Home / All / Must have been the wind / Chapter 08 - Shy

Share

Chapter 08 - Shy

Author: Nostxlgicxx
last update Last Updated: 2021-07-16 09:53:23

Chapter 08 - Must have been the wind 

Solene

"Solene, anak!" Halos mabitawan ko ang kamay ni Mama nang pilit na inaagaw ako mula sa pag-kakayakap sa kanya. Hindi ko alam kung bakit kami napunta dito at hindi ko kilala ang mga taong nasa harap namin. 

Anong kailangan nila sa 'min? 

"Mama ayaw ko sa kanila!" sigaw ko at naiyak na lang sa takot, hindi alam ang gagawin. Pinipilit kong abutin ang kamay niya pero dahil sa lakas ng pwersa ng humihila sa 'kin

Nakuha nila ako...

Nilagyan nila ng piring ang mata ko at tinali din ang mga kamay ko mula sa likod. Patuloy ang pag-hikbi ko. Namanhid ang pisngi ko ng sampalin ako ng malakas, parang nabingi na ang kaliwang tenga ko.

"Solene!" mas lalo pa akong naiyak ng marinig ko ang sigaw ng nanay ko. 

"Ang ingay mong peste ka! Kapag hindi ka tumigil d'yan tatadyakan na talaga kita," sabi ng lalaki pero hindi ako nag-patinag, pinakita ko sakanilang hindi ako apektado sa mga sinasabi nila.

Kailangan naming makaalis dito! ngunit... paano?

"Sino kayo? anong kailangan niyo sa 'min ni mama? wala kaming kahit na anong pwedeng ibigay sainyo! mahirap lang kami." Inubos ko ang lakas ko mabitawan lang ang mga katagang iyon pero tinawanan lang nila ako na parang may nakakatawa ba sa sinabi ko.

Talaga bang katawa-tawa kami? kaya gan'to ang trato sa 'min ng mga tao sa paligid na'min? tao din kami hindi hayop! karapatan din namin ang irespeto bilang tao! iyon lang ang tanging hiling ko pero bakit hindi nila iyon maibigay? bakit? mahirap ba? 

"Anak mo nga talaga ito Serinna. Pareho kayong walang kwenta." Nag-init ang tainga ko sa sinabing iyon. Nakakalungkot isipin na ganoon kawalang kwenta ang tingin sa 'min ng lipunan. Wala silang karapatan na pag-sabihan kami ng ganoon pero wala akong magawa.

Hindi ko alam kung saan ba kami lulugar, kung saan kami tatanggapin at hindi huhusgahan.

"Kayo ang walang kwenta! ang sasama ninyo!" sigaw ko pabalik. Isang mabigat na kamao ang lumapat sa tiyan ko.

Napahiga ako at namilipit sa sakit. Tila niyanig ng sakit ang buong katawan ko. Umikot ang paningin ko at mukhang babaliktad na sikmura ko. Narinig ko ang sigaw ng nanay ko kaya pinilit kong umupo pero hindi talaga kaya. May mainit na likido ang lumabas sa bibig ko, mapakla ang lasa nito kaya sigurado akong dugo ito.

D-dugo...

"T-tama na pakiusap, bigyan niyo pa ako ng panahon para mabayaran ang utang sain'yo," dinig kong pakiusap ni Mama. Tanging tawa lamang ang sinagot nila sa kanya.

Hindi ako naaawa sa sarili ko kundi sa sariling nanay ko. Bakit kailangan niyang maranasan ang lahat ng ito? mabuti siyang tao pero bakit gan'to? ano bang nagawa niyang kasalanan sa nakaraang buhay niya at pinapahirapan siya ng gan'to?

"Aba, ang kapal naman talaga ng mukha mo ano? binigyan ka na na 'min ng tatlong buwan pero anong ginawa mo? lumandi ka pa at inuna mo pa itong bubwit na ito."

Sunod-sunod na hikbi ang narinig ko at sigurado akong galing iyon kay Mama. 

"Kailangan kong buhayin ang anak ko at hindi ako ang may utang sainyo kundi si Anidda!" Narinig ko ang pa-lapat ng kamay sa pisngi niya.

Bakit si Mama ang nag-hihirap? diba dapat si Auntie? hindi si Mama ang may utang sakanila kundi siya! nagawa niya pa ito kay Mama na sariling kapatid niya! Sa 'min, sa 'kin na kadugo niya.

"Aba punyeta ka! sabi sa 'kin ni Anidda na ikaw na ang mag-babayd ng utang niya dahil may utang ka rin daw sa kanya. Ako pa ang gagawin mong tanga putangina ka!"  Rinig ko ang pag-mamakaawa ng nanay ko pero wala akong magawa kundi ang humikbi na lamang.

Bakit ba kasi ang hina ko? dapat ako nag-tang tatanggol sa kanya. Dapat ako! pero isa lamang akong bata na walang kalaban-laban. Ano bang laban ng maliit na paa't kamay ko? ang hina ko!

Panginoon huwag ninyo po kaming pababayaan, alam kong mabuting tao kami ni Mama kaya sana huwag niyo po kaming pabayaan. Nakikiusap ako. 

"Ilagay 'yan sa drum." Nag-pumiglas ako ng binuhat ako ng isa sa mga lalaki. A-anong gagawin nila sa 'kin?

"B-bitawan ninyo ang anak ko pakiusap. Huwag siya ako na lang." Pumalakpak ang lalaki sa tuwa.

"Mother like daughter nga naman. Ang sarap panoorin kung gaano nag-papaka-bayani ang ina maligtas lamang ang anak."

Isang malamig na tubig ang bumungad sa 'kin sa loob ng malaking drum. Nanginig ang buong katawan ko at nag-babakasakali pa rin na makakalabas kaming buhay dito...

"P-pakawalan niyo ako dito!" sigaw ako ng sigaw pero parang hangin lamang ang tinig ko at hindi nila iyon tinutugon

"A-anak" nanginginig ang labi ko. Narinig ko ang huling tawag niya sa 'kin bago tuluyang dumilim ang paningin ko.

_ _ _ _ _ _

"Solene gising!" Isang malakas sigaw at sampal ang lumapat sa pisngi ko dahilan para magising ang diwa ko. nanghihina 'kong iminuklat ang mata ko at iginalaw ang paningin.

Nakita ko si Ethienne na nakaupo sa paanan ng kama, nagaalalang naka tingin sa 'kin. Napaupo agad ako. Hinawakan ko ang noo ko at leeg, punong puno iyon ng pawis.

"Narinig kitang sumisigaw kanina. Pinuntahan agad kita, basang basa ka na ng pawis," aniya at hinimas ang likod ko.

Nangilid ang luha ko. Tinukod ko ang dalawang kamay sa tuhod ko at napaiyak na lamang. Naramdaman kong tumabi siya sa 'kin at muling hinagod ang likod ko.

Kahit anong pilit kong kumawala ay patuloy pa rin ako dinadalaw ng mga bangungot at hindi ko alam kung hanggang kailan ito titigil. Mas lalo pa ako naiyak dahil naalala ko ang nanay ko... ang pinakaimportanteng tao na nawala pa sa 'kin.

Parang kinukurot ang dibdib ko tuwing naaalala ko ang mga pinag-daanan na 'min mabuhay lang sa mundong ito. Ngayon na lang ulit ito nangyari, na nagising ako mula sa sigaw ni Ethienne kaya laking pasasalamat ko dahil nandito siya.

"Anong napanaginipan mo?" tanong niya. Nag-angat ako ang tingin habang patuloy pa rin sa pag-agos ang luha pababa sa pisngi ko.

Ayokong nakikita niya akong umiiyak dahil ayaw kong mag-alala siya sa 'kin.

"Hayaan mo na. Hindi mo na kailangan sagutin iyon ang mahalaga nagising ka." Niyakap niya ako at ganun din ang ginawa ko.

"S-si Mama. Yung nangyari sa 'min ilang taon na ang nakalipas." Kumalas siya mula sa pag-kakayakap at tinignan ako. Walang bahid ng kahit anong ekspresyon sa mukha niya kundi ang takot at awa.

"P-pinahirapan nila si Mama at nilagay nila ako sa loob ng drum." Pansin kong ang paninigas niya at umawang ang labi niya.

Isang saglit na natulala ako sa kawalan at binalot kami ng katahimikan. Walang nangahas na mag-salita, parang pinoproseso ng utak niya ang nalaman niya ngayon.

"Jusko Solene, hindi ko akalain na doon kayo umabot ni Tita," sabi niya pero hindi ako sumagot, nanatili lang akong tahimik . Alam niyang ayaw kong pag-usapan ang tungkol doon pero nag-babahagi rin ako sa kanya paminsan-minsan, kapag kinakaya ko

Hindi niya ako pinipilit dahil alam niya kung gaano kasakit balikan ang nakaraan, kung gaano ako nag-hihirap sa sakit. Gustuhin ko man na takasan ang nakaraan pero ito na mismo ang gumagawa ng paraan para gambalain ang pamumuhay kong dapat sana'y tahimik. Kahit ang sakit ay hindi narin nawawala, tila ba naging parte na ito ng pag-katao ko.

Kailan kaya matatapos ang pag-hihirap ko? 'yan ang paulit-ulit na tinatanong ko sa sarili ko. Kung may madaling paraan lang sana ay ginawa ko na pero wala eh.

"Mag-palit ka ng damit. Kapag may kailangan ka tawagin mo lang ako."Narinig ko ang pag-sara ng pinto at nilingon ko iyon.

Muli na naman akong natulala at naiwan sa gitna ng dilim. Kahit nga mismo ang dilim ay isa na rin sa naging parte na ng bawat ako at tanging ito lamang ang karamay ko noon. Masakit man isipin na walang nakakaintindi sa nararamdaman ko noon at wala akong malapitan pero tinanggap ko na lamang ang masaklap na katotohanan. Wala naman akong magagawa, iyon ang totoo.

Iyan 'din naman ang gagawin ng isang tao 'di ba? kahit itanggi pa, tatanggapin at tatanggapin pa rin ang masaklap na katotohanan ng buhay dahil ano pa nga bang magagawa na 'tin? Kundi ang lumaban kahit na mahirap... tanggapin kahit na masakit.

_ _ _ _ _ _ _ _ _ _

Kinabukasan, napag-sang-ayunan na'min na gumala sa mall dahil wala na siya bukas. Baka ito na naman ang huling oras na'min na mag-kasama kaya sinulit na na'min.

"Tignan mo 'to oh. Ganda ng design, simple lang pero eleganteng-elegante ang datingan." Nilahad niya sa 'kin ang isang ruffle beige dress at tinignan ko lamang iyon.

"Anong gagawin ko dito?"  Bumusangot ang mukha niya. Eh sa hindi naman ako nag-susuot ng mga gan'tong damit. Oversized shirt at pantalon ay sapat na.

"Kainin mo try mo," sarkastikong sabi niya.

"Eh hindi naman ako nag-susuot nito. Sa'yo na lang mas bagay pa yan sa'yo eh. " Ngumiwi siya at mahinang hinampas ang braso ko.

"Kaya nga binigay ko sa'yo kasi paniguradong bagay na bagay yan sa'yo girl. Dali na, wag nang kj. Sasabunutan kita d'yan sige ka," pag-babanta niya. 

Tinulak niya ako papasok sa fitting room kaya wala akong nagawa kundi ang sukatin ang damit. Maganda iyon at alam kong maganda din ang presyo. Nang iangat ko ang tingin ko sa salamin, napatitig ako sa sarili ko. Naging maayos ang itsura ko dahil sa suot ko. Hindi kasi ako sanay sa mga gan'tong damit, tshirt at pantalon okay na sa 'kin. 

Hinawi ko ang kurtina at pinakita ang sarili ko. Awtomatikong lumapad ang ngiti niya ng pasadahan ako ng tingin.

"Oh sabi sayo eh, bagay na bagay. Mukha ka nang tao Sis!" Aba proud na proud pa ang lokang laitin ako. Napapalakpak siya kaya nag-sitinginan naman ang ibang saleslady at nahihiya na ako. Dapat hindi ko na sinukat 'to eh.

"Ang ganda Ma'am!"  puri ng isa. 

"Bagay na bagay po sain'yo ang dress." Nag-ok sign si Ethienne at proud na proud pa siyang pinasuto niya sa 'kin 'tong damit. 

"Para kang modelo ma'am, ang ganda niyo po!" Nahihiyang ginawaran ko sila ng ngiti at yumuko na lamang.

"Hoy 'wag kang yumuko d'yan at pipicturan kita." Pinanlakihan ko siya ng mata at sineyasan na huwag na niyang ituloy kung anong balak niya pero ang baliw ngumisi lang.

Nilabas niya ang cellphone niya at paulit-ulit na sinabihan akong ngumiti. Hindi ko naman magawa dahil nahihiya na 'ko sa kadami-daming nakiki-usyoso sa gawi na'min. Pati ang ilang napapadaan upang mamili ng damit ay napapatingin din.

"Gora, mag-bihis ka na. Instant celebrity kana dito, Girl," Loka-lokang sabi niya kaya napailing-iling na lang ako.

Nang makalabas ako ng fitting room, binalik ko agad sa kanya ang damit.

"Oh? hindi mo ba nagustuhan? bagay na bagay pa naman sa 'yo pramis." Ngumiwi ako, eh sa hindi ako interesado na bilhin iyon.

"Sa 'yo na lang kung gusto mo." Pero pilit na binalik niya iyon sa 'kin.

"Hindi tayo aalis dito hangga't wala kang binibili kahit isa man lang." Naupo siya ng may makitang upuan doon. Kilala ko 'tong lokang 'to. Tinototoo niya talaga ang sinasabi niya.

Wala na akong nagawa kundi ang hilahin siya papuntang counter para bayaran na iyon. Nahagip ng mata ko ang multong ngiti sa mga labi niya. Alam na alam talaga niya kung paano ako bumigay.

Pag-labas na'min ng shop na 'yon, pinakita niya pa sa 'kin ang mga kinuha niyang picture ko kanina. Iyong una ay natawa kami pareho dahil pikit ang isang mata ko at iyong pangalawa naman ay nakangiti ako ng maayos. Tawa kami ng tawa hanggang sa may mabunggo ang loka.

"Tumingin nga kayo sa dinadaanan ninyo." Nag-angat siya ng tingin at nanlaki ang mata niya.

"Ikaw? ikaw na naman? aba't ang kapal rin ng mukha mo eh no? ikaw na nga itong nakabangga sa 'kin ikaw pa ang may ganang magalit, wow ha?" Tinulungan ko siyang makatayo at pinag-pagan ang suot na pantalon.

Si Sir Phoenix lang pala kasama sina Sir Gaius at si Sir Hyde, tapos yung iba pang kaibigan nila na hindi ko matandaan ang pangngalan.

"Solene? what are you doing here?" Napatingin ako sa gawi ni Sir Gaius. Nakangiti siya ng malapad. 

"Wala po, nag-ikot-ikot lang," nahihiyang sambit ko dahil nakatingin na rin yung ibang mga kaibigan niya.

"Drop the formalities, i'm not that old," natatawang sambit niya at hinawi ang buhok na humarang sa mukha.

"Mag-kakilala kayo nitong asungot na 'to?" tanong ni Sir Phoenix sabay turo kay Ethienne. Paniguradong umuusok na ang ilong nito sa tinawag sa kanya.

"Mag-kabigan kami," tipid na sagot ko.

"Aba! asungot? ikaw ang asungot! wow, ang tindi mo boi ah?!" Pinag-krus niya ang braso sa dibdib at tinaasan ng kilay si Sir Phoenix.

Nag-tama ang tingin na'min ni Sir Hyde, kumabog ang dibdib ko kaya ako na ang unang nag-iwas ng tingin.

"By the way, this is Cross, Montani, Joah, Phoenix, and Hyde." Nag-unahan pa silang nakipag-kamay sa 'kin,s amantalang hiya-hiya na ang mukha ko. Si Sir Hyde lamang ang hindi nakipag-kamay sa 'kin. Tinignan ko si Ethienne at tinaasan niya lang ako ng kilay, mukhang bwisit na bwisit pa rin.

"Si Ethienne, kaibigan ko." Agad naman siyang nakipag-kamayan sa mga iyon pero inismiran niya lamang si Sir Phoenix.

"Sige, mauna na kami sainyo. Sir Hyde, pasensya na sa abala." Nakagat ko ang ibabang labi ko. Ba't ko pa siya binanggit? tinaasan niya lamang ako ng kilay kaya tumulak na kami ni Ethienne dahil hiyang-hiya na 'ko.

Bumili kami ng makakain at nag-pasyang abangan ang sunset sa Manila bay.  Nag-kanda lasug-lasog na ang kawawang kwek-kwek dahil sa pag-paulit-ulit na pag-tusok niya doon. Hindi na rin siya nag-salita simula noong nakaalitan niya si Sir Phoenix. Siguro may gusto kay Sir Phoenix 'tong lokang 'to.

"Uy kawawa ang kwek-kwek. Huwag mo naman pag-buntungan ng galit," saad ko at natawa. 

"Bwisit na lalaking 'yon! nakita ko na naman ang pag-mumukha nung hinayupak na 'yon. Ang sarap tadyakan shuta," Naiinis na sabi niya.

Marahas niyang tinutusok-tusok ang kwek-kwek at kinain samantalang ako tawa ng tawa habang pinag-mamasdan lang siya.

"Eh bakit ka naman nagagalit kay Sir Phoenix?"

"Bwisit na 'yon, laitin ba naman ako. Ang ganda ko naman para tawagin niya akong asungot!" Mas natawa ako sa pag-mamaktol niya.

"Siya yung kaaway ko sa probinsya! anak siya ng mga Creed, ang may-ari ng hacienda na pinag-tatrabahuhan ni Tatay!" Nagulat ako dahil sa kanila pala nag-tatatrabaho ang Tatay niya. 

"Si Sir Phoenix?" Wala sa sariling napa tango siya sa sinabi ko. 

"Hayaan mo na. Mabait 'yon si Sir Phoenix, alam kong hindi niya gagawin kung ano man ang naiisip mo." Pero mukhang hindi pa rin siya kumbensido sa sinabi ko.

"Ba't kasi ginatungan mo pa? pinalipas mo na lang sana kesa mag-kaalitan pa kayo." Nag-taas siya ng kilay.

"Palipas? alam mong hindi yan uso sa 'kin, Solene. Hindi ako umaatras sa kung sino, hindi ako nag-papaapi ng basta-basta na lang." Natigilan ako.

"Oh sige na. Kalma lang, nangyari na ang dapat mangyari."

Hindi na 'ko muling nag-salita. Tinuon ko na lamang ang buong pansin ko sa nag-sisimula nang mag-kulay kahel na kalangitan at umiihip ang malamig na simoy ng hangin.

_ _ _ _ _ _  _

"Mama, nasaan po ba ang Papa ko? bakit po hindi ko pa siya nakikita?" Kapansin-pansin ang paninigas niya ng tanungin ko siya.

"Ayos ka lang po?" Ngumiti siya at hinaplos ang buhok kong mahaba.

"Alam mo 'nak, ang Papa mo ay nag-tatrabaho para may makain tayo." Muli ko siyang tiningala na parang may gustong sabihin na hindi niya masabi sa 'kin ng harap-harapan.

"Ah ga 'nun po ba? kaya mag-aaral pa po ako ng mabuti para sulit ang pagod ninyo at para na rin makita ko na si Papa. Hindi ko pa po kasi siya nakikita." Nahagip ng mata ko ang namumuong luha niya at pasimple niya iyong pinahid.

Huli na ang lahat dahil nakita ko iyon.

"Anak, mag-pahinga ka na. Ang mga batang kagaya mo ay dapat na natutulog ng maaga para mabilis lumaki." Napatalon-talon pa ;ko sa buhanginan.

"Di ba po lalaki pa 'ko? tapos pag-malaki na ako pupuntahan ko si Papa at sasabihin ko kung gaano ko siya kamiss." Tumango lang siya ngunit tumalikod rin. Nag-taka ako pero isinawalang bahala ko na lamang iyon, baka masaya lang siya dahil hindi na siguro siya pakapag-hintay na lumaki ako. Para ako naman ang mag-alaga sa kanya at bumili ng mga kailangan niya.

"Anak, halika nga rito. Payakap si Mama." Agad naman akong lumapit at niyakap siya ng mahigpit. Kahit ito na lang ang magawa ko para maibsan ang bigat ng dinadala niya.

Alam kong marami siyang pinag-dadaanan at yayakapin ko siya palagi para mapawi iyon.

"Bakit ka po umiiyak?"

"Hindi ako umiiyak, napuwing lamang ako 'nak." Alam kong nag-sisinungaling siya pero hinayaan ko na lang dahil wala ring saysay kahit pilitin ko pa siyang sabihin sa 'kin. Alam kong hindi niya pa rin sa 'kin sasabihin kung anumang gusto kong malaman.

Humiga ako sa hita niya habang hinintay ang pag-lubog ng araw. Nasanay akong maagang natutulog, ganitong oras dahil sinanay ako ni Mama. Tinanaw ko ang papalubog na araw at nang makuntento, ipinikit ko na ang mata ko.

Dinama ko ang malamig na ihip ng hangin.

"Anak pasensya na. Patawarin mo si Mama dahil hindi ko pa masasabi sayo ang mga dapat mong malaman. Masyado ka pang bata para maintindihan iyon." Narinig kong sabi niya pero nanatiling nakapikit ang mata ko at nag-kunwaring tulog.

"Patawarin mo 'ko dahil hindi ko kayang ibigay ang lahat ng mga kailangan mo katulad nalamang ng iyong Ama. Patawad dahil marami akong pag-kukulang sa 'yo bilang isang Ina. Hindi ko na alam ang gagawin ko anak pero mag-papatuloy pa rin ako para sayo, kailangan na 'tin lumaban. Ikaw lang ang kalakasan ko anak." Tumulo ang luha niya sa 'king pisngi.

Kumirot ang puso ko. Hindi ko alam na gan'to pala kabigat ang lahat para sa kanya, ganito pala kabigat ang dinadala niya pero nag-papatuloy pa rin siya para sa akin. Kung kaya ko lang alisin iyon at ilipat na lamang sa 'kin ay ginawa ko na, makita lang siyang masaya. 

_ _ _ _ _ _ _ _ _

Kasabay ng muling pag-ihip ng hangin ang pag-babalik ng diwa ko sa kasalukuyan. Hindi ko namalayan ang tumulong luha mula sa mga mata ko.

"Hoy, bakit ka umiiyak ? ayos ka lang ba? may nasabi ba akong mali kanina?" Sunod-sunod na tanong niya. Agad kong pinunasan ang luha at umiling.

"Wala, may naalala lang ako."

"Sigurado ka? kung gusto mo umuwi na tayo." Umiling ako at nanatiling tahimik. Hindi na rin siya nag-salitang muli, nahalata niya sigurong ayaw kong mag-salita.

Tinitigan ko ang papalubog na araw, senyales na tapos na ang pag-hihirap para sa araw na ito. Panibagong bukas at panibagong kalbaryo na naman ang haharapin kinabukasan, bagong pag-asa ang mag-sisimula at bagong pag-subok ang nag-hihintay.

                                                          _ _ _

Must have been the wind

Copyright © nostxlgicxx

Nostxlgicxx

A/N: Here's the chapter 8 of MHBTW. Hope you like it! :) -Nostxlgicxx

| Like

Related chapters

  • Must have been the wind   Chapter 09 - Seatbelt

    Chapter 09 - Must have been the wind Solene Nakatingin ako sa walang lamang plato sa ibabaw ng hapag. Kanina ko pa hinihintay si Mama at hindi ko pa ginagalaw ang ulam na binigay kanina ni Tita Faranh, kabigan at kapit-bahay na'min. May kumatok sa pinto kaya nag-madali akong buksan iyon. Agad na napawi ang ngiti ko ng malamang hindi iyon si Mama, si Tita Faranh lang pala. "Oh, wala pa rin ba ang Mama mo, Solene?" Umiling ako. "Nasaan na kaya 'yon? teka kumain ka na ba?" Napansin ko ang pormal na suot niy, mukhang may pupuntahan siya. "Ba't hindi mo pa ginagalaw ang pag-kain? baka malipasan ka ng gutom," aniya. Nag-tungo siya sa munting kusina na'min pero hindi ako sumunod. Nanatili akong nakatayo s

    Last Updated : 2021-07-17
  • Must have been the wind   Chapter 10 - Yearbook

    Chapter 10 - Must have been the wind Solene Nag-pumilit ako na mag-trabaho hanggang gabi dahil hindi ako pinayagan ni Sir Gaius noong mga nakaraang araw. Mas nakakahiya naman ata kung hindi ako mag-tatrabaho diba? Hindi naman ako kaano-ano ni Sir Gaius para ipag-paliban niya ako sa pag-tatrabaho, kahit sa ganitong paraan man lang ay makabawi ako sa mga mabubuting naitulong niya sa 'kin saka isa pa, ayaw kong abusuhin ang kabaitan niya. "Mix my favorite drink," ani ng isa sa mga regular customer na 'min. Habang binabaha ng mga pangyayari ang utak ko, biglang sumulpot ang isa pa sa mga regular customer dito. Umupo siya sa stoolbar at pumangalumbaba. "Saglit lang po Sir ah?" Tinanguan niya ako at pinanood lang ang pag-halo ko ng mga inumin. Matagal na akong bartender dit

    Last Updated : 2021-07-17
  • Must have been the wind   Chapter 11 - Day off with friends

    Chapter 11 - Must have been the wind Hyde "Yeah, I wasn't ready for that project though," I simply said while feeling the fresh air coming from the terrace of my sister's house. She rolled her eyes as I spill what's on my mind. "You know Mom when it comes to business Hyde. Business is business," she simply said. I gritted my teeth in frustration as I ran my hands through my hair. "Don't pressure me. I'm trying to work on it though so don't worry. " She simply nodded then took a sip in her mango shake. The project is really pressuring me a lot honestly, especially whenever Mom comes off to my mind. I really hate the fact that she can still manipulate and control me. My wings of freedom were locked inside of a cage, even my sister and my brother. &nb

    Last Updated : 2021-07-18
  • Must have been the wind   Chapter 12 - Bar

    Chapter 12 - Must have been the wind Solene Pagod na pagod akong umuwi galing sa trabaho. Kailangan para maitaguyod ko ang sarili ko, ayokong umasa kina Auntie. Pag-pasok ko sa bahay ay bumungad sa 'kin ang mag-inang naka beauty mask na nasa sala. "Nandito na po ako." Inismiran lang nila ako. Balewala na rin iyon dahil sanay na 'ko. Tinaasan naman ako ng kilay ni Astria. Dumiretso ako sa kusina para uminom, tambak-tambak na hugasan ang bumungad sa 'kin kaya napabuntonghininga ako. Hindi ko naman magawang mag-reklamo. Nakikitira lang ako dito. "Oh ano mag-rereklamo ka?" Hindi ko namalayan na sumunod pala sa 'kin si Astria dito at ngayon ay nakatayo siya sa may malapit sa lutuan.

    Last Updated : 2021-07-21
  • Must have been the wind   Chapter 13 - I'll drive you home

    Chapter 13 - Must have been the wind Solene "Mommy andito na 'ko!" Dinig kong sigaw ni Astria mula sa sala. Naka uwi na pala siya. Alam kong siya iyon dahil malakas ang boses niya, pareho sila ng nanay niya. Nag-dalawang isip pa tuloy ako kung mag-babanyo pa ba ako o hindi na. Isa lang kasi ang banyo dito sa bahay. Hindi na ako nakapag-tiis kaya sa huli, kinailangan ko na talagang bumaba. Naabutan ko si Astria na may kasamang lalaki. Matangkad ito ng kaunti sa kanya, medyo magulo ang buhok, may maliit na tattoo sa braso at may suot na itim na hikaw sa kaliwang tenga. Nang mag-tama ang tingin namin ng pinsan ko, inirapan niya lang ako. Ano pa nga bang aasahan ko sa kanya? na yayakapin niya 'ko? "Oh anong t

    Last Updated : 2021-07-22
  • Must have been the wind   Chapter 14 - Calling a friend

    Chapter 14 - Must have been the wind Solene "Teh tara na! dali malilate na tayo!" Nag-over the bakod kami ni Ethienne dahil huli na kami sa klase at hindi na kami pinapasok ng guard.Nakahinga kami ng maluwag nang makarating kami sa room. Napatingin silang lahat sa 'min samantalang literal na nakanganga naman si cheolea habang naka tingin 'din sa 'min. "Omg what happened? ba't now lang kayo?" Umirap lang sa hangin si Ethienne sa tanong ni Cheo kaya ngitian ko siya saka nag-peace sign. May toyo ang loka eh. "Cheo penge nga liptint mo saka 'yung pabango mo. Nakakbwisit, hindi na ako fresh. Tangina kasing kalbong guard 'yun, hindi kami pin

    Last Updated : 2021-07-23
  • Must have been the wind   Chapter 15 - Touch them then i'll see you on court

    Chapter 15 - Must have been the wind Hyde I was busy doing my thing inside the bathroom when I heard my phone beeped outside. It was probably the morons. After I took a shower, I opened the messages one by one. Bumungad sa 'kin ang messages nila na papunta na daw sila sa bar. We'll gonna have a drink tonight to free ourselves from stressful works saka para an rin maka pag-bonding kami. Papa wafuu(Montani) sent a picture. I viewed Montani's pic. He was already at the bar sitting with a group of girls wearing only bralettes knowing him, I'm pretty sure na pabor na pabor sa kanya ang malate kami para makipag-landian pa siya sa mga babae. Papa wafuuu(Montani): Bilisan na niyo mga pare. Hinaharot n

    Last Updated : 2021-07-25
  • Must have been the wind   Chapter 16 - Cheolea Iona Creed

    Chapter 16 - Must have been the wind Solene "Parang gusto ko nang umatras girl," saad ni Ethienne at napakapit pa siya sa braso ko nang mahigpit na para bang may kinakatakutan. Ang abnormal talaga nito. Siya ang nag-pumilit na makipag-kita kay Cheolea tapos ngayon aatras siya? akala ko ba, lahat ay hindi inaatrasan ng babaeng 'to? anyare ngayon? "Hay na 'ko. Wala nang atrasan 'to. Ikaw may sabi na gawin na na 'tin 'to." Inirapan niya 'ko pero napalunok siya nang matanaw namin mula sa dingding na gawa sa salamin ang bulto ni Cheolea na nag-papalinga-linga pa. Mukhang hinahanap na niya kami. Kapansin-pansin na hindi siya mapakali sa inuupuan niya kahit na pinag-titinginan na siya ng m

    Last Updated : 2021-07-26

Latest chapter

  • Must have been the wind   Special Chapter

    Special Chapter - Must have been the wind Hyde "Hoy dadi Hyde, bilisan mo na d'yan parang awa mo na! baka mauna pa sa 'yo 'yung bride!" nag-papanic na saad ni Montani. I shooked my head dahil sa pagiging oa niya. Tumayo na ako at sinuot ang coat na nakasampay sa mannequin. Gaius walked closer to me then fixed my necktie. Nakaharap kami sa salamin kaya kitang-kita ko ang tingin sa 'kin ng mga kalalakhang nasa loob ng kwartong ito. Phoenix, Montani, Joah, Gaius, Cross and Reed was here. Nandito 'din si daddy, ang dad ni Solene at ang panganay na kapatid nila ni Cross, si Kuya Craighann. "You look great today," Gaius mumbled and I smiled. "Of course, it's my lucky day." He chuckled ng matapos ayusin ang necktie ko. "Mukhang tao ka na pre

  • Must have been the wind   Epilogue

    Epilogue - Must have been the wind Hyde It was Gaius' birthday so we went to his party. Everyone was enjoying the night while I was busy roaming my eyes all over the place. I caught something, it was her and I almost forgot that she was working with Gaius. I was on my way outside to breathe some fresh air when I saw her with a man and seems like the man was harassing her. I haven't seen her inside the party for about an hour dahil nandito pala siya. I didn't realize too soon that I was already standing right next to them. Just what the hell am I doing? "Let go of her," I calmly said but he just ignored me. I know that she was looking at me but I didn't mind at all. "Bitiwan mo siya ngayon na," I repeated but he real

  • Must have been the wind   Chapter 52 - Conquered

    Chapter 52 - Must have been the wind Hyde "What should I do if my sister did not make it?!" Napasabunot ako sa sarili ko sa ingay ng mga loko. I glared Cross dahil kanina pa siya nag-papabalik-balik. Damn. "Paano kapag hindi nakalabas ang bata?" "Tanga. Ano ang pag-silbi ng ire? kaya nga iire para lumabas ang bata. Alam mo Saldivar lagyan mo nga ng laman ang utak mo minsan," I heard Montani's rant at nag-simula na silang mag-away ni Joah. "Nag-tataka ako kung pano ka naging hollywood actor gayong sobrang bobo mong animal ka," "Pakyu ka. Inggit ka lang kasi halos lahat ng Victoria's secret angels ay naging girlfriend ko. Muntikan pa sana sina Ariana grande, Lilly collins at si Dua

  • Must have been the wind   Chapter 51 - Forgiveness

    Chapter 51- Must have been the windSoleneNalimpungatan ako dahil may naramdaman akong humaplos sa pisngi ko. Napangiti ako ng makita ko kung kaninong kamay iyon. Ibinuklat ko ang isa kong mata at napatakip dahil sa sinag ng araw."Good morning my love, how's sleep?" tanong niya na nakangiti. Napangiti 'din ako dahil isa ito sa mga magagandang naging bungad ko sa pag-gising ko sa umaga."Okay naman, ikaw?""It was good because I knew you were sleeping by my side," saad niya. Hinaplos niya ang tiyan ko, napapikit ako dahil sa kiliting dala n 'yon sa 'kin."Hi there my boy, daddy's here. Can you hear me?" Dinikit niya pa ang tainga niya sa tiyan ko. Parang maririnig siya niyan eh.

  • Must have been the wind   Chapter 50 - I love you

    Chapter 50 - Must have been the windSolene"The jury is thanked and excused. The court is adjourned,"Natulala ako. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o malulungkot. Masyadong mabilis ang mga pangyayari at hindi ko alam kung paano ito ipoproseso sa utak ko. Matapos ang ilang araw na pabalik-balik namin dito ay nangyari na ang dapat mangyari, nakuha ko na ang hustisya sa pag-kamatay ni Astria, Ethienne at para na rin sa sarili ko pero hindi ko alam kung masaya ba ako ngayon na nakamit ko na ang hustisya. Parang hindi ko pa magawang maging masaya."Justice has been served. You're free now, you finally tasted the freedom," saad ni Cross na nakangiti at niyakap ak, yakap ng isang katapid. Siguro nga ito na ang katarungan.Nang tumayo

  • Must have been the wind   Chapter 49 - Farewell

    Chapter 49 - Must have been the windSoleneNaalimpungatan ako dahil sa mga boses na naririnig ko. Nasaan ako?Iginala ko ang mata ko, puro puti lang ang nakikita ko sa paligid. Iginilid ko ang ulo ko at nakita ko doon ang isang babaeng may suot na puting coat, may kausap siyang lalaking naka business attire. Tindig palang niya ay kilala ko na."She's pregnant but the bad news is... ang baba ng bata at mahina ang kapit niya. She needs more rest and she should avoid stress. If this will continue, there's a prospect na makukunan siya,""Is there anything I can do?""Yes, definitely. I highly recommend that you should take her away from stressful things if possible,"

  • Must have been the wind   Chapter 48 - Escape

    Chapter 48 - Must have been the windSoleneHinga, lunok, kagat labi, 'yan ang eksenahan ko sa loob ng kwarto. Hindi ko mawari kung ano ba talagang nararamdaman ko, halo-halo ang takot, pangamba, at iba pang hindi ko maipaliwanag. Sumulyap ako sa orasan, ilang minuto na lang mag-aalas dies na.Mag-tatagumpay kaya kami sa plano ni Astria?'Yan ang paulit-ulit kong tanong sa sarili ko. May tiwala naman ako sa kanya kaya hindi na ako nag-dalawang isip pang tumanggi dahil kalayaan ang katas ng kaunting sakripisyo. Muli akong sumulyap sa orasan, dalawang minuto na lang at kikilos na kami.Tahimik akong nag-dasal na sana walang mangyari sa 'min. Nasa bingit ng kamatayan ang buhay namin ngayon, hindi namin alam kung anong posibleng mangyayari sa 'min. K

  • Must have been the wind   Chapter 47 - Astria Leine Privos

    Chapter 47- Must have been the wind Solene Ilang araw na akong nasa kwartong ito at hindi ko alam kung makakalabas pa ba ako ng buhay. Hindi ko akalain na makakabalik pa akong muli sa kulungang ito. "Tama na," pakiusap ko habang tinatakpan ang sarili gamit ang mga braso. Naiyak na lang ako sa sakit habang paulit-ulit na nag-mamakaawa. "Tama na? hindi, hindi pa ito sapat sa mga ginawa mo sa 'min! pinalamon ka namin tapos lalayasan mo kami?" Hinawakan niya ang panga ko at hinarap ang mukha ko sa kanya. Sinalubong ko ang mga nakakatakot na matang iyon. "Wala kang utang na loob!" Isang mainit na palad ang lumapat sa kaliwang pisngi ko dahilan para matumba ako. Wala akong magawa kundi ang umiyak. Nan

  • Must have been the wind   Chapter 46 - Pain

    Chapter 49 - Must have been the wind Solene Kinaumagahan sinama ako ni Owen sa ospital. Sumama ako kahit na hindi ako nakatulog kagabi. Masakit pa rin sa dibdib ko ang mga pangyayari pero isinantabi ko muna ang mga iyon dahil kailangan ako ng bata. "Magandang umaga, saan ba ang silid ni Orden gamborez?" "Room 112, " "Salamat, " tugon ko sa nurse na nasa front desk. "Sino ba ang nag-babantay sa Kuya mo?" Natigilan siya at nag-angat ng tingin sa 'kin. "Wala po, ako lang. " Ginulo ko ang buhok niya at hinawakan ang balikat niya. "Ga 'nun ba? Tayong dalawa na lang kaya ang mag-babantay? Ayos ba iyon?" Gumuhit ang malungkot

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status