Samantala si Sabrina na nakatayo ay tulala, at nagulat sa sitwasyon na nasaksihan niya. Sinamaan niya ng tingin si Bella bago umalis.Itong puta, tingnan lang natin kung hanggang kailan mananatili ang suwerte mo!Walang malay sa iniisip ni Sabrina; umalis din si Bella at pumasok sa changing room.Nagpalit na si Bella ng damit at kaswal na umalis sa eksena. Paglabas pa lang niya sa gilid ng pinto, nakita niya may kitang-kitang nakaparada doon ang isang marangyang Bentley.Bago at pagkatapos ng kanilang kasal ang tanging nasa isip niya ay ang subukang lumaban o tumakas ngunit sa pagkakataong ito alam niyang wala talaga siyang laban sa lalaking toh, kaya maliban sa limang milyon, naisip nalang niyang maki-sama at protektahan ang kanyang sarili haggang wala siyang sapat na pera.Kahit na ang intensyon ni Liu Lei ay upang panatilihing lang siya, ang kanyang pag-uugali ay nag-aalsa pa rin sa kanya.Baka sakaling makuha rin niya ang approval ng divorce nila kapag nagsawa na sa kanya ang lala
Ang mga mata ni Andrius ay kasinglaki ng kampana ng baka; namula ang pisngi niya at di makapaniwala ang buong mukha niya. Nasa bingit na siya ng pagsabog. Talagang nabigla siya sa walanghiyang pag-uugali ni Bella.Deserve ba talaga niyang pakasalan si ninong?Kahit na inihanda na ni Daniel ang sarili sa ganitong mangyayari, nakaramdam pa rin siya ng awkward sa unang pagkakataon na nakita niya ang ganong eksena kaya hinila nalang niya ang divider, pinutol ang eksena sa likod."Hmph!" Si Bella ay tumingin mula sa gilid ng kanyang mata patungo sa itim na mukha ni Andrius. Bahagya siyang natahimik.Gayunpaman, pagkatapos niyang magpakawala, napagtanto niyang may mas malaking problema siya... Mariin na kinusot ni Bella ang kanyang mga mata at tumingin sa dakilang diyablo na kanyang sinunggaban...Ang pabigla-bigla niyang desisyon... Kinain niya siguro ang puso ng oso at apdo ng leopardo para magkaroon ng lakas ng loob... Paano siya nagkaroon ng lakas ng loob na sugurin si Liu Lei...Sa
"Miss Suarez, binabalaan na po kami na huwag kang papasukin. Pakiusap miss huwag mo kaming pahirapan," walang magawang sabi ng guard kay Bella habang hinaharangan niya at ang kasama niyang guard ang daanan ng dalaga."Hindi naman ako magtatagal. May kailangan lang akong linawin kaya papasukin niyo na ako," pagmamakaawa ni Bella.Gayunpaman, kahit anong sabihin niya nananatiling matigas ang dalawang guard at mukhang walang pakialam.Matapos ang isang oras na pagkumbinsi sa dalawang guard, lumakad nalang si Bella palayo ng walang sigla, Narinig niya ang buntong-hininga ng isa sa guard."Di ba 30 na siya? Masyado na siyang matanda para kay Mr. Gonzales, ano sa tingin mo... Kasi hindi naman sa panghuhusga peru base sa hitsura kasi niya ay tiyak na gumagamit siya ng droga.""Oo, parang ganun na nga peru hinaan mo ang boses mo baka marinig tayo, tutal siya pa rin naman ang young miss ng angkan ng Suarez... Hindi magiging maganda kung ma-offend natin siya.""Tskk wag kang mag alala. Maging a
"Gusto ko?" Nagsalubong ang kilay niya-naguguluhang tumingin si Bella sa lalaki."Ehem... gustong humingi ng paumanhin ng young master sa iyo kaya hinihiling niya sa iyo na sabihin mo ang iyong kahilingan!" Si Daniel ay may ekspresyong 'ito na swerte ng buhay mo, yayaman kana' na nakasulat sa buong mukha niya.Nang marinig ito, tumawa at mabilis na umikot ang mga gear sa ulo ni Bella. Bahagya siyang umubo at maingat na nagsalita, "Ah hindi... Okay na! Kalimutan mo na... Hindi naman talaga kailangan."Ang kalsadang iyon ay hindi naman talaga para sa mga pedestrian na katulad niya. Dagdag pa, siya talaga ang may kasalanan sa hindi pagiging alerto at sa paglalakad sa gitna ng kalsada. She of course knew na siya ay talagang napaka-malas lang, pano siya maglalakas-loob na kunin ang gantimpala para lang doon???Inakala ni Bella na walang isyu ang kanyang sagot, ngunit saka niya napansin ang ekspresyon pala ni Liu Lei ay nanatiling hindi nasisiyahan, na biglang nagdulot ng pagsabog ng takot
Sa sobrang takot ni Bella ay nagsimulang manginig ang mga binti niya. Matatapos na yata ang kawawang buhay niya ngayon!Napailing si Bella, nag-aalangan siyang tumingin sa lalaki "Uhm... Errr ako ba? Haha b-bat' naman? hindi naman ako aalis eh,... Magc-cr lang sana ako saglit." "Okay then, I'll accompany you." matigas na sagot ni Liu Lei, hindi man lang niya binibigyan ng puwang para tumanggi si Bella... Sa kanyang walang pakialam na ekspresyon; nauna itong naglakad palabas.Bella: "_" huh!Hay naku, kung wala lang sana siya sa pinakamataas na palapag ng building na toh, ede sana matagal na siyang nakatakas sa bintana.Walang buhay na lumabas ng ward si Bella ngunit bigla nalang nalaglag ang kanyang panga nang makita niya ang dalawang tuwid na linya ng mga misteryosong lalaki na nakasuot ng itim na suit na may pares ng itim na salaming pang-araw na matiyagang nakatayo sa labas ng kanyang ward.Anong klaseng kalokohan ito?Posible bang mga?...Mga tauhan ng lalaki tong mga toh?! Kal
"Kalma... Kalma... Kalma lang okay.... Gosh paano ba naman ako kakalma?!"Gulat na bulong ni Bella sa sarili habang pilit na pinapakalma ang sarili. Sa huli... Hindi mapigilang ni Bella na kagatin ang sarili niyang labi nang mag-abot ang mga titig nila ni Liu Lei. Mukha siyang madudurog. “Mr. Liu... Uhm ikaw... P-pwede ba wag mo muna...i mean w-wag mo naman akong titigan ng ganyan? Hindi talaga ako mapakali sa tingin mong ganyan." Shoot...Ba't napaka mapang-akit ang mga mata nito!?Isang panandaliang ngiti ang sumilay sa mukha ng lalaki. "Sige."Makalipas ang ilang sandali ang sasakyan ay muling naging isang patay na katahimikan. Kinuha ni Liu Lei ang ilang mga dokumento kasama ang kanyang salamin sa mata. Nanatiling nakaupo ang lalaki sa tabi ng bintana ng sasakyan. Ang batik-batik na sikat ng araw ay dumaloy sa mga dahon ng puno at ang sikat ng araw ay bumagsak sa kanyang malayong mukha. Itinaas ni Liu Lei ang manggas ng kanyang puting kamiseta at kaswal na pinagkrus ang kanyang
Bago pa makasagot si Bella, muli niyang narinig ang malalim, panlalaking boses ni Liu Lei na parang cello."Mrs. Liu.... Kung ganito ang kaso simula ngayon, malinaw na ikaw ang legal na asawa ko."Hindi nakaimik si Bella!D*mn it... Halos hindi nga ako kumikita ng libo-libo, milyon pa kaya? Jusko!Nang matapos ng lalaki ang kanyang pangungusap, itinaas ni Bella ang kanyang ulo, nagulat at namumula ang mukha niya.Wala talaga akong dapat sisihin dito maliban sa pagiging mahirap!Siguradong babayaran ko ang katangahan kong toh habang buhay!Anyways, ganito siguro pala ang pakiramdam ng tamaan ng kulog!D*mn it.... Hay naku Bella, bat kaba kasi naglaro ng apoy... Ayan tuloy"Ubo, ubo, ubo..." Walang tigil na umubo si Bella, na takot na takot. "Mr..... Mr. Liu... Parang hindi talaga toh tama!Nagkamali ba ako ng pagkaunawa... Ikaw... Gusto mo talaga akong maging asawa? Ayaw mo ng divorce? Bakit?"Iniabot ni Liu Lei ang kanyang kamay nang mapansin niya ang pag-ubo nito. Marahan niyang tinap
Si Bella ay naglagay ng nakakaawang ekspresyon, na para bang siya ay isang katulong sa palasyo na naghihintay sa hari na paalisin siya. Tumingin si Liu Lei sa kanyang relo at sinabing, "May meeting ako mamaya. Baka wala na akong oras para sa iyo." Magaling! Namulaklak ang mood ni Bella na parang sunflower sa araw. Bagama't natutuwa siya, nagpatuloy siya sa pagpapanggap na kaawa-awa at nag-aatubili na kailangan nilang maghiwalay ni Liu Lei ng landas. Sabi niya, "Huwag kang mag-alala, ayos lang. Mas importante ang trabaho, kaya um oo hindi mo kailangang mag-alala sa akin. Kung ganoon, aalis muna ako... Pa-para hindi na kita maistorbo!" Sagot ni Liu Lei, "Oo, Tika lang." Natahimik si Bella.... Tika lang? Anong tika lang?! Ayaw na niyang maghintay no!Sino ang nakakaalam kung ano ang mangyayari kung mananatili pa siya dito kasama ang lalaking toh!?Ilang pangungusap nga lang ang sinabi niya sa lalaking toh kanina, pero ano? Wala pang 24 hours kasal na agad. Marriage license ang nau