Share

Chapter 3

Lauren

Agad akong napatingin dito ng maramdaman ko ang pag sakit ng aking pisngi. Sa nagtatanong kong mata kung bakit ako nito sinampal ay tinaasan nya lang ng kilay saka ako tinignan ng napaka samang tingin na kulang na lang ay kainin ako nito ng buhay. 

Huwag siyang ganyan baka siya ang kainin ko pag nag m*****a pa sa akin ng ganyan.

Baka sabihin naman niya "shit Lauren isa pa nga." Medyo natawa naman ako sa naisip kong kalokohan na iyon. Pero kung magpapakain siya why not diba. Palay na ito men hindi dapat tinatanggihan. Ako pa ba ang maging choosy hello si Ma'am Camela na yan noh.  

Maya lang ay nagsalita na ulit si Malditang dragon "Pag kinakausap kita ay huwag kang parang tanga dyan na nakatingin lang sa akin. Ano ako kumakausap ng tuod?" Inis na turan nito sa akin. 

"Sige na pumasok kana sa loob at hindi yung parang tangang nakatayo ka lang dyan. Yung pinag usapan natin kanina. Ayaw ko ng maulit pa iyon ah. Dahil sa susunod eh di kana makakapasok pa sa aking klase. Nagkakaintindihan ba tayo Miss? Dagdag pa nito at inis ng tumalikod sa akin saka pumasok na sa loob ng classroom. 

Pansin ko lang dito kay Ma'am nakakarami na ng sabi sa akin ng tanga ito ah. 

Napa buntong hininga na lang ako at agad ng sumunod dito sa loob. Baka kasi pag nag tagal pa ako dito sa labas ay mas lalo akong samain dito. Hay grabe naman itong si crush kung magalit. Need talaga na manampal. Kasalanan ko ba na nakakatulala ang kanyang kagandahan?

Dapat kasi hindi siya nagpapacute masyado sa akin kasi nawawala ako sa wisyo ko eh. 

Nang makapasok na ako sa loob ay agad na akong naupo sa may likod banda kung saan ay doon talaga ang pwesto ko. 

Pero bago ako makaupo ay tinawag na ulit ako ni Ma'am crush. "Miss dito ka banda umupo sa may harap. Wala akong tiwala dyan sa pagmumukha mo na yan kaya dito ka umupo." Walang pakundangan na sabi nito sa akin. As in sinabihan talaga niya ako na di katiwa tiwala ang pagmumukha kong ito? 

Siya lang ang bukod tangi na nakapag salita sa akin ng ganyan. Ang friendly ko pa namang tao tapos ganun lang ang tingin nito sa akin? Hayst talaga naman. Nakakawala ito ng tiwala sa sarili ah. 

Napipilitan naman na naupo ako sa may unahan banda. Kahit na sobrang labag sa loob ko ito ay wala na rin akong nagawa. 

Bakit feeling ko ay pag iinitan ako nito kaya dito niya ako pinaupo sa harap banda. Oh baka naaawa lang siguro ito sa akin na naka salamin na nga ako eh sa dulo pa ako uupo. Siguro ay ganun nga. Pangungumbinsi ko na lang sa aking sarili. 

Mas maganda na iyon na lang ang aking isipin kaysa kung ano pa. Baka masaktan lang ako eh. 

Nang nakaupo na ako sa unahan ay di ko na talaga binalak pa na tingnan ito ngayon. Medyo nag iingat na kasi ako baka dito pa ako matulala eh. Sobrang nakakahiya na talaga iyon. 

Maya lang ay nagsalita na ito ng mga like at dislike nya sa isang estudyante. 

"Pinaka ayaw ko sa lahat ng aking mga estudyante ay ang mga ta tanga tanga. Ayaw ko din ng na la late kahit isang minuto lang  ay late pa rin kayo. Magkaroon ng tatlong late ay e da drop ko na agad sa subject ko. Ang mag absent ng walang dahilan na tatlong beses din ay drop na rin. Kaya sinasabi ko na sa inyo ngayon pa lang." Tuloy tuloy na sabi nito sa amin ng kanyang mga rules na kabisado ko na. 

"Ayaw ko din pala yung di nakikinig sa klase ko. Pag may tinanong ako sa inyo na di nyo nasagot naka tayo lang kayo dyan hanggang matapos ang klase o kaya ay umalis na lang kayo sa klase ko kung di naman pala kayo interesado. Sinasayang nyo lang mga pera ng magulang nyo kung di rin lang kayo mag aaral ng maayos. Nag kakaintindihan ba tayo class?" Sigaw nito sa amin. 

Sabay sabay naman kami nag sabi ng "yes Ma'am dito." After nito masabi mga gusto at ayaw nya ay nag sulat na ito sa board ng aming mga magiging topic sa subject nya. 

Hayst ano ba naman itong si Ma'am Camela first day palang high blood na kaagad. Naku hindi ito maganda para dito. Mabilis itong magkaka wrinkles pag ganito siya palagi. 

Agad ko naman iyong sinulat sa aking notebook saka naka yuko ulit dito sa aking upuan. 

Nahihiya din kasi akong salubungin ang tingin nito sa akin na kanina ko pa napapansin na panay ang tingin sa akin ng matiim.

Iniisip siguro nito kung paano ako ulit nito mapapahiya kaya ganyan siya makatingin sa akin ngayon. O baka naman nag pa plano na ito ng kanyang susunod na hakbang para sa akin. 

Maya lang ay nag dismissed na rin siya sa amin habang matiim pa rin ang tingin nito. 

Nang makalabas na ito ay napahinga ako ng maluwag. Grabe kanina ko pa ito pinipigilan. Para akong nabunutan ng tinik ng maka alis na ito. 

Agad na rin ako tumayo mula sa aking upuan at may pupuntahan muna ako sa SSC may usapan kasi kami ni President na pupunta ako ngayon sa office niya at sabay kaming mag la lunch. Mag luluto daw kasi ito kaya dapat lang eh matikman ko iyon. Ano pa daw ang kwento ng pagiging mag bff namin kung di ako so support sa una niyang pag try na mag luto. 

Pero sana naman eh di sumakit ang tiyan ko at makain ko ng maayos kung anuman ang niluto nito ngayon. Medyo kinakabahan nga ako eh. Baka kasi ma lason ako diba. First time nya daw eh. 

Magaan ang loob na naglalakad na ako papuntang office nito at nagmamadaling pumasok sa loob nito. Nakita ko naman kaagad ang mga nag kalat na SSC officers dito at mga mukhang busy sa kani kanilang ginagawa. Di ko naman napansin si Janine kung nandito rin siya sa labas. 

Maya lang ay itinuro na ako ng secretary nila na nasa kanyang office si Janine at pasukin ko na lang daw ito doon. 

Sabagay sanay naman na ang mga ito sa akin na palaging nandito at madalas pa na tumulong sa kanila lalo na pag sobrang dami nilang ginagawa. Minsan nga inaabot pa kami ng gabi eh.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status