Pagkatapos ng maikling tawag na iyon, binalik ni Tempest ang cellphone at nagsinungaling ito na pupunta lang siya sa restroom para walang pumigil sa kaniya. Tutal mukhang busy naman si Cohen sa pakikipag-usap kay Damon, sigurado siyang matagal muna bago nila mapansin na nawawala na siya. Pumasok ito sa elevator at hindi na lang pinansin ang mga titig ng mga empleyadong nakakasabay niya. Pagdating sa parking lot, agad siyang pumunta sa gilid at siniguradong walang CCTV ang makakakita sa kaniya.
As Cohen's hurtful words started to echo back in her mind, Tempest could only hug her knees to comfort herself.
“Tama nga si Medea… he should not have been the one I chose from the very beginning.” That thought circled around her mind to convince herself that it was okay to be rejected… that she should not feel too bad
Tempest, then, let her head out of the blanket’s cover. Tiningnan niya si Giselle at hinintay itong magsalita. “About 25 years ago-” “25 years ago?” putol agad ni Tempest dahil sa gulat. Natawa naman si Giselle sa reaction niya bago ito tumango. “Yes, Tempest. It was 50 years ago. Alam mo naman… sadyang mas matagal ang buhay nating mga fae kumpara sa mga tao. Anyway, back to the story. Maniwala ka man o hindi pero ang mama mo… si Trixie… siya dapat ang kokoronahang reyna ng mga fae. Pero isang linggo bago ang nakatakdang araw, pinuntahan niya ako. Akala ko magrereklamo lang siya kung gaano kahirap maging isang prinsesa dahil limitado ang kaniyang kalayaan mula bata hanggang sa nagdalaga siya. Gano’n ka
It took some time for Tempest to comprehend what her grandfather just said. She only snapped out from her trance when the young man stood from his seat and approached her.“I’m Philip Cortez,” saad ng binata. “It’s nice to meet you in person, Miss Williams.”Isang pilit na ngiti ang binigay sa kaniya ni Tempest bago niya nilahad ang kamay nito.“Tempest Williams, sir,” sabi nito. “So… uh… I do not really know how things like this work so do be patient with me.”“Don’t pressure yourself.”Their conversation was, then, cut short when Mr. Lucius intervened.
Akala ni Damon ay nagpapanggap lamang si Tempest pero nawala iyon sa kaniyang isipan nang makitang unti-unting nagiging kulay lila na ang mga labi nito. Napamura pa ito nang maramdaman niya ang panlalamig nito. He removed his jacket and wrapped it around her with much urgency.Nahihirapan na si Tempest sa paghinga pero naalala niya pa rin ang sinabi sa kaniya ni Giselle na dapat lumayo siya kay Damon dahil baka ikapahamak niya pa ito. Wala man siyang natitirang lakas pero pilit niya pa ring nilalayo ang binata sa pamamagitan ng pagtulak sa kaniya palayo.“Please…” she barely managed to whisper. “Stay away… you will…”“Shut it, young lady. Kung pababayaan kita, baka mamatay ka pa nang hindi man lang nagbabayad ng utang.&rdquo
Hindi alam ni Tempest kung ano ang uunahin niyang alalahanin… ang katotohanan bang bigla siyang nagkaroon ng pakpak o ang makita siya ni Damon sa ganoong anyo? Kung pwede lang siyang magpalamon sa lupa ay agad sana niyang ginawa. “So… what exactly are you?” kalmado pa ring tanong ni Damon na para bang hindi malaking bagay sa kaniya ang nangyayari. Muli itong nahiga sa kama dahil pakiramdam niya na kahit anong oras ay pwede siyang mawalan ng malay. He was feeling lightheaded and weak, but of course, he would never directly say that to Tempest because he suspected that she would take advantage of that to run away.Nakahiga man ito pero hindi niya pa rin inaalis ang tingin sa dalaga na nakatalikod pa rin sa kaniya. Ang isa pang tanong na bumabagabag sa kaniya ay kung bakit tila pati si Tempest mismo ay gulat na gulat na may pakpak ito. And not to mention, she looked like one of those mythical creatures in fairy tales.He chuckled at that thought. “Don’t tell me… you are a fairy or some
Nasa kwarto man lang si Tempest habang nagkakainitan ang magkaptid pero nakaramdam siya ng takot na nagsasabi sa kaniya na nararapat lang na bumaba siya at tingnan kung ano ang nangyayari.“Hindi naman sila nagpapatayan ano?” bulong niya sa sarili.Hinawakan niya ang doorknob habang nakikipagsagutan sa sarili niya kung aalis ba siya sa kwarto na iyon at pigilan ang kung anumang hidwaan na namamagitan sa dalawa o manatili na lamang siya roon sa gayong hindi pa rin nawawala ang mga pakpak niya. Saka na lang siya napatigil sa pag-iisip at lalong kinabahan nang makarinig siya ng isang putok ng baril. Pagkabukas niya ng pintuan, patakbo siyang pumunta sa may hagdanan pero bago pa man siya makaapak sa unang hagdan, hindi niya agad namalayan na nagbago na siya ng anyo.The fact that it was already 12 midnight did not occur to her so she fell on the stairs whilst being in her seven-year-old form. Her sudden appearance immediately changed the mood between the half-brothers. Upon seeing her gro
Pagkarating nila sa mansyon, hindi umimik si Tempest at diretso na lang itong pumunta sa kwarto niya. Alam naman niyang para sa kaniya ang ginagawa ng lolo niya pero ang hindi lang niya kayang magawa ay ang iwan ang pagmo-modelo niya. She built her name for years and it never occurred to her to even let go of it… not when she was just at the peak of her career.Maya-maya pa, may kumatok sa may pinto.“Tempest, can we talk?” Mr. Lucius asked with his usual calm voice. Gusto lang niyang iklaro sa apo ang kaniyang desisyon at ayaw din niyang magkaroon ito ng sama ng loob sa kaniya.Pinagbuksan naman siya ni Tempest at naupo silang dalawa sa may mini-sala ng kwarto niya. Hindi pa rin siya umimik at hinintay na lolo niya muna ang magsasalita.“May gusto ka ba kay Cohen, apo?” diretsong tanong ni Mr. Lucius. “Alam kong hindi ka kailanman nagpakita ng interes sa kahit kaninong lalaki kaya gusto kong malaman ang nararamdaman mo. May gusto ka ba sa kaniya o kay Mr. Everson?”Iniangat ni Tempes
“Remember, you are supposed to be a couple on their first anniversary so show me some good smiles,” saad ng photographer.Nang magsimula na, hindi mapigilan ni Cohen na ikuyom ang kaniyang kamay dahil sa inis at siguro… dahil sa selos. Alam niya sa sarili niya na wala siyang gusto kay Tempest pero habang pinapanood sila ni Damon na sobrang lapit sa isa’t isa na tila imposible na silang paghiwalayin, nakakaramdam siya ng emosyong hindi niya akalaing mararamdaman niya ulit.Napansin naman agad ito ni Violet kaya sinamaan niya ng tingin si Tempest. Ayaw niyang may makaagaw kay Cohen kaya naman hinawakan niya ang kamay nito, nagbabasakaling makalimutan niya si Tempest.“Nagseselos ka ba?” mahina nitong tanong.“Why would I?” Cohen immediately replied.“Then, why do you look so jealous? Hindi ako bulag, Cohen. Alam ko ang mga tingin na iyan.”Hindi na lang kumibo si Cohen at nanatiling nakatingin sa kaniyang kapatid na parang isang baliw kung makangisi. On the other hand, Tempest started
Tempest should be happy to hear such words because, somehow, she got his attention but with the current situation, it only confused her. Tinitigan niya si Cohen habang nakakunot ang kaniyang noo bago niya ito tinulak palayo sa kaniya.“Alam mo, ang hirap mo rin intindihin eh,” sabi niya. “You want me out of your life, right?”“That’s not fucking true, Tempest.”“No! I heard you the other day! Isa lang akong pabigat sa ‘yo, hindi ba? So here I am doing you a great favor and voluntarily quit pestering you around.” She scoffed. “Pero ano ‘to? Why, in all of a sudden, did you suddenly change your mind?”Napatigil ang dalaga nang maalala niya kung paano tumutol si Cohen noong sinabi ng photographer na halikan niya si Damon. For a few seconds, she remained quiet as she tried to organize her thoughts. It, then, dawned on her and she was more than pissed off.She narrowed her sight on him. “Don’t tell me… are you doing this because of Damon?”“No. You are wrong,” agad namang sumbat ng binata