Share

Mr. Mafia's Shameless Wife
Mr. Mafia's Shameless Wife
Author: Dawn Ashes

CHAPTER 01: Anong Gusto Mo

"Miss Suarez, binabalaan na po kami na huwag kang papasukin. Pakiusap miss huwag mo kaming pahirapan," walang magawang sabi ng guard kay Bella habang hinaharangan niya at ang kasama niyang guard ang daanan ng dalaga.

"Hindi naman ako magtatagal. May kailangan lang akong linawin kaya papasukin niyo na ako," pagmamakaawa ni Bella.

Gayunpaman, kahit anong sabihin niya nananatiling matigas ang dalawang guard at mukhang walang pakialam.

Matapos ang isang oras na pagkumbinsi sa dalawang guard, lumakad nalang si Bella palayo ng walang sigla, Narinig niya ang buntong-hininga ng isa sa guard.

"Di ba 30 na siya? Masyado na siyang matanda para kay Mr. Gonzales, ano sa tingin mo... Kasi hindi naman sa panghuhusga peru base sa hitsura kasi niya ay tiyak na gumagamit siya ng droga."

"Oo, parang ganun na nga peru hinaan mo ang boses mo baka marinig tayo, tutal siya pa rin naman ang young miss ng angkan ng Suarez... Hindi magiging maganda kung ma-offend natin siya."

"Tskk wag kang mag alala. Maging ang angkan ng Suarez ay hindi siya pinapahalagahan bilang kanila. Isa lang siyang babaeng 30 years old na patay na patay kay Mr. Gonzales." panunuya ng guard.

Hearing them talk sh*t on her, kumunot agad ang noo ni Bella. Nagkaroon siya ng kalahating isip na lumingon at sabihin sa guard na iyon na hindi siya kailanman gumagamit ng droga at higit sa lahat 20 pa kaya siya!

Gayunpaman, napatigil siya nang makita niya ang repleksyon ng kanyang sarili sa lawa na nasa tabi.

Nakatayo siya doon, natulala at nawalan ng sasabihin.

Nawala na ang lahat ng kabataan sa mukha niya at ang kislap na minsang nagpalamuti sa kanyang mga mata ay matagal nang lumabo.

Naka-gothic makeup siya, payat na frame, tuyong buhok, mala diyablo ang mukha at naka-suot ng lumang itim na damit na nagmumukhang tatlumpung taong gulang siya at pulubi sa kanyang hitsura.

Actually kamukha nga niya ang nagbigay ng mansanas kay Snow White-pure wicked witch, hmph.

Tsaka napakakapal kasi ng gothic makeup niya. Mukha siyang demonyong nakatakas mula sa Impiyerno.

Kahit na siya ay talagang dalawangpung taon lamang!

Napangiti ng mapait si Bella bilang hirap mula sa huling ilang taon paghihirap sa kanyang isip.

Sumilay ang mapait na ngiti sa kanyang mukha. Isang mapait na ngiti ang gumuhit ngunit ang kanyang mga mata ay nananatiling malamig.

Dahan-dahan niyang inalis ang kanyang iniisip. Kinakaladkad niya ang kanyang pagod na katawan at nagsimulang maglakad palayo...

Ang gabi ay tahimik at ang mga bugso ng malakas na malamig na hangin ay umiihip.

Si Bella ay naglalakad parin nang wala sa pag-iisip sa kalsada.

Sa mismong sandaling iyon, kumislap ng nakakasilaw na liwanag ang sumikat mula sa dulo ng kalsada.

Nawala ang pagkatulala ni Bella at likas na tumingin sa harapan. Sunud-sunod ang mga mamahaling sasakyan patungo sa kanya, ito ay kasing bilis ng kidlat.

Ang unang sasakyan ay huminto sa isang emergency break at pagkatapos ay pinaandar sa ibang direksyon. Sa kasamaang palad, ang kasunod ay huli na para makaiwas ng kay Bella, kaya humarap ang sasakyan sa kanya ng diretso.

Sinabihan siya ng kanyang instinct na tumakbo ngunit bago pa siya makakilos ay huli na ang lahat. Bumangga ang sasakyan kay Bella. Naunang lumapag ulo niya at agad na nawalan ng malay.

Nahulog siya sa madilim at mahabang panaginip.

...

"Anong nangyari sa unahan? Bakit biglang huminto ang sasakyan?" Nakakunot ang noo ni Daniel habang pinagmamasdan ang paligid.

"May babae..." Isang binata sa labas ang mukhang balisa. Kinakabahan siyang tumingin sa lalaking naka-upo sa backseat. Habang naramdaman niya ang malamig na panginginig na dumadaloy sa kanyang gulugod.

Matiyagang nagbabasa ng ilang papel ang isang lalaki na may suot na pares ng salamin na may frame na ginto. Malamig niyang inangat ang tingin nang mabasa ang nasa isip ng dalawang lalaki.

...

"Ang pasyente ay wala pa ring malay pero medyo tumatag na ang kalagayan niya. Nagdusa siya ng isang maliit na concussion mula sa ulo, ngunit ang isang linggo o dalawang linggong pahinga ay sapat na para maibalik siya sa kanyang mga paa. Gayunpaman,..."

Sa loob ng hospital ward ay detalyadong ipinaliwanag ng doktor ang pisikal na kondisyon ng dalaga sa lalaking nakatalikod.

Bahagyang kumunot ang noo ng statusque na lalaki.

...

Pagkaraan ng mahabang oras, nagising si Bella. Iminulat niya ang kanyang mga mata at napagtantong nakahiga siya sa isang kama. Panay ang tingin niya sa puting niyebe na kisame.

Heaven? Kinuha na ako ni Lord???

Agad na naluluha ang mga mata ni Bella-nagsimulang humagod ang kanyang mga naluluhang mata sa sulok ng kisama pababa sa maliwanag na sinag ng bintana.

Pero natigilan siya sa sumunod na nakita niya. Ito ay isang lalaking nakatayo sa gilid ng bintana.

Nang walang anumang pagtanggi, ang lalaking iyon ay talagang mukhang mula sa isang magandang pintura. Tulad ng isang magandang pintura ay hindi maging kumpleto kung wala siya.

Ang isang kamay ng naka-tayong lalaki ay kaswal na naka-tago sa kanyang bulsa, hip distance apart, toes pointed out at lastly a straight spine. Nakasuot ito ng slim-fitting tailored suit na nagbibigay-diin sa malapad niyang balikat at balingkinitang baywang. Ang kanyang puting kamiseta ay nakabutones hanggang sa kwelyo.

Ang kanyang katawan ay tila nababalot ng sinaunang hamog na nagyelo. Ang kanyang cool at kalmadong kilos ay parang isang raja noong unang panahon.

Napansin ng lalaki ang pagmamasid ni Bella sa kanya kaya tumingala siya nang may malalim na tingin sa direksyon ng kalangitan patungo kay Bella. Ang nanlamig na titig ng lalaki ay tila tumatagos sa dalaga.

Ang tingin na ibinigay ng lalaki sa kanya ay nakadama ng panghihimasok, tulad ng isang matalim na kutsilyo sa pagtitistis na hinihiwalay ang kanyang piraso sa bawat piraso; nanginginig ang mga buto ni Bella.

Walang pagdadalawang-isip na nagpasya si Bella na titigan din ang lalaki.

Makalipas ang isang minutong katahimikan, nakaramdama ng mali si Bella-napagtanto niyang buhay pa pala siya at sadyang nasa hospital ward lang.

Naiinip niyang tanong, "Sir... Um erm.. ikaw ba ang nakabangga sa akin? Paano kung namatay ako o kundi paano kung hindi na ako makakalakad ikaw po bah ang mag-tratrabaho para sa pangangailangan ko!"

Si Daniel na tahimik na nakatayo sa tabi ng kanyang master ay pinagpawisan na ng malamig... Wala pang nangahas na pagalitan ang kanyang master at gayon pa man ang babaeng ito ay nangahas talaga.

Gayunpaman tinitigan lang ni Liu Lei ang babae sa kama, na para bang sinusubukan niyang sabihin kung totoo ba ang ekspresyon sa mukha nito.

Pagkaraan ng mahabang panahon, tila naniwala siya sa wakas na hindi pa alam ng babae ang pagkakakilanlan niya. Malamig siyang nagsalita, "Anong gusto mo?"

ᕙ( ~ . ~ )ᕗ

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status