"Andy, mag umpisa na tayong magtest ng mga taong makakatulong kay Blake. Nasaan ba ang tatay niya? baka compatible sila," sabi ni Lizbeth sakin, isang Internist. "Liz, wala ngang tatay si Blake. Matagal ng patay," sagot ko sa kanya. Hindi bumibenta sa babaeng ito ang kwento ko kung paano kami nagkakilala ng tatay ni Blake. "Pwede naman, na magkaanak ka ulit, pero dapat, pareho sila ng tatay ni Blake. Kung hindi kayo match ng anak mo, at hindi sila match ng tatay niya, sa kapatid, siguradong magmamatch sila." "Ano? huhukayin ko yung tatay niya, tapos makikipag sex ako?" pamimilosopo ko kay Liz. "My God, Andy, wag mo akong paandaran ng ganyan, I know, you're lying, " umiling iling pa siya sa akin. "Bakit parang ang hirap sayong paniwalaan ako?" ngumuso ako kay Liz, na ikinatawa niya. "Kasi, Kilala kita, namamawis ang ilong mo kapag nagsisinungaling ka," agad kong hinipo ang aking ilong, saka siya tumawa. "Hindi naman ah," sagot ko sa kanya. "See? napakadefensive mo," taw
DRAKE:"Bakit nakita ko pa siya? sana hindi ko na lang siya nakita!" napasalampak ako sa sofa, at iniunat ang aking mga braso sa sandalan niyon. "Bakit pa siya bumalik!""Sir? may kailangan pa ho ba kayo? aalis na po ako?" paalam ni Bruno sa akin. Sa kabilang unit siya namamalagi, dahil ayoko ng may kasama dito sa unit ko, dahil dito natutulog minsan si Jhoanna."Sige, wala na, maaari ka na munang umalis, tatawagan na lang kita kapag may kailangan ako," yumuko ako. Narito pa nga pala siya, akala ko, nag iisa ako."Sige sir.." sagot niya sa akin, 'tinotoyo na naman.' bulong pa niya.Paglabas ni Bruno, napabuntunghininga na lang ako. Bigla akong naguluhan."Ano ba kasi ang ginagawa ni Justine dito? Hindi na lang siya nanahimik sa malayo.." kinuha ko ang aking phone. Noon ko pa lang napansin ang message ni Jhoanna.'Babe.. look oh, napaka gwapong bata,' nagpasa pa ito ng picture sa akin, kasama ang isang batang nakangiti."Ang gwapo naman niyan," reply ko sa kanya.'Anak ng CEO ng hospit
JUSTINE: Tinititigan ko si Blake, habang mahimbing na natutulog. Iniisip ko pa rin ang sinabi ni Lizbeth, na kung hindi tatay, ay isang kapatid ng magliligtas dito, ngunit ang kapatid na iyon dapat, ay iisa rin ang ama. Mukhang mapipilitan akong lumapit sa mga Sanchez, dahil parang hindi ko makakausap ng matino si Drake. Nakita ko ang galit sa kanyang mga mata, noong makita ako nung nakaraang araw. "Ma'am?" kumatok si Alexa, ang aking secretary, "yung mga pipirmahan niyong papeles, ready na.." "Sige, susunod na ko," tinanguan ko pa siya, "Lena, pakibantayan na muna si Blake," pakiusap ko sa nurse ng aking anak. "No worries, Justine, akong bahala sa kanya," ngumiti pa siya sa akin. May mga folders sa aking table. Inisa isa ko iyong tingnan, at nanlaki ang aking mga mata, sa nakitang isang proposal!! Nais mag invest ni Drake Sanchez sa ospital! Ngunit hindi naman ako nag open para sa investors. Alam kaya niyang ako ang may ari nito?" napahawak ako sa aking noo. Imposible!
Ikinuwento ko lay Trina ang pagkikita namin ni Drake."Nagkita sila nung bata?" tanong niya sa akin, na halatang nag aalala."Hindi.. hindi sila nagkita.""Kailangan mo na siyang kausapin tungkol sa anak mo. Ilang beses ko ng sinasabi sayo, na ang pride ay panlaba lamang," sagot niya sa akin, "naibaba mo noon ang panty mo, ngayon, pride mo na lang, di mo pa maibaba?""Bunganga mo naman, Trina, baka marinig ka ng inaanak mo!" saway ko sa kanya. "Ikaw talaga, walang kapreno preno!""Wala akong sinabing masama ano. Yung mga kamag anak ba ni Drake, may posibilidad na kamatch din ni Blake?" tiningnan ako ng diretso ng kaibigan aking kaibigan.Napatingin din ako sa kanya. Hindi ko naisip ang bagay na iyon. Hindi nga kaya? may posibilidad nga kaya?"Alam mo, ang galing mo.. hindi ko man lang naisip yan. Saan mo kinuha ang utak na yan?" biro ko sa kanya."Ikaw lang naman ang walang utak, yung sakin kasi, hindi overused," saka kami nagkatawanang dalawa."Sa-- palagay mo kaya.. pwede?" nag aala
"Kuya Luis.." bati ko sa kanya ng papasukin ako ng secretary niya sa kanyang opisina. Nangunot ng bahagya ang kanyang noo, saka ako tiningnan, na hindi ko mabasa ang ekspresiyon."Oh, Justine, long time no see," hindi siya ngumingiti, subalit hindi naman siya galit. "Have a seat.""Kumusta kayo," bati ko, saka ako naupo sa kanyang harapan."Good, ikaw? anong masamang hangin ang nagdala sayo dito? five years ka ding nawala ah." may konting pang uuyam ang mga katagang binitawan niya."Itatanong ko lang sana kung-- kung saan tumutuloy si Drake? nagpunta kasi ako sa dati niyang condo, wala siya doon eh.""Hindi ko alam sa ngayon kung saan tumitira yun. Madalang na siyang umarte, ewan ko, naging introvert ata siya. Subukan mong magtanong kay cris, sila ang mas close non," saka niya binalikan ang kanyang mga binabasang papeles.Ganito talaga ata ang magkakamag anak na ito, parang mga walang paki sa mundo. Naramdaman ata niyang tinitingnan ko siya, nagulat pa ako ng magsalita siya."May kail
"Hoy! Drake Sanchez! puro ka yabang at kagwapuhan lang ang alam mong gawin sa buhay! bakit hindi ka lumaban ng karera sakin ha!" sigaw ni Andrew, dati kong kaibigan. "Kapag inggit, pumikit na lang. Kaya hindi ka sumisikat, masyado kang mayabang!" sigaw ko sa kanya. Mayabang talaga ang isang to, kaya hindi sumikat sikat. "Woooo, ang sabihin mo, duwag ka lang! wag kang maraming sinasabi diyan, ano mga par? eh duwag pala tong Sanchez na to eh! magaling ka lang kapag kasama mo ang mga pinsan mong pulpol na kagaya mo! pa marine marine pa kayo, mga duwag naman!" pang aasar pa niya sa akin. "Janella, sakay!" sabi ko sa girlfriend ko. "Wag mo na lang kasi silang patulan Drake," awat sa akin ni Janella, "baka mapahamak lang tayo." "I said, get in!" bulyaw ko sa kanya. Nagmamadali naman siyang pumasok, "sige, game! ang matatalo, sa impiyerno ang bagsak!" "Yun oh.. talagang lalaban na siya, let's go!!" sumakay na si Andrew sa kotse niya, kasama ang girlfriend nito. Pinapainit ko na
Niyaya ako ng mga pinsan ko na mag bar hopping. Kararating lang ni Kuya Cris mula sa ibang bansa. Isa siya sa tinitingala kong tao, dahil sa kanyang tatag ng loob. Na kahit ulila na siya, nakayanan niya pa rin ang lahat ng bagay ng nag iisa siya. Naiwan siya sa America noong magdecide na kaming mag uwian ng Pilipinas para mag settle ng aming mga career. Hindi pa sila dumarating kaya naglaro muna ako ng ML. Buti pinayagan ako ni Mira na maghappy happy at magsaya, masyado na akong burn out sa trabaho. Halos patayin ko na ang sarili ko sa mga taong lumipas. "Deserve ko naman to" bulong ko sa sarili. Pagtaas ko ng aking paa, may dumaan sa harapan ko, at huli na para bawiin ko ang aking gagawin, napatid ko na siya sa paa. May dala siyang tray na may laman. Nadapa siya ng tuluyan. "Ano ba yan Miss! are you blind?," agad ko siyang dinaluhan para pulutin ang mga bumagsak na bote. "Justine! anong nangyari?" malamang, manager iyon, "hindi ka na naman nag iingat! Sir, pasen-- Drake San
Dumating na sa wakas ang aking mga pinsan, after 95 years! Ano ba kasing naisipan ng mga ito at hindi agad nagsidating! Ang siste, hindi pa sabay sabay! "Kuya Cris," tawag ko sa pinsan ko, na malayo pa lang, nakangiti na sa akin. "Kanina ka pa?" tanong niya sa akin, nagyakapan kami at nagtapikan ng likod. "Tinubuan na ko ng ugat," nakanguso kong sabi sa kanya. "Ang usapan natin, alas sais ah." "Naku, sigurado ako, late ka rin dumating!" ginulo niya ang aking buhok. "Kuya naman, guluhin mo na ang buhay ko, wag lamang ang buhok ko," umiiwas ako sa kanyang mga kamay. "May pinagpapacutan ka siguro dito ano?" naupo na kaming dalawa sa aming table. Cubicle iyon na glass, pwedeng isara ang pinto kapag naiingayan sa tugtog, at pwede rin namang hindi. "Wala no. Alam mo namang si Janella lang ang laman ng puso ko." sagot ko sa kanya. "Kalimutan mo na si Janella, matagal na siyang wala," sabi niya sa akin. "Kung ganoon lang kadali kuya, ginawa ko na," mapait akong ngumiti sa kanya, "ika