Share

CHAPTER 02: Hindi Mo Kayang Ibigay

"Gusto ko?" Nagsalubong ang kilay niya-naguguluhang tumingin si Bella sa lalaki.

"Ehem... gustong humingi ng paumanhin ng young master sa iyo kaya hinihiling niya sa iyo na sabihin mo ang iyong kahilingan!" Si Daniel ay may ekspresyong 'ito na swerte ng buhay mo, yayaman kana' na nakasulat sa buong mukha niya.

Nang marinig ito, tumawa at mabilis na umikot ang mga gear sa ulo ni Bella. Bahagya siyang umubo at maingat na nagsalita, "Ah hindi... Okay na! Kalimutan mo na... Hindi naman talaga kailangan."

Ang kalsadang iyon ay hindi naman talaga para sa mga pedestrian na katulad niya. Dagdag pa, siya talaga ang may kasalanan sa hindi pagiging alerto at sa paglalakad sa gitna ng kalsada. She of course knew na siya ay talagang napaka-malas lang, pano siya maglalakas-loob na kunin ang gantimpala para lang doon???

Inakala ni Bella na walang isyu ang kanyang sagot, ngunit saka niya napansin ang ekspresyon pala ni Liu Lei ay nanatiling hindi nasisiyahan, na biglang nagdulot ng pagsabog ng takot sa puso ni Bella.

Jusko po! May sinabi ba akong mali? Bat ganyan ang mukha ng lalaking toh?

Hello, nagmamabait na nga ako oh!

Nakatingin sa nakasimangot na ekspresyon ni Bella, Sinubukan ni Daniel na itama ang iniisip ng dalaga. "Hindi kasi sapat ang isang paumanhin ayon kay young master. At ayaw na ayaw ng young master na may utang sa iba, dapat sabihin mo kung ano gusto mo o isa sa iyong mga kahiligan para maibigay na kaagad! Wag kanang mag-alinlangan miss!"

Ano daw?

So...mayroon palang mga tao na pipilitin ang iba na maglabas ng isang kahilingan?

Wow! Grape!

Napaawang ang gilid ng bibig ni Bella habang nakataas ang kilay niya. "Uh, erm so kahit ano?"

"Kahit ano," nagsalita ulit si Liu Lei nang simple at to the point. Ang kanyang mukha ay nagsimulang magpakita ng mga bakas ng pagkainip.

Nakatingin sa stoic na lalaking nasa harapan niya, napatawa si Bella sa naisip niyang kalokohan.

"Peru...peru paano naman kung hindi mo pala kayang ibigay sakin?" tanong niya sabay puppy eyes.

Lalong naging pangit ang ekspresyon ni Liu Lei.

Napaluha si Bella... Hay naku, naninigurado lang naman ako bakit kailangan pa maging ganyan mukha neto? Hoi kung may sasabihin ka, sabihin mo lang!

Ang paninigurado yata ay pumapatay sa lalaking toh for sure? Hmph!

Nanginginig na pinunasan ni Daniel ang pawis sa ulo niya.Pagkatapos ay ibinuka niya ang kanyang bibig nang may tuwid na mukha nang hindi inilipat ang kanyang tingin. "Paumanhin, nagmamadali kasi kami kaya kung maaari sana paki bilisan ang iyong decision miss. Huwag kang mag-alala ang laha na gusto mo ay kayang ibigay ng young master."

"Ah talaga?... Eh paano naman kung..." Walanghiya siyang ngumiti at dahan-dahang bumangon sa kama at marahang naglakad patungo sa malamig na lalaking nakatayo.

Dahan-dahan niyang idinampi ang kanyang mga kuko sa dibdib ng lalaki, aniya, "Ang kahilingan ko ay... Pakasalan mo ako! Kaya mo? Maibibigay mo iyon sir?!"

Hindi naka-imik si Liu Lei!

Hindi naka-imik si Daniel!

Wow miss, matapang ka!

Bahagyang iniling na sana ni Liu Lei ang kanyang ulo ngunit pagkatapos ng bahagyang pag-iisip, tumango siya. "Okay, let's go."

Hindi nakaimik si Bella!

Hindi nakaimik si Daniel!

Nawalan ng kaluluwa si Bella sa isang segundo, bago umubo ng malakas, halos mabulunan sa sarili niyang laway. "Ubo ubo ubo...... wahhh anong....anong ibig mong sabihin? anong let's go? May-may pupuntahan sayo? S-saan naman tayo pupunta?!"

Sinalubong ni Liu Lei ang mga mata ni Bella; sabi niya sa malalim na boses, "Let's register our marriage."

Bella: "_" shooot! Ano daw!!!

Register?...erm magparehistro?

sa marriage?...sa aming kasal?!

                                       

Malakas ang pakiramdam ni Bella na parang nasa panaginip siya habang nakatingin sa parang iceberg na lalaki na nagsabi ng mga nakakagulat na salita nang wala man lang ekspresyon ang mukha.

Hinawakan niya ang noo niya ng mahina, “Tika... Doctor... Nasaan ba ang doctor? Sa tingin ko ay may sira utak ko...."

Sa tabi niya, inosenteng ekspresyon ni Daniel,... Hindi man lang ako nasagasaan pero nasira din yata ang utak ko...

Batay sa hitsura, halata naman talagang gwapo eh tsaka siguradong mayaman rin toh, ngunit ano ba.....! napaka-impossible kaya nito!

"Nagbibiro ka lang diba?" Umirap si Bella. "Sir, I'm not even qualified enough to sleep with you, more less maging asawa mo...diba?"

Ang assistant ni Liu Lei na si Daniel ay natigilan sa hindi makapaniwala,... Paanong ang babaeng ito ay matapang...naglakas-loob siyang magbiro habang si master ay halatang hindi at ngayon how the hell will she deal with this matter?

Ang mukha ni Liu Lei ay naging kasing itim ng ilalim ng isang palayok, ang buong ward ay agad na nabalot ng madilim na ulap.

"Daniel, lumabas ka muna"

"Ah tika... Ba-bakit naman niya kailangan lumabas?" Namuo ang malamig na pawis sa noo ni Bella.

Dahan-dahang inayos ni Liu Lei ang kanyang cuff ng kanyang manggas. "Upang mapatunayan ko muna na qualify ka kahit hindi pa tayo kasal, Miss Suarez."

Nang makita ang madilim na ekspresyon ng lalaki at ang titig na gustong lamunin siya nang buo, natakot si Bella at agad na napa-atras sa likod.

"No... Walang kasal, hindi tayo magpaparehistro ng kasal at higit sa lahat walang advance honeymoon mangyayari dito sir!... uhm ano kasi sir, you know wala pa talaga akong sinimulan, puro kalokohan lang talaga ang sinasabi ko, Akala ko kasi biro lang ito! At saka, hindi mo talaga kailangang bigyan ako ng gantimpala nang dahil lang sa accidente no, okay lang naman ako... peru kung dapat meron talaga ay hayaan mo sana akong ibahin ang kahiligan ko, pwede naman na pera nalang diba?...Ah tika..., ay sorry, mayroon pala akong napakahalagang pupuntahan ngayon, kailangan ko nang pumunta! Magkikita pa tayo kung nakatadhana talaga tayo okay, bye bye sir-!"

Mabilis na inilabas ni Bella ang kanyang mga salita, kinuha niya ang kanyang handbag-nagmamadaling kumakaway ng kamay niya at maingat niyang binuksan ang pinto na may malaking ngiti sa kanyang mukha-naghahanda na tumakas.

Gayunpaman, pagkatapos lamang ng ilang hakbang palabas, ang malamig na boses ni Liu Lei na nagmula sa kanyang likuran ay muling umalingaw-ngaw. "Pinayagan ba kitang umalis?"

   

(・_・;)

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status