SS006: Moonlight by Ariana Grande
"I wanna say thank you for coming here tonight. Enjoy."
Robber Gyrus Montefierro's speech as the birthday celebrant was short and plain as that. Ni hindi niya din nakuhang ngumiti man lang bago siya bumaba ng stage. However, nagsipalakpakan pa din ang lahat. Ang mga media ay hindi magkandaugaga sa pagkuha ng litrato sa panganay ng mga Montefierro. Ngayon lang yata siya nagpakita sa publiko kaya talagang kinuha na ng mga media ang opportunity na ma-cover ang napakaimportanteng event na 'to.
"From what I've heard, all the twenty Montefierro siblings are here tonight." Luella gossiped before sipping on her champagne.
Nagkatinginan naman kami ni Arie d'on.
"Edi malaki ang chance na nandito si Ethan? Parang gusto ko na lang umuwi." Arie said.
Nakita ko kung gaano nga siya nagaalala na baka nga mangyareng makasalubong niya si Ethan dito. He ghosted her. Sinong matinong tao ang gugustuhing makita pa 'yung taong nag-ghost sakanya 'di ba?
"Restroom lang ako." paalam ni Arie pagtapos niyang maubos ang wine sa wine glass niya.
Tatlo lang kami nila Luella at Arie ang nandito sa table namin. Kakatapos lang ng performance namin ng The Mythicals at dito na ko dumiretso agad pagkatapos. Ngayon ay may ibang banda nang tumutugtog sa harap. Humiwalay na din ako kila Xyvier kaya 'di ko na alam kung asan sila ngayon.
"I saw how you looked at Xyvier when you had your duet." Luella eyed me.
Napalunok naman ako d'on.
"Ha?" I tried to sound innocent as possible. Kahit naman ako, 'di ko alam kung bakit ko ginawa 'yon.
"I already took a video of it and sent it to our group chat. The girls are going crazy about it. What's with you and that bassist?" nilapit niya pa ang upuan niya sa akin, na parang umaasa na may makukuha siyang kung anong chismis galing sakin.
But I tried my best to dodge her question of course.
"Anong sabi nila Aeika sa group chat?" tanong ko at sumimsim na lang sa wine ko.
Bumusangot naman ang mukha ni Luella nang ma-realize niyang wala siyang makukuha sakin.
"They're asking the same thing!" iritang sagot niya at nag-roll eyes pa.
Natawa na lang ako. Lumalabas talaga ang pagka-spoiled brat ni Luella minsan. Lalo na 'pag 'di niya nakukuha ang gusto niya.
Sa huli ay napilitan akong magbukas ng phone ko para magbasa sa group chat namin. Nireplyan ko na sila Aeika dahil mukhang mababaliw na sila 'pag 'di ko pa sila nakwentuhan tungkol sa video na 'yon. First of all, 'yung makita lang nilang nasa iisang stage kami nila Xyvier at sabay tumutugtog ay talagang ikinagulat na nila.
I was in the middle of typing my reply to Aaliyah's chat when suddenly a commotion happened. Agad kaming napatayo ni Luella nang may marinig kaming parang nabasag mula sa 'di kalayuan. Kahit ang ibang tao ay nagulat at napatayo na din. Hindi naman sa chismosa kami pero parang gan'on na nga. Naglakad kami papunta sa kung saan nagkukumpulan ang mga tao.
Kinailangan pa naming makipagsiksikan ni Luella para lang marating ang gitna dahil napapalibutan na ng mga tao ang eksenang dahilan ng kaguluhan. When I finally got to see what was really happening, my hands automatically flew to my mouth. My eyes widened in shock.
Si Ethan iyon na nakasalampak na sa sahig habang sa ibabaw niya ay si Supremo na nakakapit sa kwelyo niya at walang tigil ang pagsuntok sakanya. Sa gilid nila ay si Arie na umiiyak na.
Nang medyo mahimasmasan ako sa gulat ay agad kong nilapitan si Arie para yakapin. It was what my instinct told me to do so. Sumunod samin si Luella na hinihimas naman ang likod ni Arie para patahanin.
Supremo wasn't done yet, patuloy lang ang pagsuntok niya kay Ethan. As if Ethan is a living punch bag. 'Di nagtagal ay nagsidatingan na ang ibang Montefierro. Hinila na ni Zed palayo kay Ethan si Supremo. But Supremo was still outraged that he mistakenly punched Zed on the face. Nagulat din siya sa nagawa niya. But then, the next thing I saw was Xyvier's real hard punch at Supremo's jaw, that resulted for him to land at the ground, beside Ethan.
"Don't you dare land your fucking fist on my brother's face." Xyvier said through gritted teeth habang nakaduro kay Supremo.
"Kapatid mo din 'yan." an amused voice echoed from the crowd. I looked at that man, and it was Jacob who helped me awhile ago.
"Kasali ka?" maangas naman na sagot ni Rafael kay Jacob.
Teka, ano bang nangyayare at parang nagaaway-away na halos lahat ng magkakapatid na 'to?
"I don't. Pero nanggaling pa talaga sa'yo? As if you exist here?" Jacob smirked that made Rafael annoyed.
Aktong aambahan na si Jacob ni Rafael nang isang malakas na sigaw ang nagpatigil sa lahat. It was so loud and deep, like a roar from a lion.
"Tangina puro kayo kalokohan!" it was Robber. Galit na galit ang mukha nitong nilapitan ang nagkakagulo niyang mga kapatid.
Halos masilaw naman ako sa mga flash ng camera. Mas lalo pang dumami ito ngayon. Mukhang tuwang-tuwa silang kuhanan ang eksenang 'to.
"I want out of here." Arie whispered, halatang nanggaling sa pag-iyak.
Tinanguan ko siya at tinignan si Luella. Aktong aakayin na namin si Arie palayo nang may humabol pa ng suntok.
Si Supremo iyon na gumanti ng suntok kay Xyvier.
"That's for being fair." Supremo muttered under low breath bago na siya naglakad paalis sa kaguluhan.
"Putangina." malutong pa ulit na mura ni Robber.
"Kuya." kita ko ang paglapit nila Lath Kuile Montefierro at Carter Jaeger Montefierro kay Robber. Kinausap nila ito at parang pinapakalma na.
"Typical Montefierro." Ethan stood up and marched his way out of the crowd, hawak niya pa ang gilid ng labi niyang may dugo na dahil pumutok.
Kita kong sinundan si Ethan ng kambal na sila Kaiden Yosef Montefierro at Dylan Thiago Montefierro.
"What a perfect night-ender." Spade Cross Montefierro said with a grin before leaving the crowd with a girl beside him.
Sin Bjorn Montefierro, the youngest, took Robber out of the scene. Kasabay n'on ang pag-alis na din nila Kessler Wren Montefierro at Jacob.
Nang magsialisan na ang mga Montefierro ay d'on lang din nagsialisan ang mga tao at nagsibalikan sa mga table nila. Dinala na agad namin ni Luella si Arie sa sasakyan nila na nasa parking lot.
"You should go home." I told Arie.
Tumango naman ito. Mabuti na lang din at may driver siya. Ang mga magulang niya ay naiwan pa sa loob. But Arie's already drained from what happened and she needs to rest.
"Binastos ako ni Ethan. Good thing Supremo was there. Pinagtanggol niya ko." Arie confessed.
Napatango ako d'on at malungkot na ngumiti. Naaawa ako sa kaibigan ko. That Ethan is a big jerk. Baka 'pag nakita ko ulit 'yon, masapak ko din. He deserves it!
"Go home and take a rest. We'll talk about it tomorrow." sabi ko at pinapasok na siya sa loob ng backseat ng sasakyan nila. Nilingon ko si Luella at nakita ko na din ang pagod sa mga mata nito, "You too." baling ko dito.
Tumango lang din sakin si Luella at tumalikod na para pumunta sa sasakyan niya. Luella knows how to drive kaya alam kong siya na ang magddrive sa sarili niya pauwi.
Ako naman ay 'di pa pwede umuwi dahil 'di ko pa nakukuha ang sahod ko para sa gabi na 'to. I need to go back.
Nang nasigurado kong nakaalis na ang mga sasakyan nila ay naglakad na ko pabalik. Nilibot ko ang paningin ko at nakikita ko pa din ang mangilan-ilan sa mga Montefierro. Frea Vien Montefierro was also there, kausap niya si Stan. She's the only daughter of Mr. Leviathan Asmodeus Montefierro.
Sinubukan ko pang maglibot para mahanap si Eleny. Hindi ko din kasi alam kung paano makukuha ang sahod ko. And I think, Eleny is the only one who can help me. Ang hirap nga lang kay Eleny, masyadong madaming kaibigan at extrovert kaya kung saan saan napupunta. Ang hirap hagilapin.
Nasa gitna ako ng paghahanap kay Eleny nang makita ko si Xyvier. Mag-isa lang siya na nakasandal sa pader sa medyo tagong part ng labas ng mansyon. Hinahawakan niya ang dugo sa labi niya pero nakikita ko kung paano siya napapadaing sa sakit. Hindi niya ba alam kung anong dapat gawin sa sugat niya?
"First aid." banggit ko habang lumalapit sakanya.
Lumingon siya sakin at nakita ko kung pano tumama ang liwanag ng buwan sa mukha niya. Napapamura na lang ako kasi may sugat na siya sa mukha pero bakit ang gwapo pa din?
Huminto ako sa harap niya at umayos naman siya ng tayo. Nilapat ko ang kamay ko sa pisngi niya at sinuri ang sugat sa labi niya. Nanatili naman siyang nakatitig sakin.
"Kailangan mo nga talaga ng first aid." ani ko at tinanguan ko pa ang sarili ko. Malalim 'yung sugat e.
He chuckled and held my hand that was on his face.
"Then give me first aid." he muttered softly.
Hindi ko alam pero napalunok ako bago tumango. This guy really intimidates and distracts me!
Hinila niya ako papasok sa mansyon. Hawak niya pa din ang kamay ko. Umakyat pa kami sa napakalaking hagdan. Ang lawak ng hallway na dinaanan namin at madaming kwarto pa ang nalampasan namin bago kami tuluyang pumasok sa isang kwarto na dark blue ang pinto.
Pinaupo niya ko sa edge ng king size bed na nakapwesto sa gitna ng malaking kwarto na 'to bago siya tumungo sa bathroom sa loob lang din nitong kwarto. Nanatili ako d'on na nakaupo na parang estatwa bago siya lumabas na may dala nang first aid kit.
Nilapag niya iyong box ng first aid kit sa tabi ko bago siya umupo sa kabilang side ko naman.
Nagkatinginan kami bago niya tinapik ang box sa tabi ko. D'on lang ako natauhan.
"Ah, oo." wala sa sariling sabi ko.
Kinuha ko ang box at nagkalikot d'on ng bulak at betadine. Dahan-dahan pa ang paglagay ko ng betadine sa bulak bago ko iyon nilapit na sa mukha niya.
"Kailangan ko pa bang ihipan?" tanong ko habang pilit kong pinipigilan ang kamay ko sa pag-nginig. Kainis!
He laughed a bit.
"What am I? Ten years old?" he asked out of amusement.
Nagtaas ako ng kilay bago nilapat ang bulak sa sugat niya ng medyo madiin. Dumaing naman siya d'on at umiwas. Sinamaan niya ko ng tingin.
"Ten years old ka ba?" tanong ko na may halong pangaasar.
Nagkunot siya ng noo.
"Is this what you called first aid?" tanong niya naman pabalik.
I sighed in return at inayos na ang paglagay ng betadine sa sugat niya. Pagtapos n'on ay sinuri ko din ang kamao niya na medyo may gasgas. Nilagyan ko din iyon ng betadine.
Itinaas ko ang tingin ko sakanya nang matapos ako. But I was caught off guard when he leaned towards me and kissed me on the lips. I was so shocked that my eyes widened pero napapikit din nang idiin niya pa ang labi niya sakin.
Humiwalay siya after a few moments at tinitigan ako sa mata. Gulat na gulat ako at halos 'di alam kung anong gagawin.
"I never thought I'd be this thirsty for a kiss." he muttered using his husky voice.
He licked his lower lip at napatitig ulit siya sa labi ko. I want to cover my lips but I can't even move! Nakita ko ang pag-iling niya sa sarili niya bago niya hinawakan ang gilid ng leeg ko gamit ang kanang kamay niya at lumapit ulit siya para sa isa pang halik. This time, mas madiin iyon!
I gasped when he bit my lower lip softly. His tongue knocked on my teeth, asking for an entrance. My body betrayed me because my mouth opened for him! When he finally had the chance to enter his tongue, he explored and delved on my mouth, like I'm a mystery he wants to discover.
I can already taste the blood from the wound on his lips. That familiar metallic taste of blood. Tinagilid niya pa ang ulo niya para mas lalo niya kong mahalikan. When we're already almost out of breath, d'on lang siya humiwalay pero kinagat niya pa ang ibabang labi ko bago niya ko tuluyang pinakawalan.
Pareho kaming hinihingal nang matapos ang paghahalikan naming iyon. The silence was so deafening. I can only hear our deep breaths echoing from the corners of the room. Magkatitigan kami. Walang may balak bumitaw sa tinginan.
It took me minutes bago ako nagising at para akong nabuhusan ng malamig na tubig. Agad akong napatayo at napasabunot sa ulo ko.
"What am I doing?" tanong ko sa sarili ko na alam kong tama lang ang lakas para marinig niya.
"Cyrelle, I'm—" tumayo din siya at aktong hahawakan ako sa braso pero umiwas ako agad.
"I don't kiss strangers. That wasn't me." I bit my tongue, I almost wanna say sorry. Pero bakit ako magso-sorry? Ako ba ang humalik?
"Cy," his voice was so soft that it made me calm a bit. Dahan-dahan siyang lumapit sa akin, nangtatantiya pa din, "Will you let me speak?" mahinang tanong niya.
Ang gaan ng pagkakahawak niya sa mga braso ko na parang napapakalma at ginugulo nito ang mga paru-paro sa tiyan ko at the same time. Hindi ko maintindihan. Pero gusto ko na nakadikit ang balat niya sakin.
"Look at me." utos niya na sinunod ko naman, "I liked you the moment I heard and watched you sing at R&D. After that, I got addicted to you and honestly, I wouldn't want to stop."
"But..." naalala ko 'yung gabing 'yon na nakita kong may kasama siyang babae, "May girlfriend ka 'di ba?"
A ghost of smile crept on his face.
"I don't have a girlfriend. Unless you want to be one." ang kaninang hawak niya sa magkabilang braso ko ay napunta na sa mga kamay ko.
"But we just met." sagot ko.
Tumango naman siya d'on.
"I know. And I'm not rushing you." huminto siya saglit at tila nag-isip, "Remember the wish I asked from you?"
Tumango naman ako d'on. Kanina niya lang hiningi sakin 'yon kaya 'di ko pa nalilimutan.
"Grant me ten dates. Ten dates for me to show you that I'm sincere and I'm worthy of a chance. Please." he looked at me with so much hope in his eyes.
I can't let him down though. Siguro nga hindi ko pa siya talagang kilala. But my heart says that I can trust this man. I will give him a chance. Bahala na.
"Okay." I answered under low breath.
SS007: Pagtingin by Ben&Ben Maaga akong gumising nitong sabado. Walang pasok kaya naman agad akong naghanda para sa unang date namin kuno ni Xyvier. Hanggang ngayon ay hindi pa rin nagsi-sink in sa isip ko ang mga nangyari kagabi. Talaga bang pinayagan ko siya sa gusto niya? Aish!
SS008: La Vi En Roseby Daniela AndradeIlang minuto na simula nong sinabi sa akin ni Xyvier kung gaano niya ako kagusto. Nandon pa rin iyong satisfaction sa mukha niya nang umamin siya at ako'y wala pa
SS009: Out Of My League by Stephen Speaks "Once again, that's the Rock & Destroy's Nightingale, Cyrelle Escareal. Let's give her a round of applause."
SS010:Fools by Troye Sivan Exam week ngayon sa school. Naging busy kami lahat kasi kailangang mag-review. Nakaka-pressure din lalo na sa mga grade conscious katulad ko. I'm partly a scholar, half ng tuition na binabayaran ko sa school ko is sagot na ng scholarship ko.
SS011:Ligaya by Eraserheads We were both quiet the whole ride. Ramdam na ramdam ko din ang tensyon sa pagitan namin. I didn't even tried to face him, nakaharap lang talaga ako sa bintana. I felt teary-eyed but I really tried my bes
SS012: Para Sa'yo by Parokya Ni Edgar From: Xyvier
SS013: Stuck With You by Ariana Grande & Justin Bieber Weeks have passed. The exam week is over. We already got our grades for this term. Luckily, I'm still at the dean's list and my grades are still reaching the goal for my scholarship. No
SS014: More Than Wordsby Extreme "Everything's here? Wala na bang nakalimutan?" tanong ni Xyvier pagkatapos niyang ilapag sa likod ng sasakyan niya ang huling bag na dadalhin ko.
Postlude: Sad Song by We The KingsI will never marry a woman who doesn't have the same soul as mine.It has always been my stand in life. If we don't think the same, if we don't have the same principles in life... then, it's a no. Kahit ang dami ko nang naging babae, wala ni isa sa kanila ang sineryoso ko. Sa mga pangarap pa lang nila sa buhay, nakakawala na agad ng gana't atensyon.Kuntento na ako sa sarili ko. Wala naman akong ibang kakampi sa mundo kundi ako lang din naman. I was full of pride and I admit I had an enormous ego. I was an independent person. I even believed that I can live alone in an
SS035:Can't Help Falling In Love by Elvis Presley"So, Xyvier, totoo ba 'yung kumakalat na chismis na nagkabalikan daw kayo ng ex mo na iniwan ka five years ago?"I pursed my lips. I never knew that a talkshow can be this heart pounding to watch. Para akong nanonood ng horror movie dahil 'di ko maiwasang makaramdam ng nerbiyos sa bawat isasagot nila.On the other hand, Xyvier was just sitting comfortably on his chair. Sa tingin ko ay mas kinakabahan pa ang mga ka-banda niya para sakanya. The side of his lips rose before helding on to his mic to answer.
SS034:Your Universe by Rico BlancoTumatawa ako habang kausap sila Aaliyah. They were telling a funny story that makes us all laugh. But I can't hide the fact that I'm already drunk. Magkakasama kaming mga babae sa isang bilog habang nakaupo sa lapag. Habang ang mga lalake naman ay nag-iinuman sa may countertop sa kitchen. Kung pagkukumparahin, mukhang matitino pa sila d'on habang kaming mga babae ay maiingay na."Ilang taon na mainit dugo nila sa isa't isa tapos magbabati din pala." Arie said, pertaining to Xyvier and Supremo.Tumango-tango naman sila habang si Saffia na katabi ko ay lum
SS033:Patawad, Paalam by Moira Dela TorreI wasn't able to go to work for the next few days. I became coward. Ilang beses kong sinubukang paniwalain ang sarili ko na matapang na ako. Pero nang dahil sa mga salita ni Xyvier sa akin, nagising ako sa katotohanan. I will never be strong if Xyvier is around me. He's my one and only weakness. Hindi ko na kayang lokohin pa ang sarili ko.["What now, Cyrelle? Itutuloy mo pa ba? Kasi kung hindi, magpapadala na lang ako diyan ng ibang magha-handle sa project na 'yan."] Idelle sounded so serious on the other line, as always.I shut my eyes tightly b
SS035:Paalam by Moira Dela TorreWalang humpay ang pagra-rant ko kay Ethan nang makalabas na kami ng building at makasakay ng sasakyan niya. Gusto ko na siyang saktan pero masyadong immature naman 'yon para gawin ko. Wala naman siyang ibang ginawa kundi ang tawanan ako."You don't know how awkward it was!" angil ko pa din sakanya."It's just getting more exciting, Cy. Come on. Are you a weakling?" he raised an eyebrow.Sinamaan ko lang siya ng tingin."What? Anong weakling pinagsa
SS031: Dulo ng Hangganan by IV of Spades"Caramel macchiato for Cyrelle."I stood up from my seat and went to the counter when I heard my name. The crew smiled at me before giving me my order."Here you go, Ma'am. Have a nice day." she said with enthusiasm.I smiled back before taking a sip at my drink. I took a deep breath as the coffee slowly went down into my system. Ah, heaven!"Thanks." huli kong sinabi bago na umalis ng Starbucks.I went to my
SS030:Take Her To The Moon by Moira Dela Torre "'Wag nga kasi pang-brokenhearted na kanta! Naiiyak si Arie e." pagpapasaway ni Aaliyah kay Saffia. Tumawa lang si Saffia bago naghanap na ulit ng ibang kanta sa phone niya. Napailing na lang ako habang nag-d-drive. Luella was just silent at the right side corner of the back seat. Si Saffia ay katabi ko na nasa shotgun seat. Nasa gitna naman ni Aaliyah at Luella si Arie. "Guys, ayos lang ako." ma-dramang saad ni Arie. Nagkatinginan na lang kami nila Luella, Saffia at Aaliyah sa rear v
SS029: Before It Sinks In by Moira Dela Torre
SS028:Kung Pwede Lang by Emman We woke up the next morning with the news that Ethan was hospitalized becau