Nasa kwarto man lang si Tempest habang nagkakainitan ang magkaptid pero nakaramdam siya ng takot na nagsasabi sa kaniya na nararapat lang na bumaba siya at tingnan kung ano ang nangyayari.“Hindi naman sila nagpapatayan ano?” bulong niya sa sarili.Hinawakan niya ang doorknob habang nakikipagsagutan sa sarili niya kung aalis ba siya sa kwarto na iyon at pigilan ang kung anumang hidwaan na namamagitan sa dalawa o manatili na lamang siya roon sa gayong hindi pa rin nawawala ang mga pakpak niya. Saka na lang siya napatigil sa pag-iisip at lalong kinabahan nang makarinig siya ng isang putok ng baril. Pagkabukas niya ng pintuan, patakbo siyang pumunta sa may hagdanan pero bago pa man siya makaapak sa unang hagdan, hindi niya agad namalayan na nagbago na siya ng anyo.The fact that it was already 12 midnight did not occur to her so she fell on the stairs whilst being in her seven-year-old form. Her sudden appearance immediately changed the mood between the half-brothers. Upon seeing her gro
Pagkarating nila sa mansyon, hindi umimik si Tempest at diretso na lang itong pumunta sa kwarto niya. Alam naman niyang para sa kaniya ang ginagawa ng lolo niya pero ang hindi lang niya kayang magawa ay ang iwan ang pagmo-modelo niya. She built her name for years and it never occurred to her to even let go of it… not when she was just at the peak of her career.Maya-maya pa, may kumatok sa may pinto.“Tempest, can we talk?” Mr. Lucius asked with his usual calm voice. Gusto lang niyang iklaro sa apo ang kaniyang desisyon at ayaw din niyang magkaroon ito ng sama ng loob sa kaniya.Pinagbuksan naman siya ni Tempest at naupo silang dalawa sa may mini-sala ng kwarto niya. Hindi pa rin siya umimik at hinintay na lolo niya muna ang magsasalita.“May gusto ka ba kay Cohen, apo?” diretsong tanong ni Mr. Lucius. “Alam kong hindi ka kailanman nagpakita ng interes sa kahit kaninong lalaki kaya gusto kong malaman ang nararamdaman mo. May gusto ka ba sa kaniya o kay Mr. Everson?”Iniangat ni Tempes
“Remember, you are supposed to be a couple on their first anniversary so show me some good smiles,” saad ng photographer.Nang magsimula na, hindi mapigilan ni Cohen na ikuyom ang kaniyang kamay dahil sa inis at siguro… dahil sa selos. Alam niya sa sarili niya na wala siyang gusto kay Tempest pero habang pinapanood sila ni Damon na sobrang lapit sa isa’t isa na tila imposible na silang paghiwalayin, nakakaramdam siya ng emosyong hindi niya akalaing mararamdaman niya ulit.Napansin naman agad ito ni Violet kaya sinamaan niya ng tingin si Tempest. Ayaw niyang may makaagaw kay Cohen kaya naman hinawakan niya ang kamay nito, nagbabasakaling makalimutan niya si Tempest.“Nagseselos ka ba?” mahina nitong tanong.“Why would I?” Cohen immediately replied.“Then, why do you look so jealous? Hindi ako bulag, Cohen. Alam ko ang mga tingin na iyan.”Hindi na lang kumibo si Cohen at nanatiling nakatingin sa kaniyang kapatid na parang isang baliw kung makangisi. On the other hand, Tempest started
Tempest should be happy to hear such words because, somehow, she got his attention but with the current situation, it only confused her. Tinitigan niya si Cohen habang nakakunot ang kaniyang noo bago niya ito tinulak palayo sa kaniya.“Alam mo, ang hirap mo rin intindihin eh,” sabi niya. “You want me out of your life, right?”“That’s not fucking true, Tempest.”“No! I heard you the other day! Isa lang akong pabigat sa ‘yo, hindi ba? So here I am doing you a great favor and voluntarily quit pestering you around.” She scoffed. “Pero ano ‘to? Why, in all of a sudden, did you suddenly change your mind?”Napatigil ang dalaga nang maalala niya kung paano tumutol si Cohen noong sinabi ng photographer na halikan niya si Damon. For a few seconds, she remained quiet as she tried to organize her thoughts. It, then, dawned on her and she was more than pissed off.She narrowed her sight on him. “Don’t tell me… are you doing this because of Damon?”“No. You are wrong,” agad namang sumbat ng binata
The two brothers sat beside each other, facing Tempest across the table because she did not want either of them to sit next to her. She, then, started eating.“So… anong pinunta ninyo rito?” tanong niya.“Ano ‘yong sinasabi ng gagong ‘to tungkol sa pangingibang-bansa mo?” balik na tanong ni Cohen. Pakiramdam niya kasi na hindi trabaho ang magiging dahilan para umalis si Tempest lalo na at bigla itong umurong sa panliligaw at dahil na rin sa sinabi niyang hinding-hindi papayag si Mr. Lucius na ipakasal si Tempest sa kaniya.“I was told that she is permanently moving out of the country. As for the reason, I have yet to know,” Damon replied when Tempest refused to answer, hence, he received a glare from her.Nakatanggap naman ng dalaga ng makahulugang titig mula kay Cohen bago nito tinuon ang pansin sa kapatid.“Kanino mo naman nakuha ang impormasyong ‘yan?”Nagkibit-balikat si Damon. “Bakit ko naman sasabihin sa ‘yo? Anyway, Tempest, kaano-ano mo ba si Giselle?”“Giselle, huh.”Nainis
Kinabukasan, maagang umalis si Tempest sa kaniyang apartment at labis niyang ikinatuwa nang wala siyang makita kina Cohen at Damon. Pagkarating niya sa mansyon ng kaniyang lolo, agad niya itong pinuntahan sa kaniyang study room.“That’s surprising,” komento ni Mr. Lucius nang makita ang apo. “Ang aga mo namang pumunta rito. May problema ba?”Naupo si Tempest sa bakanteng upuan saka umiling.“‘Lo, I already bought a ticket to go overseas tonight.”Napatigil si Mr. Lucius sa kaniyang ginagawa nang marinig ang biglaang anunsyo ng apo. Tumayo ito sa kinauupuan at nilapitan siya.“Apo, hindi mo naman kailangang magmadaling umalis. And you still haven’t apologized to Philip regarding the last incident between you two. I did apologize on your behalf but it would be most polite if you do it yourself.”“I’ll just visit him this afternoon before going to the airport. And hindi naman ako nagmamadali. I just want to prepare myself for the changes.”Natahimik silang dalawa at dahil tila walang bal
“Ikaw ha.” Tinaasan ng kilay ni Medea ang kaniyang kaibigan pagkatapos niyang kainin ang cake. “Nangongolekta ka na pala ng lalaki ngayon. Parang kailan lang na ayaw mong magkarelasyon pero ngayon, may dalawang lalaki ang naghahabol sa ‘yo.”Tempest shook her head. “It may look awesome but it’s not, Medea. Kung alam mo lang kung gaano tumutol si lolo sa dalawa, matatahimik ka na lang. He even enrolled me in a university overseas so, yeah… I am leaving tonight.”Naibuga ni Medea ang tubig na iniinom nang wala sa oras dahil sa kaniyang narinig. Agad niyang pinunasan ang bibig at tiningnan ang kaibigan habang naka-kunot ang noo.“You are what now?”“My flight is tonight and for that reason, I came here to tell you about it. Tsaka pwede mo naman akong bisitahin doon kahit kailan mo gusto.”“Tempest!”Halos mapatalon na ang puso ng dalaga dahil sa biglaang pagsigaw ng kaibigan. Napalunok din siya nang makita ang mga nanlilisik na mata nito at kulang na lang ay lamunin siya sa galit.“So af
Uminom muna ng tsaa si Mr. Travis bago muling tinuon ang tingin at pansin kay Tempest na halatang handang makinig sa kung anuman ang kaniyang magiging sagot.He cleared his throat. “Hindi mo na kailangang malaman iyon, Ms. Williams. Ang gusto ko lang na alamin mo at lagi mong itatak sa isipan mo ay ang lubayan ang magkapatid. It may not be that obvious but the two are dangerously possessive and if you are to become the prize for their fight, then I will have to grieve the death of one of them for sure. Tutulungan kitang makalayo sa bansang ito at sisiguraduhin kong hindi ka nila mahahanap. Are we on the same page, Ms. Williams?”“Opo, sir,” mahinang sagot ni Tempest. She actually felt a bit reassured that Mr. Travis would help her but for some reason, fear somehow started to linger around her.“Paano kung dumating ang panahon na mahanap nila ako?” Iyan ang nangingibabaw na tanong sa isipan ng dalaga ngunit agad niya itong winaksi dahil ayaw niyang takutin ang sarili.Kinumbinsi na la