Share

Chapter 92

Dumating ang tatay ni Dulce. Nakangiti itong humarap sa kanila.

'Bobo mo Bernard.. inisip mong sugar daddy ni Dulce yung tatay niya' sabi niya sa sarili.

"Pa, si Bernard po kaibigan namin. Bernard, ang tatay ko, si Morgan Baretto." pakilala ni Dulce.

Natigilan sila nung magkakamay na, saka ngumiti si Morgan at inabot ang palad niya.

"Kumusta ka hijo? ang gwapo mong bata" bati nito.

Biglang pumintig ng malakas ang kanyang puso. Hindi niya maintindihan kung bakit.

"Ayos naman po, kayo po sir kumusta?"

"Naku, tito na lang. Buti naman at may ipinakilala ng lalaki ang batang ito, akala ko tomboy siya hahaha" sabi ni Morgan.

"Papa, ano ka ba? magiging boyfriend yan ni Marie" nakangusong sagot ni Dulce.

"Ay siya nga ba? ay maganda naman talaga si Marie, hala sige, maupo na kayo." nakangiting anyaya ni Morgan.

Dumating ang drinks at pagkain. Ang daming pulutan. May mani, chicharong bulaklak, inihaw na liempo, inihaw na isda. May kanin din saka desert na buko pandan.

Nagtatawanan ang mga babae
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status