Share

Chapter 5

Camela

Pagdating ko ng classroom ay biglang nanahimik ang mga estudyante na kanina ay nagkakagulo sa pag iingay na akala mo ay mga nasa palengke lang kung makapag ingay. Parang mga hindi college kung kumilos eh. Sino ba naman kasi ang hindi maiinis kapag ganyan. Hello feeling ba nila mga elementary palang sila na kailangan pang sawayin. 

Agad nag sipag upuan ang mga ito at may pagtataka sa kanilang mukha kung ano ang ginagawa ko dito sa room nila. Duh di ba halata na ako ang Prof nila ngayon. Mga ta tanga tanga talaga. Kainis

Pero di na lang ako nag komento at umupo muna pansamantala habang hinihintay pa ang aming oras. Tinignan ko lang ang mga ito na parang mga maamong tupa na ngayon na hindi na makakilos. Kahit yata paghinga ng mga ito ay tasado na rin. 

Maya lang ay may kumilos sa mga ito at mabilis na pinulot ang kalat sa kanyang pwesto banda kaya biglang napatingin ako sa sahig at nakita ko na nagkalat ang mga nilamukos na papel na siyang biglang ikina init ng ulo ko.

Mabilis na nagsipag pulutan na rin ang mga ito ng kalat na malapit sa upuan nila at pinag lalagay sa loob ng bag nila. Isa din kasi sa pinakaayaw ko ay ang makalat na classroom nagiinit talaga ang ulo ko kapag ganun.

Wala naman na akong narinig na ingay mula sa mga ito after nila malinis ang loob ng room kaya di ko na pinag aksayahan pa ng oras na tignan sila. 

Nag open lang ako ng laptop na dala ko at tinignan kung ano ang mga topic namin para sa subject na ito. 

Maya lang ay tumunog na ang alarm para sa end ng first period. Kaya tumayo na ako at sinara na rin ang pintuan. 

Mabilis pa naman akong magalit sa mga taong late kaya sobrang strict ako pagdating sa bagay na iyon. 

Ayaw ko lang kasi na mamihasa sila na palaging late at baka isipin pa ng mga ito na okay lang sa akin ang bagay na iyon

Tsaka baka isa buhay pa nila ito at maisip nila na okay lang naman ang late basta hindi absent. Tsk mga utak talangka

Nag umpisa na akong magsalita dito sa harap para kunin ang kanilang class card ng biglang bumukas ang pinto at pumasok ang isang nerd. Yung naka salubong namin kanina ni Catherine sa hallway. 

Agad itong natigilan ng mapansin ako. Para pa nga itong natulala na ewan. Bumati din naman siya ng good morning. Tapos agad ng nag yuko ng ulo nya na para bang biglang nahiya ito sa akin. 

Gusto ko sanang mapangiti sa gesture nito ang cute nya kasi eh. Parang batang nahiya ng makita ang kanyang crush. Ganun na ganun kasi ang itsura nito ngayon eh. Pero pinigilan ko lang ang aking sarili. Ayaw ko magpakita sa mga ito na napangiti ako ng isang nerd lang. 

Pero biglang nangunot ang noo ko ng makita ko na nagpatuloy na ito sa paglalakad at diri diretso papunta sa may dulong upuan banda. 

Agad namang nag salubong ang aking noo dahil sa ginawa nito. Sayang akala ko pa naman ay mabait ang isang ito mukha lang pala. May pagka bastos din pala ito. 

Nang mag tutuloy tuloy pa sana itong mag lakad ay bigla ko na lang kinuha ang attention nito. Aba swerte siya kung papalagpasin ko nalang ito sa kanyang ginawang kabastusan. Di porke na cutan ako sa kanya ay okay na yun. 

"May sinabi na ba akong pwede ka ng pumasok Miss?" Inis na tanong ko dito nakaka init sya ng ulo ha. 

Bigla naman itong nagtaas ng tingin at nagtatakang nakatingin na sa akin ngayon. 

"Lumabas ka muna at hintayin mo ako doon sa labas.!" Sigaw ko dito dahil sa inis sa kanya. 

Agad naman itong umalis sa aking harapan at nagmamadali na lumabas. 

After ko makuha lahat ng mga class card nila ay labas na rin ako upang kausapin si nerd. 

Kita ko ito na naka tingin lang sa kawalan na para bang nakikipag talo pa sa kanyang sarili. 

Gusto ko sanang tanungin kung sino ang nanalo sa kanilang dalawa kung yung utak niya ba o kung yung puso niya. Pero huwag na lang at baka mag feeling close pa ito sa akin.

Agad ko ng kinuha ang attention nito at agad na siyang pinagalitan. Saka ko sinabi ang mga gusto at ayaw ko sa isang estudyante. 

Okay na sana eh pero naka tulala na naman ito sa akin na para bang wala sa mga sinasabi ko ang attention nito. Saan na naman kaya napunta ang isip nito at parang ang layo naman. 

Mukhang nakikipag digmaan pa ito sa kanyang isip dahil naka tingin lang ito sa kawalan tapos biglang iiling at sisimangot.

Dahil inis pa rin ako sa kanya ay di ko maiwasang lumipad ang aking palad sa pisngi nito. Di naman ganun kalakas ang pagka sampal ko sa kanya. 

Gusto ko lang talaga na kunin ang attention nito. Para kasi syang adik eh. Lakas ng amats sa katawan. Kala ko pa naman na kapag nerd ka ay matino ka at matalino. Pero parang kabaligtaran ata nito ang kaharap ko ngayon. 

Pero di ko rin maiwasang humanga sa kulay green nitong mga mata ang ganda kasi. Di na kayang itago ng makapal nitong salamin na suot upang di ko mapansin iyon. 

Tsaka naamoy ko ulit ang pinag halo nyang pabango pati ang kanyang natural scents na nakaka relax sa akin pag naamoy ko ito. 

Agad naman itong tumingin sa akin sa nagtatanong nyang tingin. "Ma'am bakit nyo naman po ako sinampal?" Nag tatakang tanong nito sa akin..

Pero tinaasan ko lang sya ng isang kilay at tinignan ng masama. Aba at ang lakas pa talaga ng loob na magtanong sa akin no. 

"Tama lang yan sa iyo at ng magising ka. Para ka kasing tanga na nakatingin lang sa akin. Oh sya pumasok ka na sa loob at baka kung ano pa maisipan mong gawin." Inis na sabi ko dito. 

Agad naman na itong pumasok pero bago iyon ay sinabi ko sa kanya na sa harap siya umupo banda. Dahil wala akong tiwala dito. Tapos like nya pang sa likod maupo. Di wala na itong ginawa doon kundi ang tumulala na lang sa kawalan. Baka di ako makapag pigil eh lagi ko itong masampal. 

Lumipat naman na ito sa harap at pinagpatuloy ko na ang sinasabi ko sa mga estudyante ko kanina. Tsaka nag sulat sa board ng mga topics namin. After non ay nag dismissed na rin ako kaagad. 

Pero di ko talaga maiwasang di palaging tingnan si nerdy. Ewan ko ba sa aking sarili at bakit gustong gusto ko itong tignan. Ang cute nito kasi eh. Hays makaalis na nga. Baka hindi ako makapag pigil at isama ko pa ito pauwi sa bahay. 

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status