May pabilog na mesa sa loob ng opisinang pinagdalahan sa kanila ni Dulce. May maliit pang bilog na umiikot sa gitna nito."Wow, yayamanin talaga kayo" biro niya kay Dulce."Dito kami nag ooffice ni papa. Pero madalas, ako lang at si kuya Frank ang narito. Nakafocus kasi si papa sa mga resorts and hotels." sabi ni Dulce. Napansin nitong sa mga drawing sa wall nakatingin si tita Ludy "yan po ang past time ko tita. Biniyayaan po ako ng magaling na kamay.""Pareho pala tayo" nakangiting sagot ni tita Ludy "kapag wala akong ginagawa, nagdodrawing ako""Pareho po pala tayo" masayang sabi ni Dulce."Magaling sigurong gumuhit ang tatay mo?""Naku, hindi nga po eh.." napakamot si Dulce sa ulo."Wow, Dulce, tayong apat nina Marga at Flor" nakita niya ang isang portrait sa gilid."Hindi ko pa naiisabit yan, kasi plano ko dito, pero mas okay ata na nasa kwarto ko, baka mabenta kayo sa mga investors hahaha""Ang galing talaga ng kamay mo.. gusto mo ba magchallenge tayo mamaya?" hamon ni tita Ludy.
POV: BernardInis na inis siya sa mama niya. Pag bangon niya kasi ng umaga, wala na ito. Sinabi pa naman niya kay Morgan na makikipagkita sila dito."Tito, nakakahiya po, umalis po si mama eh" nung tawagan niya ito.---'Okay lang hijo, may nect time pa naman'Ang mama niya talaga, pakiramdam niya ay may kinakatagpong batang lalaki. Kung kailan tumanda saka naiisipang maghumarot.Tanghali na ito kumontak sa kanya."Ma, umuwi ka na nga! hindi ka man lang nagpapaalam kung saan ka pupunta!" sita niya dito.---'nagsimba lang ako anak, ano ka ba'"Pero hindi ka nga nagpaalam di ba? aayain pa naman kita!"---'oh sige uuwi na ko''Ang hirap magpalaki ng magulang ngayon. Kung kailan tumanda saka kung kani kanino nakikipagkita!'Nagulat siya sa Van na puti na pumarada sa harapan ng bahay nila. Mas lalo pang nanlaki ang kanyang mga mata, nung makitang bumaba ang ina niya mula dito."Maaaa!" tawag niya sa ina."Oh, anak, maganda ba?""Kailan kayo bumiling van?""Busy ka kasi, last week pa yan. An
College pa lang ako, nung makilala ko si Maximino Espina. Sa canteen ng school siya nagtatrabaho. Ikinukwento siya sakin ng mga kaibigan ko, subalit ako naman ay walang pakialam kung sino man siya, dahil hindi naman ako pumupunta sa canteen ng school.Out of curiosity, kasi pati mga nakakasalubong ko siya ang bukambibig, nung minsang ayain ako ng mga friends ko na kumain sa canteen, sumama ako.Naupo kami sa table na malapit sa serving area. Nakatayo siya doon at panay ang ngiti sa mga bumibili. Nung kami na ang nakapila, natigilan siya nung makita ako, saka ako nginitian ni Max.Kilig na.kilig ang mga kaibigan ko dahil first time daw may tingnan si Max ng may malisya."Lucy, mukhang he likes you oh" si Anna ang nagsabi sa akin."Sssh, baka marinig ka. Nakakahiya" saway ko sa kaibigan."Sus, sabi namin sayo, gwapo di ba?" sabi naman ni Alicia sakin. "mukhang masarap.""Ang harot mo, kurutin kita dyan." banta ko sa kaibigan ko."Kapag lumapit yan dito at nagdala ng tubig, may crush yan
"Tuloy po kayo" pinapasok sila ni Max."Papa" napaiyak ako nung makita ko ang aking mga magulang. Mas nagulat ako ng yakapin nila ako."Anak, kumusta ka na? pasensiya ka na at natiis ka namin sa mahabang panahon" umiiyak na sabi ng papa."Miss na miss ka na namin anak" sabi naman ng mama ko."Miss na miss ko na rin po kayo" umiiyak ko silang niyakap."Bunso" niyakap ako ng mga kuya ko. Isa isa nila akong hinalikan."Siya nga po pala si Max, Max ang pamilya ko." pakilala ko kay Max."Mano po" nagmano siya sa mga magulang ko."Kilala na namin siya, ilang beses niya kaming tinawagan at sinulatan." sagot ng papa."Ha? hindi ko po alam" nagulat ako sa nalaman ko."Oo, kahit hindi namin siya sinasagot, inaupdate niya kami tungkol sayo, siya din ang nagsabing nanganak ka na" sagot ng kuya ko."Yan na ba ang aking apo? Naku magkakaroon na pala ng kalaro si Monica." sabi ng mama."Sinong Monica?" tanong ko."Anak ko" sabi ni Kuya Luis. "Nakababae din ang pamilya natin"Masayang masaya ako lalo
Hindi man ganun kadetalyado ang kwento ng ina, naiintindihan niya ito. Nag iyakan sila ng mama niya."Ma.. pangako, hahanapin ko si Angeli" niyakap niya ang ina.Tiningnan niya ang hitsura ng mama niya nung bata pa. 'Bakit may kamukha siya?'"Hindi ako naniniwalang niloko ako ng tatay mo. Kaya itinago ko ang sulat niya. Ang dami naming pinagdaanan."Ipinakita ng mama niya ang sulat ng kanyan ama.. Ngayong alam na niya ang totoo, tama lang pala na hindi siya magtanim ng sama ng loob sa tatay niya. Ang kailangan na lang niyang gawin ay hanapin ang nawawalang mag ama."Wag kang mag alala mama, gusto mo bang buuin pa ang pamilya natin?""Matagal ko ng pangarap anak.. Ngunit hindi namin mahanap ang tatay at kapatid mo. Kahit saang records, wala.""May itatanong lang ako sa inyo" sabi niya saka tumayo "bakit may larawan kayo ng babaeng ito?" itinuro niya ang portrait."Ako yan.. nung kabataan ko." sagot niyo sa kanya..Nanlaki ang kanyang mga mata. Hindi pala siya namamalikmata. Naalala niy
Isang taon ko ng nakikita si Lucy. Hindi ko alam kung bakit ang ilap ilap niya. Hindi siya kumakain sa canteen na pinagtatrabahuhan ko. Tapos na sana akong magtrabaho doon, dahil nakaipon na ako pang OJT ko, pero nung makita ko siya, nag extend ako ng nag extend, dahil hindi ko pa siya nakikilala.Sikat si Lucy sa mga taga school, beauty and brainy kasi siya. Hindi siya sumasali sa mga pageant, at ang past time niya ay magbasa sa library. Paano ko nalaman? Ini stalk ko siya. Inalam ko ang oras ng uwi niya, kung anong oras ang pasok niya.Mabait din ang Diyos, dahil bago pa ako panghinaan ng loob, sa wakas, pumasok siya ng canteen. Kabang kaba ako habang naroroon siya. Lalo na ng pumila siya para mag order."Anong oorderin mo?" tanong ko sa kanya habang ako ay nakangiti.Ang ganda niya lalo sa malapitan. Sabi rin ng mga kaibigan niyang sina Anna at Alicia ay mabait siya."Pansit lang saka chicken." sagot niya sa akin. Hindi ko alam kung ang expression ng mukha niya ay masaya, o suplada
"Grabe talaga tong Martin na to.. pati ganitong bagay pinapatulan!" ipinosas ako ni Bugoy sa isang poste saka siya lumabas. Pagbalik niya, may dala siyang gatas."Padedehin mo muna ang anak mo" sabay abot nito ng bote sa akin."Salamat.. salamat Bugoy" agad niyang ibinigay sa bata ang dede. Gutom na gutom ito."Hindi ka maaaring bumalik sa kung saan ka galing. Hindi mo kilala si Martin" sabi niya sa akin."Papatayin mo ba ako?" naglakas na ako ng loob na magtaning sa kanya."Oo, kailangan eh" kaswal lang ang sagot niya sa akin."Kahit ako na lang, wag na ang anak ko, pakiusap.." lumuluha na akong nakikiusap sa kanya " bata pa ang anak ko. Kailangan pa niyang mabuhay.""Paoatayin ako ni Martin kapag hindi kita tinuluyan" napailing ito."Mabuti kang tao Bugoy, bakit mo ito ginagawa?""May sakit ang anak ko.. kailangan niya ng pera pang chemo..""Napakabuti mong ama.. kung ano ang kaya mong gawin para sa anak mo, kaya ko ring gawin para sa anak ko.. hindi ka ba nakukonsensiya?""Noong u
Pagdating namin sa Mindoro, sa ospital kami dumiretso, wala na siyang inabutan. Isang linggo ng patay ang kanyang anak. Hindi pa lang mailibing ng ilan nilang kamag anak kasi hinihintay daw siya.Matagal siyang nagmukmok. Namayat talaga si Bugoy. Nagkasakit na siya. Ako naman, nagluluto luto sa labas ng kanyang bahay. Nakakaraos ang araw araw namin. Hiniram ko ang oerang hawak niya."Bugoy, pare, kung hindi ka kakain, malulungkot ang anak mo." sabi ko sa kanya."Gusto ko ng mamatay.." sagot niya sa akin."Wag pare" umiyak ako sa sinabi niya. Niyakap ko siya "Ikaw na lang ang kakampi naming mag ama, pababayaan mo ba kami?""Kaya nyo na naman. Kinarma na ako ng Diyos. Kinuha niya ang pinakamamahal kong anak..""Nandito pa kami ni Angeli, i mean ni Dulce, mahalaga ka sa amin. Maawa ka sa amin. Ipinapangako ko sayong mabubuhay tayo ng masagana. Gagawin ko ang lahat para tuparin yun."Napatingin siya sa akin, malungkot siya. "Una, iniwan ako ng asawa ko pagkapanganak sa anak namin. Ngayon