Nagmamadaling bumaba si Aya sa kanilang sala at katatapos lang niyang maligo. Nakalimutan niyang may lakad pala siya ng araw na'yun.
"Kasi ba naman Alyanna, ayan kakapanuod mo ng mga drama sa t.v nalate ka naman tuloy ng gising!" Kastigo niya sa sarili habang nagkukumahog niyang sinusuot ang sneakers na gamit niya sa pag-alis.
Mabilis niyang dinampot ang belt bag na palagi niyang sinusukbit sa maliit niyang bewang para lagyan ng ilan niyang personal na gamit katulad ng di keypad niyang cellphone, wallet at listahan ng paktura ng mga nadedeliver nilang mga gulay mula sa kanilang bukid.
"Apo, dahan-dahan ka at baka madapa ka sa kakamadali mo." Napansin pala ng kanyang lola ang mabilis niyang pagbaba sa hagdan habang may bitbit itong isang plato ng sinangag.
"La' pasensiya na po. Nalate po kasi ako ng gising. Di po ba may nabanggit ako sa inyo kagabi na hindi raw magluluwasan ng gulay sila Tyang Esteng sabi ni She-she at maghahanda raw po sila sa darating na fiesta. Hindi naman po puwede na hindi mamitas ng mga gulay ngayon lola at maraming magulang na mga bunga." Paliwanag niya mula sa kanyang lola habang naglalagay siya ng palaman na peanut butter sa isang pirasong pandesal na kinuha niya mula sa plato.
"Ganon ba apo, pasensiya ka na at hindi ka man lang namin matulungan sa paghahanap ng mga puwedeng magbiyahe ng mga gulay natin." Si lolo niya ang sunod na sumagot. Umiling siya dito pagkatapos niyang kumagat ng malaking piraso ng pandesal na hawak niya.
"Lo...huwag po kayong mag-aalala. Kaya ko pong pangasiwaan ang bukid natin. Basta kayo, dito lang at magpahinga. Kapag lumamig saka na lang kayo bumisita sa bukid at delekado ang init ng panahon ngayon, baka mapano pa kayo ni lola." Pagpapaalala niya sa mga ito, pinagpag pa niya ang mga kamay niya na bahagyang nadumihan dahil sa pandesal na kinain niya.
"Salamat apo, buti na lang at nandyan ka palagi para tingnan ang bukid natin. Dahil kung hindi...paano na tayo hindi ba?" Sabad muli ni lola, nginitian lang niya ito at saka lumapit sa tabi nito. Niyakap pa niya ito mula sa tagliran niya at saka niya idinikit ang mukha niya sa manipis nang mukha ng kanyang lola.
"Lola, ilang beses ko po bang sasabihin sa inyo ni lolo na okay lang ako. Huwag kayong mag-alala at ako ang bahala sa atin. Promise ko po yan sa inyo." Malambing niyang pangako sa mga ito.
Simula ng isilang siya ng kanyang ina sa mundong ito ay ang mga lolo at lola na niya ang tumayong mga magulang sa kanya. Namatay ng maaga ang Mama niya at hindi man lang niya ito nakilala. Ang kanyang namang ama ay hindi rin nabanggit sa kanya ng mga ito kahit kailan. Minsan niyang tinanong ang tungkol dito pero hiniling na lang ng mga lolo at lola niya na huwag ng pag-usapan pa ang tungkol sa ama niya kaya hindi na rin siyang nagpumilit pang alamin ang lahat.
At simula noon at tinanggap na lang niya na ang mga ito ang tanggi niyang pamilya at kayamanan sa mundo. Ang kanyang mga lolo at lola na walang ginawa kung hindi punan ang pagkukulang ng mga magulang niya sa katauhan ng mga ito.Kaya malaki ang utang na loob niya sa kanyang mga lolo at lola. At lahat ay kaya niyang gawin para sa mga ito. Kahit pa buhay niya ay kaya niyang ibigay sa mga ito para lang masiguro niya ang kaligtasan ng mga ito hanggang sa huli.
"Oh ito, baunin mo na lang ito apo sa biyahe at ng hindi ka magutom." Pinagsupot na naman siya ng mga pagkain na maari niyang kainin habang nasa biyahe at pati ang isang thumbler na may isang litro ang laman na tubig ay maayos na ring nakatabi sa isang gilid ng mesa.
"Salamat po lola." Nagmano pa siya sa mga ito bago tuluyang lumabas ng bahay. Pagkalabas niya ng garahe nila ay tinanggalan niya ng takip ang isang lumang owner jeep na ginagawa nilang service para makarating ng bayan o kaya ay mayroon silang pupuntahan na medyo malayo ay pinagtsatsagaan na niyang gamitin ito para makamenos sa pamasahe.
Pinagpagan muna niya ng alikabok ang loob ng owner jeep saka niya inilagay sa loob nito ang mga dala niyang gamit. At ng masiguro niyang maayos na ang lahat ay pinainit naman niya ang makina nito.
Pinaandar niya ito at suwerteng nakuha agad sa isang click ang starter nito. Napangiti siya.
"Ayan, ganyan nga dilaw magbait ka kung ayaw mong matuloy sa junkshop." Dilaw nila kung tawagin ang jeep na ito dahil mas nangingibabaw ang kulay dilaw nitong pintura sa loob at labas nito.
Bumusina pa siya bago tuluyang nag maniobra papalabas ng garahe namin. Maganda ang sikat ng araw at tila nag-aanyaya ng isang masayang pick-nick sa bukid. Kung hindi lang siya pupunta sa bayan ay malamang na nagbibike na siya papunta ng bukid ngayon. Hindi bale, kung susuwertihin ay baka makapitas sila bukas para madala sa palengke. Sana lang ay may mga tindera siyang makausap na puwedeng pagdalhan ng mga bunga ng gulay nilang tanim.
Pumipito-pito pa siya habang madiin ang hawak niya sa manubela. Nginingitian din niya ang mga kakilala niyang nakakasalubong habang tinatahak niya ang daan papalabas ng kanilang barangay.
Nang nasa isang lugar na siya na may mga malalawak na damuhan ang makikita o sabana kung tawagin na kung saan ay may ilang mga nakasugang kambing at baka ay saglit siyang nagbagal para lumanghap ng sariwang hangin sa paligid. Pinagsawa rin niya ang kanyang mga mata sa magagandang tanawin sa kanyang harapan.
Hindi talaga niya ipagpapalit ang buhay na mayroon siya ngayon. Mas gusto pa niyang dito tumanda kaysa ang manirahan sa ibang lugar o syudad na katulad ng Manila.
Payapang lugar, simpleng pamumuhay at tahimik na kapaligiran ito ang mga bagay na kinalakihan niya.
Kasalukuyan siyang palinga-linga sa daan ng bigla-bigla ay may isang fortuner na kotse ang napansin niyang papalapit sa kinaroroonan niya. Ang buong akala niya ay normal lang ang ginagawa nitong pagmamaneho hanggang sa unti-unti ay nakikita niyang parang lumalampas sa gitna ng guhit ng kalsada ang gulong ng kotse na kasalubong niya.
Kinabahan siya bigla at parang wala atang balak na magbagal ang kotse, tuloy-tuloy pa rin ito sa pagtakbo papalapit sa kinaroroonan niya.
Ano ba ang gagawin niya ngayon, hihinto? Kahit na huminto siya ay makakasalubong pa rin niya ang kotse. Bilisan ang takbo? At baka sakaling maiwasan ako ang pagbungo nito sa owner jeep niya? Huli na para magdesisyon siya at halos tumalong ang puso niya sa takot at kaba ng kaunting-kaunti na lang talaga ay mag-aabot ng ang mga ulo ng mga sasakyang gamit nila ng taong nasa loob ng fortuner ng bigla itong pumireno ng malakas.
Dinig na dinig niya ang lakas ng impact ng pagkagat ng preno sa kalsada. Mas lalo siyang kinabahan at natakot pagkatapos. Napapikit na lang siya ng mga mata.
Lord, bata pa po ako. Hindi ko pa po natitikman ang langit dito sa lupa, maawa po kayo!
Sobrang higpit ng pagkakahawak niya sa manubela at kulang na lang ay mahulog sa lupa ang puso niya sa kaba ng mga oras na iyon.
Pagkatapos niyang marinig ang isang malakas na pagpreno ay napadilat siya muli ng mga mata. Napayakap siya sa kanyang sarili gamit ang dalawa niyang braso at kamay na pawang mga nanginginig pa sa takot ng mga sandaling iyon.
Nang mapagtanto niyang buhay pa siya at walang nangyaring masama sa kanya ay sunod niyang tinitigan ang windshield ng kotse na muntik ng bumangga sa owner jeep niya at pumatay sa kanya.
Kahit na hindi pa siya tuluyang nakakabawi sa pagkakagulat niya ay mabilis niyang tinaggal ang lumang seatbelt na nakasuot sa kanyang katawan. Padabog siyang bumaba ng owner niya at nagmartsa patungo sa kotse na nanatiling nakahinto sa harapan ng owner jeep niya.
Lagot sa akin ang kung sino mang hudas na driver ng kotse na'to! At talagang idadamay pa siya sa pagpapakamatay nito?!
Inilang hakbang lang niya ang pagitan ng owner at kotse ng kung sino man ang driver nito sa loob.
Kinalampag niya ang pinto ng kotse nito at saka niya ito pinamaywangan.
"Hoy! Bumaba ka nga dyan hudas ka! At idadamay mo pa talaga ako pagpapakamatay mo hano? Bumaba ka d'yan!" Kinalampag niya muli ang bintana nito, sa pagkakataong iyon ay mas nilakasan pa niya ng todo ang pagkalampag dito para mapilitan siyang harapin ng taong nasa loob nito.
Narinig niyang pinatay ng driver ang makina ng kotse kaya nagka idea siya na bababa na ito at haharapin siya. Hindi nga siya nagkamali ng biglang bumukas ang pinto sa driver's seat nito at nakita niya ang pagbaba ng isang matangkad, maputi at guwapong lalake sa loob nito. Nakasuot pa ito ng goldeng brown na shades na bahagya pang kuminang ng tuluyan na itong nakakababa ng sasakyan.
Nakasuot ito ng isang white shirt na pinatungan ng brown leather jacket. Naka fitted maong pants ito na mas lalong bumagay sa sexy at matipuno nitong katawan. Pinartneran din ito ng isang black leather shoes na mas nagdagdag ng kakaibang dating nito sa kanyang paningin. Para itong isang modelo sa tv na napapanuod niya na may kakaibang karisma ang dating. Bigla tuloy siyang nahiya sa hitsura niya ngayon. Mas muka pa itong balat babae kaysa sa kanya.
Parang naging slow motion bigla ang mga bagay sa paligid niya habang papalapit ito sa kanya. At malayo pa lang ito ay nanuot na sa kanyang pang-amoy ang gamit nitong pabango na mas nagdulot sa kanya ng panandaliang pagkalimot.
Ilang sandali pa nga ay nasa harapan na niya ang lalakeng kanina pa niya kinikilatis sa isip niya. Napaawang ang mga labi niya pagkatapos nitong tanggaling ang shades na suot at tumambad sa kanyang paningin ang mas lalo pang guwapong mukha nito. Maganda ang mga mata nito, matangos ang ilong at mamula-mula ang mukha nito dahil sa bahagyang pagtama ng sikat ng araw sa mga balat nito. Kapansin-pansin rin ang magandang korte ng mga labi nito na lalong nakapagpahinto sa kanyang galit na kulang na lang ay sugurin niya ang kotse nito para komprontahin.
"Miss...!" Narinig niyang untag sa kanya ng guwapong binata na nasa harapan niya. Papitlag siya ng pagkatapos.
"A-hhhh." Uutal-utal niyang sagot dito. Nawala na rin ang kamay niya sa kanyang bewang at napunta ito sa sling ng bag niya at doon siya napakapit ng mahigpit.
"Sorry ha, nalaglag kasi ang cellphone ko at hindi ko agad nakuha kaya hindi ko napansin na paparating ka pala." Pagdadahilan nito s a kanya. Okay fine, nag sorry ito sa kanya. Kaya lang ay may magagawa ba ang sorry niya kung tuluyan siya nitong nabangga at namatay?
"Sa susunod ay mag-iingat ka naman." Kalmado pa niyang sabi dito. Kahit papaano ay nakaya pa niyang kausapin ito.
"I said sorry right? Magkanu ba ang ang naging damage nitong kakarag-karag mong owner jeep? Tell me, how much para matapos na ang usapan natin na'to."
Biglang nagpantig ang tainga niya sa sinabi nito at lahat ng magaganda nitong katangian kanina na bumuhay ng dugo niya ay biglang naglaho. At ngayon ay bigla naman ang pagkulo ng dugo niya dahil sa sinabi nito.
"At ang kapal naman ng mukha mong laitin ng owner ko nuh? Ikaw na nga tong muntik ng pumatay sa akin at bumangga sa sasakyan ko tapos ay ikaw pa ang may lakas ng loob na magtanong ng ganyan sa harapan ko?" Nanggagaliti niyang paratang dito. Nakakainit ng ulo ang mga sinabi nito at talagang tatamaan ito sa kanya kapag hindi nito inayos ang pakikipag-usap nito sa kanya.
"What?!"
"Huwag mo akong i-what-what d’yan hano at baka gusto mong tuluyang masira ang kotse mo ngayon." Banta niya dito. Hindi siya magpapatalo dito, at halatang hindi naman ito taga Ilocos, sa hitsura pa lang nito. Siya ang nasa teritoryo niya, hindi siya ang dapat na matakot dito.
"Okay, just tell me how much money you need just to repair your..." Bigla itong napatigil sa pagsasalita at saka saglit na sinulyapan ang owner jeep niyang kaunting-kaunti na lang talaga ay hahalik na sa nguso ng magara nitong kotse. Hindi man nito tinuloy ang sasabihin nito ay paniguradong may patungkol na naman sa panglalait ng sasakyan niya ang hindi nito masabi-sabing bagay kanina lang.
"At aba talaga namang," gigil na naman niyang hirit dito."Hoy lalake ka, hindi ko kailangan ng pera mo okay?! Kaya kong ipagawa ang owner jeep ko na hindi humihingi ng pera sayo hanu! Kala mo to kung sino." Nanggagalaiti na naman niyang sagot sa harap nito.
Nakita na lang niyang isinuot nito muli ang shades na hinubad nito at napapailing na tinalikuran siya.
Aba at talaga naman...Urggggghhh! Buwisit talaga ang lalakeng to! Panira ng umaga.
"Hoy, hindi pa tayo tapos mag-usap!" Hindi siya pinansin nito at nagdirediresto itong sumakay sa loob ng kotse nito.
Napabuga na lang siya sa hangin dahil sa inis at buwisit sa lalakeng bigla na lang siyang tinalikuran.
At ilang sandali pa nga ay inatras nito ang kotse nito papalayo sa nguso ng owner niya. Nakaharang pa siya sa gitna ng daan kaya sunod niyang narinig ang malakas na pagbusina nito sa kanya.
Napaka kapal talaga ng libag nito at talagang ito pa ang may ganang gawin sa kanya ang bagay na yun?
Muli siya nito binusinahan at tangka pang sasagasaan kaya wala na siyang nagawa kung hindi ang tumabi na sa onwer niya para makaraan ito.
"Ma flat sana ang lahat ng gulong mo! At mawalan ka ng gas sa gitna ng daan! Tukmol ka!" habol niyang sigaw dito.
Napahawak na lang siya sa kanyang bewang at napatingin sa owner jeep niyang muntik ng madala ng tuluyan sa junk shop dahil sa kagagawan ng mayabang at walang modong lalake na iyon. May araw din ang taong katulad niya. Alo na lang niya sa sarili at kahit buwisit na buwisit ay pinilit pa rin niyang tumuloy sa pupuntahan niya ng araw na iyon.
MARCUS I hate this day! Bukod sa napilitan akong umuwi ng Ilocos Sur dahil sa pakiusap ni Dad ay muntik pa akong makaaksidente ng isang bruskong babae. My D+ad asked me to endorse him in the upcoming election. We never had that close relationship just like a normal father and son. Maybe because from the start, I chose to live far from them. Sa kanila nila Kuya Sandro. Mas pinili kong sumama kay Mama sa Manila at dun manirahan. They never separated, but civil at least. May pangalan pinapangalaan si Dad so hindi puwedeng basta na lang makipaghiwalay si Mama sa kanya kahit na hindi na magkasundo ang dalawa. Suddenly ay bigla na lang naging iba ang pakikitungo ng dalawa sa isa't isa until my mom decided to live in Manila with me. Hindi ko alam kung ano ang naging agreement nila ni Dad, but they both chose to live separately. Kapag kailangang umuwi ni Mama at may gathering na pupuntahan si Dad na k
“Alyanna!” isang boses ang umalingawngaw sa buong kabahayan nila Aya ng umagang iyon at kulang na lang ay mabulabog ang mga butiki at gagamba sa itaas ng kisame namin sa lakas ng boses ni She-she. “Uy, ano ba…may sunog lang ba at kulang na lang ay mapugto ang leeg mo sa kakahiyaw d’yan?” Inis kong tanong sa kanya ng makababa ako mula sa limang baitang na hagdan ng bahay namin. “Ay, sorry naman. Naexcite kasi ako...” Agad ay sagot niya sa akin ng walang paalam itong umupo sa kawayang upuan namin sa sala. “Tsssk! At ano naman iyon aber?” Naiiling kong tanong kay She-she na habang tumatagal ay lumalala ata ang kulay ng buhok nito. Noong nakaraang araw lang ay kulay pula na parang panabong na manok ang
MARCUS I hate this day! Bukod sa napilitan akong umuwi ng Ilocos Sur dahil sa pakiusap ni Dad ay muntik pa akong makaaksidente ng isang bruskong babae. My D+ad asked me to endorse him in the upcoming election. We never had that close relationship just like a normal father and son. Maybe because from the start, I chose to live far from them. Sa kanila nila Kuya Sandro. Mas pinili kong sumama kay Mama sa Manila at dun manirahan. They never separated, but civil at least. May pangalan pinapangalaan si Dad so hindi puwedeng basta na lang makipaghiwalay si Mama sa kanya kahit na hindi na magkasundo ang dalawa. Suddenly ay bigla na lang naging iba ang pakikitungo ng dalawa sa isa't isa until my mom decided to live in Manila with me. Hindi ko alam kung ano ang naging agreement nila ni Dad, but they both chose to live separately. Kapag kailangang umuwi ni Mama at may gathering na pupuntahan si Dad na k
Nagmamadaling bumaba si Aya sa kanilang sala at katatapos lang niyang maligo. Nakalimutan niyang may lakad pala siya ng araw na'yun. "Kasi ba naman Alyanna, ayan kakapanuod mo ng mga drama sa t.v nalate ka naman tuloy ng gising!" Kastigo niya sa sarili habang nagkukumahog niyang sinusuot ang sneakers na gamit niya sa pag-alis. Mabilis niyang dinampot ang belt bag na palagi niyang sinusukbit sa maliit niyang bewang para lagyan ng ilan niyang personal na gamit katulad ng di keypad niyang cellphone, wallet at listahan ng paktura ng mga nadedeliver nilang mga gulay mula sa kanilang bukid. "Apo, dahan-dahan ka at baka madapa ka sa kakamadali mo." Napansin pala ng kanyang lola ang mabilis niyang pagbaba sa hagdan habang may bitbit itong isang plato ng sinangag. "La' pasensiya na po. Nalate po kasi ako ng gising. Di po ba may nabanggit ako sa inyo kagabi na hindi raw magluluwasan ng gulay sil
“Alyanna!” isang boses ang umalingawngaw sa buong kabahayan nila Aya ng umagang iyon at kulang na lang ay mabulabog ang mga butiki at gagamba sa itaas ng kisame namin sa lakas ng boses ni She-she. “Uy, ano ba…may sunog lang ba at kulang na lang ay mapugto ang leeg mo sa kakahiyaw d’yan?” Inis kong tanong sa kanya ng makababa ako mula sa limang baitang na hagdan ng bahay namin. “Ay, sorry naman. Naexcite kasi ako...” Agad ay sagot niya sa akin ng walang paalam itong umupo sa kawayang upuan namin sa sala. “Tsssk! At ano naman iyon aber?” Naiiling kong tanong kay She-she na habang tumatagal ay lumalala ata ang kulay ng buhok nito. Noong nakaraang araw lang ay kulay pula na parang panabong na manok ang