LaurenInalalayan ko na bumaba ng kotse si Camela malapit na kasi itong manganak pero ayaw pa rin niyang mag leave sa kanyang trabaho as a CEO of her group of companies. Oo nga pala secretary ako ni hon kaya kahit saan siya mag punta ay nandoon ako. Mas maganda na yun para palagi ko siyang nakikita at nababantayan. Total ayaw naman niyang tumigil mag trabaho eh. Matagal na rin na hindi na ito nag tuturo mula nung ikinasal kami. Yun ay nung time na nag proposed siya sa akin ay yun din ang araw na ikinasal kami. Hindi na daw kasi siya makakapag hintay pa ng kahit isang araw na hindi ako naiuuwe sa kanyang bahay dahil gusto na nga raw ako nitong makasama. Hindi na rin ako nag pakipot pa ng araw na yun. Mabuti na nga rin at yung nag kasal sa amin ay talagang pumunta pa dito sa pinas para lang doon. Sabagay kung pinasundo nga naman ito ni Camela at babayaran ng malaki bakit ba ang hindi. May dalawa na nga pala kaming anak at kambal yun na 5 years old na. Katulad ko rin sila na isang i
"Ano na naman yung kanina ha!!!? Di ba sinabi ko na sa iyo na ayaw kong nag lalapit ka kung kani kanino dyan ha!!! Ang tigas talaga ng ulo mong bwisit ka.!!! Nerd ka na nga e bat ba ang dami pa ring lumalapit sa iyong mga malalandi. At ikaw naman ay gustong gusto mo pa talaga na nilalandi ka. Eh kung pag kakalbuhin ko kaya yung mga malalanding iyon ha? Ano sa tingin mong bwisit ka!!?" Nang gagalaiti nitong sigaw sa akin. Di ko siya maintindihan, kanina pa siya ganyan. Kausap ko lang naman iyong SSC president kanina ay bigla na lang nagalit at hinila ako dito sa kanyang office. Kahit anong isipin ko kasi ay wala talaga akong maalalang nagawa ko na pwede niyang ikagalit. Tapos kanina pa ang sabi nya ng malandi doon sa president namin. Paano naman magiging malandi iyon ay never pa rin ata nagka jowa yun. Puro aral din kasi iyon na katulad ko. Kaya nga magkasundo kami noon eh at palaging nag hihiraman ng mga books na mga hindi pa namin nabasa. Tapos itong dragonang ito ganun na
Lauren Maaga akong nagising ngayong araw na ito. Paano first day of school na naman. Parang di ko man lang naramdaman ang 2 weeks na bakasyon. Paano naman kasi hindi man lang ako pinayagan na makapag bakasyon man lang nila Mommy. Magpahinga na lang daw ako dito sa bahay. Dahil dalawang linggo lang naman daw ang bakasyon. Saka na ako mag vacation ng bongga sa summer. Mag family vacation nalang daw kami hindi yung ako lang magisa. Hindi palang sabihin na gusto lang nilang mag honeymoon ni Daddy dinahilan pa ako kuno. Magiging pasali sali lang naman ako sa dalawa dahil sa ka sweetan nila. Bakit hindi nalang sila mag bakasyon at hayaan din ako sa aking sarili. Duh malaki na ako noh. Kaya ko na ngang makabuntis kung gugustuhin ko lang at ng bubuntisin ko. Gusto ko pa naman sana pumunta sa mga pinsan ko sa Bohol. Miss ko na rin kasi ang mga iyon eh lalo na ang pag hiking namin at paliligo sa dagat. Tsaka like ko rin na maka langhap ng sariwang hangin hindi yung puro usok ng sasakyan
LaurenMatapos lumabas ni Ma'am Angela ay tumayo na ako kaagad at sumaglit muna sa cr. Medyo tinatawag na kasi ako ni kalikasan eh. Paano naman kasi mapapaihi ka talaga pag ito ang naging guro mo. Tapos first subject pa. Hindi man lang ginawang last subject. Wala din itong registrar na to. Paliko na sana ako sa corridor ng biglang may dumaan sa aking harapan sila Ms. Catherine at Ms. Camela. Medyo napatigil naman ako sa mabilis kong paglalakad. Agad kong naramdaman ang pagbilis ng tibok ng dibdib ko ng masilayan ko na naman ang angkin nitong kagandahan. My gosh ang ganda nya talaga. Para siyang diyosa na bumaba sa lupa. Para maghasik ng kamalditahan dito sa mundo. Agad naman akong yumukod sa mga ito sabay bati ng good morning Ma'am. Pero nag tuloy tuloy lang sila ng lakad at di ako pinansin man lang o tinapunan ng tingin. Sabagay sanay naman na ako sa ugali nilang ito. Haist matagal ko na siyang crush mula pa noon first year college palang ako. Ang aking si Ma'am Camela. Ang dyos
LaurenAgad akong napatingin dito ng maramdaman ko ang pag sakit ng aking pisngi. Sa nagtatanong kong mata kung bakit ako nito sinampal ay tinaasan nya lang ng kilay saka ako tinignan ng napaka samang tingin na kulang na lang ay kainin ako nito ng buhay. Huwag siyang ganyan baka siya ang kainin ko pag nag maldita pa sa akin ng ganyan. Baka sabihin naman niya "shit Lauren isa pa nga." Medyo natawa naman ako sa naisip kong kalokohan na iyon. Pero kung magpapakain siya why not diba. Palay na ito men hindi dapat tinatanggihan. Ako pa ba ang maging choosy hello si Ma'am Camela na yan noh. Maya lang ay nagsalita na ulit si Malditang dragon "Pag kinakausap kita ay huwag kang parang tanga dyan na nakatingin lang sa akin. Ano ako kumakausap ng tuod?" Inis na turan nito sa akin. "Sige na pumasok kana sa loob at hindi yung parang tangang nakatayo ka lang dyan. Yung pinag usapan natin kanina. Ayaw ko ng maulit pa iyon ah. Dahil sa susunod eh di kana makakapasok pa sa aking klase. Nagkakainti
CamelaMaaga akong pumasok ngayong araw na ito. First day of school na naman kasi eh. Di na nga ako nakapag breakfast kasi nga medyo late na rin ako nagising. Paano naman kasi nag bar pa kami kagabi ni Catherine dahil may binabantayan ito doon sa bar. Na isang matigas ang ulo na kapatid ng boyfriend niya. Anong oras na kasi bago palang niya ito nilapitan at napapayag ni Catherine na umuwi na. Kung wala pa siguro ditong lumapit na babae at hinarot ito ay malamang na hanggang tingin palang muna ang gagawin nito. Kaya naman medyo puyat din ako. Dahil halos dis oras na ng gabi ng umuwi iyong batang kanyang binabantayan.Di pa lang kasi nilapitan nito at niyaya ng umuwi tuloy na damay pa ako sa pagpupuyat nito. Panay lang naman ang tingin nito ng masama doon sa bata lalo na pag nakikita namin na may kaharutan ito doon. Bilib nga rin ako sa kanya kagabi eh. Alam ko na maikli din lang pasensya nito na katulad naming magkakaibigan kaya napahanga niya talaga ako na nakapag pigil pa sya. Tan
CamelaPagdating ko ng classroom ay biglang nanahimik ang mga estudyante na kanina ay nagkakagulo sa pag iingay na akala mo ay mga nasa palengke lang kung makapag ingay. Parang mga hindi college kung kumilos eh. Sino ba naman kasi ang hindi maiinis kapag ganyan. Hello feeling ba nila mga elementary palang sila na kailangan pang sawayin. Agad nag sipag upuan ang mga ito at may pagtataka sa kanilang mukha kung ano ang ginagawa ko dito sa room nila. Duh di ba halata na ako ang Prof nila ngayon. Mga ta tanga tanga talaga. KainisPero di na lang ako nag komento at umupo muna pansamantala habang hinihintay pa ang aming oras. Tinignan ko lang ang mga ito na parang mga maamong tupa na ngayon na hindi na makakilos. Kahit yata paghinga ng mga ito ay tasado na rin. Maya lang ay may kumilos sa mga ito at mabilis na pinulot ang kalat sa kanyang pwesto banda kaya biglang napatingin ako sa sahig at nakita ko na nagkalat ang mga nilamukos na papel na siyang biglang ikina init ng ulo ko.Mabilis na
LaurenAgad akong kumatok sa pinto ng office ni Janine nang makarating na ako dito sa building nila. Ayaw ko naman na maging bastos at basta na lang papasok sa office nito kahit ba sabihin pang kaibigan ko ito. Alam ko rin naman ang tinatawag na privacy eh. Tsaka andito kami sa office ng SSC so dapat lang na gumalang ako sa kanya. Kahit parang hindi naman kagalang galang pag kaming dalawa nalang. Mukha lang matino ito pero baliw din ito pag nag kasundo mo. Lumalabas ang kanyang pagka childish"Bukas yan, pasok!" Dinig ko naman na sabi nito kaya dahan dahan ko namang binuksan ang pinto nito. Pagpasok ko ay bumungad sa akin ang isang babaeng busy sa pagbabasa ng report. Di ko alam kung ano yung binabasa niya eh. Yun lang ang maganda sa babaeng ito napaka seryoso niya pagdating sa mga paper works. At masyado siyang dedicated sa kanyang katungkulan bilang presidente ng campus. Sobrang proud nga ako diyan eh. Agad naman itong tumingin sa akin sabay baba ng kanyang binabasa pati na rin