LaurenKatatapos lang namin kumain at nagpapahinga pa kami ni Janine dito sa kanyang office. Maganda kasi tumambay dito eh. May sarili siyang tv at may room pa na pwede kang matulog doon. Minsan nga sinasamahan ko pa yan na mag sleep over dito lalo pa at may mga importante silang ginagawa at kailangang gawin overnight. Lalo na kung foundation week, halos hindi na kami umuuwi ng bahay. Uuwi lang para kumuha ng damit. Hindi ko rin naman kasi siya maiwan lang dito mag isa. Ano pang silbi ko na kaibigan nito kung gagawin ko iyon. Madalas din kasi akong tumulong sa kanila lalo na pag wala naman akong ginagawa at okay lang din naman kila Mommy basta magpapaalam ako sa mga ito. Kaya mas like ko talaga na pumupunta dito kaysa mag pa ikot ikot ako dyan sa campus. Tapos ang makikita ko rin lang naman ay yung mga nag haharutan na estudyante. Maiinggit lang ako nun. Mabuti sana kung kaharutan ko si Ma'am Camela baka sa office na niya ako tumambay pag ganun. Hindi na makikita nitong si Janine ang
LaurenNandito na ako sa party ng classmates ko. Pumunta na rin ako dito para naman makapag relax din at hindi masabihan na snob ako. Ayaw ko pa naman nasasabihan ng ganun. Ako na nga ang niyaya pa importante pa ako. Kanina ko pa rin napapansin na hindi ako iniiwan nitong si Carla at panay pa ang pag bibigay sa akin ng inumin. May balak pa yata akong lasingin ng isang to.Gusto ko mang tanggihan pa ang mga binibigay nitong alak at medyo marami na rin kasi ang nainom ko ay nahihiya naman ako dito. Feeling ko kasi ay parang ako lang ang bisita nito. Paano naman kasi eh sa akin lang halos ito nakatutok buong gabi. Paminsan minsan lang sya kung umalis at iyon nga ay upang kumuha ng alak na iniinom namin. Wala ba siyang bisita na iba? Nag invite pa ng iba tapos parang ako lang naman ang gustong bisita. Tsk Nakakahiya naman doon sa mga pinapunta nito. Dapat sinabi niya na lang sa akin na "hey Lauren inuman tayo one on one" para naman diba napag handaan ko hindi yung nambibigla siya dyan.
LaurenNang makarating na kami sa bahay nito ay pansin ko lang na parang naka tulog na ata si Ma'am. Paano nakapikit ito habang medyo nakabuka ng kunti ang kanyang bibig. Ang cute lang nito sa ayos niyang yun. Mabilis ko naman kinuha ang aking phone at nagmamadaling mag picture dito. Pagkakataon ko na ito kaya lulubos lubusin ko na ngayon. Hindi naman niya malalaman eh. Kaming dalawa lang naman dito sa kotse ko. Kung masama nga lang akong tao baka hinalikan ko na itong si Ma'am Camela pero syempre hindi ko na gagawin ang bagay na yun mas maganda na ang first kiss namin ay yung both na gusto naming dalawa hindi yung ako lang ang nag e enjoy.After ko makakuha ng maraming picture dito ay bahagya ko naman na itong tinapik sa kanyang braso upang gisingin na siya. Panay lang ang tapik ko dito ng mahina at baka masaktan kasi pag nilakasan ko. Ayaw ko pa naman na masasaktan ito. Pero wala pa rin talaga tulog mantika pa rin ito. Ganito pala pag nalalasing si Ma'am Camela. Ang hirap gisingi
LaurenPagdating namin sa aking condo ay agad ko siyang ipinasok sa aking kwarto. Doon ko na lang siya papatulugin para naman maging comfortable ito kahit paano.Wala na rin naman na available na kwarto dito sa condo ko at ginawa ko na siyang storage room. Baka dito na lang muna ako pansamantala sa sala matutulog. Hindi naman pwede na tumabi ako sa kanya kahit gustuhin ko man at chance ko na rin sana yun na maranasan din na makatabi ito sa iisang kama. Pero hindi naman ako ganung klase ng tao na sa samantalahin ang pagkakataon. Mahal ko pa ang buhay ko kaya mag titiis na lang ako na dito muna pansamantala matutulog. Total ngayong gabi lang naman na ito eh. Tsaka mamaya aalis na rin naman yan pag nagising siya. Maingat ko siyang nilagay sa aking kama. Agad ko naman inalis ang kanyang suot na sandals bago inayos ang pagkakahiga nito.Balak ko pa sana siyang palitan ng kanyang suot pero huwag na lang at baka ikapahamak ko lang iyon. Lalo pa at alam ko naman ang ugali nito. Baka mamaya
LaurenNang matapos ako mag explain sa kanya ay dahan dahan ko naman tiningnan kung anong reaction nito. Pero wala pa rin. Nakatingin lang siya na para bang inaalam pa kung nag sasabi ako dito ng totoo o hindi. Ano ba yan? Mukha ba akong hindi mapagkakatiwalaan at ganyannsiya makatingin sa akin. Duh kahit kailan wala pa akong ginawan ng masama kaya wag siyang ganyan. Baka siya pa lang ang una. Pasalamat nga siya at malakas ang pagpipigil ko kaya wala akong ginawang masama sa kanya. Maya lang ay nagsalita na ulit ito. " May nakakita ba sa party na ako ang kasama mo na umalis kagabi?" Mataray na nitong tanong sa akin. "Hindi ko po alam Ma'am, basta binuhat na lang po kita mula sa table nyo pa punta sa aking kotse. Hindi ko na po napansin kung may mga nakakita ba ng ginawa ko. Tsaka wala naman pong problema doon kung meron man dahil lasing na lasing ka at Prof kita malamang na tutulungan po kita." Sagot ko naman dito na kinakabahan na rin. Bakit ba kasi nag tataray siyang ganyan? Dap
LaurenBiglang parang namanhid ang buong katawan ko dahil sa ginawa nito. Hindi ang pag sampal niya sa akin ang dahilan. Kundi ang ginagawa nito ngayon na parang diring diri siya sa akin. Paano naman kasi panay ang punas niya sa kanyang labi na parang may nakakahawa ako na sakit. Pero kung makaganti siya kanina ng halik parang wala ng bukas siya pa nga mas naglapit ng mga labi namin eh paano ikinawit niya pa ang kanyang kamay sa leeg ko tapos kung maka react ngayon ganun ganun na lang. Hayst ibang klase nga naman oo. Agad na akong tumayo mula sa aking kinahihigaan at nag iwas na lang ng tingin dito. Masama ang loob ko sa kanya sa totoo lang. Bakit siya nag a akto ngayon ng ganyan eh gumanti naman siya ng halik sa akin. Tsaka hindi naman sinasadya yung pag lapat ng labi namin ah. Kasalanan niya kaya iyon. Siya itong bigla na lang pumatong sa akin at hinalikan ako. Bahala siya dyan, kung gusto niyang kumain sumunod na lang siya sa akin sa kusina di kung ayaw naman niya di umuwi na la
CamelaPag labas ng room na kinaroroonan ko ngayon ni Fortalejo ay napa padyak na lang ako sa inis ko sa sarili ko. Hindi ko alam kong ano ang pumasok sa isip ko at gumanti ako ng halik sa batang iyon. Ano ba ang nangyari kanina at ganun na lang ang kinilos ko sa harap nito. Ano na lang ang iisipin nito sa akin? na pumapatol ako sa babae at sa estudyante ko pa talaga? My god sobrang nakakahiya talaga ang nangyari na yun. May kung ano na sumapi sa akin nung pag lapat palang ng di sinasadya ng mga labi namin kanina. Parang pakiramdam ko ay tama ang lahat ng nangyari. Shit naman Camela oh. Umayos ka nga matanda na tayo para sa ganyang bagay. Mas lalong nawala ako sa sarili ko ng mag simula na nitong igalaw ang kanyang mga labi. Nawala na lang ako sa aking sarili at gumanti na kaagad ng halik dito. Ang sarap din naman kasi sa feeling habang hinahalikan nito kaya nawala na ako sa wisyo at gumanti na dito. Hindi ko na naisip na estudyante ko nga pala ito at babae pa. Nang makapag isip n
CamelaNang makaupo na ako ay pinag timpla niya kaagad ako ng coffee. Tinikman ko naman ito kaagad pagkababa nya pa lang ng mug sa harap ko. Kailangan ko ito ngayon para magising na ang diwa ko. Baka kasi kung ano lang itong nangyayari sa akin kaya ganito ako ngayon kumilos sa harap niya. Hindi ko naman maiwasang mapapikit dahil nahuli nito ang gusto kong timpla sa kape. Hindi masyadong matamis may kunting tapang lang siya na gustong gusto ko. Ayaw ko kasi yung sobrang tapang naman na kape ang pait na sa panlasa ko yun. Nag sunod sunod na tuloy ang higop ko sa kape. Pag ganito ang kasama ko sa bahay panigurang makakasundo ko ito. Hindi ko kasi makita dito na spoiled siya ng mga magulang niya. kasi naman sobrang sanay siya sa kusina. Maya lang ay naka pag handa na rin ito ng pagkain namin. Nag ra rice din pala siya. Mukhang masarap pa ang pagkaka sangag nito sa kanin. Agad nitong inabutan ng plato at nilagyan ang plate ko ng sinangag. Tsaka nilapit sa harap ko ang mga niluto niton