LaurenAgad naman itong tumigil sa pag iyak ng marinig ang sinabi ko sa kanya. Bigla na lang akong sinapak nito na hindi ko napag handaan. Shit lang ang sakit nun. Hilo pa nga ako dahil sa hangover tapos bigla ba naman itong manapak. Walastik din talaga ang matandang ito eh. Ang bilis talaga ng kamay. Kakasabi ko pa lang na pinapatawad ko na siya pero ito at nanakit na kaagad. Mukhang nag sisimula na itong maningil sa sinabi kong masasakit na salita ah. "Ano yang sinabi mo na yan Lauren? Mas maganda sa akin ang haliparot na yun? Mahiya ka naman dyan. Wala pa nga sa kalingkingan ko ang babae na yun eh. Kung tutuusin nga para ko lang siyang alalay pag magkatabi kami tapos sasabihin mo sa akin na malalamangan niya ako? Ano yang mata mo gold? Sundutin ko yan eh. Ka bwisit ka talaga." Galit na turan nito sa akin. My god mas pinag tuunan pa niya ng pansin ang sinabi ko na yun kaysa yung pinatawad ko na siya. Walang joe naman oh. Kung hindi lang kita mahal na mahal na matanda ka. Sinasabi
LaurenNaging okay na ulit kami ni Camela. Magkatabi pa rin kami natutulog dito sa kanyang kama at nabigyan na rin niya ako ng maayos na mga damit ko. Ngayon nga ay nag babalak kami na mag ikot dito sa hacienda nila. Gusto ko rin kasi ma experience ang buhay dito sa province. Nag sabi nga ako sa kanya na kung pwede isa sa mga kubo nila dito ay doon kami matulog kahit minsan man lang or mag camping kami banda sa may burol nila. Mukha kasing exciting yun eh. At saka ramdam na ramdam mo talaga na nasa province ka. Hindi katulad Mansion nila na naka Aircon pa na pwede naman sana na hindi.Maaga naman itong nagising dahil hindi ko na siya namulatan pa ngayon eh. Alam ko na nag luluto na ito sa may kusina kaya paunti unti na bumangon na rin ako. Sobrang nakaka hiya na rin kasi kung mag babad pa ako dito sa higaan samantalang kanina pa gising ang may ari ng bahay. At saka nakaka hiya din kay Tito baka kung ano na ang isipin nito sa akin. Ayaw ko pa naman ma bad shot sa aking soon to be fa
LaurenNandito na kami ni Camela sa may talon at nag aayos na siya ngayon ng mga dala namin. May kasama kami kanina na tauhan nila dito sa hacienda na silang nag dala ng mga gamit namin at mga gagamitin namin na pang luto. Manghang mangha naman ako sa aking nakikita. Ganito ang gusto ko na puntahan pag mga sem Break o long weekend. Para mag relax nakaka bawas kasi ng stress ang mga ganitong tanawin eh. Lalo na yung nakikita mo na ang reflection mo sa linaw ng tubig na umaagos ngayon. Mahahata mo na napakalinis pa nito at hindi pa siya ganun ka sagasa ng tao. Kung pwede nga matatawag mo pa siyang virgin eh. Tapos ng ilibot ko naman ang aking paningin ay mga nag tataasang puno ang naka palibot ngayon dito. Hindi naman ako takot sa ganito kasi mahilig din ako mag hiking noon pa. Gusto ko sana na tulungan si Hon na mag ayos ng mga gamit namin ay hindi na naman ito pumayag. Hayaan ko naman daw na pag silbihan niya ako. Kahit sa ganito man lang ay maka bawi siya sa akin na hindi naman na
LaurenNaka uwe na nga pala kami ni Camela dito sa Manila. Kulang isang linggo din na nanatili kami doon. Mabuti na nga lang at Foundation week ng nandoon kami sa hacienda kaya hindi naman halata na nawala kami nito. Yun nga lang at pareho kami na hindi naka attend sa foundation week. Pero okay lang sulit naman ang pag stay namin doon at doon ko rin napatunayan na hindi lang pag mamaldita ang ugali meron ito. Mabait din naman ito paminsan minsan at saka ang sweet niya ha. Tapos maalalahanin din ayaw din nito. na napapagud ako. Kung maaari nga lang daw ay siya ang gagawa lahat para hindi ako mapagud eh. Ano ba naman yan ako ang may lawit pero parang ito ang mas dominant sa aming dalawa. Na parang naka alalay lang ako dito sa mga gagawin niya. Imbis na ito ang umalalay sa akin. Baliktad nga eh. Pero okay lang naman yun kasi nga ganito na ang nakasanayan niya at bakit naman ako mag mamalaki pa dito eh siya nga ang mas mayaman at nakaka angat sa aming dalawa eh. Kaya support na lang sa
LaurenMarami nang nangyari sa loob ng halos isang taon at ito nga malapit na rin akong grumaduate. Sa loob ng mga buwan na lumipas ay nakita ko kung paano na unti unti ng nag bago ang ugali ni Hon. Hindi na ito katulad ng dati na masyadong maldito. Although may pagka maldita pa rin pero hindi na ganun ka grabi. Kaya nga mas lalo tuloy akong na e inlove dito. Sa mga nakalipas na buwan ay nakita ko rin kung paano ito natakot para sa aming dalawa lalo na para sa kaibigan nito na si Ma'am Jane. Lalo na nung na kidnapped ang asawa nito na si Avril. Nakita ko kung paano ito tumulong noon. At kung paano mas naging possessive sa akin. Dapat lahat ng puntahan ko ay alam nito. Kumuha pa nga yan ng bodyguard ko kasi hindi daw siya mapapakali lalo na at nawawala ako sa paningin nito na hindi ko naman na kinuntra pa para na rin sa ika papanatag ng loob nito Maging yung mga kaibigan nga rin nito na Professor ay ganun din ang ginawa sa mga Jowa nila pinag kukuhanan nila ang mga ito ng bodyguar
LaurenInalalayan ko na bumaba ng kotse si Camela malapit na kasi itong manganak pero ayaw pa rin niyang mag leave sa kanyang trabaho as a CEO of her group of companies. Oo nga pala secretary ako ni hon kaya kahit saan siya mag punta ay nandoon ako. Mas maganda na yun para palagi ko siyang nakikita at nababantayan. Total ayaw naman niyang tumigil mag trabaho eh. Matagal na rin na hindi na ito nag tuturo mula nung ikinasal kami. Yun ay nung time na nag proposed siya sa akin ay yun din ang araw na ikinasal kami. Hindi na daw kasi siya makakapag hintay pa ng kahit isang araw na hindi ako naiuuwe sa kanyang bahay dahil gusto na nga raw ako nitong makasama. Hindi na rin ako nag pakipot pa ng araw na yun. Mabuti na nga rin at yung nag kasal sa amin ay talagang pumunta pa dito sa pinas para lang doon. Sabagay kung pinasundo nga naman ito ni Camela at babayaran ng malaki bakit ba ang hindi. May dalawa na nga pala kaming anak at kambal yun na 5 years old na. Katulad ko rin sila na isang i
"Ano na naman yung kanina ha!!!? Di ba sinabi ko na sa iyo na ayaw kong nag lalapit ka kung kani kanino dyan ha!!! Ang tigas talaga ng ulo mong bwisit ka.!!! Nerd ka na nga e bat ba ang dami pa ring lumalapit sa iyong mga malalandi. At ikaw naman ay gustong gusto mo pa talaga na nilalandi ka. Eh kung pag kakalbuhin ko kaya yung mga malalanding iyon ha? Ano sa tingin mong bwisit ka!!?" Nang gagalaiti nitong sigaw sa akin. Di ko siya maintindihan, kanina pa siya ganyan. Kausap ko lang naman iyong SSC president kanina ay bigla na lang nagalit at hinila ako dito sa kanyang office. Kahit anong isipin ko kasi ay wala talaga akong maalalang nagawa ko na pwede niyang ikagalit. Tapos kanina pa ang sabi nya ng malandi doon sa president namin. Paano naman magiging malandi iyon ay never pa rin ata nagka jowa yun. Puro aral din kasi iyon na katulad ko. Kaya nga magkasundo kami noon eh at palaging nag hihiraman ng mga books na mga hindi pa namin nabasa. Tapos itong dragonang ito ganun na
Lauren Maaga akong nagising ngayong araw na ito. Paano first day of school na naman. Parang di ko man lang naramdaman ang 2 weeks na bakasyon. Paano naman kasi hindi man lang ako pinayagan na makapag bakasyon man lang nila Mommy. Magpahinga na lang daw ako dito sa bahay. Dahil dalawang linggo lang naman daw ang bakasyon. Saka na ako mag vacation ng bongga sa summer. Mag family vacation nalang daw kami hindi yung ako lang magisa. Hindi palang sabihin na gusto lang nilang mag honeymoon ni Daddy dinahilan pa ako kuno. Magiging pasali sali lang naman ako sa dalawa dahil sa ka sweetan nila. Bakit hindi nalang sila mag bakasyon at hayaan din ako sa aking sarili. Duh malaki na ako noh. Kaya ko na ngang makabuntis kung gugustuhin ko lang at ng bubuntisin ko. Gusto ko pa naman sana pumunta sa mga pinsan ko sa Bohol. Miss ko na rin kasi ang mga iyon eh lalo na ang pag hiking namin at paliligo sa dagat. Tsaka like ko rin na maka langhap ng sariwang hangin hindi yung puro usok ng sasakyan