Home / All / Must have been the wind / Chapter 07 - The Macario

Share

Chapter 07 - The Macario

Author: Nostxlgicxx
last update Last Updated: 2021-07-15 09:05:03

Chapter 07 - Must have been the wind

Solene

Dahan-dahan akong nag-unat at nag-tungo sa kusina matapos mag-ayos ng higaan. Naabutan ko si Ethienne na nag-luluto habang kumakanta pa. Wala sa sariling napangiti ako.

Mukha siyang tanga eh.

"Ang aga na 'tin ah? hindi ka ba nabitin sa tulog mo? laki ng eyebags mo eh," pabirong saad ko.  Kumuha ako ng baso at nag-salin ng tubig. Hawak-hawak ko ang baso at binalingan siya ng tingin na enjoy na enjoy sa ginagawa.

Feel na feel niya eh.

"Duhh fyi nahiya pa nga pumwesto sa muka ko yung eyebags."  Tumango ako at natawa na lang.

Gaga talaga. Kumuha na rin ako ng mga kubyertos at nilapag na sa hapag.

"Oh masarap 'to, baka laitin mo na naman 'yan. Marunong din ako mag-luto 'noh. Kala mo naman pang all around the world ang luto mo, che!. Sardinas na ginisa lang naman ang specialty mo eh." Natawa na alng ako sa mga pinag-sasasabi niya. 

"Papasok ka ba sa lunes?" Marahan siyang tumango sa tanong ko.

"Kababalik pa lang ng boss na 'min, bongga naman kasi yung kasalan na dinaluhan eh, sa Greece pa teh! naloka na ang brain cells ko. Jusko sana all na lang," natatawang sambit niya. Alam ko na naman kung saan papunta 'tong usapan na 'to.

"Pag-kinasal kami ng jowa ko gusto ko beach wedding para sosyal." Pinigilan ko ang sarili kong tumawa kaya pinanliitan niya ako ng tingin.

"Wala kang jowa, loka. Mag-hanap ka muna bago ka mag-pantasya ng mga kasal-kasal na 'yan." Sumimagot siya habang ngumunguya at umaktong nasaktan sa sinabi ko.

"Tignan mo 'to. Attitude ka ah? hintayin mo lang makakahanap rin ako ng gwapo at mayaman para bongga." Hinampas niya ang braso ko. Kababaeng tao, kung makahampas para siyang kargador. 

"Gaga ka talaga. Sabihin na nga na 'ting gwapo at mayaman pero, pano kung masama naman ang ugali? oh diba?" Ngumisi lang siya bago tumayo at nilagay ang plato sa lababo.

"Ayos na 'yon 'noh. Keri ko 'yan basta maka score lang." Sinapak ko ang braso niya dahil kung ano-anong pinag-sasasabi ng loka. Mamaya niyan makarating pa kami sa hindi dapat pag-usapan.

"Ako na mag-huhugas niyan." Iniwan niya na ang plato at dumiretso siya sa sala. Binuksan niya ang tv at mas piniling manood na lamang kaysa daldalin ako. 

"Uuwi ka na ba mamaya?" Napatingin siya sa 'kin habang kunot ang noo.

"Bakit? pinapaalis mo na ba ako?" Muli na naman siyang umaktong nasaktan. Kahit kailan baliw talaga 'to.

"Sira. Nag-tatanong lang." Umiling siya at tumawa. Yung tawa niya parang tawa ng bumbay.

"Sa linggo na lang ako uuwi. Nakakabagot naman kasi sa apartment ko eh." Napa kibit-balikat na lang ako at tinapos na ang mga hugasan. 

"May trabaho ako ngayon sa Macario hanggang alas singko ng hapon." Nag- ok sign lang siya at parang baliw na tumatawa mag-isa sa pinapanood. 

"Manonood na lang ako ng tv. Nga pala may dala akong mga kakanin, pinadala ni nanay para sa 'yo." Napangiti ako at sinilip ang plastic bag na madami ang laman. Sa tingin ko mukhang nag-nining-ning na ang mga mata ko sa dami ng pag-kain na ito. 

"Matagal na rin yung huling kain ko ng kakakin ni nanay, salamat dito." Ngumisi lang siya at bumalik na sa panonood.

_ _ _ _ _ _ _

Hinubad ko ang damit at tinanggal mula sa pag-kakapusod ang buhok ko. Mahaba na ito abot na sa bewang ko. Pipihitin ko na sana ang pintuan ng mahagip ng tingin ko ang hiwa sa hintuturo ko. 

Medyo mahapdi pa rin ito pero ayos lang at sanay na ako. Hindi na kailangan pang gamutin dahil mag-hihilom na lang ito ng kusa kagaya ng mga sugat ko noon.

Nang matapos ako maligo ay pinatuyo ko ang buhok ko sa harap ng kakambal ni Ethienne, electricfan dahil wala naman akong blower. Nag-lagay rin ako ng kaunting pulbo at lipgloss para mag-mukha naman akong buhay kahit papaano.

Maputla kasi ako. Pwede nang ihalintulad sa isang patay na nag-lalakad kumbaga. Ang labi ko ay mapusyaw kaya't kinakagat ko ito o binabasa ng laway paminsan-minsan para pumula man lang kahit kaunti.

Hinayaan kong nakalugay ang buhok kong medyo wavy. Suot ko ang isang pares ng puting sapatos at isang kupas na pantalon na parang ginamit na ng ilang taon.

"Alis na ako, ipag-luto mo na lang ang sarili mo ha? uuwi naman ako kaagad."  Binalingan niya ako ng tingin at pinasadahan ako ng tingin mula paa hanggang ulo tila sinusuri ako.

"Yan tama 'yan! mabuti at naisipan mong sundin 'yung mga sinabi ko. Ginamit mo ba yung binili ko sayong lipgloss? Yieee." Tinusok-tusok niya 'yung tagiliran ko at parang timang na tinaas-taas ang kilay niya. 

Matagal ko na iyon ginamit pero ngayon niya lang nakita dahil ngayon lang kami ulit nag-kasama.

"Alis na 'ko." 

"Sige ingat ka ghorl." Ngumiti ako at umalis na. 

_ _ _ _ _ _ _ _ 

Madami nang customer ang nasa cafe. Muntik pa nga akong maipit sa pinto pag-pasok ko dahil labas-masok ang mga tao. Maaga pa lang pero parang tanghali na dahil sa dami ng tao. Madami ang mga estudyante, pero ang mas nakapuno ng mga upuan doon ay ang mga taong nandito dahil may imimeet up sa trabaho nila o kung ano pa man.

"Ang aga ah?" saad ni Giomar. Naabutan naabutan ko siyang nga-pupunas ng mesa na ginagawa niya araw-araw.

"Nandyan na ba si Sir Abbarientos?" Tanging isang iling ang sinagot niya sa 'kin at muling bumalik sa ginagawa.

Si Sir Abbarientos ang manager namin dito. Istrikto at masungit iyon. Ayaw niyang palagi kaming nahuhuli sa trabaho dahil kahit maaga pa lang, dinudumog na kami ng mga customer. Gaya na lang ngayon. 

Madalas niyang mapagalitan ang mga nahuhuli at kahit ako ay napagalitan na nang minsang mahuli ako dahil sa pag-kakaipit ng sinasakyan kong jeep sa traffic. Pag-wala nang customer ang cafe ay pinapauwi niya rin kami kaagad.

"Bilisan mo na. Mag-bihis ka na nandyan na ang sasakyan ni Sir sa labas."  Tila nag-huhurumentado ang puso ko dahil sa anunsyo ng isa sa mga katrabaho ko. Binilisan ko ang pag-galaw ko at mabilis na sumunod sa labas.

Humilera kami at inabangan ang pag-dating ni Sir Abbarientos. Nang tumapak ang paa niya sa loob ng cafe, wala ni isa sa 'min ang nangahas na mag-salita. Sapat na ang presensya niya para kabahan kami.

Pati ang ilang customer na nandoon ay natahimik, pinag-mamasdan ang nangyayari sa paligid nila. Tumigil siya sa pag-lalakad at humarap sa 'kin. Nanlaki ang mata ko at napakurap-kurap na lang sa kaba. Hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan, dahil na din siguro sa motoridad niyang awra. 

Anong gagawin ko?

"Naasan si Yheonara?"  Matigas ngunit pansin ang lambot sa tono. Muntik ko nang makalimutan na bakla nga pala siya pero wala namang kaso iyon. Wala namang pinipili sa kasarian ang pagiging manager. 

Nakahinga ako ng maluwag ng mapag-tanto kong hindi pala ako. Biglang bumukas ang pinto at iniluwa niyon ang bulto ni Yheonara na hinihingal pa at nanlalaki ang mata ng makitang nasa harap na ang manager namin.

"Ss-sir, pasensya na po at nahuli ako. Kinailangan ko pa kasing bumili ng gamot ni Mama," aniya na halatang kinakabahan. 

Tumango-tango siya at nilapitan si Yheonara na hindi na mapakali sa takot.

"Pwede rin namang ipag-paliban iyan diba? bukas sa makalawa o mamaya." Nanuot ang takot sa mukha niya. 

Sa pag-kakataong ito, hindi ko maiwasan ang hindi maawa sa kanya. Kinonsidera man lang sana ng manager namin ang paliwanag niya. 

"Sasabihan ko si Greyshian na bawasan ang sweldo mo. You can now go back to work,"  saad nito at inayos ang necktie.

"P-pasensya na po Sir. Hindi na po mauulit. Kailangan na kailangan ko po kasi ng pera pambili ng gamot ni mama. Huwag niyo pong ituloy, nag-mamakaawa po ako sainyo."

Kulang na lang ay lumuhod si Yheonara na huwag lang iyon gawin dahil bread winner siya ng pamilya lalo na't may sakit ang ina nito. Wala kaming nagawa kundi tignan na lamang siya na nag-mamakaawa.

Nang nawala na ang manager namin. Nilapitan ko siyang nakatulala lang sa counter. 

"Ayos ka lang ba?" tanong ko. Nagulat pa siya dahil hindi niya ata inasahang lalapitan ko siya. 

"Mas maganda na atang sabihing hindi. Ayokong mag-sinungaling," aniya. Hinawakan ko ang mag-kabilang balikat niya at marahang hinaplos iyon.

"Huwag kang mag-alala. 'Di ba kailangan mo ng pera? Papahiramin kita." Napatingin siya sa 'kin sa sinabi kong iyon.

"Huwag na. Nakakahiya naman," aniya. Tumawa lang ako at tinapik ang balikat niya.

"Huwag ka nang mahiya. Diba kailangan ng mama mo ng gamot? matagal pa ang susunod na sahod na 'tin at isa pa, mababawasan ang sweldo mo."  Napag-isip-isip naman siya at tumango na lamang.

"Sige kahit nakakahiya. Salamat ah? babayaran din kita kapag maayos na ang lahat." Nginitian ko lang siya. 

Maliit na paraan lang ito pero alam kong malaking tulong na ito sakanya. Masaya akong makatulong sa iba kahit noong minsan kong kinailangan ng tulong noong nakaraan ay walang tumulong sa 'kin. 

Hindi ko magagawang sisihin at magalit kay Ethienne dahil hindi ko naman sinabi sakanya ang kalagayan ko noon pero isa lang ang sigurado ako, Nakaraan na iyon na dapat kalimutan. 

_ _ _ _ _ _ _ _

"Good morning Sir. Anong order niyo po?" Tanong ko ng biglang may lumapit na lalaki at tumingala para makapili ng oorderin.

"Three hot choco, three cinnamon rolls, capstein din tatlo, and also add three slices of cheesecakes." Tumango ako at kinuha ang inilahad niyang exclusive card ng The Macario. 

"Thank you Sir. Next customer please." Nagulat ako ng makita ko si Herden. Hindi ko inasahan na makikita ko siya dito. Kapansin-pansin ang ngiti sa labi niya ng makilala niya ako.

"Oh, you work here?" Tumango ako at pinag-tuunan pansin ang ginagawa ko. Kailangan ko mag-trabaho dahil hindi ito ang oras makipag-kwentuhan sa kung sino lalo na't nasa harap ko siya. 

"Anong order niyo, Sir?"

"That's too casual though." Tumawa pa siya pero hindi ko iyon pinansin.

Nang wala nang pumila ay inayos ko na lamang ang mga nakadisplay doon na mga pag-kain. Pinunanasan ko rin ang counter table ng biglang sumulpot si Faeye.

"Palit na tayo. Ako naman dyan, ikaw na mag-dala nito 'dun." Nginuso niya ang pag-dadalhan ko ng order. Pinandilatan niya ako kaya't ginawa ko na lamang ang dapat gawin.

Palagi na lang ganoon ang trato niya sa 'kin. Hindi ko nga alam kung bakit pero balewala na rin iyon sa 'kin. Hangga't maari, iiwas ako sa posibilidad na gulo.

"Ma'am, Sir heto na po ang order ninyo," sambit ko at nilapag sa mesa nila ang mga inorder.

"Thank you," dinig kong boses ng babae kaya agad akong nag-angat ng tingin para sana ngumiti at tumango.

Nangunot ang noo ko ng makita ang mukha ng babae. Matangos ang ilong, mapula at medyo pouty ang labi niya, makinis ang balat, mapungay ang mata, mamula-mula ang pisngi.

Napaka ganda niya.

Pamilyar siya sa 'kin. Parang nakita ko na siya dati pero hindi ko maalala kung saan at kailan. Napag-tanto ko na may kamukha siya. May tumikhim at napatingin ako doon. Nanlaki ang mata ko ng mapag-tanto kung sino 'yon.

Si Sir Hyde na naman?! 

Nag-palipat-lipat ang tingin ko sa kanila. Mag-kamukha! mag-kapatid siguro? takang napatingin sa 'kin ang kasama nilang lalaki. Nawiwirduhan na siguro sa mga kinikilos ko.

Pasensya! Gulat na gulat lang talaga ako eh

"Hon? You alright?" dinig kong sabi ng lalaking kasama nila. Marahil ay nobyo o asawa ng babae.

"Ate Marquis, where are we?" tanong ni Sir Hyde.

Ate Marquis? Mag-kapatid nga. Ganda pa naman ng pangngalan niya.

"Uh yeah sorry," saad niya at muli akong tinapunan ng tingin. Nag-madali naman akong umalis doon. 

Halos madapa pa ako habang nag-lalakad paalis. Nakahinga ako ng maluwag ng makapasok na ako sa kusina.

"Hoy! anyare sa 'yo?" Halos mapatalon ako sa gulat ng lumitaw si Maerchie na may dala pang tray. Nakatingin lang siya sa 'kin at naka kunot ang noo niya. 

"H-ha? ah eh w-wala." Mariin akong pumikit at hinawakan ang panga ko. Halos mag-kanda buhol-buhol na ang dila ko sa nerbyos kanina.

Teka, bakit ba ako kinabahan kanina? ang abnormal ko naman masyado eh. 

"Sigurado ka? para kang nakakita ng multo," natatawang sambit niya. Nag-paalam na siya na isiserve na niya ang dala niya.

Bumalik na lamang ako sa labas para mag-punas ng mesa. Naroon pa rin sila. Tumingin ako sa gawi nila at laking gulat ko ng mag-tama ang tingin namin ni Sir Hyde. Nag-taas siya ng kilay kaya nag-iwas agad ako ng tingin.

Nakakahiya!

"Miss excuse me? can you please give me two glasses of water? ayaw kasi ng anak ko nito." Tinuro niya ang frappe na nakalapag sa mesa na hindi pa nagagalaw.

"Ah sige po. Kukuha lang ako saglit." Tumango ang ginang at bumalik naman ako sa kusina para kumuha ng tubig.

"Maerchie pwedeng pahingi ng dalawang basong tubig?" Nag-salin agad siya ng tubig sa dalawang baso. Bumalik ako sa labas at nilapag iyon sa harapan ng mag-inang kumakain.

"Thank you." Tumango ako. Akmang aalis na ako ng mag-salita pang muli ang ginang.

"I like your hair. You're so gorgeous. What's your name? I'm Vener and this is my Son, Calliston, "

"Salamat po Ma'am, " Nahihiyang sambit ko dahil hindi ako sanay na pinupuri. Mas sanay akong hindi pinapansin.

"Hi Calliston." Matamis na ngumiti ang bata. Tantya ko nasa tatlo o apat na taong gulang pa lang ang batang 'to.

"Solene po, Ma'am." Mas nangibabaw ang kaamuhan ng mukha niya ng ngumiti siya. May dinukot siya sa bag niya at napa tingin ako doon.

"Call me if you need any help alright? you we're so nice. I like you," aniya at binigay sa 'kin ang isang calling card na gold na may nakasulat na pangngalan niya. Nag-tataka ako dahil bakit naman niya ako bibigyan nito? gayong hindi naman kami mag-kakilala?

Vener Rae Estanza...

May inabot pa siyang pera at nang tignan ko ito, nanlaki ang mata ko. Limang libo!

"M-ma'am wag na po, nakakahiya," nahihiyang sambit ko pero tumawa na lang siya na parang kakilala niya lang ang kausap niya.

"Nay na 'ko. Wag nang mahiya. Take it and if you need help, don't be shy. I'm one call away." Nahihiyang tumango ako.

"S-salamat po Ma'am. Babalik na po ako sa trabaho, " Nag-paalam na rin ako sa bata.

_ _ _ _ _ _ _ _ _

Mabilis na lumipas ang oras. Napatingin ako sa malaking orasan na nakasabit sa may sa counter. Mag-aalas singko na, tapos na ang trabaho ko ngayong araw.

"Aalis na ho ako Sir. Tapos na ang trabaho ko. " Tumango siya.

"Tutuloy na ho ako Sir." Nilagpasan ko na siya at binalingan ang mga katrabaho kong natitira. Hindi ko na naabutan si Maerchie, maaga kasi iyon nag-oout dahil parttime job niya lang ito.

Lunes hanggang huwebes ako sa Third fractio. Biyernes at sabado naman ako 'dun sa The Macario. Pag-huwebes, hindi na ako pumapasok sa bar at maaga akong umuuwi dahil maaga din akong pumapasok pag-biyernes sa coffee shop. 

Nang makalabas ako sa café, nag-abang agad ako ng masasakyan at nag-tipa ng text kay Ethienne. Sigurado akong bagot na bagot na 'yun doon.

To: Ethienne

Pauwi na 'ko. Ako na ang mag-luluto ng hapunan na 'tin.

Sinend ko iyon at mabilis namang nag-reply ang loka.

From: Ethienne

Oh sige, mag-sasaing na lang ako.

Nang makarating ako sa tinutuluyan ko, naabutan ko pa na nag-lilinis ang loka. Kaya naman pala ang bilis mag-reply kasi nag-ssaoundtrip gamit ang cellphone niya, eh may speaker naman sa gilid.

"Sipag na 'tin ah? hindi ka na sana nag-abalang mag-linis. Malinis pa naman. " Nilapag ko ang bag sa upuan at tinanggal ang sapatos. Nilagay ko iyon sa shoe rack sa likod ng pinto.

"Suntukin kaya kita dyan? hindi ako senyorita ha. Saka wala naman akong ginagawa pero infairness ang linis pa rin dito. Pwede ka nang mag-apply na kasambahay ng presidente." Puna niya kaya natawa ako.

Maya-maya pa'y nilabas ko ang calling card na binigay sa 'kin kanina ni Ma'am Vener. Tiniganan ko iyon. Ano naman gagawin ko dito? hindi naman ako ganun ka feeling close para humingi ng tulong sa kanya eh.

"Oh san yan galing? ganda ng calling card ah." Nakiusyoso naman siya at inagaw sa 'kin ang calling card. Sanay na ako dahil ang hilig niyang mang buraot at umepal. Talent niya ata 'yon.

"Aba! aba! Vener rae estanza?  siya pala ang may-ari ng Mademoiselle basics! sikat na brand ng mga mamahaling makeup yun! teka ba't ka may gan'to? nag-offer ba sayo ng trabaho?" Umiling ako.

"Kumain siya kanina sa café kasama ang anak niya. Humingi lang siya ng tubig tapos pag-balik ko binigyan niya ako niyan, saka binigyan pa ako ng tip," nakangiti kong sambit ng maalala ko kung gaano ka cute ang anak niya. Pinigilan ko lang ang sarili kong pisilin ang pisngi nung bata baka magalit eh.

"Aba, bongga. Sanaol. " Napapalakpak siya at iniwan ko siya sa sala. Kailangan ko na pa lang mag-luto.

"Ano ba ang masarap lutuin?" humalakhak siya habang nakasandal sa dingding na aakalain mong nag-poposing siya. 

"Adobo na lang," suhestiyon niya.

Tinulungan niya akong mag-luto kaya mabilis iyon natapos at nakakain agad kami. Kailangan naming matulog ng maaga, kakayod na naman bukas.

"Mag-kakilala ba kayo ng may-ari ng Mademoiselle basics?" Umiling ako.

"Hindi eh, nag-tataka nga rin ako kung bakit niya ako binigyan ng calling card." Natigilan siya at nilagay sa may baba ang daliri niya at umaktong nag-iisip na parang timang.

"Baka mamaya niyan, lider pala yan ng mga grupo ng mga rapist tapos yang ano mo na ang sunod na wawakwakin. Yuck!" Muntik pa akong masamid ng sarili kong laway.

"Tumigil ka nga, para kang sira." Nag-tawanan kami. Binatukan niya ako kaya ayon, hindi natapos ang gabi na hindi kami nag-babangayan.

Maliit lamang ang apartment ko dahil ito na ang pinakamurang nakuha ko saka ayos naman ito. May dalawang kwarto, si Ethienne ang gumagamit ng isang kwarto kapag nandito siya, kesyo gusto niya daw ng privacy.

Eh sa parang may gagawin akong masama sa kanya o baka nga naman may ginagawang kalokohan ang loka sa kwarto?

                                                           _ _ _

Must have been the wind

Copyright © nostxlgicxx

Nostxlgicxx

A/N: Errors are everywhere so i apologize. I'm trying my best to edit it so you can read it clearly. Here's the chapter 7 of MHBTW. Hope you like it! :) -Nostxlgicxx

| Like

Related chapters

  • Must have been the wind   Chapter 08 - Shy

    Chapter 08 - Must have been the wind Solene "Solene, anak!" Halos mabitawan ko ang kamay ni Mama nang pilit na inaagaw ako mula sa pag-kakayakap sa kanya. Hindi ko alam kung bakit kami napunta dito at hindi ko kilala ang mga taong nasa harap namin. Anong kailangan nila sa 'min? "Mama ayaw ko sa kanila!" sigaw ko at naiyak na lang sa takot, hindi alam ang gagawin. Pinipilit kong abutin ang kamay niya pero dahil sa lakas ng pwersa ng humihila sa 'kin Nakuha nila ako... Nilagyan nila ng piring ang mata ko at tinali din ang mga kamay ko mula sa likod. Patuloy ang pag-hikbi ko. Namanhid ang pisngi ko ng sampalin ako ng malakas, parang nabingi na ang kaliwang tenga ko.

    Last Updated : 2021-07-16
  • Must have been the wind   Chapter 09 - Seatbelt

    Chapter 09 - Must have been the wind Solene Nakatingin ako sa walang lamang plato sa ibabaw ng hapag. Kanina ko pa hinihintay si Mama at hindi ko pa ginagalaw ang ulam na binigay kanina ni Tita Faranh, kabigan at kapit-bahay na'min. May kumatok sa pinto kaya nag-madali akong buksan iyon. Agad na napawi ang ngiti ko ng malamang hindi iyon si Mama, si Tita Faranh lang pala. "Oh, wala pa rin ba ang Mama mo, Solene?" Umiling ako. "Nasaan na kaya 'yon? teka kumain ka na ba?" Napansin ko ang pormal na suot niy, mukhang may pupuntahan siya. "Ba't hindi mo pa ginagalaw ang pag-kain? baka malipasan ka ng gutom," aniya. Nag-tungo siya sa munting kusina na'min pero hindi ako sumunod. Nanatili akong nakatayo s

    Last Updated : 2021-07-17
  • Must have been the wind   Chapter 10 - Yearbook

    Chapter 10 - Must have been the wind Solene Nag-pumilit ako na mag-trabaho hanggang gabi dahil hindi ako pinayagan ni Sir Gaius noong mga nakaraang araw. Mas nakakahiya naman ata kung hindi ako mag-tatrabaho diba? Hindi naman ako kaano-ano ni Sir Gaius para ipag-paliban niya ako sa pag-tatrabaho, kahit sa ganitong paraan man lang ay makabawi ako sa mga mabubuting naitulong niya sa 'kin saka isa pa, ayaw kong abusuhin ang kabaitan niya. "Mix my favorite drink," ani ng isa sa mga regular customer na 'min. Habang binabaha ng mga pangyayari ang utak ko, biglang sumulpot ang isa pa sa mga regular customer dito. Umupo siya sa stoolbar at pumangalumbaba. "Saglit lang po Sir ah?" Tinanguan niya ako at pinanood lang ang pag-halo ko ng mga inumin. Matagal na akong bartender dit

    Last Updated : 2021-07-17
  • Must have been the wind   Chapter 11 - Day off with friends

    Chapter 11 - Must have been the wind Hyde "Yeah, I wasn't ready for that project though," I simply said while feeling the fresh air coming from the terrace of my sister's house. She rolled her eyes as I spill what's on my mind. "You know Mom when it comes to business Hyde. Business is business," she simply said. I gritted my teeth in frustration as I ran my hands through my hair. "Don't pressure me. I'm trying to work on it though so don't worry. " She simply nodded then took a sip in her mango shake. The project is really pressuring me a lot honestly, especially whenever Mom comes off to my mind. I really hate the fact that she can still manipulate and control me. My wings of freedom were locked inside of a cage, even my sister and my brother. &nb

    Last Updated : 2021-07-18
  • Must have been the wind   Chapter 12 - Bar

    Chapter 12 - Must have been the wind Solene Pagod na pagod akong umuwi galing sa trabaho. Kailangan para maitaguyod ko ang sarili ko, ayokong umasa kina Auntie. Pag-pasok ko sa bahay ay bumungad sa 'kin ang mag-inang naka beauty mask na nasa sala. "Nandito na po ako." Inismiran lang nila ako. Balewala na rin iyon dahil sanay na 'ko. Tinaasan naman ako ng kilay ni Astria. Dumiretso ako sa kusina para uminom, tambak-tambak na hugasan ang bumungad sa 'kin kaya napabuntonghininga ako. Hindi ko naman magawang mag-reklamo. Nakikitira lang ako dito. "Oh ano mag-rereklamo ka?" Hindi ko namalayan na sumunod pala sa 'kin si Astria dito at ngayon ay nakatayo siya sa may malapit sa lutuan.

    Last Updated : 2021-07-21
  • Must have been the wind   Chapter 13 - I'll drive you home

    Chapter 13 - Must have been the wind Solene "Mommy andito na 'ko!" Dinig kong sigaw ni Astria mula sa sala. Naka uwi na pala siya. Alam kong siya iyon dahil malakas ang boses niya, pareho sila ng nanay niya. Nag-dalawang isip pa tuloy ako kung mag-babanyo pa ba ako o hindi na. Isa lang kasi ang banyo dito sa bahay. Hindi na ako nakapag-tiis kaya sa huli, kinailangan ko na talagang bumaba. Naabutan ko si Astria na may kasamang lalaki. Matangkad ito ng kaunti sa kanya, medyo magulo ang buhok, may maliit na tattoo sa braso at may suot na itim na hikaw sa kaliwang tenga. Nang mag-tama ang tingin namin ng pinsan ko, inirapan niya lang ako. Ano pa nga bang aasahan ko sa kanya? na yayakapin niya 'ko? "Oh anong t

    Last Updated : 2021-07-22
  • Must have been the wind   Chapter 14 - Calling a friend

    Chapter 14 - Must have been the wind Solene "Teh tara na! dali malilate na tayo!" Nag-over the bakod kami ni Ethienne dahil huli na kami sa klase at hindi na kami pinapasok ng guard.Nakahinga kami ng maluwag nang makarating kami sa room. Napatingin silang lahat sa 'min samantalang literal na nakanganga naman si cheolea habang naka tingin 'din sa 'min. "Omg what happened? ba't now lang kayo?" Umirap lang sa hangin si Ethienne sa tanong ni Cheo kaya ngitian ko siya saka nag-peace sign. May toyo ang loka eh. "Cheo penge nga liptint mo saka 'yung pabango mo. Nakakbwisit, hindi na ako fresh. Tangina kasing kalbong guard 'yun, hindi kami pin

    Last Updated : 2021-07-23
  • Must have been the wind   Chapter 15 - Touch them then i'll see you on court

    Chapter 15 - Must have been the wind Hyde I was busy doing my thing inside the bathroom when I heard my phone beeped outside. It was probably the morons. After I took a shower, I opened the messages one by one. Bumungad sa 'kin ang messages nila na papunta na daw sila sa bar. We'll gonna have a drink tonight to free ourselves from stressful works saka para an rin maka pag-bonding kami. Papa wafuu(Montani) sent a picture. I viewed Montani's pic. He was already at the bar sitting with a group of girls wearing only bralettes knowing him, I'm pretty sure na pabor na pabor sa kanya ang malate kami para makipag-landian pa siya sa mga babae. Papa wafuuu(Montani): Bilisan na niyo mga pare. Hinaharot n

    Last Updated : 2021-07-25

Latest chapter

  • Must have been the wind   Special Chapter

    Special Chapter - Must have been the wind Hyde "Hoy dadi Hyde, bilisan mo na d'yan parang awa mo na! baka mauna pa sa 'yo 'yung bride!" nag-papanic na saad ni Montani. I shooked my head dahil sa pagiging oa niya. Tumayo na ako at sinuot ang coat na nakasampay sa mannequin. Gaius walked closer to me then fixed my necktie. Nakaharap kami sa salamin kaya kitang-kita ko ang tingin sa 'kin ng mga kalalakhang nasa loob ng kwartong ito. Phoenix, Montani, Joah, Gaius, Cross and Reed was here. Nandito 'din si daddy, ang dad ni Solene at ang panganay na kapatid nila ni Cross, si Kuya Craighann. "You look great today," Gaius mumbled and I smiled. "Of course, it's my lucky day." He chuckled ng matapos ayusin ang necktie ko. "Mukhang tao ka na pre

  • Must have been the wind   Epilogue

    Epilogue - Must have been the wind Hyde It was Gaius' birthday so we went to his party. Everyone was enjoying the night while I was busy roaming my eyes all over the place. I caught something, it was her and I almost forgot that she was working with Gaius. I was on my way outside to breathe some fresh air when I saw her with a man and seems like the man was harassing her. I haven't seen her inside the party for about an hour dahil nandito pala siya. I didn't realize too soon that I was already standing right next to them. Just what the hell am I doing? "Let go of her," I calmly said but he just ignored me. I know that she was looking at me but I didn't mind at all. "Bitiwan mo siya ngayon na," I repeated but he real

  • Must have been the wind   Chapter 52 - Conquered

    Chapter 52 - Must have been the wind Hyde "What should I do if my sister did not make it?!" Napasabunot ako sa sarili ko sa ingay ng mga loko. I glared Cross dahil kanina pa siya nag-papabalik-balik. Damn. "Paano kapag hindi nakalabas ang bata?" "Tanga. Ano ang pag-silbi ng ire? kaya nga iire para lumabas ang bata. Alam mo Saldivar lagyan mo nga ng laman ang utak mo minsan," I heard Montani's rant at nag-simula na silang mag-away ni Joah. "Nag-tataka ako kung pano ka naging hollywood actor gayong sobrang bobo mong animal ka," "Pakyu ka. Inggit ka lang kasi halos lahat ng Victoria's secret angels ay naging girlfriend ko. Muntikan pa sana sina Ariana grande, Lilly collins at si Dua

  • Must have been the wind   Chapter 51 - Forgiveness

    Chapter 51- Must have been the windSoleneNalimpungatan ako dahil may naramdaman akong humaplos sa pisngi ko. Napangiti ako ng makita ko kung kaninong kamay iyon. Ibinuklat ko ang isa kong mata at napatakip dahil sa sinag ng araw."Good morning my love, how's sleep?" tanong niya na nakangiti. Napangiti 'din ako dahil isa ito sa mga magagandang naging bungad ko sa pag-gising ko sa umaga."Okay naman, ikaw?""It was good because I knew you were sleeping by my side," saad niya. Hinaplos niya ang tiyan ko, napapikit ako dahil sa kiliting dala n 'yon sa 'kin."Hi there my boy, daddy's here. Can you hear me?" Dinikit niya pa ang tainga niya sa tiyan ko. Parang maririnig siya niyan eh.

  • Must have been the wind   Chapter 50 - I love you

    Chapter 50 - Must have been the windSolene"The jury is thanked and excused. The court is adjourned,"Natulala ako. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o malulungkot. Masyadong mabilis ang mga pangyayari at hindi ko alam kung paano ito ipoproseso sa utak ko. Matapos ang ilang araw na pabalik-balik namin dito ay nangyari na ang dapat mangyari, nakuha ko na ang hustisya sa pag-kamatay ni Astria, Ethienne at para na rin sa sarili ko pero hindi ko alam kung masaya ba ako ngayon na nakamit ko na ang hustisya. Parang hindi ko pa magawang maging masaya."Justice has been served. You're free now, you finally tasted the freedom," saad ni Cross na nakangiti at niyakap ak, yakap ng isang katapid. Siguro nga ito na ang katarungan.Nang tumayo

  • Must have been the wind   Chapter 49 - Farewell

    Chapter 49 - Must have been the windSoleneNaalimpungatan ako dahil sa mga boses na naririnig ko. Nasaan ako?Iginala ko ang mata ko, puro puti lang ang nakikita ko sa paligid. Iginilid ko ang ulo ko at nakita ko doon ang isang babaeng may suot na puting coat, may kausap siyang lalaking naka business attire. Tindig palang niya ay kilala ko na."She's pregnant but the bad news is... ang baba ng bata at mahina ang kapit niya. She needs more rest and she should avoid stress. If this will continue, there's a prospect na makukunan siya,""Is there anything I can do?""Yes, definitely. I highly recommend that you should take her away from stressful things if possible,"

  • Must have been the wind   Chapter 48 - Escape

    Chapter 48 - Must have been the windSoleneHinga, lunok, kagat labi, 'yan ang eksenahan ko sa loob ng kwarto. Hindi ko mawari kung ano ba talagang nararamdaman ko, halo-halo ang takot, pangamba, at iba pang hindi ko maipaliwanag. Sumulyap ako sa orasan, ilang minuto na lang mag-aalas dies na.Mag-tatagumpay kaya kami sa plano ni Astria?'Yan ang paulit-ulit kong tanong sa sarili ko. May tiwala naman ako sa kanya kaya hindi na ako nag-dalawang isip pang tumanggi dahil kalayaan ang katas ng kaunting sakripisyo. Muli akong sumulyap sa orasan, dalawang minuto na lang at kikilos na kami.Tahimik akong nag-dasal na sana walang mangyari sa 'min. Nasa bingit ng kamatayan ang buhay namin ngayon, hindi namin alam kung anong posibleng mangyayari sa 'min. K

  • Must have been the wind   Chapter 47 - Astria Leine Privos

    Chapter 47- Must have been the wind Solene Ilang araw na akong nasa kwartong ito at hindi ko alam kung makakalabas pa ba ako ng buhay. Hindi ko akalain na makakabalik pa akong muli sa kulungang ito. "Tama na," pakiusap ko habang tinatakpan ang sarili gamit ang mga braso. Naiyak na lang ako sa sakit habang paulit-ulit na nag-mamakaawa. "Tama na? hindi, hindi pa ito sapat sa mga ginawa mo sa 'min! pinalamon ka namin tapos lalayasan mo kami?" Hinawakan niya ang panga ko at hinarap ang mukha ko sa kanya. Sinalubong ko ang mga nakakatakot na matang iyon. "Wala kang utang na loob!" Isang mainit na palad ang lumapat sa kaliwang pisngi ko dahilan para matumba ako. Wala akong magawa kundi ang umiyak. Nan

  • Must have been the wind   Chapter 46 - Pain

    Chapter 49 - Must have been the wind Solene Kinaumagahan sinama ako ni Owen sa ospital. Sumama ako kahit na hindi ako nakatulog kagabi. Masakit pa rin sa dibdib ko ang mga pangyayari pero isinantabi ko muna ang mga iyon dahil kailangan ako ng bata. "Magandang umaga, saan ba ang silid ni Orden gamborez?" "Room 112, " "Salamat, " tugon ko sa nurse na nasa front desk. "Sino ba ang nag-babantay sa Kuya mo?" Natigilan siya at nag-angat ng tingin sa 'kin. "Wala po, ako lang. " Ginulo ko ang buhok niya at hinawakan ang balikat niya. "Ga 'nun ba? Tayong dalawa na lang kaya ang mag-babantay? Ayos ba iyon?" Gumuhit ang malungkot

DMCA.com Protection Status