LaurenNakasimangot na naka sunod lang ito sa akin. Kanina ko pa na papansin na masama na ang timpla nito mula nung sumakay kami sa elevator. Ano na naman kaya ang nangyari at mainit na naman ang ulo nya. Wala naman akong natatandaan na ginawa ko dito na dapat niyang ikagalit. Mukhang sinumpong na naman ng pagka maldita itong si Ma'am. Pwede na ngang sabitan ng kaldero ng nguso nito sa haba ngayon. Gusto ko pa sanang matawa sa itsura nito pero huwag na lang at baka mas lalo lang itong mainis ngayon. Napakamot na lang ako ng ulo na giniya na siya pa punta sa aking sasakyan. Maging mabait na lang ako sa kanya para hindi na ako sungitan nito. Malay mo ma konsensya diba? Inalalayan ko ito habang pasakay siya sa kotse ko ng makapasok na ito ay nag mamadali na umikot ako pakabila upang makapasok na sa driver seat. Nang makapasok na ako ay napansin ko na di pa nito kinakabit ang kanyang seatbelt kaya ako na ang gumawa para dito. Palagi kasing bilin sa akin nila Mommy na always wear your
CamelaNandito na kami sa harap ng bahay ko Kaya agad na akong bumaba sa kotse nito at hindi na ito hinintay pa na ipag bukas niya ako ng pinto. Hindi ko alam kung ano ang nangyayari sa akin ngayon. Dahil parang hindi ako itong nasa katawan ko ngayon. Feeling ko may sumasanib sa akin na kung ano at parang ayaw ko ng umalis pa sa tabi nito kaya habang kaya ko pang pigilan ang aking sarili ay gagawin ko na. Dahil baka kung ano pa ang magawa ko na pag sisihan ko rin sa bandang huli. Sobrang nahihiya na ako sa mga pinag gagawa ko. Ano ang nakain ko at naitanong ko ang tungkol sa babaeng espasol na iyon sa kanya. Hindi ko alam kung ano ang sumanib sa akin kanina. Basta feeling ko kasi ay hindi ako mapakali hanggat hindi ko nalalaman kung ano ang relasyon nilang dalawa ni Fortalejo. At aaminin ko na natuwa ako kanina sa sinabi nito na kaibigan niya lang ang babae na iyon. Para bang nabunutan ako ng tinik sa dibdib at naka hinga ng maluwag ng sabihin nito ang bagay na iyon. Ano bang me
LaurenLunesNagmamadali na akong pumasok sa campus. Paano naman kasi late na ako nagising eh. Napuyat kasi ako kagabi nag laro pa kasi ako ng ML tapos hindi ko namalayan ang oras napansin ko na lang na madaling araw na pala. Tapos hindi ko pa kasi na e set ang alarm ko kaya tuloy feeling ko e maaga pa. Kaya nga nung tinignan ko yung time sa cellphone ko ay nag madali na akong kumilos. Hindi na nga ako nakapag agahan pa sa kamamadali ko. Halos 5 minutes lang yata ang tinagal ko na mag shower at makapag bihis eh. Mahirap ng ma late at terror pa naman ang teacher ko sa first subject. Kaya nga nagmadali na akong pumunta dito sa school mabuti na nga lang at hindi pa ako naabutan ng traffic at medyo malapit din lang naman kasi sa school itong condo ko kaya ganun. Hindi na rin muna ako sisilay sa aking crush dahil hindi ko na rin naman ito naabutan pa. Bawi na lang mamaya sa subject ko sa kanya. Total mag kikita naman kami eh. Lalo pa nga at sa harapan pa ako nito pina pwesto kaya naman
LaurenNaglalakad na ako ngayon pa punta sa office nila Janine. Nang bigla na lang may umakbay sa akin na parang kung sino. Balak ko na sana itong sikmuraan mabuti na lang at naamoy ko siya. Medyo may lahi kasi akong wolf. Hahaha Sa amoy pa lang nito ay alam ko na kung sino ito. "Alam ko na kung saan ang punta mo nyan?" Bulong nito sa akin. "Alam mo naman na pala eh. May kukunin ka pa ba sa office mo?" Tanong ko na lang kay Janine. "Wala naman, bakit mo naitanong?" Kunot noo na balik tanong nito sa akin. "Yayain sana kita na sa labas na lang tayo kumain eh. Gusto ko rin sana na makakain ng ibang putahi at hindi iyong palagi na lang na kinakain natin sa Cafeteria. Nakakapanawa na rin kasi mga foods doon eh. Tsaka para maiba naman ang makikita natin." Sabi ko naman kaagad dito. Tinignan naman ako nito ng maigi kung seryoso ba ako sa aking sinabi sa kanya. Alam naman kasi nito na pinaka gusto ko ay iyong kumakain sa cafeteria dahil madalas kasi na dahilan ay gusto ko lang maka sila
LaurenPabalik na kami dito sa campus ni Janine. Grabi ang babae na ito. Halos maubos na niya ang allowance ko sa loob ng isang Linggo. Ako pa naman ang klase ng tao na hindi pala gastos at halos hindi rin nababawasan ang aking allowance kung hindi lang sa pagkain ito napupunta. Hindi naman kasi ako materialistic na tao na bili ng bili ng kung ano ano kung hindi ko rin lang naman kailangan ito. Hindi din ako yung mahilig mamili ng mga damit dahil wala din akong hilig sa ganun. Nakasimangot lang ako na nakaupo dito sa front seat. Balak ko pa sana na sa may likod umupo kaya lang ay baka mag away lang kami nito. Ngising aso naman ito na naka ngiti sa akin. Halata mo sa itsura nito na ng iinis talaga siya. Sa susunod hindi na talaga ako papayag na ilibre pa ulit ito. Bahala siya dyan. Yung ang mamahal na putahi ba naman ang in order niya eh halos budget ko na ng pagkain yun ng isang buwan eh. Hayst napaka takaw pa. As in saan niya nilalagay ang mga kinakain niya? Hindi naman halata sa
LaurenPapunta na ako sa condo ni Lavine ngayon. Hindi ko na ito sinabi pa kay Janine at mang aasar lang naman kasi ang isang iyon. Baka kung ano pa ang sabihin nito sa akin ay mapatulan ko na siya. Agad na akong sumakay sa elevator ng makarating ako sa parking lot ng building. May dala nga rin pala akong bouquet ng flowers para kay Lavine. Baka kasi sabihin nito na wala man lang akong kadala dala para sa kanya. Tsaka nakakahiya rin kung sarili ko lang ang bitbit ko diba? Kahit ba sabihin na ito naman ang nag invite sa akin eh nakakahiya pa rin kung ganun. Nandito na ako sa may pinto niya ng naisipan ko na mag doorbell. Medyo inayos ko muna saglit ang aking sarili para hindi naman nakakahiya na haharap ako dito. Maya lang ay bigla na lang bumukas ang pinto at lumabas ang isang Lavine na naka dress ngayon at kuntodo ayos nito na para bang may isang dinner date itong pupuntahan. Parang ako pa ang nahiya sa suot ko na naka pants lang at white v neck na shirt and vans naman sa baba.
CamelaMondayNagtuturo na ako dito sa first subject ko. Medyo mainit ang ulo ko ngayon. Halos dalawang gabi na rin kasi na hindi maganda or hindi ako maka tulog ng maayos. Paano naman kasi naiisip ko palagi si Fortalejo. Lalo na ang halik na pinagsaluhan namin nito sa kanyang condo. Hanggang pagtulog kasi ay naiisip ko pa rin yun at kahit nakatulog na ako ay mapapanaginipan ko pa ito. Naman kasi eh sino ba naman makakatulog ng maayos pag ganun di ba? Naiinis na ako sa sarili ko. Alam ko na straight ako at never pa akong nagkagusto sa kapwa ko babae. Kahit ba magaganda ang mga ito ay wala lang sa akin ang mga iyon. Mas iniisip ko pa na mas maganda ako sa kanila . Hindi ako nakaka appreciate ng mga beauty no dahil para sa akin may iba iba tayong kagandhan. Pero bakit pag dating dito kay Fortalejo ay nag iiba ang tingin ko sa kanya? Ano ba namang sakit ang dumapo sa akin at nag kakaganito ako ngayon. Tapos kaninang umaga parang ang sigla ng pakiramdam ko paano makikita ko na naman si
CamelaPaglabas ng asawa ni Jane ay sakto naman na nag text na rin sila Athena, Angela at Catherine na papunta na nga sila dito sa office ni Jane at mag lunch na daw kami. Nag ayos naman na kami ni Jane sabay labas na ng office nito. Sa labas na lang namin sila hihintayin. Medyo okay na rin naman kami ni Catherine ngayon. Nag explain naman na kasi itong mabuti saka sumadya pa talaga siya sa bahay ko kahapon at personal na humingi ng sorry ito sa akin. Todo talaga ang sorry nito kaya sino ba naman ako para hindi ito patawarin. Sabagay sa tagal na namin mag kakaibigan ay hindi naman ito nang iwan. Siguro nga ay todo lang ang galit nito nung gabing yun kaya hindi na ako naalala pa nito. Sabi niya kasi ay binalikan pa niya ako doon ng mga bandang 2 am pero wala na nga raw ako doon at my nakapag sabi pa dito na may nag uwi na daw sa akin kaya nga todo ang pag aalala niya ng gabing yun. Kaya nga daw hindi pa ito nakatulog kakatawag sa akin eh. Naawa naman ako dito dahil sa nalaman ko an