"Bakit ngayon ka lang? Bilis kailangan mo pang mag-makeup..." Zale glance coldly at Bella"Ano bang gagawin ko?" tanong ni Bella habang nagmamadali siyang naglakakad sa hallway exit."Simple lang, Ang role mo lang ay maging isang ambassador ng alahas!" kalmadong sagot ni Zale. "Ah ganon..." Bella sneered... In fact, hindi lang ito ganon ka-simple. This was a jewelry show of the famous French brand: WK at also ang daan ng kapatid niya....Pagkatapos ng show na ito, magkakaroon ng pagkakataon si Anna na pumirma bilang spokesperson ng WK. In short...makukuha ni Anna ang gusto niya nang hindi tinatapakan ang lupa.Talaga bang iniisip ni Emyr na kuntento lang siya sa pamamagitan ng pananatiling anino ni Anna?Samantala, not far from them-palihim paring sinusubaybayan ni Daniel ang bawat kilos ni Bella at natuklasan niya ang pagpapalitan ni Bella kay Anna sa show. Kaagad niyang iniulat ang lahat kay Liu Lei.Nang malaman ito ni Liu Lei ay mahinahon niyang request sa kanyang assistant, "I'
Tulad ng iniisip ng lahat, ang palabas ay umabot na sa kasukdulan nito. Gaya ng plano, si Bella ay bumaba sa hagdanan ng dahan-dahan sa entablado. Lahat ng spotlight ay agad na nakatutok sa kanya...Lahat sila siyempre ay nakatitig ng malalim sa 'pearl choker necklace' ngunit dahil dito, hindi naiwasang mapansin ng maraming tao ang kanyang kaibig-ibig na maputla at perfect angle na leeg... Napakaganda at nakaka-akit na leeg! Ang pinakakahanga-hanga sa lahat ay sa bawat pose na hinihila ni Bella, ang 'choker necklace' ay ipapakita sa ibang liwanag; paulit-ulit na nagpapakita ng kagandahan...Ang tanawin kay Bella na walang putol na paglipat mula sa isang pose patungo sa susunod ay isang napaka- unforgettable talaga.Nang malapit ng matapos ay isang ngiti ang lumitaw mula sa likod ng misteryosong masquerade mask. She gracefully sat on the stairs, sunod ay matikas na ipahininga ni Bella ang kanyang braso sa hagdan sa likod, bahagya niyang iniyuko ang kanyang ulo-stomach out and breast
Ang mga tunog ng pagdududa ay dumami at lumakas. Maging ang mga ibang designer ng WK ay nagsimulang magtanong kung ang babaeng nasa harap nila ay si Anna."Miss, please remove your mask..." Nacurious ang ibang designer. Siya ba talaga si Anna Suarez? Nag-alinlangan si Bella, ngunit napapalibutan na siya. Nang walang ibang pagpipilian, dahan-dahan niyang binuka bibig niya. "Hindi ako si Anna...""Sinu ka?" Malamig na tanong sa kanya ng head designer."Bella Suarez" Kalmadong sagot ni Bella, hangga't hindi nila pipilitin na tanggalin ang maskara, ayos lang, magiging maayos pa rin ang kalalabasan hangga't walang nakakakita nitong mukha."Suarez?""Hindi ba siya yung kapatid ni Anna Suarez, si Bella!" Bulalas ng isa sa karamihan."Oo nga, Oo nga! At sa pagkaka-alam ko inangkin pa nga niya na siya daw ang totoong fiancée ni Mr. Gonzales!" Mabilis na pinaligiran ng mga reporter si Bella, hindi siya binigyan ng puwang para makatakas."Miss Suarez, pwede mo bang ipaliwanag ang kasalukuyang
Samantala si Sabrina na nakatayo ay tulala, at nagulat sa sitwasyon na nasaksihan niya. Sinamaan niya ng tingin si Bella bago umalis.Itong puta, tingnan lang natin kung hanggang kailan mananatili ang suwerte mo!Walang malay sa iniisip ni Sabrina; umalis din si Bella at pumasok sa changing room.Nagpalit na si Bella ng damit at kaswal na umalis sa eksena. Paglabas pa lang niya sa gilid ng pinto, nakita niya may kitang-kitang nakaparada doon ang isang marangyang Bentley.Bago at pagkatapos ng kanilang kasal ang tanging nasa isip niya ay ang subukang lumaban o tumakas ngunit sa pagkakataong ito alam niyang wala talaga siyang laban sa lalaking toh, kaya maliban sa limang milyon, naisip nalang niyang maki-sama at protektahan ang kanyang sarili haggang wala siyang sapat na pera.Kahit na ang intensyon ni Liu Lei ay upang panatilihing lang siya, ang kanyang pag-uugali ay nag-aalsa pa rin sa kanya.Baka sakaling makuha rin niya ang approval ng divorce nila kapag nagsawa na sa kanya ang lala
Ang mga mata ni Andrius ay kasinglaki ng kampana ng baka; namula ang pisngi niya at di makapaniwala ang buong mukha niya. Nasa bingit na siya ng pagsabog. Talagang nabigla siya sa walanghiyang pag-uugali ni Bella.Deserve ba talaga niyang pakasalan si ninong?Kahit na inihanda na ni Daniel ang sarili sa ganitong mangyayari, nakaramdam pa rin siya ng awkward sa unang pagkakataon na nakita niya ang ganong eksena kaya hinila nalang niya ang divider, pinutol ang eksena sa likod."Hmph!" Si Bella ay tumingin mula sa gilid ng kanyang mata patungo sa itim na mukha ni Andrius. Bahagya siyang natahimik.Gayunpaman, pagkatapos niyang magpakawala, napagtanto niyang may mas malaking problema siya... Mariin na kinusot ni Bella ang kanyang mga mata at tumingin sa dakilang diyablo na kanyang sinunggaban...Ang pabigla-bigla niyang desisyon... Kinain niya siguro ang puso ng oso at apdo ng leopardo para magkaroon ng lakas ng loob... Paano siya nagkaroon ng lakas ng loob na sugurin si Liu Lei...Sa
"Miss Suarez, binabalaan na po kami na huwag kang papasukin. Pakiusap miss huwag mo kaming pahirapan," walang magawang sabi ng guard kay Bella habang hinaharangan niya at ang kasama niyang guard ang daanan ng dalaga."Hindi naman ako magtatagal. May kailangan lang akong linawin kaya papasukin niyo na ako," pagmamakaawa ni Bella.Gayunpaman, kahit anong sabihin niya nananatiling matigas ang dalawang guard at mukhang walang pakialam.Matapos ang isang oras na pagkumbinsi sa dalawang guard, lumakad nalang si Bella palayo ng walang sigla, Narinig niya ang buntong-hininga ng isa sa guard."Di ba 30 na siya? Masyado na siyang matanda para kay Mr. Gonzales, ano sa tingin mo... Kasi hindi naman sa panghuhusga peru base sa hitsura kasi niya ay tiyak na gumagamit siya ng droga.""Oo, parang ganun na nga peru hinaan mo ang boses mo baka marinig tayo, tutal siya pa rin naman ang young miss ng angkan ng Suarez... Hindi magiging maganda kung ma-offend natin siya.""Tskk wag kang mag alala. Maging a
"Gusto ko?" Nagsalubong ang kilay niya-naguguluhang tumingin si Bella sa lalaki."Ehem... gustong humingi ng paumanhin ng young master sa iyo kaya hinihiling niya sa iyo na sabihin mo ang iyong kahilingan!" Si Daniel ay may ekspresyong 'ito na swerte ng buhay mo, yayaman kana' na nakasulat sa buong mukha niya.Nang marinig ito, tumawa at mabilis na umikot ang mga gear sa ulo ni Bella. Bahagya siyang umubo at maingat na nagsalita, "Ah hindi... Okay na! Kalimutan mo na... Hindi naman talaga kailangan."Ang kalsadang iyon ay hindi naman talaga para sa mga pedestrian na katulad niya. Dagdag pa, siya talaga ang may kasalanan sa hindi pagiging alerto at sa paglalakad sa gitna ng kalsada. She of course knew na siya ay talagang napaka-malas lang, pano siya maglalakas-loob na kunin ang gantimpala para lang doon???Inakala ni Bella na walang isyu ang kanyang sagot, ngunit saka niya napansin ang ekspresyon pala ni Liu Lei ay nanatiling hindi nasisiyahan, na biglang nagdulot ng pagsabog ng takot
Sa sobrang takot ni Bella ay nagsimulang manginig ang mga binti niya. Matatapos na yata ang kawawang buhay niya ngayon!Napailing si Bella, nag-aalangan siyang tumingin sa lalaki "Uhm... Errr ako ba? Haha b-bat' naman? hindi naman ako aalis eh,... Magc-cr lang sana ako saglit." "Okay then, I'll accompany you." matigas na sagot ni Liu Lei, hindi man lang niya binibigyan ng puwang para tumanggi si Bella... Sa kanyang walang pakialam na ekspresyon; nauna itong naglakad palabas.Bella: "_" huh!Hay naku, kung wala lang sana siya sa pinakamataas na palapag ng building na toh, ede sana matagal na siyang nakatakas sa bintana.Walang buhay na lumabas ng ward si Bella ngunit bigla nalang nalaglag ang kanyang panga nang makita niya ang dalawang tuwid na linya ng mga misteryosong lalaki na nakasuot ng itim na suit na may pares ng itim na salaming pang-araw na matiyagang nakatayo sa labas ng kanyang ward.Anong klaseng kalokohan ito?Posible bang mga?...Mga tauhan ng lalaki tong mga toh?! Kal