Home / Romance / Must have been the wind / Chapter 01 - Nightmare and past

Share

Chapter 01 - Nightmare and past

Author: Nostxlgicxx
last update Last Updated: 2024-10-29 19:42:56

Chapter 01 - Must have been the wind

Solene

Lakad, takbo at hinga ang ginawa ko makawala lang sa humahabol sa 'kin. Halos mangatog ang tuhod ko ng dahil sa pinag-halong takot at kaba.

"Where are you, sweetheart? Come here, we're not yet done having fun," dinig kong saad ng lalaki.

Nanuot ang takot sa buong katawan ko ng marinig ko ang malalim na boses ng lalaking iyon. Ayoko na.

Nakakapangilabot...

Nakarating ako sa isang maliit na eskinita at may nakita akong basurahan na pwede nang pag-taguan, doon ako nag-tago.Hingal na hingal na nag-tago ako sa likod ng basurahan. Naririnig ko pa rin ang boses ng lalaki kaya mas lalong dumoble ang kaba sa dibdib ko. Ayoko na... ayoko na ng gan'to.

Sumilip ako ng kaunti at nakahinga ng maluwag ng makita kong wala na ang lalaki. Dahan dahan akong umalis doon at umuwi na sa bahay nina Auntie. Nadatnan ko ang pinsan at tiyahin ko na prenteng nakaupo sa sala at tila ba inaasahan ang pag-dating ko.

"Bakit ka nandito? Tapos na ba kayo ni Mr. Spears? O baka nga naman tinakbuhan mo na naman ang trabaho mo?!" pagalit na tanong sa 'kin ni Auntie.

Sanay na ako sa trato nila sa 'kin kaya hindi na lang ako kumibo.

"Kakatapos lang po Auntie." Yumuko na lamang ako dahil baka pag-hinalaan ako, mahirap na lalo na't mausisa ang pinsan ko, si Astria.

"Eh bakit ka yumuyuko? May ginawa ka ano?" Mapang asar na tanong niya na gustong-gusto akong makitang nag-hihirap.

Inangat ko ang tingin ko. Nakatingin sila sa 'kin ng masama, tingin na puno ng inis. Halos gusto ko na lang umalis pero alam kong sampal ang aabutin ko kapag ginawa ko iyon.

"Siguraduhin mo lang na hindi ka nag-sisinungaling dahil papalayasin talaga kitang bata ka. Wala kang kwenta katulad ng nanay mo." Natuod na lamang ako sa mga masasakit na salitang ibinabato sa 'kin ni Auntie.

Gaya ng sabi ko, sanay na kasi ako.

"Lumayas ka nga sa harapan ko dahil baka hindi na ako maka pag pigil pa."

Nahuli kong nakangisi si Astria bago ako tumalikod. Halatang gustong-gusto niyang pag-sigawan ako ng nanay niya. Iyan ata ang nag-papasaya sa kanya, ang makita akong nahihirapan.

Sinara ko ng maigi ang pinto nahiga sa kama. Oras na para matulog pero makakatulog kaya ako sa nangyari? kung hindi man, pipilitin ko na lang dahil matagal ko na itong ginagawa. hindi pa ba ako nasanay? 

Ganito na ang naging buhay ko mag mula noong maulila ako. Ginagamit ako nina Auntie para mag karoon sila ng pera. Ni mag-reklamo ay hindi ko ginawa dahil hanggang kaya pa, kakayanin pa!

Hindi ko naman alam kung nasan ang Tatay ko dahil hindi ko siya kilala. Tanging isang litrato niya lamang ang naiwan ni Mama. Binigay niya ito sa 'kin bago siya mamatay. 

Sa kalagitnaan ng pagiisip, biglang nangilid ang mga luha ko.

Biglang umugong sa tainga ko ang huling sinabi ni Mama bago siya mamatay.

"Anak... lumaban ka. Mahal na mahal kita at ayaw kong makitang nahihirapan ka kaya lumaban ka hanggang kaya mo pa."

Bigla akong nabuhayan ng loob kaya pinahid ko ang mga luha bago pa man ito tumulo.

Tama... Aalis ako dito! Walang makapag-didikta sa 'kin kung ano ang dapat kong gawin.

Nilagay ko ang lahat ng gamit ko sa maleta na pag aari pa noon ni Mama. Huli kong nilagay ang litratro na 'min na nakangiti. Nang matapos, sumilip muna ako sa baba at nang nasiguro kong tulog na nga sina Auntie, bumaba na ako.

Tama... aalis na ako dito. Tama na ang mga naging pag-hihirap ko.

Napabuntonghininga ako saglit at sumulyap sa orasan. Alas dies na ng gabi. Wala nang atrasan to Solene...

Pag-baba ko, biglang bumukas ang ilaw sa sala kaya kinabahan ako ng madatnan ko doon silang pamilya na masamang nakatingin sa 'kin. B-bakit sila nandyan? sigurado ako kanina na walang tao sa sala. 

"At saan ka naman pupunta Solene?" Bungad ni Astria.

Naninikip ang dibdib ko dahil sa kaba at pinag-papawisan na rin ako. Ano nang gagawin ko? aatras pa ba ako?

"Tatakas kang bata ka noh? Aba! Sinasabi ko na nga ba, tinakasan mo si Mr. Spears!" Napaigtad ako sa sigaw ni Auntie na halos dumangungdong na ang buong bahay.

"Wala ka talagang kwentang bata ka!" Sigaw naman ni Uncle kaya napakapit ako sa strap ng bag ko. Mas dumoble pa ang takot ko dahil alam ko na ang susunod na mangyayari.

Natagpuan ko na lang ang sarili ko na sinasabunutan ni Astria at sinasampal ni Auntie samantalang nakatayo lamang si Uncle habang nakatingin sa ginagawa sa 'kin ng mag-ina niya. Halos tawagin ko na ang lahat ng santo huwag lang ako mapuruhan dahil baka kamatayan ang mag-hintay sa'kin. 

A-ayoko pang mamatay ng maaga...

Nang nalasahan ko ang dugo sa labi ko, buong lakas kong pinilit na makawala sa kanila at nag-tagumpay naman ako. Hindi ko na mapigilang maiyak.

Mabilisan kong kinuha ang dala ko at tinakbo palabas ang bahay. Takbo lang ako ng takbo habang tuloy-tuloy sa pag-agos ng luha ko. Wala akong pakialam kung madapa ako basta makatakas lang ako sa kanila.

Nanginginig na ang buong katawan ko sa takot. Lumiko ako sa ikalawang kanto at nag-dasal na sana'y makapag-hanap ako ng pwedeng mapag-taguan at tila dininig iyon ng diyos. May natagpuan akong isang maliit na abandonadong bahay. Pumasok agad ako at nag-tago. Makalipas ang ilang minuto, napag-desisyunan ko nang umalis na doon. Napapikit ako ng biglang umihip ang malamig na simoy ng hangin at pinahid ko ang natitirang butil ng luha sa pisngi ko.

Eto na... mag-sisimula ako at kakalimutan ang mga nangyari sa 'kin.

Palakad-lakad lang ako sa kalsada hanggang sa may makita akong upuan sa daan. Umupo ako saglit ng biglang kumalam ang tiyan ko. Hindi pa pala ako kumakain simula kaninang tanghali.

Paano na ako ngayon? Ano nang gagawin ko? Hanggang dito na lang ba ako? 

'Di sinasadyang napahawak ako sa gilid ng labi ko ng bigla iyon kumirot. Dala ng sampal nila kanina. Nilabas ko ang wallet ko at napabuntonghininga na lamang ako ng makita ko kung ilan na lang ang natira sa wallet ko.

Isang daan.

Anong gagawin ko dito? Ang mahal kung mag-hahanap ako ng pwedeng tuluyan, hindi kaya ng isang daan. At isa pa, wala naman akong makitang bukas na kainan dahil dis oras na ng gabi. Dito na muna yata ako mag-papalipas ng gabi.

Akmang hihiga na ako ng makarinig ako ng boses ng isang lalaking lasing. Nangilabot ako sa itsura niya.

"Anong ginagawa ng isang magandang binibini dito ng dis oras ng gabi?" Napalunok ako ng ngumiti siya. Diyos ko, huwag muna po ngayon. Nag-mamakaawa ako!

"Ba't 'di mo ako samahan binibini ng malasap mo ang tunay na langit?"

Lumapit siya sa 'kin at nagulat ako ng hinawakan niya ang hita ko. Naiiyak na naman ako, hindi alam ang gagawin.

"Kuya, wag po... nag-mamakaawa ako," mangiyak-ngiyak kong pakiusap.

Nag-labas siya ng balisong at....

_ _ _ _ _ _

Napabalikwas ako mula sa higaan ng marinig kong mag-ring ang cellphone ko.

Tagatak ang pawis sa noo ko at parang tinatambol ang dibdib ko sa sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Basang-basa na rin ang damit ko dahil sa pawis at tila ba naligo na ako. Napalinga-linga ako sa paligid at nakahinga ng maluwag nang makita kong nasa kwarto pa rin ako.

Panaginip lang pala... hindi... bangungot.

Kinuha ko agad ang cellphone na nakalapag sa mesa sa gilid. Rumehistro doon ang pangalan ni Ethienne.

"Aba't mabuti at naisipan mong sagutin ang tawag ko. Kanina pa ako tumatawag sa 'yong bruha ka. Attitude ka ha, hindi ka natutuwa."

Napakamot na lang ako sa batok dahil mukhang nainip ang loka.  Ganyan naman talaga siya eh, ang bilis mairita. Eh sa tulog naman kasi ako, malay ko ba na tumatawag siya. Ang aga niya naman kasing tumawag eh.

"Sorry, kagigising ko lang kasi eh. Salamat nga at nagising ako dahil sa tawag mo dahil kung hindi, naka bulagta pa rin ako sa higaan hanggang ngayon."  Tumayo ako at sinuot ang tsinelas ko saka nag-unat ng kaunti.

Narinig ko ang pag-buntonghininga niya, alam na naman nito kung anong nangyari sa 'kin. Kabisadong-kabisado na talaga niya ako. Matagal na kaming mag-kaibigan ni Ethienne, maging amoy nang pabango ko, toothpaste ko, galaw ng ulo ko ay kabisadong-kabisado na talaga niya.

"Binangungot ka nanaman ano? Sinasabi ko na nga ba. ahaindi ka na talaga tinantanan niyang putanginang 'yan." Nakagat ko ang pang-ibabang labi ko dahil baka usisain pa niya ako.

"Hayaan mo na. Panaginip lang 'yon,"  tanging nasabi ko. Lutang parin ang utak ko dahil na rin sa bangungot.

"Naku, tigilan mo ko Solene ha. Mygod, Huwag mo i 'lang' yon, bangungot yon teh, bangungot. Fyi, may mga namamatay ng dahil lang d'yan sa mga bagungot na yan!"

Awtomatikong gumuhit ang ngiti sa bawat sulok ng bibig ko, umaatake na naman ang pagiging oa niya.

"Oo na awat na, baka lumuwa na ang bagang mo kakasigaw. Ba't ka napatawag?"

Pag-iiba ko ng usapan dahil ayoko ng pag-usapan iyon. Baka hindi ako makapag-trabaho ng maayos pag nag-kataon dahil sa kakaisip tungkol doon.

"Nakuha ko na kasi ang sahod ko, pupunta ako dyan next week. Bonding tayo, miss na kitang bruha ka."

"Oh siya, ibudget mo muna ang mga gagastusin mo dahil baka maubusan ka na naman ng pera at hindi makapag-padala sainyo."

Natawa na lang ako dahil biglang sumagi sa utak ko ang minsang nangyari dati.

Naubusan siya ng pera dahil gastusera siya pero marunong naman mag balanse ng pera minsan. Hindi siya nakapag-padala ng pera sa kanila pambayad sana ng tuition ni Eithan na nasa kolehiyo na at pang bayad pa sana ng utang ng mga magulang niya.

"Alam ko na yan teh. so anyway, kitakits na lang tayo next week ha? Miss na miss na kita girl."

"Miss na rin kita. Sige na, baka may gagawin ka pa. Ingat ka na lang dyan bye."

Nang maputol ang tawag mula sa kabilang linya, muli akong napabuntonghininga. Mag-sisimula na naman akong harapin ang realidad ng buhay. Inayos ko ang maliit na higaan na nag-bigay ng kaginhawaan sa 'kin sa loob ng apat na taon.

Humarap ako sa salamin at ngumiti pero agad naman napawi dahil pawang peke lamang ang ngiting iyon. Kinuha ko ang tuwalya para maligo na sana pero bumalik din agad ako sa salamin at muling ngumiti na parang timang.

Peke nga talaga.

Matapos ang ilang minuto, dumiretso ako sa kusina at nag-simulang mag-halungkat sa ref na kinakalawang na pero kahit ganon iyon, keri pa naman. Kasing tibay ko kaya tong ref na 'to.

Bumagsak ang balikat ko at tila nawalan ako ng gana. Puro tubig na lang pala ang laman non. Noong nakaraang buwan pa ang huling grocery ko kasi hindi ko pa nakukuha ang sahod ko para sa buwan na ito. Alangan naman na hingin ko agad yung sweldo ko sa boss ko kahit hindi pa naman bigayan ng sweldo, ang kapal naman ng mukha ko nun.

Balewala na rin iyon. Ang mahalaga ay maswerte pa rin ako kahit papano dahil nakakakain pa rin ako ng tatlo hanggang dalawang beses sa isang araw. Nag-luto lamang ako ng itlog at sinangag ko rin ang natirang kanin kagabi. Ayaw na ayaw ko kasi ang mag-sayang ng pag-kain lalo na't hindi naman ako mayaman.

Mabilis lang ang mga naging galaw ko dahil ayaw na ayaw kong mahuli sa trabaho. Nang makarating ako sa pinag-tatrabahuhan ko, marami na ang kumakain doon kahit maaga pa lang.

THIRD FRACTIO

Tatlong taon na ako dito nag-tatrabaho. Marami rin ang nag-trabaho dito dahil bukod sa ayos ang pasweldo dito at kung ituring man kami ng boss na 'min ay parang mga kaibigan niya lang kami, hindi empleyado. Ang pizza parlor na ito ay sikat gaya ng may ari nito, si Sir Gaius third Ferrel. Siya ang title holder ng World's largest pizza maker.

"Magandang umaga po. Anong order ninyo?"  Tanong ko sa nasa harap ko. Kanina pa siya nakatingin sa menu at mukhang hindi alam ang bibilhin.

"One large Hawaiian pizza, 5 stretò vlint, no ice please. 5 blinchè desserts, and cauffèn overload for 5 people, that's it. Magkano lahat?" Nag-tipa ako sa computer na nasa harap ko at muli siyang binalingan ng tingin.

"3,500 po lahat."  Biglang sumulpot si Arche kaya nagulat ako at muntik ko pang masagi ang dala ni Maerchie.

"Ako na dyan Solene. Paki-dala na lang ng order na yan sa table 15. Salamat."  Tumango na lamang ako at ginawa na ang dapat gawin.

"Magandang umaga. Heto na po ang order ninyo."  nang iangat ko ang tingin ko, napaawang na lamang ang bibig ko at nag-sisi na kinuha ko pa yung order na binigay sakin ni Arche.

H-hindi pwede...

Nag-simulang gumapang ang kaba sa dibdib ko. Kailangan ko nang makaalis dito pero huli na at napansin na niya ako. Anong ginagawa niya dito?

Anong ginagawa dito ng isang Camerone vincei mercer? bakit siya nandito? paulit ulit ko iyong tinanong sa utak ko.

Malamang kumakain. Jusko Solene...

"Hey... is that you Solene?" Nanigas ang buong katawan ko ng tanungin niya ko at nanatili na lamang akong naka-tayo. Ngayon, muli kaming nagka-harap.

"Who is she?" tanong ng babae na isa sa mga kasama ni Camerone.

"Hey, fucker! whoa wait, is that her dude?" Nilipat ko ang tingin sa may-ari ng pamilyar na boses na iyon.

Si Herden, bestfriend ni Camerone.

Mukhang kailangan ko na talagang umalis dito, hindi na ito maganda.

"Enjoy po kayo Ma'am, Sir."  Binigyan ko na lamang sila ng pekeng ngiti at tumalikod na pero bago pa man ako tuluyang makaalis, may humigit sa kamay ko.

Si Camerone.

"Hey! wait up. How are you? are you doing fine?" Gusto ko siyang sampalin ng magising siya sa katotohanan. Tatanungin niya ako kung ayos lang ako matapos ng ginawa niya? gago ba siya?

"Matapos mo akong gaguhin tapos tatanungin mo ako kung ayos lang ba ako? hindi ka ba nag- iisip?"

Pinilit kong pinigilan at kinalma ang sarili dahil may natitira pa akong respeto kahit papano, mabuti akong tao at ayaw ko ng gulo. Ayaw kong isipin ng mga tao na iba ang ugali ko.

"Oh come on Solene. It's already part of the past and I already said sorry." Natigilan ako at napa-titig sa kanya saglit.

Oo nga naman. May punto siya at base sa pinapakita kong reaksiyon ay parang hindi pa ako nakaka move on sakanya at ayaw kong isipin niya iyon. Matagal na akong naka-move on sa lalaking ito pero hindi ko lang maiwasang masaktan lalo na pag-naiisip ko ang itsura ko noon, kung gaano ako kawasak, naawa ako sa sarili ko.

Sa tingin niya ba ay mabubura ba ng sorry niya ang mga sakit na naramdaman ko noon? hindi diba? anong silbi ng sorry niya?

"Bitiwan mo ako Camerone habang may natitira pa akong respeto sa 'yo." Binitawan naman niya ako agad kaya kinuha ko ang pag-kakataon na iyon upang makalayo. Biglaan akong nilapitan ni Sir Gaius kaya inayos ko ang sarili dahil baka mapagalitan ako.

"Are you alright? is there something wrong?" Marahan akong umiling at ngumiti na lamang.

"Ayos lang po ako Sir. Kukuha lang po ako ng tissue sa stock room." Nginitian ko na lamang ito pero parang hindi siya nakumbinsi ng mga ngiti ko.

"If you're not feeling well, just tell me. I will let you rest for a day." Nag-aalalang sabi niya.

"Salamat Sir."

Ex-boyfriend ko si Camerone. Tumagal lamang ng isang taon at anim na buwan ang relasyon na 'min dahil nalaman ko ang ginawa niya. Isang taon at anim na buwan niya na pala akong niloloko at ako naman tong naging tanga. Bigla naman nag-sink in sa utak ko ang sinabi niya kanina.

"Oh come on Solene. It was already part of the past and I already said sorry."

Tama siya tapos na iyon, kaya't sinabunutan ko ang sarili ko dahil sa katangahan ko kanina. Hindi ko naman masisisi ang sarili ko dahil nasaktan lang naman ako. Bumalik na naman ang mga alaala ko noon. Nang kumalma ang sarili, saka ako nag-desisyon na lumabas ng stock room na may dalang tissue.

Ngumiti na lamang ako at nag-panggap na walang nangyari at bangungot lamang iyon.

"Luh anyare sa 'yo? mukha kang nakashabu Solene. Nag-dadrugs ka ba? hala!" Nagulat ako sa sinabi niya at nag-kibit balikat na lamang. Bagay talaga sa kanya ang nickname na 'Mood Maker'

                                                              _ _ _

Must have been the wind

Copyright © nostxlgicxx

Nostxlgicxx

A/N: This is the first chapter of MHBTW. Hope u like it! :) -Nostxlgicxx

| Like

Related chapters

  • Must have been the wind   Chapter 02 - First encounter

    Chapter 02 - Must have been the wind Hyde It was supposed to be an ordinary day for me. I was supposed to join the drag racing of the motherfuckers at kung sino ang mananalo, sa kanya mapupunta ang Crusxi v21, a luxury car owned by Cross. One of the idiots, my friend. Annoyance was taking over me. This is just so fucking absurd. "But sir, Ma'am Fawn--- " Pinutol ko kaagad ang sasabihin ni Freanceia. I don't wanna hear any of it because I was pretty sure that it was just all nonsense. Matanda na ako and yet she kept meddling in my life and I really hate her for that. "No buts Freanceia. I don't fucking care about what she said," I simply said. &nbs

  • Must have been the wind   Chapter 03 - Gray eyes

    Chapter 03 - Must have been the wind Solene Nakuha ko na ngayon ang sahod ko kaya sumugod na kami ni Ethienne sa supermarket para naman may makain pa ako at hindi mamatay sa gutom. Matipid na matipid ako pag-dating sa mga bagay-bagay. Tuwing nakukuha ko ang sahod, lagi kong inuuna ang mga kailangan. Hindi ako basta-basta nag-wawaldas ng pera lalong-lalo sa mga hindi naman kailangan. Ang hirap kaya mag-trabaho. Gusto kong makapag-pundar ng sariling bahay at mag-karoon ng sariling negosyo na mag-tataguyod sa sarili ko. Sa panahon ngayon, mahirap makakuha ng pera kaya todo kayod ako maitaguyod lamang ang sarili sa sariling sikap. Nag-alok kanina na kumain si Ethienne sa isang

  • Must have been the wind   Chapter 04 - Scar

    Chapter 04 - Must have been the wind Solene "Ito ang ipapa-kain mo sa 'min? pag-kain ng aso?!" Napaigtad ako ng sigawan ako ni Auntie. Sardinas na ginisa sa bawang at sibuyas ang tanging naiisip kong lutuin at iyon ang naka hain sa mesa. Wala nang stock dito sa bahay at wala na kong pera na pwedeng ipambili ng ulam. Kinuha na nila ang lahat ng pera ko at pinambisyo lang nila iyon. Napa tingin ako sa niluto ko. Pag-kain din naman ng tao 'yan, hindi pag-kain ng aso. Nabigla ako ng binuhos ni Auntie ang niluto ko sa mismong ulo ko. May kung anong bumara sa lalamunan ko at pilit ko iyong nilunok at huwag mag-paapekto sa mga sinasabi nila pero hindi eh. Masakit talaga... "Wala kang

  • Must have been the wind   Chapter 05 - Birthday party

    Chapter 05 - Must have been the wind Hyde That man was a total freak! I don't even know why the heck did I punch that bastard's face. What is happening to me? the feeling is so strange that I couldn't even explain it. "Saan ka galing?" Nag-katinginan kami ni Joah ng umupo ako. I don't want to look obvious so I tried to act cool and normal. If possible, I don't want them to notice it. I'm so sick of being the subject of much local gossip. "Cr." Napailing-iling na lang siya. I'm pretty sure that something was popping up in his head right now. It doesn't matter. I don't mind though. "Cr lang tapos may bangas? aba matindi. Naki pag-lampungan ka sa gripo sa cr?" sarkastikong tanong niya. I rolled my eyes then th

  • Must have been the wind   Chapter 06 - Riotte Strovinstell

    Chapter 06 - Must have been the wind Solene Nanatili akong nakatayo habang hinahayaan siyang batuhin ako ng mga masasakit na salita. Sanay na sanay na ako na ba tila parte na ito ng pag-katao ko. Mag-mula ng tumira ako sa pamamahay nila, ibang-iba na ang buhay ko kung ikukumpara noong buhay pa si Mama. "Nasaan ang pera? kailangan ko bumili ng bagong lipstick!" Hinayaan ko siyang halungkatin ang maliit na cabinet ko. Wala naman siyang makukuha diyan. "Wala na akong pera, binigay ko na sainyo lahat noong nakaraan." Binalingan niya ako ng tingin. Nanlilisik ang mga mata niya. Buong tapang ko din na sinalubong ang tingin niya, pahiwatig na kaya ko siyang harapin "Aba't titingin-tingin ka pa d'yan ha? na

  • Must have been the wind   Chapter 07 - The Macario

    Chapter 07 - Must have been the wind Solene Dahan-dahan akong nag-unat at nag-tungo sa kusina matapos mag-ayos ng higaan. Naabutan ko si Ethienne na nag-luluto habang kumakanta pa. Wala sa sariling napangiti ako. Mukha siyang tanga eh. "Ang aga na 'tin ah? hindi ka ba nabitin sa tulog mo? laki ng eyebags mo eh," pabirong saad ko. Kumuha ako ng baso at nag-salin ng tubig. Hawak-hawak ko ang baso at binalingan siya ng tingin na enjoy na enjoy sa ginagawa. Feel na feel niya eh. "Duhh fyi nahiya pa nga pumwesto sa muka ko yung eyebags." Tumango ako at natawa na lang. Gaga talaga. Kumuha na rin ako ng mga kubyertos at nilapag na sa hapag. "Oh masa

  • Must have been the wind   Chapter 08 - Shy

    Chapter 08 - Must have been the wind Solene "Solene, anak!" Halos mabitawan ko ang kamay ni Mama nang pilit na inaagaw ako mula sa pag-kakayakap sa kanya. Hindi ko alam kung bakit kami napunta dito at hindi ko kilala ang mga taong nasa harap namin. Anong kailangan nila sa 'min? "Mama ayaw ko sa kanila!" sigaw ko at naiyak na lang sa takot, hindi alam ang gagawin. Pinipilit kong abutin ang kamay niya pero dahil sa lakas ng pwersa ng humihila sa 'kin Nakuha nila ako... Nilagyan nila ng piring ang mata ko at tinali din ang mga kamay ko mula sa likod. Patuloy ang pag-hikbi ko. Namanhid ang pisngi ko ng sampalin ako ng malakas, parang nabingi na ang kaliwang tenga ko.

  • Must have been the wind   Chapter 09 - Seatbelt

    Chapter 09 - Must have been the wind Solene Nakatingin ako sa walang lamang plato sa ibabaw ng hapag. Kanina ko pa hinihintay si Mama at hindi ko pa ginagalaw ang ulam na binigay kanina ni Tita Faranh, kabigan at kapit-bahay na'min. May kumatok sa pinto kaya nag-madali akong buksan iyon. Agad na napawi ang ngiti ko ng malamang hindi iyon si Mama, si Tita Faranh lang pala. "Oh, wala pa rin ba ang Mama mo, Solene?" Umiling ako. "Nasaan na kaya 'yon? teka kumain ka na ba?" Napansin ko ang pormal na suot niy, mukhang may pupuntahan siya. "Ba't hindi mo pa ginagalaw ang pag-kain? baka malipasan ka ng gutom," aniya. Nag-tungo siya sa munting kusina na'min pero hindi ako sumunod. Nanatili akong nakatayo s

Latest chapter

  • Must have been the wind   Special Chapter

    Special Chapter - Must have been the wind Hyde "Hoy dadi Hyde, bilisan mo na d'yan parang awa mo na! baka mauna pa sa 'yo 'yung bride!" nag-papanic na saad ni Montani. I shooked my head dahil sa pagiging oa niya. Tumayo na ako at sinuot ang coat na nakasampay sa mannequin. Gaius walked closer to me then fixed my necktie. Nakaharap kami sa salamin kaya kitang-kita ko ang tingin sa 'kin ng mga kalalakhang nasa loob ng kwartong ito. Phoenix, Montani, Joah, Gaius, Cross and Reed was here. Nandito 'din si daddy, ang dad ni Solene at ang panganay na kapatid nila ni Cross, si Kuya Craighann. "You look great today," Gaius mumbled and I smiled. "Of course, it's my lucky day." He chuckled ng matapos ayusin ang necktie ko. "Mukhang tao ka na pre

  • Must have been the wind   Epilogue

    Epilogue - Must have been the wind Hyde It was Gaius' birthday so we went to his party. Everyone was enjoying the night while I was busy roaming my eyes all over the place. I caught something, it was her and I almost forgot that she was working with Gaius. I was on my way outside to breathe some fresh air when I saw her with a man and seems like the man was harassing her. I haven't seen her inside the party for about an hour dahil nandito pala siya. I didn't realize too soon that I was already standing right next to them. Just what the hell am I doing? "Let go of her," I calmly said but he just ignored me. I know that she was looking at me but I didn't mind at all. "Bitiwan mo siya ngayon na," I repeated but he real

  • Must have been the wind   Chapter 52 - Conquered

    Chapter 52 - Must have been the wind Hyde "What should I do if my sister did not make it?!" Napasabunot ako sa sarili ko sa ingay ng mga loko. I glared Cross dahil kanina pa siya nag-papabalik-balik. Damn. "Paano kapag hindi nakalabas ang bata?" "Tanga. Ano ang pag-silbi ng ire? kaya nga iire para lumabas ang bata. Alam mo Saldivar lagyan mo nga ng laman ang utak mo minsan," I heard Montani's rant at nag-simula na silang mag-away ni Joah. "Nag-tataka ako kung pano ka naging hollywood actor gayong sobrang bobo mong animal ka," "Pakyu ka. Inggit ka lang kasi halos lahat ng Victoria's secret angels ay naging girlfriend ko. Muntikan pa sana sina Ariana grande, Lilly collins at si Dua

  • Must have been the wind   Chapter 51 - Forgiveness

    Chapter 51- Must have been the windSoleneNalimpungatan ako dahil may naramdaman akong humaplos sa pisngi ko. Napangiti ako ng makita ko kung kaninong kamay iyon. Ibinuklat ko ang isa kong mata at napatakip dahil sa sinag ng araw."Good morning my love, how's sleep?" tanong niya na nakangiti. Napangiti 'din ako dahil isa ito sa mga magagandang naging bungad ko sa pag-gising ko sa umaga."Okay naman, ikaw?""It was good because I knew you were sleeping by my side," saad niya. Hinaplos niya ang tiyan ko, napapikit ako dahil sa kiliting dala n 'yon sa 'kin."Hi there my boy, daddy's here. Can you hear me?" Dinikit niya pa ang tainga niya sa tiyan ko. Parang maririnig siya niyan eh.

  • Must have been the wind   Chapter 50 - I love you

    Chapter 50 - Must have been the windSolene"The jury is thanked and excused. The court is adjourned,"Natulala ako. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o malulungkot. Masyadong mabilis ang mga pangyayari at hindi ko alam kung paano ito ipoproseso sa utak ko. Matapos ang ilang araw na pabalik-balik namin dito ay nangyari na ang dapat mangyari, nakuha ko na ang hustisya sa pag-kamatay ni Astria, Ethienne at para na rin sa sarili ko pero hindi ko alam kung masaya ba ako ngayon na nakamit ko na ang hustisya. Parang hindi ko pa magawang maging masaya."Justice has been served. You're free now, you finally tasted the freedom," saad ni Cross na nakangiti at niyakap ak, yakap ng isang katapid. Siguro nga ito na ang katarungan.Nang tumayo

  • Must have been the wind   Chapter 49 - Farewell

    Chapter 49 - Must have been the windSoleneNaalimpungatan ako dahil sa mga boses na naririnig ko. Nasaan ako?Iginala ko ang mata ko, puro puti lang ang nakikita ko sa paligid. Iginilid ko ang ulo ko at nakita ko doon ang isang babaeng may suot na puting coat, may kausap siyang lalaking naka business attire. Tindig palang niya ay kilala ko na."She's pregnant but the bad news is... ang baba ng bata at mahina ang kapit niya. She needs more rest and she should avoid stress. If this will continue, there's a prospect na makukunan siya,""Is there anything I can do?""Yes, definitely. I highly recommend that you should take her away from stressful things if possible,"

  • Must have been the wind   Chapter 48 - Escape

    Chapter 48 - Must have been the windSoleneHinga, lunok, kagat labi, 'yan ang eksenahan ko sa loob ng kwarto. Hindi ko mawari kung ano ba talagang nararamdaman ko, halo-halo ang takot, pangamba, at iba pang hindi ko maipaliwanag. Sumulyap ako sa orasan, ilang minuto na lang mag-aalas dies na.Mag-tatagumpay kaya kami sa plano ni Astria?'Yan ang paulit-ulit kong tanong sa sarili ko. May tiwala naman ako sa kanya kaya hindi na ako nag-dalawang isip pang tumanggi dahil kalayaan ang katas ng kaunting sakripisyo. Muli akong sumulyap sa orasan, dalawang minuto na lang at kikilos na kami.Tahimik akong nag-dasal na sana walang mangyari sa 'min. Nasa bingit ng kamatayan ang buhay namin ngayon, hindi namin alam kung anong posibleng mangyayari sa 'min. K

  • Must have been the wind   Chapter 47 - Astria Leine Privos

    Chapter 47- Must have been the wind Solene Ilang araw na akong nasa kwartong ito at hindi ko alam kung makakalabas pa ba ako ng buhay. Hindi ko akalain na makakabalik pa akong muli sa kulungang ito. "Tama na," pakiusap ko habang tinatakpan ang sarili gamit ang mga braso. Naiyak na lang ako sa sakit habang paulit-ulit na nag-mamakaawa. "Tama na? hindi, hindi pa ito sapat sa mga ginawa mo sa 'min! pinalamon ka namin tapos lalayasan mo kami?" Hinawakan niya ang panga ko at hinarap ang mukha ko sa kanya. Sinalubong ko ang mga nakakatakot na matang iyon. "Wala kang utang na loob!" Isang mainit na palad ang lumapat sa kaliwang pisngi ko dahilan para matumba ako. Wala akong magawa kundi ang umiyak. Nan

  • Must have been the wind   Chapter 46 - Pain

    Chapter 49 - Must have been the wind Solene Kinaumagahan sinama ako ni Owen sa ospital. Sumama ako kahit na hindi ako nakatulog kagabi. Masakit pa rin sa dibdib ko ang mga pangyayari pero isinantabi ko muna ang mga iyon dahil kailangan ako ng bata. "Magandang umaga, saan ba ang silid ni Orden gamborez?" "Room 112, " "Salamat, " tugon ko sa nurse na nasa front desk. "Sino ba ang nag-babantay sa Kuya mo?" Natigilan siya at nag-angat ng tingin sa 'kin. "Wala po, ako lang. " Ginulo ko ang buhok niya at hinawakan ang balikat niya. "Ga 'nun ba? Tayong dalawa na lang kaya ang mag-babantay? Ayos ba iyon?" Gumuhit ang malungkot

DMCA.com Protection Status