoo, Margarita. I'm sorry, pinalayas siya at wala lang siyang mapuntahan kaya siya nandito," mabilis niyang agad na paliwanag."What the f*ck, Missy? What are you saying?" nalilitong baling sa kanya ni Alaric.Pinirmi niya ang mga labi at binaklas ang hawak nito sa bewang niya. Mali talagang binalikan niya ito."And you think you can fool me, Yvonne?" hinanakit ni Margarita.Napapikit siya nang mariin matapos makita ang pangingilid ng luha nito."I'm sorry," mahinang bigkas niya para sa kanyang kapatid."What the f*ck are you
"Alec Yvo Castellanos! Don't run, Buddy!" hinihingal na sigaw ni Alaric sa anak niyang two years old.Kanina pa ito takbo nang takbo sa sementeryo. Ubos na yata ang energy niya mahabol lang ito."Yvo! Come here to Mommy!" malambing na sigaw ni Yvonne.Nagsalubong ang mga kilay niya noong agad na lumapit ang anak kay Yvonne. Dinig niyang mahinang tumawa ang asawa niya at agad na binuhat si Yvo. Nginisihan pa siya nito bago tinalikuran."F*ck! Ako dapat ang kakampi mo, Yvo," bulong-bulong niya sa hangin."That's alright, Daddy. I am here," si Chelsea na humawak sa kamay niya.Kahit pagod ay binuhat niya ito."Daddy, I'm too old! Put me down! I'm already seven years old!" reklamo nito pero hindi siya nakinig."You're still my princess, hm."Ayaw na nga niya itong tumanda o maging dalaga. Ngayong tatay na siya, kinakabahan na siya na baka mapahamak ang mga anak niya.Lumapit sila kay Yvonne. Nakaupo na ito sa harap ng puntod at sinindihan ang kandila. Umupo siya sa tabi nito at binaba rin
"I'm excited! Ano na, Yvonne?" Kinikilig na bigkas ni Mayu mula sa labas ng banyo.Tuwang-tuwa ito habang siya ay kinakabahan. Pinagamit kasi siya nito ng pregnancy test kit kaninang nagduwal siya. Ngayon ay hinihintay niya na lang ang resulta.Kagat-kagat niya ang hinlalaking daliri habang naka-abang ngunit kusa siyang natigilan at namilog ang mga mata matapos makita ang pagpula ng dalawang linya."Oh my God," hindi niya mapigilang bulalas."Uy, ano na? Baka himatayin na sa sala si Alaric kakahintay," pang-aasar pa ni Mayu.Huminga siya nang malalim ngunit nanginginig pa ang kamay noong kuhanin ang kit. Ilang beses siyang lumunok upang pigilan ang pagbagsak ng luha niya. Agad din siyang lumabas, agad na napatayo ng tuwid si Mayu."Ano? I'm sure it's positive." Ngumiti ito at hinawakan ang balikat niya.Kinagat niya ang ibabang labi at marahang tumango. Namilog ang mga mata nito at gusto yatang sumigaw sa tuwa pero ito mismo ang nagtakip sa sariling bibig."Uhm, nasaan si Alaric?"Bin
"Shh, maririnig ka nila," mahinang bulong niya kay Alaric.Ngumisi ito at mahinang dum*ing habang patuloy sa paggalaw sa ibabaw niya.Umawang ang mga labi niya at kumapit sa braso nito."Pasaway ka talaga, gabi-gabi ka na lang nandito," paos niyang sermon.Walang mintis kasi itong nagpupunta sa kwarto niya simula noong umuwi sila sa mansyon. Buong isang buwan itong laging umaakyat sa bintana. Saktong papadilim pa lang yata ay naroon na ito tapos aalis na bago pa man sumikat ang araw. Siya nga ang kinakabahan at baka mahuli sila ng Daddy niya.Diniin niya ang hawak sa braso nito noong bumilis ang galaw nito. Sabay silang napaungol pagkatapos. Binagsak nito ang ulo sa leeg niya. Dinig niya ang mahinang hingal nito kasabay ng sa kanya."Umuwi ka na. Maliwanag na sa labas," mahinang utos niya."Tss. Mamaya na, I still want to cuddle you." Nag-iwan ito ng mumunting h*lik sa leeg niya.Mabigat siyang huminga at pumikit."Susunduin ko na kayo mamaya."Napamulat siya roon, "Naayos mo na ang k
Wala yatang gustong magsalita sa mga naroon. Maging ang ama niya ay umiwas ng tingin. Napalunok tuloy siya."Don't be rude to my wife, Lo."Napalingon siya kay Alaric na mula sa kusina. Buhat-buhat nito si Chelsea."Your wife? Kasal pa kayong dalawa?" malamig na turan ng matanda.Siya na mismo ang napakapit kay Alaric. Umikot naman agad ang braso nito sa bewang niya."Carry Chelsea first," bulong nito kaya't kinuha niya si Chelsea."Just put me down, Mommy. I'm heavy, the baby might not breathe."Narinig niya ang mga singhapan dahil doon."Buntis ka, Yvonne?" si Margarita na namilog ang mga mata."Ah? H-indi—""She will, but soon. This is the reason why I invited all of you here—""Hindi mo pa ako sinasagot, Alaric. Huwag kang magmadali," putol ng Lolo nito.Kita niyang umigting ang panga ni Alaric bago huminga nang malalim at nilingon ang Lolo niya."Give her back to her father.""Lo, we're still married—""Wala akong pakialam kahit kasal kayo. Bakit? Sinabi mo na ba sa kanilang ikaw
"G*go ka ba? Bakit mo sinabi iyon kay Connor?!" naiinis niyang singhal kay Alaric.Tumiim-bagang lang ito at binalik ang cellphone niya kay Fufu. Ngumisi pa si Fufu."Bagay lang iyon sa kanya. Pero di nga, kasal pa kayong dalawa?" Tinaasan pa sila ng kilay ni Fufu.Naningkit ang mga mata niya at hindi sumagot."I'll ask for extra securities. I'll be back here later," pagpapaalam ni Alaric.Akmang paalis na 'to pero hinila ni Chelsea ang longsleeve nito."Thank you, Uncle Gwapo," mahinang bigkas nito.Bumuntong hininga si Alaric at humarap muli sa kanilang dalawa. Sumilay ang ngiti nito at marahang ginulo ang buhok ni Chelsea."Shh, call me Daddy, Princess, and you're always welcome, hm."Nagulat siya noong humikbi si Chelsea, "I have a daddy now? You love me even if you told me before that Mommy doesn't love me?"Namilog ang mga mata niya sa narinig habang si Alaric ay natigilan. Naningkit ang mga mata niya rito at mahinang kinurot sa tagiliran."Ikaw pala ang salarin kung bakit nagta
Nanlabo ang paningin niya dahil sa luha. Nabitiwan niya si Yaya Melly at halos matumba siya sa panghihina pero naramdaman niya ang matipunong katawan ni Alaric na sumalo sa kanya."Don't cry. I will help you find her," bulong nito.Napasinghap siya at tuluyang napaiyak, "Kasalanan mo 'to. Kapag may nangyaring masama kay Chelsea, hindi kita mapapatawad, Alaric," mahina ngunit madiin niyang banta.Hindi naman ito kumibo. May tinawagan lang ito at hindi niya maintindihan kung sino.Nasapo niya ang mukha at napahagulhol. Wala na siyang pakialam kahit na niyakap pa siya ni Alaric. Sobrang sikip ng d*bdib niya."Tumawag ka na ba ng pulis, Miss Melly?" dinig niyang tanong ni Alaric."Opo, Sir. Kaso wala pa raw pong 24 hours na nawawala kaya baka hindi pa nila hinahanap.""F*ck. Fine. Ako na ang maghahanap. Paki bantayan po si Yvonne."Hinatid pa siya nito papasok sa loob ng condo niya at iniwan kay Yaya Melly. Hindi niya nga alam na umalis na ito kung hindi pa siya inabutan ng baso ng tubig
"A-no bang pinagsasabi mo, Alaric? P-aanong kasal pa tayo?"Kanina niya pa ito kinukulit ngunit ayaw na nitong sumagot. Pilit siya nitong pinapatulog. Paano naman siya makatutulog kung ganoon ang sinabi nito kanina?"Just sleep, Yvonne—""The f*ck, Alaric? Tingin mo ba makatutulog ako ngayon?!"Hinila niya ang buong kumot para ibalot sa katawan niya. Walang pakialam kahit pa mangisay sa lamig ng aircon si Alaric."Hind ako nakikipagbiruan, Alaric. Ji-no-joke time mo ba ako?""Just don't marry that Connor guy."Napatawa siya nang mapakla. Gusto niyang maiyak bigla. Sayang lang ang pag-alis niya at pagpaparaya kung kasal pa rin naman pala siya rito."Connor is my fiance, pakakasalan ko siya no matter what," pagdidiin niya.Bigla itong humarap sa kanya at kitang-kita niya ang gigil sa panga nito. Naningkit ang mga mata nito at bigla na lang hinawakan ang braso niya."I'm still your husband, Aber—""Don't call me that! Hiwalay na tayo! Dapat pinroseso mo ang annulment papers natin! May pi
Buong araw siyang tinuruan ni Alaric. Kinabukasan naman ay ilang meetings din ang dinaluan nila maghapon. Lahat iyon medyo nakaka-frustrate lalo pa't ayaw na talaga ng ilang investors. Ma-i-stress siguro siya ng sobra kung hindi nila napapayag ang huling investors. Dahil doon ay nakangiti pa naman siyang naka-uwi."Mommy, you became so busy," si Chelsea na agad yumakap sa bewang niya noong makapasok siya sa condo."I'm sorry, Baby. I'm helping your grandfather, hm. After this problem is solved, we can go on vacation. Alright?"Napalabi ito pero tumango rin, "Am I being a burden to you, Mommy?"Napaawang ang mga labi niya sa tanong nito. Nagkatinginan pa sila ni Yaya Melly dahil doon."Ma'am, kahapon pa iyan ganyan. Sabi ko mahal mo siya ng sobra kaya huwag niyang isipin iyon," kwento ni Yaya Melly.Napatango siya. Lumuhod at pinantayan ang tangkad ni Chelsea, "Baby, nope, you are not. You are my happiness and strength. Remember that, hm.""But, Mommy, someone told me that you might no
"Dad, hindi naman na kailangan. Hindi naman ako obligasyon ni Alaric," pangungumbinsi ni Yvonne sa ama nito.Kahapon kasi ay sa mansyon siya nito umuwi sa sobrang sakit ng damdamin niya. Naikwento niya ang nangyari dito, maging ang paghingi niya ng tulong kay Alaric. Ngayon naman ay basta na lang siya nitong niyaya sa kumpanya ni Alaric."Look at him now? He is beyond successful. Noon ay allergic iyan sa salitang kumpanya," komento nito habang naghihintay sila sa opisina ni Alaric.Napalabi siya. Himala ngang nagpatayo ito ng kumpanya gayong puro dagat ang hilig nito."This only means he didn't love you at all. Kung mahal ka talaga niyan dati, siya mismo ang magkukusang tumulong sa kumpanya noon pa!" mahina ngunit gigil nitong bigkas.Nanlaki ang butas ng ilong niya. Ayaw na nga niyang magbalik tanaw pero pinipilit talaga nitong hindi siya mahal ni Alaric."I know, Dad," labas sa ilong na sagot niya.Natatandaan pa naman niya ang pagsabi sa kanya ni Alaric ng I love you, maging paglab