Share

SS005

Author: euryirony
last update Huling Na-update: 2020-08-05 02:17:39

SS005: KLWKN by Music Hero

Haggard na ko nang makarating ako sa address na binigay sakin ni Eleny. Medyo parang nahiya pa nga akong tumuloy kasi napakalaki ng bahay. Mansyon na yata 'to. Tsaka ang daming bisita, lahat naka-formal attire. Elite nga talaga 'to, no doubt.

Nang makalapit ako sa gate, kita ko agad na may mga guard. Hinarang din ako kaya 'di ako makapasok.

"Ma'am, patingin po ng invitation." salubong agad sakin ng guard.

Napakagat na lang ako sa ibabang labi ko. Wala naman akong invitation kasi tinext lang ako ni Eleny.

"Kuya, wala akong invitation kasi biglaan lang akong inimbita dito e. Kakanta sana ako." pagdadahilan ko.

"Nako, ma'am. Mahigpit kasi security namin dito e. Kailangan po talaga ng invitation."

Pinatabi muna nila ako kasi may mga dadaan pang guests. Sa malaking gate, pila-pila din 'yung mga sasakyan na pumapasok. 

I sighed and tried to text Eleny again. Kanina pa kasi siya 'di nagrereply sakin e. Parang busy na. Kaya feeling ko 'di na rin niya ako matutulungan ngayon.

Mukha na kong palaboy na ewan na nandito lang sa gilid. Ang sakit na din ng likod ko kasi kanina ko pa buhat 'yung gitara ko. Nag-unat muna ako at binaba ang guitar bag ko. Pero laking gulat ko nang may humawak sa kamay ko at siya na din ang nag-buhat ng guitar bag ko. Hinila niya ko palapit sa gate at halos mapanganga na lang ako sa bilis ng pangyayare.

"Teka..." I swear to God, hindi ko kilala 'to...

"She's my friend." sabi niya sa guard, "Ganito ba talaga kayo mag-trato ng guests dito?" panenermon niya pa.

Nagpalipat-lipat lang ang tingin ko sa taong 'to na hanggang ngayon ay hawak pa din ang kamay ko at sa guard na pinapagalitan niya.

"S-Sorry po, sir Jacob. Hindi po namin alam..." nakayukong tugon naman ng guard.

The guy named Jacob exhaled a large amount of air. Like he's showing how disappointed he is.

"Save it. Ayusin niyo na lang trabaho niyo." huli niyang sinabi bago ako hinila papasok.

Huminto kami nang medyo malayo na kami sa gate. Agad niya din namang inabot sakin ang gitara ko. A ghost of smile was plastered on his face, I can see it.

"What?" ngisi niya sakin nang mapansin niyang natulala na lang ako sakanya, "Is that your way of saying thank you?"

Nang mahimasmasan ako mula sa pagkatulala sakanya ay tsaka lang ako nakapagpasalamat. Tumawa lang naman siya ng mahina bago ako tinanguan sabay lagay na ng dalawang kamay niya sa magkabilang bulsa niya.

"No worries. Whether you're a gate crasher or not, I don't care. I just wanna witness some fun tonight." aniya at tinagilid ang ulo bago ako nginitian ulit, "Feel free to mingle." huli niyang sinabi bago na ko tinalikuran at kinawayan habang naglalakad na palayo.

Hindi ko ma-gets 'yung sinabi niya kaya wala na lang akong ibang nagawa kundi panoorin ang likod niyang unti-unti nang nawawala sa vision ko. He's somewhat familiar to me. Parang nakita ko na talaga siya somewhere.

Anyway, I need to atleast find someone who can help me para malaman ko kung paano ba ko makakapag-perform dito. 'Yun naman kasi talaga ang papel ko dito.

Naglakad-lakad ako para makahanap ng kahit staff lang o ano. Kaso ang dami masyadong tao, pansin ko ngang may mga media pa. Ang daming mga photographers e, kaliwa't kanang camera nakikita ko.

"Ladies and gentlemen, Supremo at your service. I'm with my band named Major Kronos. Please do enjoy our music. And to my dearest brother, Robber... Happy birthday sa'yo, kuya."

Malakas na palakpakan ang lumunod sa pandinig ko pagkatapos marinig ang speech na iyon mula sa center stage. Agad akong lumingon para makita pa ng mas maayos 'yung nagsalita. Idol ko 'yon!? It was one of my favorite bands! The reason why I got into music.

Nagsimula silang tumugtog. The very first song they played was their hit song. And it's also my most favorite song of Major Kronos.

           
Kailangan mong malaman
Kung kailan ka kailangan
Parang 'di na naranasang
Ikaw naman ang ipaglaban

Bakit palaging isinasantabi
Ang iyong sarili para sa iba?
Naghahangad sa taong 'di babalik
Subukan mo namang magpahinga

       
Napangiti na lang ako. Major Kronos is somewhat sentimental to me. They inspired me to learn playing guitar and create my own music. I can't believe they're in front of me now. I can't even afford a ticket of their concert.

"Cyrelle?"

A familiar voice called my name so I immediately turned my back to see who that is.

"Luella!" my eyes widened when I saw her. She's wearing a glimmering white halter dress. Obviously, she's one of the guests.

Agad akong lumapit sakanya at ganoon din naman siya.

"Why are you here?" she asked.

"Binigay 'tong raket sakin ni Eleny e. Magpe-perform daw ako." sagot ko.

"Wait." sabi niya at nilabas ang phone niya bago nag-type ng kung ano d'on,
"I'm with Arie awhile ago. I'll text her."

"Really?" mas lalo akong natuwa kasi atleast kahit papano dalawa na silang kakilala ko dito.

"Yes. Our families are invited here. We're somehow related to Robber Montefierro when it comes to business." she explained.

Napatango naman ako d'on. 'Di na nakakagulat kasi mayaman naman talaga ang mga pamilya ni Luella at Arie.

"Montefierro pala may birthday 'no?" ani ko.

"The eldest." she pointed out.

"Cyrelle, dito!" Eleny's voice echoed nang tawagin niya ako. Malakas talaga ang boses ng isang 'to e. And good thing, she's here!

"Mauna muna ako. Kita tayo mamaya ni Arie." paalam ko kay Luella.

I followed Eleny at dinala niya ako sa isang room sa loob ng mansyon. Nang makapasok ay agad niya kong pinakilala sa isang stylist at pinaupo ako sa harap ng make-up table. Maraming tao sa loob ng room na 'to, mostly mga stylists at mga nagaasikaso sa mga artists na magpe-perform. Hindi lang pala Major Kronos ang sikat na bandang naka-line up para tumugtog kundi madami pang iba. Feeling ko tuloy nanliliit ako. I mean, 'di naman ako kilala kaya bakit ako nandito?

"You're a bit late. So kailangan na nating magmadali." Eleny said, halatalang aligaga na din, "Ate, pakigandahan po pag-ayos sakanya ha. Si Mr. Robber Montefierro mismo nag-request diyan." baling niya naman sa stylist na nagme-make up na sakin.

Napalingon naman ako bigla sakanya dahil sa sinabi niya.

"Si Mr. Robber mismo nag-request sakin?" pag-ulit ko pa.

"Yes. And oh," she snapped her fingers, na parang may naalala, "I almost forgot to tell you. Wala ka pa kasi kanina nung kinausap ako ni Mr. Robber kaya sakin niya na lang sinabi para ipaabot sa'yo. You'll be performing daw with a band. Duet kayo ng male vocalist nila."

Agad nanlaki ang mata ko at napanganga ako sa gulat.

"What? Anong banda?" nakaramdam agad ako ng kaba.

I'm not used to performing with a band at ng may ka-duet. Tsaka isa pa, ni wala kaming practice!

"The Mythicals." she answered, wiggling her eyebrows at me, "Oh, there they are!" turo niya sa mga lalakeng kakapasok lang ng pinto ng kwarto.

Agad niyang nilapitan ang mga iyon at dinala papunta dito sakin.

"Cyrelle, meet The Mythicals. I'm sure you already know their bassist, I've watched that vlog of Aaliyah. Sayang nga binura e." nginitian niya pa ko ng makahulugan at parang gusto ko na lang magpalamon sa sahig, "Guys, this is Cyrelle. You'll be performing with her tonight."

Nagsingitian naman sila Stan sakin. 'Yung mga tingin nila halatang nagsasabing kilala na nila ako. Gusto ko na lang talagang magtakip ng mukha.

"They're also performing at my bar kaya I know them." Eleny added and then she tapped Xyvier's shoulder, "Kayo nang bahala sakanya."

Eleny winked at me before leaving the room. Agad namang lumapit sakin si Stan.

"Akalain mo 'yon? Makakasama ka pala namin mag-perform?" nag-taas baba pa siya ng kilay.

"Oo nga..." I tried to sound excited for that, kahit sa loob ko hindi kasi I feel like I might get distracted. I don't know.

      
At dahan-dahang ihiga ang katawan
Nang 'yong malamang 'di ka nag-iisa
Halika na't 'di kailangang pilitin
Dahil para sa 'kin, ika'y mahalaga

Mayro'n ngang puso
Ngunit hindi mo nakikita ito
Kahit pa tayo'y nasa sulok
'Di ka pa rin magpapasuyo

       
Rinig hanggang dito 'yung boses ni Supremo. Kita ko naman 'yung agad na paghinto nila Xyvier nang marinig nila 'yon ng mas malinaw.

"Nagpapasikat na naman 'yung isa nating kapatid." Izrael said.

Agad naman siyang inakbayan ni Stan at dinala na sa table nila. Nilapitan naman na din agad sila d'on ng mga stylists nila. May isa pa silang kasama na I'm sure ay 'di nila kapatid kasi 'di ko naman nakita 'yung mukha n'on d'on sa google.

Xyvier was the only one left behind me. Tapos na akong lagyan ng make-up at buhok ko naman ang inaayos. Kita ko si Xyvier mula sa salamin sa harap ko. Medyo tulala siya, na parang nakikinig sa pagkanta ni Supremo.

"Fan ka din?" tanong ko.

D'on naman siya natauhan at napadako na ang tingin niya sakin mula sa salamin. A weak smile crept on his face bago umiling.

"Dito din pala punta mo. Sana hinatid na kita ng diretso." he softly said.

Ngumiti lang ako.

"Hindi naman natin alam pareho." sagot ko.

"I have to pick up Rocky, that's why napapayag mo kong ibaba ka na lang sa LRT station. Sayang."

"Rocky?" I asked.

"Our drummer." sabi niya sabay turo d'on sa isang 'di pamilyar sakin.

Napatango naman ako d'on.

"So, you have a band." I said, as a matter of fact.

Tumango siya, "Yeah."

Ilang saglit pa ay pinatayo na ko ng stylist ko at pinapili ng susuotin. Sinubukan ko pang lumingon sa likod ko habang pinapakitaan ako ng mga damit nung stylist pero wala na si Xyvier d'on. I don't know, but I like it when he's near me. 'Pag wala siya, automatic na hinanap ko siya. Weird.

Sinuot ko na sa fitting room ang damit na napili ko. Pagkalabas ay naisip kong lapitan sila Xyvier na nasa kabilang corner ng kwarto. Kailangan kong atleast magkaroon man lang ng knowledge sa kakantahin namin.

"So, what song are we playing?" diretsong tanong ko na.

Napalingon naman sila sakin lahat. But Xyvier's eyes were the only ones that stayed staring at me.

"Woah. Bagay sa'yo suot mo, Cy." Stan complimented me.

Napangiti naman ako d'on and I suddenly got conscious with what I'm wearing. Black turtleneck backless top lang naman iyon at ripped jeans.

"Thank you." I muttered.

"Tingin ko bagay din kay Cyrelle kung kakantahin niya 'yung KLWKN." Izrael suggested.

"Music Hero? Bagay nga." Stan agreed.

That song fits my voice. Kaya 'di na ko nagreklamo pa. Ilang minuto pa kaming nag-discuss about sa mga kakantahin namin bago na kami sinabihan ng isa sa mga staff na mag-ready na dahil kami na ang next na magpe-perform.

Sumabay ako sakanila sa paglabas at pagpunta sa backstage. Nakasalubong pa namin d'on ang Major Kronos. Si Izrael lang ang nakatanguan ni Supremo, si Xyvier at Stan ay parang wala lang nakita. I saw how Supremo's eyes went to me pagkatapos niyang daanan ng tingin si Xyvier. I wonder kung napanood niya din 'yung vlog. I mean, kapatid niya sila Zed, so baka nanonood din siya ng mga vlogs ng kapatid niya. And sa way ng pagtingin niya sakin, parang gan'on na nga.

"Bro!" may apat na lalakeng lumapit kila Xyvier.

'Yung yumakap kila Xyvier ay matangkad at maputi, medyo mahaba din ang buhok. It must be Rafael Alesi Montefierro. 'Yung isa naman na tumawag ng "bro" ay mas maliit ng konti kay Rafael at bubbly ang features. This one's Caius Kief Montefierro. The other two ay magkatabi sa likod nila na nakikipagtawanan kila Stan at Izrael. Sila Cole Rinki Montefierro at Yohan Lucifer Montefierro.

Well, blame my sharp memory. Naaalala ko pa din ang mga itsura at pangalan nila. Or baka talagang masyado lang akong naiintriga sa kanilang mga Montefierro kaya 'di ko sila makalimutan.

"Talunin niyo naman performance ni Supremo." tawa ni Cole.

Binatukan din naman siya agad ni Stan.

"Balita ko kay Robber, may kasama kayong babae na tutugtog ha." sabi nung Rafael.

Agad naman akong napahakbang paatras at pasimpleng lumingon sa ibang direksyon. Nakakahiya na talaga. Nasali na naman ako.

"Cy." rinig kong tawag sakin ni Xyvier.

Wala akong choice kundi lumapit kahit ilang beses ko pinagdasal na sana 'di na lang ako tawagin.

"This is Cyrelle." pagpapakilala sakin ni Xyvier sakanila.

Their mouth formed an "O".

"Alam na." Yohan said.

"Finish na." Caius laughed.

"Siya 'yon 'di ba? 'Yung sa vlog. 'Di ako pwedeng magkamali." lumapit pa sakin si Cole para mas lalo niyang makita ang mukha ko, sobrang lapit na parang didikit na ang mukha niya sakin.

"Oo." Xyvier answered at agad nilayo ang mukha ni Cole mula sakin gamit ang kamay niya.

Nagsitawanan naman sila sa ginawa ni Xyvier. Ako naman ay, as always, 'di maka-relate.

"Basta galingan niyo. Parang feeling ko si Cyrelle pa magpapaganda ng performance niyo e." biro pa ni Rafael.

Nagkwentuhan pa sila bago na nagpaalam 'yung apat na pupunta na daw sa table nila. Ilang minuto lang din pagkatapos n'on ay tinawag na kami sa stage.

"Goodluck." I heard Xyvier whispered from behind me.

Nilingon ko siya at nakita kong seryoso siyang nakatitig sakin.

"Goodluck din." I said in a small voice.

Ngumiti siya at nilahad ang kamay niya sa harap ko. Tinitigan ko iyon ng may pagtataka. Sa huli ay siya na ang kumuha sa kamay ko at sabay kaming umakyat ng stage. Binitawan niya lang ang kamay ko nang kailangan na naming i-set up ang mga gitara namin.

"Good evening. We're The Mythicals. Tonight's a special night because it's our eldest brother's birthday and we'll also be performing with a talented female musician named Cyrelle. How about a round of applause for her?" Izrael said through the mic.

Nagsipalakpakan naman ang lahat and I feel flattered. I smiled and bowed my head a bit.

"Happy birthday, our dear kuya. And let's get this party started. One, two, three..."

We started to play our instruments. Nagsimula sila sa sarili nilang kanta, nakisabay lang ako sa pagtugtog gamit ang music sheet sa harap ko as a guide. I'm not familiar with their songs because I'm not familiar with their band yet. But it's not that hard for me to follow. Si Izrael muna ang kumakanta sa first song.

After the first song, kumanta din ako ng akin. This time, sila naman ang sumunod. And then for the third song, it's time for us to sing KLWKN. Ang usapan namin ay d'on na kami magdu-duet. I cleared my throat silently before singing in front of the mic.
    
      
Tanaw pa rin kita, sinta
Kay layo ma'y nagniningning, mistula kang tala
Sa tuwing nakakasama ka
Lumiliwanag ang daan sa kislap ng 'yong mga mata
Pag ikaw ang kasabay, puso'y napapalagay
Gabi'y tumatamis tuwing hawak ko ang 'yong kamay

       
I almost got distracted when I realized na hindi si Izrael ang ka-duet ko. It was Xyvier! Nasa likod ko siya nakapwesto as the bassist. But I didn't expect na nung sinabi nilang magdu-duet kami ay si Xyvier pala ang makaka-duet ko!

      
O kay sarap sa ilalim ng kalawakan
Kapag kapiling kang tumitig sa kawalan
Saksi ang buwan at bituin sa pagmamahalan
Nating dalawa
Nating dalawa
Simoy ng hangin na kay lamig sa katawan
Daig pa rin ng liyab na 'king nararamdaman
Sa tuwing tayo'y magkabilang mundo
Isang tingin ko lang sa buwan napalapit na rin sa iyo
Langit ay nakangiti, nag-aabang sa sandali
Buong paligid ay nasasabik sa ating halik    

          
Lumingon ako kay Xyvier na kumakanta din at nakita ko kung pano niya ko ngitian at tanguan to encourage me. And then I saw how the crowd was pleased while listening to us. My voice and Xyvier's really blended well. I suddenly feel like the night is becoming enchanting. Na parang unti-unti ay nawawala lahat ng tao sa paligid, hanggang sa kaming dalawa na lang ni Xyvier ang natira. I can't help but to stare at him while singing.

       
O kay sarap sa ilalim ng kalawakan
Kapag kapiling kang tumitig sa kawalan
Saksi ang buwan at bituin sa pagmamahalan
Nating dalawa
Nating dalawa
Halika na sa ilalim ng kalawakan
Samahan mo akong tumitig sa kawalan
Saksi ang buwan at bituin sa pagmamahalan
Nating dalawa
Nating dalawa

         
Nagpalakpakan ang lahat nang matapos ang kanta. But I already got lost into Xyvier's eyes. Kinailangan pa kong kalabitin ni Izrael para makababa na kami ng stage. Nag-init ang pisngi ko d'on. Just what the fuck happened? Natulala ako habang nakatitig kay Xyvier? At nasa stage pa kami, sa harap ng madaming tao! Damn.

Kaugnay na kabanata

  • Montefierro Series #1: Sad Song (Tagalog)   SS006

    SS006:Moonlight by Ariana Grande "I wanna say thank you for coming here tonight. Enjoy."

    Huling Na-update : 2020-08-05
  • Montefierro Series #1: Sad Song (Tagalog)   SS007

    SS007: Pagtingin by Ben&Ben Maaga akong gumising nitong sabado. Walang pasok kaya naman agad akong naghanda para sa unang date namin kuno ni Xyvier. Hanggang ngayon ay hindi pa rin nagsi-sink in sa isip ko ang mga nangyari kagabi. Talaga bang pinayagan ko siya sa gusto niya? Aish!

    Huling Na-update : 2020-08-05
  • Montefierro Series #1: Sad Song (Tagalog)   SS008

    SS008: La Vi En Roseby Daniela AndradeIlang minuto na simula nong sinabi sa akin ni Xyvier kung gaano niya ako kagusto. Nandon pa rin iyong satisfaction sa mukha niya nang umamin siya at ako'y wala pa

    Huling Na-update : 2020-08-05
  • Montefierro Series #1: Sad Song (Tagalog)   SS009

    SS009: Out Of My League by Stephen Speaks "Once again, that's the Rock & Destroy's Nightingale, Cyrelle Escareal. Let's give her a round of applause."

    Huling Na-update : 2020-08-05
  • Montefierro Series #1: Sad Song (Tagalog)   SS010

    SS010:Fools by Troye Sivan Exam week ngayon sa school. Naging busy kami lahat kasi kailangang mag-review. Nakaka-pressure din lalo na sa mga grade conscious katulad ko. I'm partly a scholar, half ng tuition na binabayaran ko sa school ko is sagot na ng scholarship ko.

    Huling Na-update : 2020-08-05
  • Montefierro Series #1: Sad Song (Tagalog)   SS011

    SS011:Ligaya by Eraserheads We were both quiet the whole ride. Ramdam na ramdam ko din ang tensyon sa pagitan namin. I didn't even tried to face him, nakaharap lang talaga ako sa bintana. I felt teary-eyed but I really tried my bes

    Huling Na-update : 2020-08-05
  • Montefierro Series #1: Sad Song (Tagalog)   SS012

    SS012: Para Sa'yo by Parokya Ni Edgar From: Xyvier

    Huling Na-update : 2020-08-05
  • Montefierro Series #1: Sad Song (Tagalog)   SS013

    SS013: Stuck With You by Ariana Grande & Justin Bieber Weeks have passed. The exam week is over. We already got our grades for this term. Luckily, I'm still at the dean's list and my grades are still reaching the goal for my scholarship. No

    Huling Na-update : 2020-08-05

Pinakabagong kabanata

  • Montefierro Series #1: Sad Song (Tagalog)   Postlude

    Postlude: Sad Song by We The KingsI will never marry a woman who doesn't have the same soul as mine.It has always been my stand in life. If we don't think the same, if we don't have the same principles in life... then, it's a no. Kahit ang dami ko nang naging babae, wala ni isa sa kanila ang sineryoso ko. Sa mga pangarap pa lang nila sa buhay, nakakawala na agad ng gana't atensyon.Kuntento na ako sa sarili ko. Wala naman akong ibang kakampi sa mundo kundi ako lang din naman. I was full of pride and I admit I had an enormous ego. I was an independent person. I even believed that I can live alone in an

  • Montefierro Series #1: Sad Song (Tagalog)   SS035

    SS035:Can't Help Falling In Love by Elvis Presley"So, Xyvier, totoo ba 'yung kumakalat na chismis na nagkabalikan daw kayo ng ex mo na iniwan ka five years ago?"I pursed my lips. I never knew that a talkshow can be this heart pounding to watch. Para akong nanonood ng horror movie dahil 'di ko maiwasang makaramdam ng nerbiyos sa bawat isasagot nila.On the other hand, Xyvier was just sitting comfortably on his chair. Sa tingin ko ay mas kinakabahan pa ang mga ka-banda niya para sakanya. The side of his lips rose before helding on to his mic to answer.

  • Montefierro Series #1: Sad Song (Tagalog)   SS034

    SS034:Your Universe by Rico BlancoTumatawa ako habang kausap sila Aaliyah. They were telling a funny story that makes us all laugh. But I can't hide the fact that I'm already drunk. Magkakasama kaming mga babae sa isang bilog habang nakaupo sa lapag. Habang ang mga lalake naman ay nag-iinuman sa may countertop sa kitchen. Kung pagkukumparahin, mukhang matitino pa sila d'on habang kaming mga babae ay maiingay na."Ilang taon na mainit dugo nila sa isa't isa tapos magbabati din pala." Arie said, pertaining to Xyvier and Supremo.Tumango-tango naman sila habang si Saffia na katabi ko ay lum

  • Montefierro Series #1: Sad Song (Tagalog)   SS033

    SS033:Patawad, Paalam by Moira Dela TorreI wasn't able to go to work for the next few days. I became coward. Ilang beses kong sinubukang paniwalain ang sarili ko na matapang na ako. Pero nang dahil sa mga salita ni Xyvier sa akin, nagising ako sa katotohanan. I will never be strong if Xyvier is around me. He's my one and only weakness. Hindi ko na kayang lokohin pa ang sarili ko.["What now, Cyrelle? Itutuloy mo pa ba? Kasi kung hindi, magpapadala na lang ako diyan ng ibang magha-handle sa project na 'yan."] Idelle sounded so serious on the other line, as always.I shut my eyes tightly b

  • Montefierro Series #1: Sad Song (Tagalog)   SS032

    SS035:Paalam by Moira Dela TorreWalang humpay ang pagra-rant ko kay Ethan nang makalabas na kami ng building at makasakay ng sasakyan niya. Gusto ko na siyang saktan pero masyadong immature naman 'yon para gawin ko. Wala naman siyang ibang ginawa kundi ang tawanan ako."You don't know how awkward it was!" angil ko pa din sakanya."It's just getting more exciting, Cy. Come on. Are you a weakling?" he raised an eyebrow.Sinamaan ko lang siya ng tingin."What? Anong weakling pinagsa

  • Montefierro Series #1: Sad Song (Tagalog)   SS031

    SS031: Dulo ng Hangganan by IV of Spades"Caramel macchiato for Cyrelle."I stood up from my seat and went to the counter when I heard my name. The crew smiled at me before giving me my order."Here you go, Ma'am. Have a nice day." she said with enthusiasm.I smiled back before taking a sip at my drink. I took a deep breath as the coffee slowly went down into my system. Ah, heaven!"Thanks." huli kong sinabi bago na umalis ng Starbucks.I went to my

  • Montefierro Series #1: Sad Song (Tagalog)   SS030

    SS030:Take Her To The Moon by Moira Dela Torre "'Wag nga kasi pang-brokenhearted na kanta! Naiiyak si Arie e." pagpapasaway ni Aaliyah kay Saffia. Tumawa lang si Saffia bago naghanap na ulit ng ibang kanta sa phone niya. Napailing na lang ako habang nag-d-drive. Luella was just silent at the right side corner of the back seat. Si Saffia ay katabi ko na nasa shotgun seat. Nasa gitna naman ni Aaliyah at Luella si Arie. "Guys, ayos lang ako." ma-dramang saad ni Arie. Nagkatinginan na lang kami nila Luella, Saffia at Aaliyah sa rear v

  • Montefierro Series #1: Sad Song (Tagalog)   SS029

    SS029: Before It Sinks In by Moira Dela Torre

  • Montefierro Series #1: Sad Song (Tagalog)   SS028

    SS028:Kung Pwede Lang by Emman We woke up the next morning with the news that Ethan was hospitalized becau

DMCA.com Protection Status