Share

SS001

Author: euryirony
last update Last Updated: 2020-08-05 02:15:33

Song used: Kailan by MYMP

Street lights. Windy night. Earphones on and volumes up.

Everything is set.

Suot-suot ko sa balikat ko ang gitara ko habang sumasakay sa jeep.

Gabi na. Ibig sabihin lang n'on, oras ko na para mag-trabaho.

"Manong, bayad po."

Inabot ko ang pera ko sa katabi ko at siya na ang nag-abot n'on sa katabi niya hanggang sa makarating 'yon sa driver.

Nang makapagbayad ay itinuon ko na ang tingin ko sa labas at tahimik na nagmasid sa lahat ng taong makikita ko sa kalsada at sa mga kotseng hindi ko alam kung saan patungo.

Oras na ng pag-uwi ngayon. Maaaring ang iba ay nasa kani-kanila nang tahanan at kumakain kasama ng kanilang pamilya. Samantalang, ang iba naman ay papunta na sa kanilang trabaho kagaya ko.

Life has never been easy for people who's less fortunate kaya kailangan kumayod. At dahil nga, isa pa lang akong estudyante ay wala akong choice kundi ang pa-gig gig lang muna para makatulong saking pamilya.

Ako at si mama na lang ang magkasama kaya talagang puspos ako sa pag-aaral at pinagbubuti ko ang trabaho para may maiabot pa rin ako sakaniya.

"Neng, saan ka bababa?" tanong ni manong nang makitang malapit na ako sa pupuntahan.

Sinabi kong sa tabi na lang kaya d'on niya rin ako ibinaba.

Mula sa labas ay kitang-kita ko ang malalaking letterings na nasa itaas ng building ng bar kung saan ako may gig ngayong gabi.

ROCK & DESTROY.

Napapailing pa rin ako habang naaalala ko kung kaninong bar ba ito at kung bakit ganito ang pangalan ng kaniyang bar.

Huminga ako ng malalim bago inayos ang gitara ko. Tuloy tuloy lang ang pagpasok ko dahil kilala naman na ako rito.

"Cy!" napalingon ako sa taong tumawag sakin at nakitang iyon ang babaeng may-ari ng bar na ito.

"El," ngumiti ako. Bineso naman niya ako bago lumingkis saking braso.

Eleny is one of those fortunate kind of people pero kahit na gan'on ay hindi mo makikitang malaki ang ulo niya dahil sa mga bagay na meron siya. She's my schoolmate kaya kilala ko siya.

Eleny is the typical mean girl kung physical ang pagbabasehan but deep inside she's kind. She wouldn't let me sing at her own bar if she's not. I must say, that I'm lucky to have a friend like her.

"Ikaw pala ngayon, 'no? Hatid na kita sa dressing room mo," ngumiti lang ako at nagpahila sakaniya.

Nang makapasok ako ng dressing room ay halos hindi pa rin ako makahinga dahil sobrang ganda ng buong lugar.

Hindi naman ako isa sa sikat na banda o isang special guest pero sa simpleng gesture lang nito ni Eleny ay nanlalambot ang puso ko.

"Iiwan muna kita rito, ha?" sabi niya at tinapik ang aking braso.

Hindi na ako nakasagot sakaniya dahil tuluyan na siyang nakalabas ng silid.

Bumuntong hininga na lang ako at nagsimulang mag-ayos ng sarili.

Hindi naman ako gan'on kagaling mag-ayos at hindi naman necessary pero para lang masabing maayos ako ay ginawa ko na.

Nakarinig ako ng palakpakan at ilang saglit lang ay narinig ko na ang pagtawag saking pangalan.

"Let's welcome, The Rock and Destroy's Nightingale, Cyrelle Escareal!"

I almost closed my eyes because of the neon lights and their applauses but everytime I see the microphone infront of me, I can't help but to feel relaxed. It's been my safe haven since then.

"Good evening po sa inyong lahat," I started srumming my guitar.

Lahat sila ay nasa akin na ang tingin. Lagi namang gan'on, e. Pero hindi ko pa rin maiwasang kabahan.

"Tonight, I'll be singing another song for all of you," I smiled behind the microphone. "Here it goes," I started strumming my guitar and closed my eyes.

Bakit kaya nangangamba
Sa tuwing ika'y nakikita
Sana nama'y magpakilala

Ilang ulit nang nagkabangga
Aklat kong dala'y pinulot mo pa
'Di ka pa rin nagpakilala

I can see that all of them are listening to whatever my lips has been uttering.

Bakit kaya umiiwas
Binti ko ba'y mayroong gasgas
Nais ko lang magpakilala

Dito'y mayroon sa puso ko
Munting puwang laan sa 'yo
Maaari na bang magpakilala

I accidentally focused my eyes on someone. He was smiling. A beer is on his right hand while he was laughing with his friends. They're on a round table.

I know that I should look away but I can't help it.

Kailan (kailan), kailan mo ba mapapansin ang aking lihim
Kahit ano'ng aking gawin, 'di mo pinapansin
Kailan (kailan), kailan hahaplusin ang pusong bitin na bitin
Kahit ano'ng gawing lambing, 'di mo pa rin pansin

He's now talking to someone. I can't help but to focus my eyes on him more. His disheveled hair, his aristocrat nose, and his rosy cheeks and lips. Ang hirap na hindi siya titigan.

Dito'y mayroon sa puso ko
Munting puwang laan sa 'yo
Maaari na bang magpakilala
Bawat araw sinusundan
'Di ka naman tumitingin
Ano'ng aking dapat gawin
Kailan, kailan mo ba mapapansin ang aking lihim
Kahit ano'ng aking gawin, 'di mo pinapansin
Kailan, kailan hahaplusin ang pusong bitin na bitin
Kahit ano'ng gawing lambing, 'di mo pa rin pansin

Wala naman siyang ginagawa pero gusto kong pansinin niya ako. Ano bang tawag sa ganito? Nakakanginig.

Mas lalo akong nadala sa kanta dahil sakaniya at hindi ko maintindihan kung bakit gan'on. I knew to myself that I was already passionate with singing but because of this song and because of that guy, I was even more inspired.

I closed my eyes once again praying that this feeling will pass but when I opened my eyes, I saw him looking at me too.

I almost felt goosebumps at the back of my neck. Kakaiba siya tumingin. Parang abot hanggang kaluluwa ko.

He was wearing a charcoal black hoodie and cargo shorts. Hindi nakaligtas sa paningin ko ang nakasabit na blue headphones sa bandang leeg niya. Must be a music lover too, huh?

Natapos ang buong set ko na halos magkatitigan lang kami most of the time. Iiwas lang siya ng tingin 'pag may kakausap sakanya o kaya naman ay kakailanganin niya nang inumin ang shot niya. Ako naman ay wala namang ibang gagawin o titignan dito kaya nasa kanya lang ang buong atensyon ko.

"Once again, that's Rock & Destroy's Nightingale, Cyrelle, for you all. Let us all give her a round of applause."

Bumaba na ko ng stage pagkatapos n'on. Agad akong sinalubong ni Eleny.

"I really love your voice! As in. Kanta ka ulit dito, ha?" bungad niya at lumingkis ulit sa braso ko.

Ngumiti naman ako d'on.

"Oo naman. Ikaw pa ba?" natutuwang saad ko at sinukbit na sa balikat ko ang guitar bag ko.

Dumaan lang ako sa office saglit para kunin ang sinahod ko para sa isang set na gig na 'yon. Pagkatapos ay nagpaalam na ko kay Eleny.

Kinuha ko sa bulsa ko ang phone ko habang naglalakad palabas ng bar nang mag-vibrate ito. It was a call from Aeika, one of my bestfriends.

["Saan ka?"] tanong niya, halatang may ginagawa.

"Kakatapos lang ng gig ko. Why?" huminto na ko sa gilid ng kalsada para maghanap ng taxi.

Gabi na din kasi at mas prefer ko na mag-taxi para mas safe at madali na lang ang biyahe pauwi.

["Tara sa condo ni Arie. Umiiyak e. Broken na naman."]

Natigilan naman ako d'on at napabuntong-hininga na lang. Pang-ilang balita na ba 'to na narinig ko na broken si Arie? Lagi na lang nasasaktan ang babaeng 'yon. Kung hindi niloloko, iniiwan naman ng walang dahilan.

Tinignan ko ang oras sa screen ng phone ko. Mag-a-alas dose na ng madaling araw. Kung pupunta ako sa condo ni Arie, baka hindi na ko makauwi ng bahay ngayon. Ite-text ko na lang si mama.

"Sige. Papunta na ko."

["Dala ka daw beer tsaka foods."]

"Nautusan pa ko ha." pagtataray ko.

Nakapara na ko ng taxi at sumakay na. Medyo nahirapan pa ko sa pagpasok ng gitara ko pero ayos naman na.

["Pag-aambagan na lang namin dito. Pretty please?"] ngayon pa lang nai-imagine ko na 'yung pagpapa-cute ni Aeika. Nauumay na ko agad.

"Oo na!"

["Yehey!"] rinig kong hindi lang siya ang nag-yehey. Marami sila d'on na tuwang-tuwa na ngayon.

"Sige na, baba ko na 'to. Hintayin niyo na lang ako diyan."

["Ingat ka ha! Anong oras na din."] binaba niya na ang tawag pagtapos ng habilin na 'yon.

"Manong, sa Avida Towers po, sa BGC." paalala ko sa driver.

Tumango naman ito.

Nilagay ko na ang phone ko sa loob ng bag ko. Pagkatapos ay pinahinga ko na ang ulo ko sa bandang bintana. Medyo nakakapagod din kasi galing akong school kaninang umaga tapos diretso sa gig ngayong gabi. Papikit na ko habang nakatingin sa bintana nang may mahagip ang mga mata ko.

Siya 'yon!

'Yung lalake kanina sa Rock & Destroy. May kasama siyang babae. Nakaakbay siya d'on. Girlfriend niya siguro. Sayang, taken na. Pero mas nakakagulat naman kung wala siyang girlfriend. Sa gwapo niyang 'yon.

Pinikit ko na lang ang mga mata ko. Pagod na nga ako, feeling ko din tuloy sawi ako. Minsan na lang magkagusto sa lalake, taken pa.

Comments (2)
goodnovel comment avatar
ingrid segun
i think i gonna love it
goodnovel comment avatar
Dhaienikha Myn Escarmosa Columna
saet ahsuhfauhausfhuaihfuahfuhaughu
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

  • Montefierro Series #1: Sad Song (Tagalog)   Postlude

    Postlude: Sad Song by We The KingsI will never marry a woman who doesn't have the same soul as mine.It has always been my stand in life. If we don't think the same, if we don't have the same principles in life... then, it's a no. Kahit ang dami ko nang naging babae, wala ni isa sa kanila ang sineryoso ko. Sa mga pangarap pa lang nila sa buhay, nakakawala na agad ng gana't atensyon.Kuntento na ako sa sarili ko. Wala naman akong ibang kakampi sa mundo kundi ako lang din naman. I was full of pride and I admit I had an enormous ego. I was an independent person. I even believed that I can live alone in an

  • Montefierro Series #1: Sad Song (Tagalog)   SS035

    SS035:Can't Help Falling In Love by Elvis Presley"So, Xyvier, totoo ba 'yung kumakalat na chismis na nagkabalikan daw kayo ng ex mo na iniwan ka five years ago?"I pursed my lips. I never knew that a talkshow can be this heart pounding to watch. Para akong nanonood ng horror movie dahil 'di ko maiwasang makaramdam ng nerbiyos sa bawat isasagot nila.On the other hand, Xyvier was just sitting comfortably on his chair. Sa tingin ko ay mas kinakabahan pa ang mga ka-banda niya para sakanya. The side of his lips rose before helding on to his mic to answer.

  • Montefierro Series #1: Sad Song (Tagalog)   SS034

    SS034:Your Universe by Rico BlancoTumatawa ako habang kausap sila Aaliyah. They were telling a funny story that makes us all laugh. But I can't hide the fact that I'm already drunk. Magkakasama kaming mga babae sa isang bilog habang nakaupo sa lapag. Habang ang mga lalake naman ay nag-iinuman sa may countertop sa kitchen. Kung pagkukumparahin, mukhang matitino pa sila d'on habang kaming mga babae ay maiingay na."Ilang taon na mainit dugo nila sa isa't isa tapos magbabati din pala." Arie said, pertaining to Xyvier and Supremo.Tumango-tango naman sila habang si Saffia na katabi ko ay lum

  • Montefierro Series #1: Sad Song (Tagalog)   SS033

    SS033:Patawad, Paalam by Moira Dela TorreI wasn't able to go to work for the next few days. I became coward. Ilang beses kong sinubukang paniwalain ang sarili ko na matapang na ako. Pero nang dahil sa mga salita ni Xyvier sa akin, nagising ako sa katotohanan. I will never be strong if Xyvier is around me. He's my one and only weakness. Hindi ko na kayang lokohin pa ang sarili ko.["What now, Cyrelle? Itutuloy mo pa ba? Kasi kung hindi, magpapadala na lang ako diyan ng ibang magha-handle sa project na 'yan."] Idelle sounded so serious on the other line, as always.I shut my eyes tightly b

  • Montefierro Series #1: Sad Song (Tagalog)   SS032

    SS035:Paalam by Moira Dela TorreWalang humpay ang pagra-rant ko kay Ethan nang makalabas na kami ng building at makasakay ng sasakyan niya. Gusto ko na siyang saktan pero masyadong immature naman 'yon para gawin ko. Wala naman siyang ibang ginawa kundi ang tawanan ako."You don't know how awkward it was!" angil ko pa din sakanya."It's just getting more exciting, Cy. Come on. Are you a weakling?" he raised an eyebrow.Sinamaan ko lang siya ng tingin."What? Anong weakling pinagsa

  • Montefierro Series #1: Sad Song (Tagalog)   SS031

    SS031: Dulo ng Hangganan by IV of Spades"Caramel macchiato for Cyrelle."I stood up from my seat and went to the counter when I heard my name. The crew smiled at me before giving me my order."Here you go, Ma'am. Have a nice day." she said with enthusiasm.I smiled back before taking a sip at my drink. I took a deep breath as the coffee slowly went down into my system. Ah, heaven!"Thanks." huli kong sinabi bago na umalis ng Starbucks.I went to my

  • Montefierro Series #1: Sad Song (Tagalog)   SS030

    SS030:Take Her To The Moon by Moira Dela Torre "'Wag nga kasi pang-brokenhearted na kanta! Naiiyak si Arie e." pagpapasaway ni Aaliyah kay Saffia. Tumawa lang si Saffia bago naghanap na ulit ng ibang kanta sa phone niya. Napailing na lang ako habang nag-d-drive. Luella was just silent at the right side corner of the back seat. Si Saffia ay katabi ko na nasa shotgun seat. Nasa gitna naman ni Aaliyah at Luella si Arie. "Guys, ayos lang ako." ma-dramang saad ni Arie. Nagkatinginan na lang kami nila Luella, Saffia at Aaliyah sa rear v

  • Montefierro Series #1: Sad Song (Tagalog)   SS029

    SS029: Before It Sinks In by Moira Dela Torre

  • Montefierro Series #1: Sad Song (Tagalog)   SS028

    SS028:Kung Pwede Lang by Emman We woke up the next morning with the news that Ethan was hospitalized becau

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status