Upon her arrival at her new place, Tempest could only let out a sigh as she stared at the humongous building she would be staying at.“Well, here we go to our new life,” she told herself before getting inside, following Giselle.Hindi niya alam kung ano ang magiging takbo ng buhay niya sa bagong lugar na iyon pero kinukumbinsi niya ang sarili na sana ay mas payapa at tahimik na lalo na at walang isang Damon o Cohen na iistorbo sa kaniya. Pagpasok niya sa unit nila na binili na ng kaniyang lolo, agad sumampa sa may couch ang dalaga sa sala at tinitigan ang munting chandelier sa kisame. A little while later, her gaze settled on the huge glass window right across from her. Nasa pang-50 na palapag ang kanilang unit kaya kitang-kita ang mga nagsisi-taasang gusali sa syudad ng Racester. Maganda rin ang tanawin dahil tila nakapaloob ang siyudad sa isang malawak na kagubatan dahil sa mga punong pinong makikita sa kahit saang direksyon. Ngunit hindi magawang masiyahan si Tempest sa oras na iy
Nang matapos ang huling klase ni Tempest sa hapon, agad siyang napahiga sa unang bench na nakita niya.“I am drained… totally drained…” she muttered like a zombie freshly out of the grave. Napatingin siya sa mga kalalakihang naglalaro ng football sa hindi kalayuan sa kaniya at hindi niya mapigilang mainggit dahil mukhang wala silang ni isang problema.“Bakit pa kasi ako pumayag na mag-aral dito?” reklamo niya. “Maybe I should just call grandpa and say that I am backing out…”Maya-maya pa, may narinig si Tempest na dalawang estudyanteng nag-uusap sa likuran niya.“Hoy, bilisan na natin, ano ba?” saad ng isa sa kanila. “Ayokong ma-late sa klase ni Sir Dawson. Mamaya niyan hindi tayo papasukin.”“Oo na, oo na. Nagmamadali na nga, ‘di ba?”Agad bumangon si Tempest at kinuha ang kaniyang bag saka sinundan niya ang dalawang babae papunta sa kabilang building. Dawson kasi ang surname ng propesor niya sa unang subject niya sa araw na iyon at kung siya rin ang propesor ng dalawang babae, sigur
Tempest could not believe what she just heard so as she looked at her professor wide-eyed, Caden could only click his tongue out of annoyance. Still, he was able to know that despite Tempest being a half-fae, her charmspeaking power was stronger than he expected. He had to take note of that for future reference.Just when he was about to speak to her, Tempest, however, suddenly felt all dizzy and ended up slumping over the table and passed out. “Well, I guess using that would drain her,” komento ni Caden bago ininom ang kaniyang kape.Hinintay niyang magising si Tempest na umabot ng halos kalahating oras. Habang nakatitig sa tulog na dalaga, hindi niya maiwasang mapaisip kung ano ba ang mga sagot sa katanungan niya. Kailangan niya kasing malaman iyon para makagawa siya ng ibang paraan kung sakali mang nakatali na si Tempest sa isang tao. Ayaw man niyang isipin ang ganoong sitwasyon ngunit sa gandang taglay ng dalaga, imposibleng hindi siya nagkaroon ng kahit ni isang nobyo.With a su
Sa loob ng 10 minuto, unti-unting nanumbalik ang lakas ni Tempest at nagising mula sa pansamantalang pag-idlip. Pagbukas niya ng kaniyang mga mata, ramdam niya ang init ng mahikang bumabalot sa kaniya at tanging puti lamang ang nasa paligid niya. Nagmistulan itong walang hangganang kalawakan kaya hindi niya mawari kung patay na ba siya at hinihintay na lang siya ni San Pedro na magising para hatulan siya. Ilang segundo rin ang lumipas bago niya napagtantong may isang lalaking hindi niya mamukhaan ang nakayakap sa kaniya. Nakapikit ang lalaki at tila mahimbing ang tulog. Namangha si Tempest sa itsura ng binata dahil para itong isang prinsipe ng mahikang galing sa ibang mundo. Dahil sa kuryosidad, hindi niya napigilan ang sarili na haplusin ang kulay pilak nitong buhok na mas mahaba pa sa buhok niya. Napalunok din siya nang makita ang hugis ng kaniyang tainga na katulad lang din sa mga duwendeng napapanood niya sa telebisyon. Maya-maya pa ay unti-unting nawala ang puting mahikang naka
Kumunot ang noo ni Tempest sa tinuran ng binata. Hindi niya alam kung binibiro lang ba siya nito o hindi pero pakiramdam niya ay parang may mali.“Anong pinagsasabi mo?” tanong niya habang nakataas ang isa nitong kilay. “Hindi naman iyan ang sinabi ni Giselle since ang lugar kung saan ako pinanganak at lumaki, iyon ang so-called lifeline ko but I will eventually get used to this place. Kaya siguro ako na-nose bleed kahapon dahil do’n. Anong si Damon ang lifeline ko? Nahihibang ka ba?”“I see…” Iyan lang ang komento ni Caden ngunit halata naman sa ekspresyon niya na tinuturing niyang mali ang lahat ng sinabi ni Tempest. Tumango ito nang kaunti na tila ba may nakumpirma siyang katotohanan.Bigla naman siyang nagtaka noong nilabas ng dalaga ang kaniyang papel tsaka ballpen.“By the way, sir… paturo nga ulit ako tungkol do’n sa quiz. Wala talaga akong naintindihan eh.” Tempest, then, pushed her pen and paper towards Caden’s side. “Or you can write the answers na lang right there para hind
Damon looked at Caden with a piercing gaze and within just a few seconds, he could tell that the professor showed no hint of fear at all. Instead, he saw determination in his eyes and it immediately crossed his mind that the man right before him was someone who also had his eyes on Tempest.Hinarap ni Tempest si Caden at tiningnan niya ito sa mga mata na tila nagmamakawang huwag muna siya makialam dahil baka kung ano pa ang gawin sa kaniya ni Damon. The last thing she would want was for Caden to get in trouble because of her.“Caden, please,” bulong niya.“You’re calling him by his first name?” Damon asked with a mixture of amusement and annoyance. But in return, he received a glare from Tempest so he looked back at Caden, who was still laid bac
Damon scoffed at his brother’s words.“You will only take her once you have killed me,” he mused.Tempest felt like her blood ran cold when in a matter of seconds, the two men were already pointing guns at each other. Ang mas malala pa ay rinig niya ang sabay-sabay na pagkasa ng mga baril ng tauhan ni Cohen. Kahit saang anggulo niya tingnan, masasawi si Damon kapag hindi siya pumagitna sa kanilang dalawa.“Then, I’ll be taking your life,” sumbat ni Cohen.Hindi alam ni Tempest kung ano ang mangyayari kapag namatay si Damon gayong alam na niya na siya lang ang makakabuhay sa kaniya. She may be shaking in fear but it did not stop her from stepping right in front of Damon as if shielding him from any bullet.“P-Put all those guns down,” saad niya habang nakatingin sa mga mata ni Cohen, nagmamakaawang siya muna ang bibigay sa oras na iyon. “Please.”Ngunit nabalewala lamang ang kaniyang sinabi dahil kahit ni isa sa kanila ay walang sumunod. Hinarap ni Tempest si Damon at mahigpit na hinaw
Kinuyom ni Tempest ang mga kamay niya nang hindi iniiwas ang kaniyang tingin sa lalaki.“Madali lang naman akong patayin pero sa tingin mo ba mabubuhay ka pa kapag nalaman ni Cohen na ikaw ang pumatay sa ‘kin?” tanong ng dalaga. Walang bahid ng takot ang kaniyang ekspresyon, tila ba sigurado siyang hindi siya magagawang patayin ni Blake.Ilang segundo rin silang nagkatitigan na para bang kung sinuman ang mauna umiwas ng tingin ay siyang talo. Maya-maya pa binaba ni Blake ang hawak na baril at napatawa na lang.“You truly are confident that our boss will kill anyone who hurt you,” komento nito.Isang mapait na ngiti naman ang pinakita ni Tempest. “Kung pwede lang sana ay sa ibang babae siya magkagusto. Hindi sana hahantong sa ganitong sitwasyon kung hindi dahil sa ‘kin.”Nagkibit-balikat lamang ang binata. “Totoo ngang ikaw ang dahilan kung bakit ganito na ang sitwasyon pero alam kong mas higit pa roon. Ginawa ka lang na rason ni Damon para saktan ang boss namin when in fact, he really