SS004: Just The Way You Are by Bruno Mars
"Ma, alis na ko." paalam ko sa nanay ko bago lumabas ng bahay.
Busy siya manood ng teleserye na paborito niya kaya 'di ko na ginulo.
Tumingin ako agad sa group chat namin nila Arie nang makasakay ako ng jeep. Ngayon ko lang kasi 'to mache-check mula kaninang umaga. Nag-asikaso na muna kasi ako bago nag-online sa cellphone ko.
Bago pa man ako makapag-backread ay napansin ko nang parang may pino-problema silang issue ngayong araw. Medyo nagpa-panic na nga sila base sa mga chat nila. Kaso mga one hour ago na 'yung last chat ni Aaliyah tapos naka-seen na sila lahat. Nabanggit pa ni Aaliyah ang pangalan ko d'on kaya lalo akong na-curious.
Hindi ko pa din ma-gets masyado ang pinag-uusapan nila kasi masyadong mahaba 'yung dapat kong i-backread. Pero sa pagkaka-intindi ko sa ngayon, about 'yon sa vlog daw na ginawa namin nung sabado. Pero 'di na ko natuloy sa pagbabasa kasi kailangan ko nang bumaba ng jeep.
Diretso akong naglakad papasok ng school pagkababa ko ng jeep. Nagmamadali na ko kasi gusto ko nang ituloy 'yung pagba-backread sa group chat. Pero sa sobrang pagmamadali ay may nabangga ako habang naglalakad ako sa hallway.
I heard a chuckle from the man I bumped into habang tinutulungan niya ko sa pagpulot ng dalawang libro ko na nahulog.
"You're always this clumsy?" he asked. The voice was familiar. Low tone and a bit husky. I know that voice...
Nang dumiretso ako ng tayo ay naitingala ko na din ang ulo ko at bumungad sakin ang ngisi niya. Agad nanlaki ang mata ko. I wasn't able to hide my shock.
"Cyrelle, right?" he said that like it wasn't a question but a statement.
"Pasensya na. Nabangga ulit kita." paumanhin ko.
He just chuckled again. Pagkatapos ay may parang tinanaw siya sa bandang likuran ko at nagtaas ng kamay.
"Dito, bro." medyo malakas na sabi niya pa. Parang may tinatawag.
Sinundan ko ng tingin ang tinatanaw niya at nakita kong may lalakeng papalapit na samin. May guitar bag din na nakasabit sa balikat nito.
"Sino 'yan? Bago mo?" salubong nung lalake nang makalapit samin.
Natawa lang si Xyvier at nagkamayan sila. Kung 'di ako nagkakamali, ito 'yung kapatid niyang si Constantine. May parang binulong pa saglit si Xyvier kay Constantine bago ito tumango.
"Ah, the girl in that vlog." sabi nung Constantine habang tinitignan ako mula ulo hanggang paa.
I feel disgusted for a moment dahil sa pagtingin niya. Aktong maglalakad na ko para makalayo na sakanila pero pinigilan ako ni Xyvier.
"May klase ka na ba?" tanong niya.
Huminto ako saglit at 'di ko napigilan na magtaray.
"Oo." simpleng sagot ko.
"Hatid mo na 'yan sa room niya." pangaasar nung Constantine.
Tumawa lang ulit si Xyvier.
"Kapatid ko nga pala." pagpapakilala ni Xyvier sakin sa kapatid niya.
Medyo naguguluhan na ko. Kasi parang kung tratuhin ako ni Xyvier ay close kami. Pero wala naman akong choice kundi tanggapin 'yung kamay ni Constantine na nakalahad na.
"Constantine." pakilala nito.
"Cyrelle." sagot ko naman habang kinakamayan siya.
Napatingin na si Constantine sa guitar bag na dala-dala ko.
"Sa'yo 'yan?" tanong niya.
Napalingon din ako sa gitara ko bago tumango.
"So you play?" he asked.
Tumango ako ulit.
"Nagpe-perform siya sa R&D." nakangiting saad ni Xyvier. Parang proud pa sakin. 'Di ko na talaga maintindihan 'tong lalakeng 'to.
Tumango-tango naman si Constantine.
"Jam tayo minsan." pagyaya niya, "And you can call me Stan." ngisi nito at kumindat pa.
Bigla naman siyang sinuntok sa braso ni Xyvier. Umarteng nasaktan si Stan pero tumatawa din naman. May binulong pa si Xyvier bago nagtaas ng dalawang kamay si Stan.
"Una na ko, Cyrelle. It was nice meeting you." natatawa pa ding paalam ni Stan bago pa tumingin ng makahulugan kay Xyvier.
Napakamot ng ulo si Xyvier nang makalayo na ang kapatid niya.
"Pagpasensyahan mo na 'yon." sabi niya sakin.
"It's fine." sagot ko lang.
"Hatid na kita? Pareho lang naman tayo ng dadaanan."
"Hindi 'yon hatid. Sabay lang." pag-correct ko pa.
"Edi sabay." tawa niya.
Nauna na lang akong maglakad. At sumabay naman siya sa tabi ko. Napansin kong pinagtitinginan kami pero 'di ko na lang pinansin.
Nang makarating sa room ko ay huminto na ko sa tapat ng pinto. Huminto din naman siya sa harap ko.
"About the vlog..." sambit niya.
"Ha?" agad akong nagtaka. Anong vlog pinagsasabi niya?
"The vlog?" pag-ulit niya pa.
"Anong vlog?" tanong ko.
"There you are!" agad akong nilapitan ni Aaliyah at kinapitan pa ko sa braso.
Halatang nawala 'yung pagiging kumportable ni Xyvier nang makitang may ibang tao na kaming kasama.
"I'll go first. See you around." paalam agad ni Xyvier at umalis na.
"What was that?" pinanlakihan ako ng mata ni Aaliyah.
"Xyvier." simpleng sagot ko lang at pumasok na ng room para maibaba na ang mga gamit ko.
Nakasunod pa din sakin si Aaliyah. Lumapit na din sila Aeika at Saffia samin. Wala pa sila Luella at Arie.
"Kasama niya si Xyvier kanina!" parang naeexcite na kinakabahan na sumbong ni Aaliyah sa dalawa.
I just rolled my eyes. Ayan na nga ba sinasabi ko e. Lalagyan na naman nila ng issue 'yung mga simpleng ganap na ganito.
"Buti hindi nagalit?" bulong ni Aeika.
"Bakit magagalit?" tanong ko naman.
"Kanina pa namin pinaguusapan 'yon sa gc, Cy." Saffia said.
"'Di pa ko nakapag-backread ng maayos."
Pare-pareho pa silang napa-facepalm.
"What?" medyo inis nang sabi ko. Kanina pa kasi ako naguguluhan e.
"Nung nagkita kayo sa Serenity nung sabado. Na-videohan namin 'yon. Tapos in-upload ko na sa youtube ko as your dare." Aaliyah said with a small voice, halatang guilty.
"What?!" halos mapasigaw pa ko. I think this is the time to be overdramatic kasi—OMG lang.
"Sorry." nag-peace sign pa si Aaliyah.
"And it's not just that." Aeika pointed out.
"Ano pa?" halos hysterical na ko.
"Zed commented at that video. He said to take it down asap because wala daw consent ni Xyvier." Saffia answered.
Napahilamos na ko ng mukha.
"Oh my God." tanginang nasabi ko na lang.
And I was acting like there's nothing serious that is happening awhile ago nung kasama ko siya. 'Yun pala 'yung vlog na binabanggit niya.
"Binura mo na ba?" tanong ko kay Aaliyah.
Tumango naman si Aaliyah.
"Now, what to do..." napahilot na lang ako ng sentido.
Pagkatapos ng klase namin ay agad na kong lumabas. Hindi ko na sila hinintay. Nag-text kasi sakin si Eleny. Binibigyan niya ko ng raket. Kakanta daw ako sa isang birthday party ng isang elite na tao. Malaki ang sasahurin ko kaya kinuha ko na agad 'yung opportunity.
Pasakay na ko ng jeep nang may humintong sasakyan sa harap ko. Naging alerto pa ko at medyo lumayo sa kalsada kasi baka kidnapper o ano. Bumukas ang bintana sa shotgun seat at mukha ng isang lalakeng 'di ko kilala ang bumungad sakin.
"Serenity girl." ngisi nung lalake.
Parang nakita ko na siya somewhere. At may kapareho siya ng mata.
Lumingon ako sa magkabilang-gilid ko para masigurado kung ako ba talaga ang kinakausap niya o baka iba naman. Pero ako lang naman ang nandito.
Bumukas pa 'yung bintana sa backseat at mukha ni Stan ang nakita ko.
"Her name is Cyrelle, dude." sabi niya d'on sa lalake sa shotgun seat bago ako nginitian ng matamis, "Sabay ka na daw samin." yaya niya sakin.
Napataas ang kilay ko. I showed them how confused I was.
"Sabi ni Xyvier, sabay ka na daw." sabi nung isa pang lalake na katabi ni Stan, sumilip din ito sa bintana.
Nabilang ko na kung ilan sila d'on. Apat silang mga lalake d'on. And they're expecting me na sumabay sakanila?
Bumukas 'yung pinto sa shotgun seat at lumabas 'yung lalakeng nakaupo d'on kanina.
"Izrael, by the way. Xyvier and Stan's brother." ngiti niya, "And that is Zed. Kapatid din namin." turo niya sa katabi ni Stan.
I don't know what to react, though. Kaya tumango na lang ako.
"Nagmamadali kasi ako. Mauna na ko—" 'di ko natapos ang sasabihin ko kasi sumilip na si Xyvier sa nakabukas na pinto, siya ang nasa driver's seat.
"Ibababa ko din sila diyan sa kanto. Don't worry. Tapos ihahatid na kita kung saan ka pupunta." he offered.
Agad akong napailing. Nakakahiya na 'yon. Tsaka may atraso pa nga ako sakanila.
"Nako, hindi na." sabi ko.
"Come on. Don't let him down." bulong sakin ni Izrael at nginitian ako bago na pumasok sa backseat. Iniwan niyang nakabukas 'yung pinto ng shotgun seat.
"Sakay ka na, Cyrelle." pagpilit pa ni Stan.
Grabe, parang nakaka-pressure naman sila. Sapilitan ba 'to?
Sa huli ay napabuntong-hininga na lang ako. Kung hindi lang mukhang puppy nang nagmamakaawa 'yung mukha ni Xyvier, 'di talaga ako sasama. Tsaka male-late na ko kung buong araw pa kong magpapapilit sakanila.
"Seatbelt." paalala ni Xyvier pagtapos kong makaupo at maisara ang pinto.
Ngumiti lang ako ng tipid at sinuot na ang seatbelt.
"Sana all." rinig kong sabi ni Stan sa likod.
Sinapak naman siya ni Zed at nagtawanan sila d'on. Tinignan ko si Xyvier na halatang nahihiya na para sa mga kapatid niya.
"Don't mind them." sambit niya at nginitian ako bago na pinaandar ang sasakyan.
Nasa kalagitnaan kami ng biyahe nang magsimulang magsalita 'yung tatlo sa likod.
"Cyrelle, sorry pala about sa vlog ni Aaliyah. Sana hindi siya na-offend sa comment ko." sabi nung Zed.
Agad naman akong nahiya. Siya pa ang nagso-sorry. E kami na nga 'yung mali. Totoo namang walang consent ni Xyvier 'yon. Tsaka wala akong alam na na-videohan pala 'yon. That was not suppose to be a dare. Genuine lang 'yon na nangyare.
"Kami nga dapat mag-sorry. We should've asked you in the first place." lumingon ako kay Xyvier, "Sorry." sambit ko.
I saw the side of his lips rose.
"Wala 'yun sakin." sagot niya.
"Si Zed lang naman may problema d'on. Kasi kailangan daw muna ng maayos na agreement bago kami ipa-collab sa iba. Ginagawa kasi kami niyang source of money niya." pangaasar ni Izrael.
Agad naman siyang sinapak ni Zed at nagkulitan na sila d'on.
I stayed quiet after that. Nakakahiya na talaga sila kasama. Parang nung kailan lang, sine-search lang namin sila sa Google. Tapos ngayon, apat sa mga Montefierro, kasama ko na sa iisang sasakyan.
Hininto na ni Xyvier ang sasakyan sa isang kanto. Nagsibabaan naman agad 'yung tatlo, mukhang nagmamadali din sila.
"Basta kita-kita na lang d'on." sabi ni Stan bago isara 'yung pinto.
"Agahan mo konti, Zed. Para kunware responsable kang tao." sabi ni Xyvier na sinimangutan naman ni Zed.
"Una na muna kami, Cy." Izrael waved at me. Gan'on din ang ginawa nila Stan at Zed.
"Cy? Oo nga 'no. Parang nickname din ni Xy." rinig ko pang sabi ni Zed.
Inakbayan naman siya agad ni Stan at kinaladkad na palayo. May binulong pa si Stan sakanya pero 'di ko na narinig kung ano.
"Saan ka?" tanong ni Xyvier. D'un lang nawala na ang tingin ko d'on sa tatlong bumaba at napatingin na sakanya.
Ngayon ko lang napansin ang suot niya. Naka-hoodie na siyang yellow mustard ang kulay. Pansin ko lang na mahilig sa hoodie ang isang 'to.
"Ibaba mo na lang ako sa malapit na LRT station. Kaya ko na sarili ko. Malayo pa kasi 'yon." sagot ko.
Matagal pa bago siya sumagot. Mukhang may iniisip pa. Sa huli ay napatango na lang siya.
"Okay." sagot niya at pinaandar na ang sasakyan.
For someone na may girlfriend, ang sweet sa iba ng lalakeng 'to. I wonder kung gaano ito kababaero? Halata namang lahat silang mga Montefierro ay may pagka-womanizer. Pero as a friend, okay naman sila. They're nice.
Tulad ng napag-usapan. Binaba niya nga ako sa pinakamalapit na LRT station. Bago ko maisara ang pinto ng sasakyan ay tinawag niya ko.
"Bakit?" tanong ko.
"Can we just say na may atraso ka sakin because of that vlog?" sambit niya.
Halos mapanganga naman ako. Binabawi ko na na mabait sila!
"Atraso?" pag-ulit ko pa. Baka namali lang ako ng dinig.
He chuckled a bit.
"Just one wish. Give me one wish that you can grant for me." sabi niya.
"Anong wish naman?" tanong ko.
"'Pag may naisip na ko. Sasabihin ko sa'yo."
Tumango na lang ako para matapos na. Kailangan ko na din kasi talagang magmadali.
"Thank you sa paghatid." sabi ko bago na kumaway at naglakad na papunta sa station.
SS005:KLWKN by Music HeroHaggard na ko nang makarating ako sa address na binigay sakin ni Eleny. Medyo parang nahiya pa nga akong tumuloy kasi napakalaki ng bahay. Mansyon na yata 'to. Tsaka ang damin
SS006:Moonlight by Ariana Grande "I wanna say thank you for coming here tonight. Enjoy."
SS007: Pagtingin by Ben&Ben Maaga akong gumising nitong sabado. Walang pasok kaya naman agad akong naghanda para sa unang date namin kuno ni Xyvier. Hanggang ngayon ay hindi pa rin nagsi-sink in sa isip ko ang mga nangyari kagabi. Talaga bang pinayagan ko siya sa gusto niya? Aish!
SS008: La Vi En Roseby Daniela AndradeIlang minuto na simula nong sinabi sa akin ni Xyvier kung gaano niya ako kagusto. Nandon pa rin iyong satisfaction sa mukha niya nang umamin siya at ako'y wala pa
SS009: Out Of My League by Stephen Speaks "Once again, that's the Rock & Destroy's Nightingale, Cyrelle Escareal. Let's give her a round of applause."
SS010:Fools by Troye Sivan Exam week ngayon sa school. Naging busy kami lahat kasi kailangang mag-review. Nakaka-pressure din lalo na sa mga grade conscious katulad ko. I'm partly a scholar, half ng tuition na binabayaran ko sa school ko is sagot na ng scholarship ko.
SS011:Ligaya by Eraserheads We were both quiet the whole ride. Ramdam na ramdam ko din ang tensyon sa pagitan namin. I didn't even tried to face him, nakaharap lang talaga ako sa bintana. I felt teary-eyed but I really tried my bes
SS012: Para Sa'yo by Parokya Ni Edgar From: Xyvier
Postlude: Sad Song by We The KingsI will never marry a woman who doesn't have the same soul as mine.It has always been my stand in life. If we don't think the same, if we don't have the same principles in life... then, it's a no. Kahit ang dami ko nang naging babae, wala ni isa sa kanila ang sineryoso ko. Sa mga pangarap pa lang nila sa buhay, nakakawala na agad ng gana't atensyon.Kuntento na ako sa sarili ko. Wala naman akong ibang kakampi sa mundo kundi ako lang din naman. I was full of pride and I admit I had an enormous ego. I was an independent person. I even believed that I can live alone in an
SS035:Can't Help Falling In Love by Elvis Presley"So, Xyvier, totoo ba 'yung kumakalat na chismis na nagkabalikan daw kayo ng ex mo na iniwan ka five years ago?"I pursed my lips. I never knew that a talkshow can be this heart pounding to watch. Para akong nanonood ng horror movie dahil 'di ko maiwasang makaramdam ng nerbiyos sa bawat isasagot nila.On the other hand, Xyvier was just sitting comfortably on his chair. Sa tingin ko ay mas kinakabahan pa ang mga ka-banda niya para sakanya. The side of his lips rose before helding on to his mic to answer.
SS034:Your Universe by Rico BlancoTumatawa ako habang kausap sila Aaliyah. They were telling a funny story that makes us all laugh. But I can't hide the fact that I'm already drunk. Magkakasama kaming mga babae sa isang bilog habang nakaupo sa lapag. Habang ang mga lalake naman ay nag-iinuman sa may countertop sa kitchen. Kung pagkukumparahin, mukhang matitino pa sila d'on habang kaming mga babae ay maiingay na."Ilang taon na mainit dugo nila sa isa't isa tapos magbabati din pala." Arie said, pertaining to Xyvier and Supremo.Tumango-tango naman sila habang si Saffia na katabi ko ay lum
SS033:Patawad, Paalam by Moira Dela TorreI wasn't able to go to work for the next few days. I became coward. Ilang beses kong sinubukang paniwalain ang sarili ko na matapang na ako. Pero nang dahil sa mga salita ni Xyvier sa akin, nagising ako sa katotohanan. I will never be strong if Xyvier is around me. He's my one and only weakness. Hindi ko na kayang lokohin pa ang sarili ko.["What now, Cyrelle? Itutuloy mo pa ba? Kasi kung hindi, magpapadala na lang ako diyan ng ibang magha-handle sa project na 'yan."] Idelle sounded so serious on the other line, as always.I shut my eyes tightly b
SS035:Paalam by Moira Dela TorreWalang humpay ang pagra-rant ko kay Ethan nang makalabas na kami ng building at makasakay ng sasakyan niya. Gusto ko na siyang saktan pero masyadong immature naman 'yon para gawin ko. Wala naman siyang ibang ginawa kundi ang tawanan ako."You don't know how awkward it was!" angil ko pa din sakanya."It's just getting more exciting, Cy. Come on. Are you a weakling?" he raised an eyebrow.Sinamaan ko lang siya ng tingin."What? Anong weakling pinagsa
SS031: Dulo ng Hangganan by IV of Spades"Caramel macchiato for Cyrelle."I stood up from my seat and went to the counter when I heard my name. The crew smiled at me before giving me my order."Here you go, Ma'am. Have a nice day." she said with enthusiasm.I smiled back before taking a sip at my drink. I took a deep breath as the coffee slowly went down into my system. Ah, heaven!"Thanks." huli kong sinabi bago na umalis ng Starbucks.I went to my
SS030:Take Her To The Moon by Moira Dela Torre "'Wag nga kasi pang-brokenhearted na kanta! Naiiyak si Arie e." pagpapasaway ni Aaliyah kay Saffia. Tumawa lang si Saffia bago naghanap na ulit ng ibang kanta sa phone niya. Napailing na lang ako habang nag-d-drive. Luella was just silent at the right side corner of the back seat. Si Saffia ay katabi ko na nasa shotgun seat. Nasa gitna naman ni Aaliyah at Luella si Arie. "Guys, ayos lang ako." ma-dramang saad ni Arie. Nagkatinginan na lang kami nila Luella, Saffia at Aaliyah sa rear v
SS029: Before It Sinks In by Moira Dela Torre
SS028:Kung Pwede Lang by Emman We woke up the next morning with the news that Ethan was hospitalized becau