Home / All / Must have been the wind / Chapter 06 - Riotte Strovinstell

Share

Chapter 06 - Riotte Strovinstell

Author: Nostxlgicxx
last update Last Updated: 2021-07-14 10:37:07

 Chapter 06 - Must have been the wind

Solene

Nanatili akong nakatayo habang hinahayaan siyang batuhin ako ng mga masasakit na salita. Sanay na sanay na ako na ba tila parte na ito ng pag-katao ko.

Mag-mula ng tumira ako sa pamamahay nila, ibang-iba na ang buhay ko kung ikukumpara noong buhay pa si Mama. 

"Nasaan ang pera? kailangan ko bumili ng bagong lipstick!" Hinayaan ko siyang halungkatin ang maliit na cabinet ko. Wala naman siyang makukuha diyan.

"Wala na akong pera, binigay ko na sainyo lahat noong nakaraan."  Binalingan niya ako ng tingin. Nanlilisik ang mga mata niya. Buong tapang ko din na sinalubong ang tingin niya, pahiwatig na kaya ko siyang harapin

"Aba't titingin-tingin ka pa d'yan ha? nasaqn ang pera mo? kailangan ko nga sabing bumili ng bagong lipstick!"  Napahiyaw ako sa sakit ng bigla niyang hilahin ang buhok ko.

"Tama na pakiusap, masakit!" Pilit akong nakikiusap na tigilan niya na ang pag-hila sa buhok ko, laking pasalamat ko ng dumating si Auntie dahil kung hindi? baka tuluyan na akong nakalbo.

"Anong nangyayari dito? Astria? Solene?" Nakapamewang na hinarap niya kami. Nag-buga siya ng usok na galing sa sigarilyong nakasuksok sa nangingitim niyang labi.

"Ninakaw niya yung pera ko tapos ayaw pa umamin. Eh kitang-kita ng dalawang mata ko kung paano siya pumasok sa kwarto ko."

Nanlaki ang mata ko ng tinuro ni Astria ang wallet niyang nasa higaan ko. Tinapon niya ito doon kanina habang hinihingan niya ako ng pera. Hinding-hindi ko kailan man magagawang mag-nakaw. Hindi ako ganoong klase ng tao!

Hindi na ako nagulat pa ng lumapat ang isang mainit na palad sa pisngi ko. Alam kong kahit mag-paliwanag ako, hindi pa rin nila ako papaniwalaan dahil puro mali lang ang nakikita nila sa 'kin.

Na 'di hamak na isa lang akong pag-kakamali.

"Aba't walang hiya ka rin eh 'noh? pinag-nakawan mo pa talaga ang anak ko?" Napahawak ako sa kaliwang pisngi ko. Sa tingin ko ay namumula na iyon dahil sa hapdi.

"Hindi ko po iyan magagawa Auntie, hindi ko po kailan man nagawang mag-nakaw," nanginginig ang boses ko habang binabanggit ko ang mga katagang iyon. Nanatiling nakangiti si Astria sa likod ng Nanay niya.

Ito lang ata ang makapag-papasaya sa kanya, ang makita akong nasasaktan at nahihirapan.

Tinignan nila ako na tila ako ang pinaka-maduming tao sa mundo. Ayaw nilang maniwala? wala akong paki alam. Kahit kailan, hindi ko hiniling na maniwala sila sa 'kin dahil alam kong totoo ang mga sinasabi ko at walang mali doon.

"Aba't sumasagot ka pa?" Muling dumapo ang mainit na palad sa isang bahagi ng pisngi ko.

Tila nabingi ako dahil sa lakas ng pag-kakasampal sa 'kin. Para niya na ring sinampal sa 'kin ang katotohanang walang kwenta ako sa mundong ito na puro kamalasan lang ang dala ko sa buhay.

Nag-babadya nang tumulo ang namuong luha sa mata ko. Kalian kaya ako mabubuhay ng payapa?

"Sa susunod na may gawin ka pang kalokohan, lumayas ka na sa pamamahay na ito tutal kaya mo naman ang sarili mo. Hindi ka na bata Solene." Tinalikuran niya ako at lumabas habang naiwan naman sa pintuan si Astria na nakangiti. Nakatingin siya sa 'kin.

"Yan ang bagay sayo, tutal wala ka namang kwenta." Inirapan niya muna ako bago tuluyang bumalik sa kwarto niya.

Ang kwartong gamit ko ngayon ay dating tambakan ng mga gamit. Ang kamang hinihigaan ko ay lumang-luma na na tila ilang higa na lamang dito ay bibigay na ito anumang oras. Ang salamin na basag ay nanatiling paring matatag kahit na marami na itong pinag-daanan.

Hinayaan ko ang sarili ko na umiyak habang nakaupo sa paanan ng kama. Nang medyo gumaan na ang pakiramdam ko, tumayo na ako at nag-simulang ligpitin ang mga nakakalat na gamit na kinalat ni Astria. Nahiga ako sa kama at hinayaan ang sariling dalawin ng antok.

Itutulog ko na lang ito. Sana bukas pag-gising ko maayos na ang lahat. Hindi pa din ako nawawalan ng pag-asa na isang araw ay magigising ako na maayos na ang lahat.

_ _ _ _ _ _ _ _ 

Napatingin ako sa salamin sa suot kong maiksing pulang bestida, makapal na eyeshadow at pulang-pulang lipstick na nasa labi ko. Suot ko rin ang pulang stilletos. Hinayaan ko lang na sumayaw ang buhok kong medyo wavy sa likod at sa balikat ko

Hindi ko matanggal ang tingin ko sa sarili ko sa harap ng basag na salamin.

Hindi ako ito... hindi ko nakikilala ang sarili ko sa suot ko. Parang ibang tao na 'ko.

Dinala ako ni Auntie sa isang motel. Pinilit ko ang sarili kong makisama pero kahit simpleng haplos pa lang ng nasa harap ko ay nag-sitayuan na ang balahibo ko. 

Hindi ko kaya...

"Fulfill my needs tonight," sambit ng lalaki. Hula ko, nasa edad trenta pataas na siya. 

Parang tinakasan ako ng kaluluwa ng bumulong siya sa tainga ko. Pinilit kong ngumiti pero hindi nakikisama ang mga labi ko. Hindi ko namalayan na ang kamay niya ay unti-unting nag-lalakbay na sa mga hita ko.

Kumawala ang isang mainit na luha mula sa mga mata ko.

"What's wrong? why are you crying?" Tanong niya. Napansin kong natigilan siya, umiling lamang ako.

"I'm sorry i can't do this." Nakita ko ang awa sa mga mata niya kaya hindi na ako nag-dalawang isip pang umalis. 

Hindi ko kailan man kailangan ang awa ng kahit sino. Pinulot ko ang pulang stilletos na nasa sahig. Hinayaan niya akong umalis at nag-taka ako dahil hindi niya ako pinigilan saka ko lang napag-tanto na dinala na ako ng mga paa ko sa labas ng motel.

Nakatingala sa umiiyak na kalangitan...

_ _ _ _ _ _ _ _ _

Abala ako sa pag-pupunas ng mesa ng biglang may kumalabit sa 'kin.

"Bakit?"

"Pinapatawag ka ni Sir Gaius. Ayun nakaupo malapit sa counter." Awtomatikong dumapo ang tingin ko sakanya na prenteng nakaupo sa mahabang upuan habang umiinom ng juice at hawak ang cellphone niya. Nilapitan ko siya at napatingin din naman siya sa gawi ko.

"Pinapatawag niyo daw po ako, Sir?" Tumango siya at nilapag sa mesa ang iniinom.

"Can you do me a favor? can you deliver that pizza to Riotte Strovinstell? A friend of mine wants to have a bite of pizza." Tumango ako at napadako ang tingin sa kahon ng pizza. Naka lapag iyon sa ibabaw ng counter table.

"Ngayon na po ba?" Tumango siya at winagayway ang cellphone na hawak. Nakita ko doon ang text sakanya ng kung sino.

"Ayos lang ba sa 'yo na ikaw na ang mag-dala niyan doon?" Tipid akong tumango at ngumiti.

"Ayos lang sir tutal medyo malapit lang din naman ang pag-dadalhan niyan."

Nag-paalam na ako at kinuha ang pizza. Hindi na ako sasakay ng taxi, jeep o kung ano pa man dahil malapit lang iyon sa dito.

"Delivery lang po." Tinanguan ako ng gwardiya at tuluyan na akong pinapasok sa loob ng hotel.

Namanghanga ako sa ganda ng loob nito. Maraming tao ang naroon at hindi na ako mag-tataka kung bakit sikat na sikat itong hotel na ito.

"Good morning Ma'am may I help you?"  tanong ng receptionist. Binigyan ko lamang siya ng isang tipid na ngiti.

"Magandang umaga. Delivery lang po." Pinakita ko ang dala kong pizza. Tumango ang babaeng receptionist at may tinawagan sa telepono kaya pinag-masdan ko muna ang kabuuan ng hotel.

"Ang C.E.O pala ang nag-order niyan. 16th floor, nandoon ang office ni Sir Strovinstell."

"Salamat," tipid na tugon ko at nag-tungo na sa elevator. May iilan akong nakasakay sa elevator na tila nag-mamadali at hinahabol ang oras.

"Yes Ma'am dala ko na po ang mga papapirmahan kay Sir, may kailan lang akong kunin sa taas." Dinig kong tinig ng nasa unahan ko. Matangkad siya, makinis ang balat at higit sa lahat, maganda ang pangangatawan.

Ang ilan ay abala pa rin sa mga trabaho kahit na nasa loob na sila ng elevator. Halatang sanay na sanay na talaga sila.

"What floor, Miss?"  Isang pamilyar na boses ang nag-salita sa likuran ko pero hindi ko muna iyon nilingon.

"16th floor." Sgad niyang pinindot ang button.

"Wait, is that you Solene?" Agad akong napatingin sa likod at nagulat nang mapag-tanto kung sino iyon.

"Oo nga, ikaw Solene!" Bakas sa mukha niya ang tuwa at napayakap sa 'kin.

"Amaia."  Agad akong ngumiti. Napatingin ako sa pormal niyang suot, malayong-malayo kumpara noon.

Si Amaia ay kaklase namin ni Ethienne noong high school. Hindi kami masyadong malapit pero masasabi kong mabait talaga 'to si Amaia. Nagulat nga ako dahil nakilala niya pa ako eh.

"Oh my ghosh. I'm so happy to see you here! kamusta ka na?" Tumabi siya sa 'kin at siniksik pa ang sarili sa gilid. Napatingin naman sa 'min ang iba pang nakasakay sa elevator. 

"Ayos lang ako. Ikaw?" Ang lapad ng ngiti niya, aabot na sa langit.

"Heto, abala sa trabaho. Isa ako sa mga manager dito." Tumango ako bilang sagot.

"Eh ikaw?" Agaran kong pinakita sa kanya ang dala kong kahon ng pizza.

"Sa Third Fractio ako," tipid na sabi ko kaya naman napatango siya at muling ibinalik ang tingin sa 'kin.

"Ikaw ang nag-dedeliver?" Marahan akong umiling. Napag-utusan lang naman ako dahil wala ang delivery boy. Walang mag-hahatid nito dito. Isa pa, simpleng pabor lang naman ito ni Sir Gaius. Madami na siyang naitulong sa 'kin kaya tuwing hihingi siya ng pabor, hinahayaan ko lang siya. 

"Napag-utusan lang, dadalhin ko nga ito ngayon sa C.E.O. Nag-order siya kanina." Tumango siya.

"Ang dami ng nag -ago sayo at mas lalo ka pang gumanda. Aakalain kang isang modelo dahil sa ganda mo," natutuwang sambit niya. Nahihiyang umiling na lamang ako.

"Ikaw din ang daming nag-bago sayo ah? ang tangkad mo na at ang kinis ng balat mo." Natawa siya ang mahina. Yun bang parang sanay na sanay na siyang purihin.

"Syempre kailangan mag-paganda para makasungkit ng engineer o kahit doktor. Chos." Pareho kaming natawa doon. Hindi pa rin pala siya nga-babago.

Nakapag-usap din kami ng medyo matagal hanggang sa mag-paalam na siya. 

"Hope to see you again Solene. Take care." Kinawayan ko siya at ganun din ang ginawa niya bago tuluyang makalabas ng elevator. Nang makarating ako sa 16th floor, nakita ako ang nakasulat sa isang malaking pinto.

CHIEF EXECUTIVE OFFICER AND PRESIDENT.

Marahil ito na nga opisina ng C.E.O at mukhang siya pa ang presidente dito. Agad kong pinindot ang nakita kong doorbell. Kumakabog ang dibdib ko at hindi ko alam kung bakit kinakabahan ako. Maya-maya pa'y may sumilip na babae, mukhang sekretarya dahil sa suot niya.

"Delivery from Third Fractio po." Agad na ngumiti ang babae at niluwagan ang pag-kakabukas ng pinto.

"Papasukin mo," dinig kong boses mula sa loob at ganun na nga ang ginawa ng babae.

"Come in," saad nito. Tumango ako at ngumiti. Sinuklian niya  din ako ng isang matamis na ngiti.

"Magandang tanghali po. Heto na po ang pinapadala ni Sir Ferrel."

"Just put it down right at the center table. Freanceia, go get me some juice." Pamilyar ang boses at napa angat ako ng tingin. Nagulat ako ng makita kung sino ang nasa harap ko.

S-si Sir Hyde?

Siya ang C.E.O ng Riotte Strovinstell?! hindi sa 'kin nabanggit ni Sir Gaius.

Teka? ba't nga naman ba sasabihin sa 'kin ni Sir Gaius ang tungkol sakanya? hindi naman pala kailangan dahil sino ba naman ako?

_ _ _ _ _ _ _ _ _ 

Alintana ang presensya ko dahil nakaharap siya sa laptop niya, abala mag-tipa ng kung ano-ano. Nakatayo lang ako sa harap niya at hinahantay lang siyang abutan ako ng pera.

"Here's the money." Dumukot siya sa wallet niya ng isang libo at nilapag iyon sa mesa niya. Lumapit ako para kunin iyon.

"P-pasensya na Sir pero wala po akong dalang pansukli sainyo." Mataman niya akong tinignan at nalipat sa hintuturo kong may hiwa. Agad ko naman iyong itinago sa 'king likuran.

Nahiwa ito kanina dahil sa sobrang abala ko ay nakalimutan ko nang gamutin ito pero balewala na rin at sanay na ako sa sugat. Pansin ko rin na wala na ang natamo niyang sugat sa panga.

"You can have the change if you want." Kumunot naman ang noo ko.

"H-ho?"

"You can keep the change. It's yours," Pag-uulit niya.  Hindi na ako nag-abalang tumanggi pa dahil alam kong magagalit siya kapag hindi ko iyon tinanggap. Baka sabihin niya pang choosy ako masyado. 

"Salamat Sir, aalis na po ako." Muli ko siyang tinignan at nahuli kong nakatingin din siya sa 'kin kaya nag-madali akong lumabas. Nakahinga ako ng maluwag. Jusko, para akong aatakihin sa puso!

"Ano yun Solene?" tanong ko sa sarili ko. Nag-taka ako dahil hindi ko alam kung bakit ako kinabahan kanina.

Siguro normal lamang iyon tuwing nakakaharap ang isang C.E.O diba? madami ang nag-hahagangad na maka encounter ng C.EO kaya normal lang na kabahan ako. Kagaya na lang sa mga teleseryeng napapanood ko. Kinakain sila ng kaba tuwing makakaharap nila ang C.E.O

Nang makabalik ako, mas dumami na ang customer kaya tumulong na agad ako.

_ _ _ _ _ _ _ _ _ 

"Solene, table 15." Tumango ako at dinala ang mga pag-kain.

"Here's your order Ma'am, Sir enjoy the food." Agad kong binalik ang tray sa kusina.

Mabilis ang oras at hindi ko napansin na gabi na, parang kanina lang ay umaga pa. Alas siete na ng gabi ng may umalingawngaw na putok at biglang nabasag ang dingding na gawa sa salamin kaya nag-panic ang mga tao.

"Everyone duck!"

"What the hell was that?"

"Ano 'yon?"

"Anong nangyayari?" Sunod-sunod na tanong ng mga tao.

Muling umalingawngaw ang putok na sa palagay ko'y galing sa baril at nabasag ang isa pang dingding kaya nag-sipagtaguan ang mga tao sa ilalim ng mesa. Mabuti na lang nga at nakapag-tago kami sa may counter table. Agad na nag-tawag ng pulis si Sir Gaius at ang manager namin.

May nag-iiyakan na ang mga bata na inaalo ng mga nanay nila, may natamaang isa at sinugod agad sa ospital.

"Ako na ang bahala sa mga gastusin niya. I'm sorry for what happened Madamme." Tumango tango ang babae na bakas ang pag-aalala sa mukha sa sinabi ni Sir Gaius.

"Solene come here." Agad naman akong lumapit.

"Bakit po Sir?"  Halata ang pagod sa mukha niya dahil na rin sa dami ng inaasikaso niya.

"Kindly tell your manager na pauwiin kayo ng maaga, ako na ang bahala dito." Tumango ako

"Umuwi ka na rin, take care." Ngumiti ako at tumango.

"Ikaw rin po Sir." Isang tipid na ngiti at tango ang isinagot niya sa 'kin bago binalingan ng tingin ang mga papalapit na pulis.

Mabilis natapos ang araw. Pauwi na ako sa tinutuluyan ko ng biglang nag beep ang cellphone ko. Nakita ko ang dalawang text ni Ethienne at agad na binasa iyon. 

From: Ethienne

Pabalik na ako ng maynila, girl. Malapit na ako.

From: Ethienne:Pasensya na hindi ako nakatawag o nakatext man lang noong mga nagdaang araw. Ang hina ng signal doon sa probinsya. Nakakaputangina!

To: Ethienne

Nasaan kana? sunduin kita sa terminal?

Agad naman siyang nag-reply kaya naupo muna ako saglit sa waiting shed dahil wala pa namang dumadaan na jeep na patungo sa apartment ko.

From: Ethienne

Naku wag na. Pa body guard epek ka pa dyan eh. Sampalin kaya kita 'tamo

To: Ethienne

Hindi. Wala naman akong ginagawa. Galing akong trabaho pauwi pa lang. Saan ka ba bababa? sunduin na lang kita.

Nag-text siya na sa South terminal siya bababa kaya pumara na ako ng jeep ng makakita ako ng isa. Habang binabaybay ang daan papuntang south terminal, napatitig ako sa mga nag-lalakihang mga building ng Maynila. Bigla kong naisip sina Auntie.

Kamusta na kaya sila? ano na ang ikinabubuhay nila mag-mula noong nawala ako sa pamamahay nila? siguro iyon pa rin naman. Baka mas naging masaya sila noong nawala ko dahil wala nang pabigat sa bahay nila. Siguro maganda na rin yung umalis ako dahil kung hindi, hindi rin ako makaka-paghanap ng maayos na trabaho.

Ayoko nang balikan ang trabahong pinagawa nila sa 'kin noon.

Napalinga-linga agad ako ng makababa ako ng jeep, nag-babakasakaling mabilis kong makikita ang loka. Ilang minuto pa ang lumipas bago ko siya makita sa di kalayuan na kababa pa lang ng bus. Agad ko siyang nilapitan at abot langit ang ngiti niya ng makita ako. Sinalubong niya ako ng yakap.

"Kamusta sa probinsya? tagal mong hindi nakapag-text at tawag sa 'kin ah? namiss kita." Ngumisi lamang siya at inayos ang dalang bag.

"Ayos lang, nakakainis lang kasi ang hina ng signal doon." Nag-lakad na kami palabas ng terminal habang dala-dala ang mga bag niya.

"Sina Itay at Inay? mga kapatid mo?" Tumango siya at sinabing maayos ang lagay ng pamilya niya.

"Doon ka na lang matulog sa apartment ko, bukas ka na lang umuwi sa apartment mo. Gabi na." Tumango-tango lang siya.

"Hindi ka ba pumasok? diba sa bar ka ngayon?" Marahan  lang akong umiling.

"Hindi. Maagang pinasara ni Sir Gaius ang Third Fractio, may nangyari kasi kanina." Nag-taka naman siya kaya panay ang kulit niya na ikwento ko na iyon.

Nang makarating kami sa apartment ko, nag-luto muna ako ng makakain na 'min at nag-kwentuhan sa hapag. Nang makuntento na si Ethienne ay natulog na kami.

Mapait akong napangiti at natulala sa kisame.

Sana gan 'to na lang palagi kaso alam kong may sarili kaming mundo.

                                 

                                                        _ _ _

Must have been the wind

Copyright © nostxlgicxx

Nostxlgicxx

A/N: Here's the chapter 6 of MHBTW. Hope you like it! :) -Nostxlgicxx

| Like

Related chapters

  • Must have been the wind   Chapter 07 - The Macario

    Chapter 07 - Must have been the wind Solene Dahan-dahan akong nag-unat at nag-tungo sa kusina matapos mag-ayos ng higaan. Naabutan ko si Ethienne na nag-luluto habang kumakanta pa. Wala sa sariling napangiti ako. Mukha siyang tanga eh. "Ang aga na 'tin ah? hindi ka ba nabitin sa tulog mo? laki ng eyebags mo eh," pabirong saad ko. Kumuha ako ng baso at nag-salin ng tubig. Hawak-hawak ko ang baso at binalingan siya ng tingin na enjoy na enjoy sa ginagawa. Feel na feel niya eh. "Duhh fyi nahiya pa nga pumwesto sa muka ko yung eyebags." Tumango ako at natawa na lang. Gaga talaga. Kumuha na rin ako ng mga kubyertos at nilapag na sa hapag. "Oh masa

    Last Updated : 2021-07-15
  • Must have been the wind   Chapter 08 - Shy

    Chapter 08 - Must have been the wind Solene "Solene, anak!" Halos mabitawan ko ang kamay ni Mama nang pilit na inaagaw ako mula sa pag-kakayakap sa kanya. Hindi ko alam kung bakit kami napunta dito at hindi ko kilala ang mga taong nasa harap namin. Anong kailangan nila sa 'min? "Mama ayaw ko sa kanila!" sigaw ko at naiyak na lang sa takot, hindi alam ang gagawin. Pinipilit kong abutin ang kamay niya pero dahil sa lakas ng pwersa ng humihila sa 'kin Nakuha nila ako... Nilagyan nila ng piring ang mata ko at tinali din ang mga kamay ko mula sa likod. Patuloy ang pag-hikbi ko. Namanhid ang pisngi ko ng sampalin ako ng malakas, parang nabingi na ang kaliwang tenga ko.

    Last Updated : 2021-07-16
  • Must have been the wind   Chapter 09 - Seatbelt

    Chapter 09 - Must have been the wind Solene Nakatingin ako sa walang lamang plato sa ibabaw ng hapag. Kanina ko pa hinihintay si Mama at hindi ko pa ginagalaw ang ulam na binigay kanina ni Tita Faranh, kabigan at kapit-bahay na'min. May kumatok sa pinto kaya nag-madali akong buksan iyon. Agad na napawi ang ngiti ko ng malamang hindi iyon si Mama, si Tita Faranh lang pala. "Oh, wala pa rin ba ang Mama mo, Solene?" Umiling ako. "Nasaan na kaya 'yon? teka kumain ka na ba?" Napansin ko ang pormal na suot niy, mukhang may pupuntahan siya. "Ba't hindi mo pa ginagalaw ang pag-kain? baka malipasan ka ng gutom," aniya. Nag-tungo siya sa munting kusina na'min pero hindi ako sumunod. Nanatili akong nakatayo s

    Last Updated : 2021-07-17
  • Must have been the wind   Chapter 10 - Yearbook

    Chapter 10 - Must have been the wind Solene Nag-pumilit ako na mag-trabaho hanggang gabi dahil hindi ako pinayagan ni Sir Gaius noong mga nakaraang araw. Mas nakakahiya naman ata kung hindi ako mag-tatrabaho diba? Hindi naman ako kaano-ano ni Sir Gaius para ipag-paliban niya ako sa pag-tatrabaho, kahit sa ganitong paraan man lang ay makabawi ako sa mga mabubuting naitulong niya sa 'kin saka isa pa, ayaw kong abusuhin ang kabaitan niya. "Mix my favorite drink," ani ng isa sa mga regular customer na 'min. Habang binabaha ng mga pangyayari ang utak ko, biglang sumulpot ang isa pa sa mga regular customer dito. Umupo siya sa stoolbar at pumangalumbaba. "Saglit lang po Sir ah?" Tinanguan niya ako at pinanood lang ang pag-halo ko ng mga inumin. Matagal na akong bartender dit

    Last Updated : 2021-07-17
  • Must have been the wind   Chapter 11 - Day off with friends

    Chapter 11 - Must have been the wind Hyde "Yeah, I wasn't ready for that project though," I simply said while feeling the fresh air coming from the terrace of my sister's house. She rolled her eyes as I spill what's on my mind. "You know Mom when it comes to business Hyde. Business is business," she simply said. I gritted my teeth in frustration as I ran my hands through my hair. "Don't pressure me. I'm trying to work on it though so don't worry. " She simply nodded then took a sip in her mango shake. The project is really pressuring me a lot honestly, especially whenever Mom comes off to my mind. I really hate the fact that she can still manipulate and control me. My wings of freedom were locked inside of a cage, even my sister and my brother. &nb

    Last Updated : 2021-07-18
  • Must have been the wind   Chapter 12 - Bar

    Chapter 12 - Must have been the wind Solene Pagod na pagod akong umuwi galing sa trabaho. Kailangan para maitaguyod ko ang sarili ko, ayokong umasa kina Auntie. Pag-pasok ko sa bahay ay bumungad sa 'kin ang mag-inang naka beauty mask na nasa sala. "Nandito na po ako." Inismiran lang nila ako. Balewala na rin iyon dahil sanay na 'ko. Tinaasan naman ako ng kilay ni Astria. Dumiretso ako sa kusina para uminom, tambak-tambak na hugasan ang bumungad sa 'kin kaya napabuntonghininga ako. Hindi ko naman magawang mag-reklamo. Nakikitira lang ako dito. "Oh ano mag-rereklamo ka?" Hindi ko namalayan na sumunod pala sa 'kin si Astria dito at ngayon ay nakatayo siya sa may malapit sa lutuan.

    Last Updated : 2021-07-21
  • Must have been the wind   Chapter 13 - I'll drive you home

    Chapter 13 - Must have been the wind Solene "Mommy andito na 'ko!" Dinig kong sigaw ni Astria mula sa sala. Naka uwi na pala siya. Alam kong siya iyon dahil malakas ang boses niya, pareho sila ng nanay niya. Nag-dalawang isip pa tuloy ako kung mag-babanyo pa ba ako o hindi na. Isa lang kasi ang banyo dito sa bahay. Hindi na ako nakapag-tiis kaya sa huli, kinailangan ko na talagang bumaba. Naabutan ko si Astria na may kasamang lalaki. Matangkad ito ng kaunti sa kanya, medyo magulo ang buhok, may maliit na tattoo sa braso at may suot na itim na hikaw sa kaliwang tenga. Nang mag-tama ang tingin namin ng pinsan ko, inirapan niya lang ako. Ano pa nga bang aasahan ko sa kanya? na yayakapin niya 'ko? "Oh anong t

    Last Updated : 2021-07-22
  • Must have been the wind   Chapter 14 - Calling a friend

    Chapter 14 - Must have been the wind Solene "Teh tara na! dali malilate na tayo!" Nag-over the bakod kami ni Ethienne dahil huli na kami sa klase at hindi na kami pinapasok ng guard.Nakahinga kami ng maluwag nang makarating kami sa room. Napatingin silang lahat sa 'min samantalang literal na nakanganga naman si cheolea habang naka tingin 'din sa 'min. "Omg what happened? ba't now lang kayo?" Umirap lang sa hangin si Ethienne sa tanong ni Cheo kaya ngitian ko siya saka nag-peace sign. May toyo ang loka eh. "Cheo penge nga liptint mo saka 'yung pabango mo. Nakakbwisit, hindi na ako fresh. Tangina kasing kalbong guard 'yun, hindi kami pin

    Last Updated : 2021-07-23

Latest chapter

  • Must have been the wind   Special Chapter

    Special Chapter - Must have been the wind Hyde "Hoy dadi Hyde, bilisan mo na d'yan parang awa mo na! baka mauna pa sa 'yo 'yung bride!" nag-papanic na saad ni Montani. I shooked my head dahil sa pagiging oa niya. Tumayo na ako at sinuot ang coat na nakasampay sa mannequin. Gaius walked closer to me then fixed my necktie. Nakaharap kami sa salamin kaya kitang-kita ko ang tingin sa 'kin ng mga kalalakhang nasa loob ng kwartong ito. Phoenix, Montani, Joah, Gaius, Cross and Reed was here. Nandito 'din si daddy, ang dad ni Solene at ang panganay na kapatid nila ni Cross, si Kuya Craighann. "You look great today," Gaius mumbled and I smiled. "Of course, it's my lucky day." He chuckled ng matapos ayusin ang necktie ko. "Mukhang tao ka na pre

  • Must have been the wind   Epilogue

    Epilogue - Must have been the wind Hyde It was Gaius' birthday so we went to his party. Everyone was enjoying the night while I was busy roaming my eyes all over the place. I caught something, it was her and I almost forgot that she was working with Gaius. I was on my way outside to breathe some fresh air when I saw her with a man and seems like the man was harassing her. I haven't seen her inside the party for about an hour dahil nandito pala siya. I didn't realize too soon that I was already standing right next to them. Just what the hell am I doing? "Let go of her," I calmly said but he just ignored me. I know that she was looking at me but I didn't mind at all. "Bitiwan mo siya ngayon na," I repeated but he real

  • Must have been the wind   Chapter 52 - Conquered

    Chapter 52 - Must have been the wind Hyde "What should I do if my sister did not make it?!" Napasabunot ako sa sarili ko sa ingay ng mga loko. I glared Cross dahil kanina pa siya nag-papabalik-balik. Damn. "Paano kapag hindi nakalabas ang bata?" "Tanga. Ano ang pag-silbi ng ire? kaya nga iire para lumabas ang bata. Alam mo Saldivar lagyan mo nga ng laman ang utak mo minsan," I heard Montani's rant at nag-simula na silang mag-away ni Joah. "Nag-tataka ako kung pano ka naging hollywood actor gayong sobrang bobo mong animal ka," "Pakyu ka. Inggit ka lang kasi halos lahat ng Victoria's secret angels ay naging girlfriend ko. Muntikan pa sana sina Ariana grande, Lilly collins at si Dua

  • Must have been the wind   Chapter 51 - Forgiveness

    Chapter 51- Must have been the windSoleneNalimpungatan ako dahil may naramdaman akong humaplos sa pisngi ko. Napangiti ako ng makita ko kung kaninong kamay iyon. Ibinuklat ko ang isa kong mata at napatakip dahil sa sinag ng araw."Good morning my love, how's sleep?" tanong niya na nakangiti. Napangiti 'din ako dahil isa ito sa mga magagandang naging bungad ko sa pag-gising ko sa umaga."Okay naman, ikaw?""It was good because I knew you were sleeping by my side," saad niya. Hinaplos niya ang tiyan ko, napapikit ako dahil sa kiliting dala n 'yon sa 'kin."Hi there my boy, daddy's here. Can you hear me?" Dinikit niya pa ang tainga niya sa tiyan ko. Parang maririnig siya niyan eh.

  • Must have been the wind   Chapter 50 - I love you

    Chapter 50 - Must have been the windSolene"The jury is thanked and excused. The court is adjourned,"Natulala ako. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o malulungkot. Masyadong mabilis ang mga pangyayari at hindi ko alam kung paano ito ipoproseso sa utak ko. Matapos ang ilang araw na pabalik-balik namin dito ay nangyari na ang dapat mangyari, nakuha ko na ang hustisya sa pag-kamatay ni Astria, Ethienne at para na rin sa sarili ko pero hindi ko alam kung masaya ba ako ngayon na nakamit ko na ang hustisya. Parang hindi ko pa magawang maging masaya."Justice has been served. You're free now, you finally tasted the freedom," saad ni Cross na nakangiti at niyakap ak, yakap ng isang katapid. Siguro nga ito na ang katarungan.Nang tumayo

  • Must have been the wind   Chapter 49 - Farewell

    Chapter 49 - Must have been the windSoleneNaalimpungatan ako dahil sa mga boses na naririnig ko. Nasaan ako?Iginala ko ang mata ko, puro puti lang ang nakikita ko sa paligid. Iginilid ko ang ulo ko at nakita ko doon ang isang babaeng may suot na puting coat, may kausap siyang lalaking naka business attire. Tindig palang niya ay kilala ko na."She's pregnant but the bad news is... ang baba ng bata at mahina ang kapit niya. She needs more rest and she should avoid stress. If this will continue, there's a prospect na makukunan siya,""Is there anything I can do?""Yes, definitely. I highly recommend that you should take her away from stressful things if possible,"

  • Must have been the wind   Chapter 48 - Escape

    Chapter 48 - Must have been the windSoleneHinga, lunok, kagat labi, 'yan ang eksenahan ko sa loob ng kwarto. Hindi ko mawari kung ano ba talagang nararamdaman ko, halo-halo ang takot, pangamba, at iba pang hindi ko maipaliwanag. Sumulyap ako sa orasan, ilang minuto na lang mag-aalas dies na.Mag-tatagumpay kaya kami sa plano ni Astria?'Yan ang paulit-ulit kong tanong sa sarili ko. May tiwala naman ako sa kanya kaya hindi na ako nag-dalawang isip pang tumanggi dahil kalayaan ang katas ng kaunting sakripisyo. Muli akong sumulyap sa orasan, dalawang minuto na lang at kikilos na kami.Tahimik akong nag-dasal na sana walang mangyari sa 'min. Nasa bingit ng kamatayan ang buhay namin ngayon, hindi namin alam kung anong posibleng mangyayari sa 'min. K

  • Must have been the wind   Chapter 47 - Astria Leine Privos

    Chapter 47- Must have been the wind Solene Ilang araw na akong nasa kwartong ito at hindi ko alam kung makakalabas pa ba ako ng buhay. Hindi ko akalain na makakabalik pa akong muli sa kulungang ito. "Tama na," pakiusap ko habang tinatakpan ang sarili gamit ang mga braso. Naiyak na lang ako sa sakit habang paulit-ulit na nag-mamakaawa. "Tama na? hindi, hindi pa ito sapat sa mga ginawa mo sa 'min! pinalamon ka namin tapos lalayasan mo kami?" Hinawakan niya ang panga ko at hinarap ang mukha ko sa kanya. Sinalubong ko ang mga nakakatakot na matang iyon. "Wala kang utang na loob!" Isang mainit na palad ang lumapat sa kaliwang pisngi ko dahilan para matumba ako. Wala akong magawa kundi ang umiyak. Nan

  • Must have been the wind   Chapter 46 - Pain

    Chapter 49 - Must have been the wind Solene Kinaumagahan sinama ako ni Owen sa ospital. Sumama ako kahit na hindi ako nakatulog kagabi. Masakit pa rin sa dibdib ko ang mga pangyayari pero isinantabi ko muna ang mga iyon dahil kailangan ako ng bata. "Magandang umaga, saan ba ang silid ni Orden gamborez?" "Room 112, " "Salamat, " tugon ko sa nurse na nasa front desk. "Sino ba ang nag-babantay sa Kuya mo?" Natigilan siya at nag-angat ng tingin sa 'kin. "Wala po, ako lang. " Ginulo ko ang buhok niya at hinawakan ang balikat niya. "Ga 'nun ba? Tayong dalawa na lang kaya ang mag-babantay? Ayos ba iyon?" Gumuhit ang malungkot

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status