Chapter 09 - Must have been the wind
Solene
Nakatingin ako sa walang lamang plato sa ibabaw ng hapag. Kanina ko pa hinihintay si Mama at hindi ko pa ginagalaw ang ulam na binigay kanina ni Tita Faranh, kabigan at kapit-bahay na'min.May kumatok sa pinto kaya nag-madali akong buksan iyon. Agad na napawi ang ngiti ko ng malamang hindi iyon si Mama, si Tita Faranh lang pala."Oh, wala pa rin ba ang Mama mo, Solene?" Umiling ako."Nasaan na kaya 'yon? teka kumain ka na ba?" Napansin ko ang pormal na suot niy, mukhang may pupuntahan siya."Ba't hindi mo pa ginagalaw ang pag-kain? baka malipasan ka ng gutom," aniya. Nag-tungo siya sa munting kusina na'min pero hindi ako sumunod. Nanatili akong nakatayo sa pinto at mas minabuting hintayin ang nanay ko. "Busog pa po ako. Aantayin ko na lang po si Mama." Nilingon ko siya na nasa kusina, nag-lalagay na ng kanin sa pinggan ko."Hay na' ko, 'wag nang matigas ang ulo. Kumain ka na, masama ang mag-palipas ng gutom."Iniba ko ang usapan para hindi na niya ako kuliting kumain. Hindi ako kakain hangga't wala pa si Mama.
"May lakad ka po ba ngayon?" tanong ko, ngumiti siya at tumango lamang. "Oo, dadalawin na'min ang puntod ng Lola ni Nikkolai. Pumuslit lamang ako dito para masigurong kumain ka na pero heto't hindi ka pa rin pala kumakain." Nahiya naman ako, nag-abala pa siyang pumunta dito para tignan ako pero heto ako't nag-mamatigas. Malungkot na bumalik ako sa hapag at naupo. "Alam niyo po ba kung nasaan si Mama? ang tagal niya po kasing bumalik." Marahan siyang umiling."Hihintayin kong matapos kang kumain bago ako bumalik sa bahay. Sige, kain na." Nag-simula na akong sumubo ng biglang lumitaw ang hinihintay ko sa pinto. "Mama!" Agad akong bumaba sa upuan at sinalubong siya ng mahigpit na yakap."Ang tagal niyo po, kanina pa po ako nag-hihintay sa 'yo. Pumunta po dito si tita Faranh para pakainin ako. Ayaw ko po kasing kumain kanina," nahihiyang sambit ko. Napatingin siya kay tita na nakatingin lang sa kanya."Saan ka ba galing Serinna? kanina ka pa hinihintay ng anak mo. Kung hindi pa ako pumuslit dito, hindi pa 'yan kakain.""Ga'nun ba? pasensya na at natagalan si Mama ha? pasesya na rin sa abala Faranh." Tipid na tango lamang ang binigay ni Tita bago ako sabihan ni Mama na kumain na. Bumalik ako sa pag-kakaupo sa silya at nag-simulang sumubo.Naririnig ko pa silang dalawang nag-uusap kaya pinilit kong hindi makinig kasi sabi ni Mama, masama daw ang makinig sa usapan ng matatanda."Saan ka ba nanggaling Serinna? naawa na 'ko sa anak mo kanina." Nanghihinang napayuko si Mama pero nag-panggap akong walang nakita. "Nag-hanap ako ng panibagong trabaho. Hindi na kayang punan ng sweldo ko ang pangangailangan naming mag-ina. Wala na akong naisip na ibang paraan." nakita ko ang pag-iling ni tita faranh."Pwede kitang tulungan makapag-hanap ng trabaho pero huwag mo naman pahirapan ang sarili mo Serinna, pag may nangyari sa 'yo paano ang anak mo?" Napatingin siya sa 'kin, nang mag-tama ang paningin na 'min ay ngumiti ako pero kahit na ngumiti siya kapansin-pasin ang pagod niya.Palagi siyang pagod sa pag-tatrabaho, mapakain at mabigay lamang ang mga kailangan ko. Sa tuwing papasok siya sa trabaho niya, wala akong nakakasama sa bahay na 'min kaya minsan ay iniiwan ako kina Tita Faranh. Minsan naman ay pinupuntahan ako ni Kuya Nikkolai at Kuya Chad sa bahay para makipag-laro sa 'kin.Nakakalungkot man isipin na minsan ay wala kaming makain pero gagawa at gagawa pa rin siya ng paraan upang malagyan lamang ng laman ang tiyan ko. Ang sakit isipin, tila kinukurot ang puso ko. nag-babakasakali ako na balang araw ay mababayaran ko ang lahat ng pag-hihirap niya.
"Pasensya na ulit ha? mukhang naabala ka pa na 'min sa lakad ninyo ngayon.""Ay hindi, 'wag kang mag-alala at maya-maya pa naman kami aalis. Hinihintay lang namin si Zyl umuwi. Nasa trabaho pa kasi iyon.""Aalis na 'ko. Babalik na lang ako bukas. Bye bye Solene," Paalam niya. Bumaba ako sa upuan at hinalikan siya sa pisngi. "Sige, salamat po Tita." Tumango siya bago umalis.Dinaluhan agad ako ni Mama sa hapag at nilagyan ulit ng ulam ang pinggan ko."Gutom na gutom ka na ba 'nak? pasensya na at natagalan si Mama." ngumiti ako. "Hindi po, 'wag po kayong mag-alala ayos lang po iyon." Niyakap niya 'ko ng mahigpit.Sana gan 'to na lang palagi. Ang mag-kasama kami, napapawi ang lahat ng pangamba't pag-aalala ko tuwing narito siya sa tabi ko.
_ _ _ _ _ _ _ _ _
Maaga pa pero matindi na ang sikat ng araw at mahapdi na rin ito sa balat. Tinali ko ang buhok dahil dumidikit na ito sa leeg ko ng dahil sa pawis. Nakipag-siksikan at nakipag-unahan pa akong makasakay sa jeep.
Sa kamalas-malasan ko pa ay naipit pa ang sinasakyan kong jeep sa traffic, baka mahuli na ako nito sa trabaho. Ayaw na ayaw ko pa namang nahuhuli sa trabaho."Manong para ho! dito na lang ako bababa." Tumingin sa 'kin ang ibang nakasakay sa jeep pero hindi ko na iyon pinansin."Bayad ho, paabot naman ho manang. Salamat po," saad ko at tuluyan nang bumaba sa jeep. Napabuntonghininga ako at nilakad na lamang ang kahabaan ng kalsada.Pinuslit ko ang panyo sa bag ko at pinunasan ang leeg at ang mukha kong nag-aala waterfalls na sa pawis. Mas mabuting mag-palit na lamang ako ng damit sa Third fractio. Habang nag-lalakad ako, may dumaang kulay rose gold na Lamborghini Aventador. Natumba ako at tumama ang siko at pwet ko sa kalsada. Mahapdi ang siko ko kaya paniguradong may sugat na iyon.
Bumukas ang pinto nito pero hindi ko napansin ang lumabas doon dahil abala ako sa pag-himas ng pwetan ko. Masakit nga talaga."Oh my god! are you okay? may masakit ba sa 'yo? nasagasaan ba kita?" Napatingin ako sa pamilyar na boses at nagulat ako ng mapag-tanto kong kapatid pala iyon ni Sir Hyde."M-ma'am? a-ay opo, w-wag kayong mag-alala ayos lang ako. Nabigla lang kasi ako," saad ko at napangiwi sa sakit ng bigla akong tumayo."Ayos lang po ako Ma'am. Sige po mauna na 'ko, baka mahuli pa ako sa trabaho eh." Nakagat niya ang pang-ibabang labi at tila natataranta ng makita niyang paika-ika akong nag-lalakad. "No, you're not okay. Oh my god, I'm so sorry. Hindi kita napansin kanina. " Napahawak siya sa sentido at minasahe ito na tila problemado siya."Ayos lang talaga Ma'am." Nagulat ako ng bigla niyang hawakan ang palapulsuhan ko at pinulot ang bag kong nasa sahig."No, you'll come with me. It's my fault kaya I need to clean your wound. I can't stand seeing you with bruises and besides it my kasalanan naman eh. I'm so sorry talaga," Bago pa ako tumanggi, naipasok na niya ako sa loob ng kotse niya.Napanganga ako sa ng pumasok ako. Halatang babae nga ang may ari ng sasakyan nito. Hindi sinasadyang naitukod ko ang siko ko sa kung saan kaya napadaing ako sa hapdi.Napangiwi ako at napahawak sa bibig ko ng hindi sinasadyang dumulas iyon sa bibig ko. Nahihiyang napatingin ako sa kanya na mukhang sobrang guilty dahil sa nangyari."Oh my god. I'm really sorry," pag-uulit niya. Kagat-kagat niya lang ang labi niya buong byahe.
Inihinto niya ang sasakyan at siya pa mismo ang nag-bukas ng pinto para sa 'kin. Mukhang sobrang pula na ng mukha ko dahil sa kahihiyan.
"Ako na lang po sana ang nag-bukas." Marahan siyang umiling at binigay ang susi sa kung sino na nakasuot ng uniporme.Hinigit niya ang braso ko, para namang makakawala pa ako sa lagay na ito. Hindi na ako nag-matigas dahil mahapdi talaga ang sugat. Saka ko lamang napag-tanto na nasa RIOTTE STROVINSTELL pala kami! hindi ko kasi nakilala ang uniporme ng mga empleyado kasi bago ata ang mga uniporme nila eh. "Good morning Madam, can I help you?" tanong ng receptionist."May i request a first aid kit? pakidala na lang sa suite ko. Thank you." Agad na tumango ang receptionist at nagulat pa nang makita ako. Natandaan niya ata ako."May delivery po ba?" Umiling ako."Uh no. She's with me," tipid na sagot ng kasama ko. Habang nag-lalakad kami papuntang elevator, panay ang tingin ng mga nadadaanan at nakakasalubong na 'min sa daan.Siguro nag-tataka sila kung bakit may kasama ang isa sa may-ari ng hotel na ito na isang kagaya ko? mukha naman kasi akong katulong sa lagay kong ito samantalang artistahin ang dating niya. "Gagamutin ko iyan sa loob." Bahagya pa akong napa hawak sa pwetan ko dahil masakit pa rin ito. Hindi maganda ang pag-kakabagsak ko kanina."Ma'am baka po kasi magalit ang boss ko." Ngumiti lang siya at umiling-iling."Leave it all to me," mahinahong sabi niya pero hindi ko naintindihan iyon. Kinuha niya ang cellphone niya sa purse na dala niya at may pinindot na kung ano."Hello, I'm here. I have to run some errands. Pauksan mo ang suite ko, yeah. Don't worry I'll be there in a bit." Binaba niya ang cellphone niya at binalingan ako ng tingin."Follow me." Sinunod ko siya hanggang sa tumigil kami sa isang kwarto."Dito ho tayo Ma'am?" Tumango siya at binuksan ang pinto. Paika-ika naman akong sumunod sa kanya.Napanganga ako sa laki at ganda nito. Hindi ko inasahan na ganito pala kaganda ang bubungad sa 'kin sa loob."Take a seat. The first aid kit will be there in a minute, can you still hold the pain?" Nag-aalalang tanong niya. Tumango na lamang ako at tuluyan nang naupo sa malaking sofa at hindi matigilang igala ang mata sa kabuuan ng kwartong ito. Isang bahay na 'to para sa 'kin pero syempre iba sa kanila dahil mayaman sila."You're here, with someone." Napatingin ako sa may-ari ng baritonong boses na iyon. Nag-tagpo ang mata na 'min at imbes na iiwas ko ang paningin ko ay mas napatitig pa ako sa matang mga abo na tila hinihipnotismo at hinihila ako papalapit sa kanya."Magandang umaga ho Sir Hyde." Nag-taas siya ng kilay at maya maya'y tumango bago binalingan ng tingin ang kapatid niya"You didn't tell me that you're with someone." Alam kong ako ang 'someone' kaya gusto ko na tuloy umalis dito. Nakakahiya, sobra.Naagaw ang atensyon na 'min lahat ng may kumatok sa pinto. 'Yun na siguro ang nirequest na first aid. "Open the door. Nariyan na ang first aid kit," utos niya sa kapatid niya. "Ako na ang mag-bubukas." Pero agad na pinigilan niya ako kaya nahiya ako. "No. You stay there," Matigas na pag kakasabi niya at tinignan ako kaya bumalik na lamang ako sa pag-kakaupo."You may go now," sambit niya sa empleyado niya at nag-lakad papunta sa 'min ng Ate niya. "Care to tell me what happened?" Kinuha ni Ma'am ang first aid kit at tumabi na sa 'kin sa sofa."Ako na lang Ma'am ang gagamot kaya ko naman saka nakakahiya ho." Tumawa lamang siya."No, let me do it. Ako ang may gawa n'yan kaya ako ang dapat na gumamot niyan,""So, I was driving papunta dito. Nag-mamadali ako but I didn't notice her walking at nabunggo ko siya. She landed on the floor so I brought her here na to clean her wounds."Napaatras ako ng dumampi sa sugat ko ang bulak. Napansin niya iyon kaya dinahan-dahan niya."Wag kayong mag-alala hindi naman malakas angpag-kakabagsak ko kaya ayos lang naman din ho ako. Kahit nga hindi na gamutin iyang sugat ayos lang po." Nahihiyang sabat ko kaya natigil ang pag-dadampi niya ng bulak sa siko ko. Nakatingin lang sa 'min si Sir Hyde kaya pinipilit ko ang sarili kong wag siyang tignan pabalik.Nakakahiya, parang gusto ko na lang na kainin ako ng lupa. Walang nang salita hanggang sa matapos ang pag-lilinis niya sa sugat ko. Napangiti ako ng makita kong masaya siya sa malinis na ang saguat ko. Ang ganda na nga niya, ang bait-bait pa. "Hayan. It's done na," masayang sabi niya."Maraming salamat Ma'am, Sir. Hindi niyo na ho kailangang gamutin ito pero maraming salamat. Sige ho aalis na ako dahil huling-huli na 'ko sa trabaho." Tumayo ako at dadmputin na sa na ang bag ko ng mapatigil ako dahil nag-salita siya."I already phoned Gaius earlier. I told him that you're here, with my Sister." Nilingon ko siya at nahuli kong nakatingin sa 'kin kaya biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Agad naman ako nag-iwas.Hindi ko ata kayang makipag-titigan ng matagal.
"Ah ganun ho ba? maraming salamat ulit." Sinukbit ko na ang bag ko sa balikat."Ako na ang mag-hahatid sa 'yo for the last time to say sorry." Nakangiting alok sa 'kin ni Ma'am. "Huwag na Ma'am baka nakakaabala na ako sainyo saka medyo malapit rin din naman ang Third fractio, kayang-kaya ko lakarin," mariin kong sabi."I'll take her there. Do your business with Harred." Nagulantang ako ng bigla niyang hawakan ang kamay ko.Kailangan pa ba talagang hawakan ang kamay ko?"By the way, I'm Marquis Jacobe. You can call me Marquis." Tumango ako at sinuklian ang ngiti niya."Solene ho Ma'am," saad ko."I know. So, this will be goodbye for now? hope to see you again." Tumango ako bago sumunod kay Sir Hyde.T-teka nga...kilala niya ako? paano? kailan?"Sino ba 'yan? 'di ba 'yan 'yung nag-deliver ng pizza noong nakaraang araw?""Ewan, baka siya na 'yon," Dinig kong bulong ng mga tao sa lobby ng hotel. Hindi ko na iyon pinansin pa."Get in," saad niya. Napabuntonghininga na lang ako at binuksan ang pinto pero napatigil 'din dahil hindi ko alam kung saan ako uupo."Pwede naman ho sa likod na lang ako." Umigting ang panga niya at mariin akong tinitigan.Hala. Nainis ata."Damn. Just...just get in. Hindi mo 'ko driver. " Wala kong nagawa kundi ang sumunod na lamang kesa mag-pabebe pa ako. Taka akong napatingin sa kanya ng mag-tama ang paningin na 'min."May problema ho ba Sir?" Muling umigting ang panga niya at lumapit sa 'kin.Halos hindi ako makahinga ng lumapit siya. Napapikit ako ng nanuot sa ilong ko ang bango niya. Amoy na hindi pang-karaniwang sa mga ordinaryong lalaki. Ibang-iba ang bango niya 'yung tipong hindi ka mag-sasawang singhot-singhutin siya mag-hapon.Kung si Ethienne ako, paniguradong nilalandi na niya si Sir Hyde.
Napatitig ako sa perpektong hugis ng ilong niya, malaming na mga mata na pwede kang maging yelo pagtinitigan ka at pwede ka rin matunaw, mapulang labi, makapal na kilay, makinis na mukha at ang perpektong pag-kakahubog ng panga niya. Gawa ng talaga siya ni Lord.Kung kasama ko lang si Ethienne sigurado akong blessing na naman to sa kanya. Pag gwapo daw kasi blessing, pero pag-pangit karma daw 'yan o kamalasan. Ang harsh niya 'no? Ang sama talaga ng gaga eh."What?" masungit na tanong niya na para bang isang kasalanan ang tumingin sa kanya. Ang sungit! "Your seatbelt." Pinigilan ko ang sarili kong matawa dahil medyo malapit rin naman ang Third fractio, hindi na kailangang mag-seatbelt dahil bababa 'din ako agad.Pinarada niya agad sa labas ng Third fractio ang pang-sosyal niyang sports car kaya madami ang nakatingin sa gawi na 'min. Sigurado akong ang hahaba na ng mga leeg ng mga katrabaho ko. Mahiling 'din kasi ang mga iyon sa chismis eh.
"Maraming salamat, Sir. Pakisabi na lang 'din ho kay Ma'am Marquis,"Bigla niyang hinawakan ang kamay ko at tila bolta-boltaheng kuryente ang dumaloy sa katawan ko ng mag-tagpo ang mata na 'min. Agad ko akong bumitaw.A-ano iyon? Bakit ako nakuryente? "B-bakit Sir?" pinulot niya ang panyo at napatitig siya dito ng ilang saglit. Nag-papalit-palit ang tingin ko sa kanya at sa panyo ko. "May problema po, Sir?" Mariin siyang pumikit at nilahad sa 'kin ang panyo na nahulog at nag-pasalamat akong muli.Ang weird niya. Nang pumasok ako, nag-silapitan ang ibang mga katrabaho ko para makiusyoso. Crush nilang lahat si Sir Hyde eh."Ang swerte mo naman at hinatid ka pa ni Sir Hyde." Napailing na lang ako. "Sanaol napapansin. Ang tagal ko nang nag-papapansin d'yan kay Sir Hyde pero ikaw pa lang 'teh ata ang napansin sa 'ting lahat. Isang malaking SANA ALL. ROR! " Napangiwi ako sa sinasabi ng dalawa ng biglang may tumikhim."I heard about what happened. Are you alright?" Hinead to foot niya pa ako na para bang inoobserbahan ang katawan ko."Opo Sir," nag-paalam na'ko at iika-ikang pumasok sa kusina."Hh anyare sayo?" bungad ni Maerchie. Napangiwi na lang ako."Mahabang kwento,"_ _ _ _ _ _ _ _
Mabilis na natapos ang araw. Pag-bukas ko nang pinto ng apartment ko, isang malaking buntonghining na naipon ang pinakawalan ko. Mag-isa na naman ako.
Hindi pa ba ako nasanay? Sa tagal kong nabuhay nang mag-isa, walang kasama ngayon pa ba ako hindi masasanay?Nanonood lang ako sa sala at patay ang mga ilaw. Kukuha na sana ako ng popcorn sa kusina ng sunod-sunot itong nag-ingay. May nag-text. Binuksan ko ito at napabuntonghininga na lang.
From: Unknown number
Hai Bh4be p4uwi na M3h. M4g-r34dy Ka N4, Al4m mu3 n4h.
From: Unknown number
Sir, sa labas na po ako. i2 na po order n'yo sa jallibe.
Mga wrong send na naman. Pangatlong araw na ngayon eh, puro mga unknown number ang mga nag-titext sa 'kin.
_ _ _
Must have been the wind
Copyright © nostxlgicxx
Chapter 10 - Must have been the wind Solene Nag-pumilit ako na mag-trabaho hanggang gabi dahil hindi ako pinayagan ni Sir Gaius noong mga nakaraang araw. Mas nakakahiya naman ata kung hindi ako mag-tatrabaho diba? Hindi naman ako kaano-ano ni Sir Gaius para ipag-paliban niya ako sa pag-tatrabaho, kahit sa ganitong paraan man lang ay makabawi ako sa mga mabubuting naitulong niya sa 'kin saka isa pa, ayaw kong abusuhin ang kabaitan niya. "Mix my favorite drink," ani ng isa sa mga regular customer na 'min. Habang binabaha ng mga pangyayari ang utak ko, biglang sumulpot ang isa pa sa mga regular customer dito. Umupo siya sa stoolbar at pumangalumbaba. "Saglit lang po Sir ah?" Tinanguan niya ako at pinanood lang ang pag-halo ko ng mga inumin. Matagal na akong bartender dit
Chapter 11 - Must have been the wind Hyde "Yeah, I wasn't ready for that project though," I simply said while feeling the fresh air coming from the terrace of my sister's house. She rolled her eyes as I spill what's on my mind. "You know Mom when it comes to business Hyde. Business is business," she simply said. I gritted my teeth in frustration as I ran my hands through my hair. "Don't pressure me. I'm trying to work on it though so don't worry. " She simply nodded then took a sip in her mango shake. The project is really pressuring me a lot honestly, especially whenever Mom comes off to my mind. I really hate the fact that she can still manipulate and control me. My wings of freedom were locked inside of a cage, even my sister and my brother. &nb
Chapter 12 - Must have been the wind Solene Pagod na pagod akong umuwi galing sa trabaho. Kailangan para maitaguyod ko ang sarili ko, ayokong umasa kina Auntie. Pag-pasok ko sa bahay ay bumungad sa 'kin ang mag-inang naka beauty mask na nasa sala. "Nandito na po ako." Inismiran lang nila ako. Balewala na rin iyon dahil sanay na 'ko. Tinaasan naman ako ng kilay ni Astria. Dumiretso ako sa kusina para uminom, tambak-tambak na hugasan ang bumungad sa 'kin kaya napabuntonghininga ako. Hindi ko naman magawang mag-reklamo. Nakikitira lang ako dito. "Oh ano mag-rereklamo ka?" Hindi ko namalayan na sumunod pala sa 'kin si Astria dito at ngayon ay nakatayo siya sa may malapit sa lutuan.
Chapter 13 - Must have been the wind Solene "Mommy andito na 'ko!" Dinig kong sigaw ni Astria mula sa sala. Naka uwi na pala siya. Alam kong siya iyon dahil malakas ang boses niya, pareho sila ng nanay niya. Nag-dalawang isip pa tuloy ako kung mag-babanyo pa ba ako o hindi na. Isa lang kasi ang banyo dito sa bahay. Hindi na ako nakapag-tiis kaya sa huli, kinailangan ko na talagang bumaba. Naabutan ko si Astria na may kasamang lalaki. Matangkad ito ng kaunti sa kanya, medyo magulo ang buhok, may maliit na tattoo sa braso at may suot na itim na hikaw sa kaliwang tenga. Nang mag-tama ang tingin namin ng pinsan ko, inirapan niya lang ako. Ano pa nga bang aasahan ko sa kanya? na yayakapin niya 'ko? "Oh anong t
Chapter 14 - Must have been the wind Solene "Teh tara na! dali malilate na tayo!" Nag-over the bakod kami ni Ethienne dahil huli na kami sa klase at hindi na kami pinapasok ng guard.Nakahinga kami ng maluwag nang makarating kami sa room. Napatingin silang lahat sa 'min samantalang literal na nakanganga naman si cheolea habang naka tingin 'din sa 'min. "Omg what happened? ba't now lang kayo?" Umirap lang sa hangin si Ethienne sa tanong ni Cheo kaya ngitian ko siya saka nag-peace sign. May toyo ang loka eh. "Cheo penge nga liptint mo saka 'yung pabango mo. Nakakbwisit, hindi na ako fresh. Tangina kasing kalbong guard 'yun, hindi kami pin
Chapter 15 - Must have been the wind Hyde I was busy doing my thing inside the bathroom when I heard my phone beeped outside. It was probably the morons. After I took a shower, I opened the messages one by one. Bumungad sa 'kin ang messages nila na papunta na daw sila sa bar. We'll gonna have a drink tonight to free ourselves from stressful works saka para an rin maka pag-bonding kami. Papa wafuu(Montani) sent a picture. I viewed Montani's pic. He was already at the bar sitting with a group of girls wearing only bralettes knowing him, I'm pretty sure na pabor na pabor sa kanya ang malate kami para makipag-landian pa siya sa mga babae. Papa wafuuu(Montani): Bilisan na niyo mga pare. Hinaharot n
Chapter 16 - Must have been the wind Solene "Parang gusto ko nang umatras girl," saad ni Ethienne at napakapit pa siya sa braso ko nang mahigpit na para bang may kinakatakutan. Ang abnormal talaga nito. Siya ang nag-pumilit na makipag-kita kay Cheolea tapos ngayon aatras siya? akala ko ba, lahat ay hindi inaatrasan ng babaeng 'to? anyare ngayon? "Hay na 'ko. Wala nang atrasan 'to. Ikaw may sabi na gawin na na 'tin 'to." Inirapan niya 'ko pero napalunok siya nang matanaw namin mula sa dingding na gawa sa salamin ang bulto ni Cheolea na nag-papalinga-linga pa. Mukhang hinahanap na niya kami. Kapansin-pansin na hindi siya mapakali sa inuupuan niya kahit na pinag-titinginan na siya ng m
Chapter 17 - Must have been the wind Solene "Cheo, Ethienne. May kailangan akong sabihin sainyo." Ilang araw na akong hindi mapakali dahil dito. Kailangan ko nang sabihin sa kanila. Hindi na mag-babago ang desisyon ko at kahit na mag-alok pa sila ng tulong, wala pa 'ding mangyayari. Sigurado na ako sa desisyon ko. "Bongga, ilang araw na 'yang sasabihin mo. Kasingahaba ba 'yang sasabihin mo ang buhok ni Rapunzel? sabihin mo na ngang bruha ka pa special ka pa eh." Pinaputok niya ang bubble gum mula sa bibig niya kasabay ng pag-ikot ng mata niya. "Mygod Solene. Can't you just... uhh spill it out?" Naiinip na sabi ni C
Special Chapter - Must have been the wind Hyde "Hoy dadi Hyde, bilisan mo na d'yan parang awa mo na! baka mauna pa sa 'yo 'yung bride!" nag-papanic na saad ni Montani. I shooked my head dahil sa pagiging oa niya. Tumayo na ako at sinuot ang coat na nakasampay sa mannequin. Gaius walked closer to me then fixed my necktie. Nakaharap kami sa salamin kaya kitang-kita ko ang tingin sa 'kin ng mga kalalakhang nasa loob ng kwartong ito. Phoenix, Montani, Joah, Gaius, Cross and Reed was here. Nandito 'din si daddy, ang dad ni Solene at ang panganay na kapatid nila ni Cross, si Kuya Craighann. "You look great today," Gaius mumbled and I smiled. "Of course, it's my lucky day." He chuckled ng matapos ayusin ang necktie ko. "Mukhang tao ka na pre
Epilogue - Must have been the wind Hyde It was Gaius' birthday so we went to his party. Everyone was enjoying the night while I was busy roaming my eyes all over the place. I caught something, it was her and I almost forgot that she was working with Gaius. I was on my way outside to breathe some fresh air when I saw her with a man and seems like the man was harassing her. I haven't seen her inside the party for about an hour dahil nandito pala siya. I didn't realize too soon that I was already standing right next to them. Just what the hell am I doing? "Let go of her," I calmly said but he just ignored me. I know that she was looking at me but I didn't mind at all. "Bitiwan mo siya ngayon na," I repeated but he real
Chapter 52 - Must have been the wind Hyde "What should I do if my sister did not make it?!" Napasabunot ako sa sarili ko sa ingay ng mga loko. I glared Cross dahil kanina pa siya nag-papabalik-balik. Damn. "Paano kapag hindi nakalabas ang bata?" "Tanga. Ano ang pag-silbi ng ire? kaya nga iire para lumabas ang bata. Alam mo Saldivar lagyan mo nga ng laman ang utak mo minsan," I heard Montani's rant at nag-simula na silang mag-away ni Joah. "Nag-tataka ako kung pano ka naging hollywood actor gayong sobrang bobo mong animal ka," "Pakyu ka. Inggit ka lang kasi halos lahat ng Victoria's secret angels ay naging girlfriend ko. Muntikan pa sana sina Ariana grande, Lilly collins at si Dua
Chapter 51- Must have been the windSoleneNalimpungatan ako dahil may naramdaman akong humaplos sa pisngi ko. Napangiti ako ng makita ko kung kaninong kamay iyon. Ibinuklat ko ang isa kong mata at napatakip dahil sa sinag ng araw."Good morning my love, how's sleep?" tanong niya na nakangiti. Napangiti 'din ako dahil isa ito sa mga magagandang naging bungad ko sa pag-gising ko sa umaga."Okay naman, ikaw?""It was good because I knew you were sleeping by my side," saad niya. Hinaplos niya ang tiyan ko, napapikit ako dahil sa kiliting dala n 'yon sa 'kin."Hi there my boy, daddy's here. Can you hear me?" Dinikit niya pa ang tainga niya sa tiyan ko. Parang maririnig siya niyan eh.
Chapter 50 - Must have been the windSolene"The jury is thanked and excused. The court is adjourned,"Natulala ako. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o malulungkot. Masyadong mabilis ang mga pangyayari at hindi ko alam kung paano ito ipoproseso sa utak ko. Matapos ang ilang araw na pabalik-balik namin dito ay nangyari na ang dapat mangyari, nakuha ko na ang hustisya sa pag-kamatay ni Astria, Ethienne at para na rin sa sarili ko pero hindi ko alam kung masaya ba ako ngayon na nakamit ko na ang hustisya. Parang hindi ko pa magawang maging masaya."Justice has been served. You're free now, you finally tasted the freedom," saad ni Cross na nakangiti at niyakap ak, yakap ng isang katapid. Siguro nga ito na ang katarungan.Nang tumayo
Chapter 49 - Must have been the windSoleneNaalimpungatan ako dahil sa mga boses na naririnig ko. Nasaan ako?Iginala ko ang mata ko, puro puti lang ang nakikita ko sa paligid. Iginilid ko ang ulo ko at nakita ko doon ang isang babaeng may suot na puting coat, may kausap siyang lalaking naka business attire. Tindig palang niya ay kilala ko na."She's pregnant but the bad news is... ang baba ng bata at mahina ang kapit niya. She needs more rest and she should avoid stress. If this will continue, there's a prospect na makukunan siya,""Is there anything I can do?""Yes, definitely. I highly recommend that you should take her away from stressful things if possible,"
Chapter 48 - Must have been the windSoleneHinga, lunok, kagat labi, 'yan ang eksenahan ko sa loob ng kwarto. Hindi ko mawari kung ano ba talagang nararamdaman ko, halo-halo ang takot, pangamba, at iba pang hindi ko maipaliwanag. Sumulyap ako sa orasan, ilang minuto na lang mag-aalas dies na.Mag-tatagumpay kaya kami sa plano ni Astria?'Yan ang paulit-ulit kong tanong sa sarili ko. May tiwala naman ako sa kanya kaya hindi na ako nag-dalawang isip pang tumanggi dahil kalayaan ang katas ng kaunting sakripisyo. Muli akong sumulyap sa orasan, dalawang minuto na lang at kikilos na kami.Tahimik akong nag-dasal na sana walang mangyari sa 'min. Nasa bingit ng kamatayan ang buhay namin ngayon, hindi namin alam kung anong posibleng mangyayari sa 'min. K
Chapter 47- Must have been the wind Solene Ilang araw na akong nasa kwartong ito at hindi ko alam kung makakalabas pa ba ako ng buhay. Hindi ko akalain na makakabalik pa akong muli sa kulungang ito. "Tama na," pakiusap ko habang tinatakpan ang sarili gamit ang mga braso. Naiyak na lang ako sa sakit habang paulit-ulit na nag-mamakaawa. "Tama na? hindi, hindi pa ito sapat sa mga ginawa mo sa 'min! pinalamon ka namin tapos lalayasan mo kami?" Hinawakan niya ang panga ko at hinarap ang mukha ko sa kanya. Sinalubong ko ang mga nakakatakot na matang iyon. "Wala kang utang na loob!" Isang mainit na palad ang lumapat sa kaliwang pisngi ko dahilan para matumba ako. Wala akong magawa kundi ang umiyak. Nan
Chapter 49 - Must have been the wind Solene Kinaumagahan sinama ako ni Owen sa ospital. Sumama ako kahit na hindi ako nakatulog kagabi. Masakit pa rin sa dibdib ko ang mga pangyayari pero isinantabi ko muna ang mga iyon dahil kailangan ako ng bata. "Magandang umaga, saan ba ang silid ni Orden gamborez?" "Room 112, " "Salamat, " tugon ko sa nurse na nasa front desk. "Sino ba ang nag-babantay sa Kuya mo?" Natigilan siya at nag-angat ng tingin sa 'kin. "Wala po, ako lang. " Ginulo ko ang buhok niya at hinawakan ang balikat niya. "Ga 'nun ba? Tayong dalawa na lang kaya ang mag-babantay? Ayos ba iyon?" Gumuhit ang malungkot