SS007: Pagtingin by Ben&Ben
Maaga akong gumising nitong sabado. Walang pasok kaya naman agad akong naghanda para sa unang date namin kuno ni Xyvier. Hanggang ngayon ay hindi pa rin nagsi-sink in sa isip ko ang mga nangyari kagabi. Talaga bang pinayagan ko siya sa gusto niya? Aish!
Pagtapos kong maligo ay agad akong dumiretso sa harap ng cabinet ko at nilabas lahat ng pang-alis ko. Hindi ako makapili ng susuotin dahil halos lahat naman ay okay. Kaya sa huli ay pinili ko na lang suotin ang black crop top, ripped jeans at white tennis. Pinaliguan ko na rin ang sarili ko ng pabango.
Nagbaon na rin ako ng pulbo, cologne, tissue at extrang pera atsaka ko kinuha ang cellphone ko.
Tinignan ko ang wrist watch ko at nakitang 8:30 pa naman ng umaga. Medyo matagal-tagal pa akong maghihintay dahil 9:00 AM ang usapan namin. Hindi naman ako excited 'di ba? Talagang maaga lang akong gumising. Oo, ganon nga.
Sa huli ay napagdesisyonan kong magluto muna para sa sarili ko ng pangkaraniwang kinakain ng mga Pilipino. Hotdog, sunny side up egg at fried rice.
Nasa kalagitnaan na ako ng pagkain nang may kumatok sa pinto. Umangat ang tingin ko ron at inisip na baka nandiyan na nga si Xyvier. Agad akong tumayo at dumiretso sa pinto at nang buksan ko ay hindi naman ako nabigo.
Standing in front of me is Xyvier Montefierro with his jolly and a little bit kagaguhan aura. Nakasandal siya sa pinto na akala mo'y isang model na nakaharap sa camera.
"Hi," bati niya.
I smiled at him. "Hi."
Namula ang pisngi ni Xyvier sa hindi ko malamang dahilan at tumayo ng maayos. "Aalis na ba tayo?"
Dun lang ako natauhan. Oo nga pala, may lakad kami.
"Oo, sana. Pero kumakain pa ako, e. Ayos lang ba kung kumain muna ako?" nag-aalanganing tanong ko.
Mukha namang nagulat si Xyvier don at muntik pang mawala ang lakas ng dating dahil sa kaniyang porma pero kahit ganoon ay madali niya pa ring nadala ang sarili niya.
"Ayos lang naman. Walang problema." ngumiti siya.
Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko, nagpipigil ng kumakawalang ngiti at tumango. "Kumain ka na ba? Kain ka na lang din."
Maagap naman siyang umiling at iwinasiwas pa ang kaniyang kamay sa harapan ko. "Hindi na. Gusto ko kasing kumain kasama mo sa unang date natin pero dahil kumain ka na lang din dito, ayos lang."
Napaawang ang labi ko d'on. Talaga bang sinabi niya 'yon? Nakakahiya naman pala na kumain na ako agad. Sa huli'y tinanguan ko na lang siya at mas lalong nilakihan ang pagbukas ng pinto ng apartment.
Yumuko si Xyvier at akmang tatanggalin ang kaniyang sapatos nang pinigilan ko siya. Nakakahiya na hindi ko na nga siya nasabayan kumain para sa unang date namin tapos ganito pa?
"Hindi na. Pumasok ka na."
Umayos naman siya nang tayo at tuluyang pumasok. Habang iniikot ni Xyvier ang tingin niya sa maliit na apartment ko ay dumiretso na ako kaagad sa kusina upang tapusin ang kinakain ko. Halos mabulon-bulunan pa ako dahil sa pagmamadali.
"Ikaw lang ba mag-isa rito?" tanong niya habang nasa sala.
"Hindi. Kasama ko talaga rito si Mama pero umuwi siya sa tunay naming bahay. Malayo rito sa Manila." sagot ko habang umiinom ng tubig. Madali kong nilagay ang plato ko sa lababo at mabilis na nag-toothbrush. Hindi naman na umimik si Xyvier kaya naisip ko na baka naghihintay na siya d'on.
Pagtapos ay naabutan ko si Xyvier na may hawak na frame sa kaniyang kamay. Lumapit naman ako sa kaniya at nakitang ang unang litrato ko pala iyon na kumakanta sa R&D. My friend, Luella, had to frame it. She said that it's a remembrance noong umalis siya patungong ibang bansa.
"Andito ka pala," wika ko nang nakalapit.
Lumingon naman agad sa akin si Xyvier at ipinakita ang picture frame. "You look like a rock star here." Xyvier chuckled.
Umiling na lang ako at kinuha sa kaniya ang frame at ibinalik ito sa pagkakalagay sa lamesa.
Xyvier's face fell. Wait, na-offend ko ba siya? Hindi ko alam kung anong sasabihin kaya naman binuksan ko na lang ang topic tungkol sa pag-alis namin.
"So, saan tayo ngayon?" tanong ko sa kaniya, pinagagaan ang tensyon.
Nakita ko ang pagliwanag ng kaniyang mukha at ang pag-angat ng gilid ng kaniyang labi kaya naman nakahinga ako ng maluwag.
"About that, I have a lot of ideas on where we'll go. Gumawa ako ng listahan." pagmamalaki niya sa akin.
Umiling na lang ako habang nakangiti at inaya siyang umalis na. Agad naman siyang sumunod. Paglabas namin ng apartment ko ay nakita kong napapatingin pa sa aming dalawa ang mga kapitbahay. Ano? Chismis na naman?
Sa labas ng gate ay natanaw ko ang kaniyang black chevrolet at agad niya akong inalalayan papasok don. Nginitian ko naman siya at nagpasalamat.
"Anything for Cyrelle." he winked at me.
Nailing na lang ako ulit at ginawang komportable ang sarili nang makasakay si Xyvier sa driver's seat. This isn't the first time na nakasakay ako sa kaniyang kotse ngunit ito ata ang unang beses na magiging matagal ang pagsakay ko.
"So, saan ang unang destination natin?" tanong ko sa kaniya.
Nagulat pa ako nang makita kong kinuha niya ang cellphone niya at may binuksang note d'on.
Kumunot ang noo ko nang binasa niya ang unang pupuntahan namin.
"Circle."
Gusto kong matawa. Sa QC Circle lang pala. Akala ko ang mga mayayaman ay mas gugustuhin pang kumain sa mga fancy restaurant. But Xyvier's another story.
Mabilis lang ang naging byahe namin papuntang circle at nakitang marami na ring tao ang nagkalat. Sabagay, saturday is for family day.
Sabay kaming bumaba ni Xyvier sa kaniyang kotse at dumiretso siya sa akin. Naramdaman ko na lang ang kamay niyang gumagap sa palad ko at ipinagsalikop ito.
"Ready?"
I nodded. "I was born ready, Xy."
Sabay kaming pumasok ni Xyvier at nagsimula nang magikot ikot. Kahit saan ay may nakikita kaming mga bata at magpamilya.
"Hindi ko naranasan 'yan," panimula niya.
Tinignan ko siya at sinundan ang kaniyang pinagmamasdan. Nandon siya nakatutok sa magpamilya. He has this bitter smile on his face at umiling.
Nakaramdam naman ako ng awa para kay Xyvier kahit hindi ko alam kung ano nga bang mayroon sa kaniyang pamilya. I mean, bente silang magkakapatid at kagabi lang ay natuklasan ko kung paano sila mag-away. Hindi ko maintindihan pero ayoko na ring manghimasok pa.
I squeezed our hands and smiled at him. "Date natin 'to diba? Pwedeng 'wag ka na lang muna mag-isip ng negative things. I want us to be happy."
Nanlambot ang tingin sa akin ni Xyvier at ngumiti. "Okay..."
Una naming ginawa ay nag-bike. Magkahiwalay ang bike na nirentahan namin dahil masiyadong cheesy kung parehas kaming nasa isang bike.
Nagri-racing pa kaming dalawa at nagtatapikan habang mabilis na nagpepedal.
"Xyvier!" saway ko sa kaniya nang bumibilis ang kaniyang pagbabike. Pwede siyang madisgrasya sa ginagawa niya!
Sa huli ay tinawanan niya lang ako at tinapos na namin ang time namin.
"Damn. That was fun." masayang sambit niya.
"Paanong hindi magiging masaya kung sobrang bilis mong mag-pedal?"
Tumingin lang siya sa akin at ngumiti. Hinawakan niya ang ilong ko at kinurot ito kaya hinampas ko siya. "Xyvier!"
"Oh, Cy... Gustong-gusto ko talaga 'yang pagsusungit mo." tumawa siyang muli.
Baliw na nga yata 'to.
Muli kaming nag-ikot ni Xyvier at marami pa kaming nagawa. Bumili kami ng ice cream. Kumain kami ng fishball at kikiam at masasabi kong Xyvier is really genuine.
Wala siyang arte sa kaniyang katawan at nakikita kong sobrang saya niya talaga sa ginagawa namin. Inabot kaming dalawa sa circle at nag-end up kaming tumambay sa may Luneta Park.
Katulad namin ay marami ring mga kasing edaran namin ang tumambay d'on. Ibinigay sa akin ni Xyvier ang earphones niya at pumalinlang ang isang pamilyar na kanta sa aking tainga.
Pagnilahad ang damdamin
Sana di magbago ang pagtingin
Aminin ang mga lihim
Sana di magbago ang pagtingin
Natahimik kaming dalawa ni Xyvier at pinagmasdan lang ang langit. Nagulat na lang ako nang may fireworks na sa mga ito.
And it says, 'I really like you, Cyrelle'.
Napatingin ako kay Xyvier, nakaawang ang mga labi. Gulat na gulat ako sa mga pangyayari pero mukha pa ring wala lang sa kanya.
He looked at me and smiled. "I really like you, Cyrelle..."
SS008: La Vi En Roseby Daniela AndradeIlang minuto na simula nong sinabi sa akin ni Xyvier kung gaano niya ako kagusto. Nandon pa rin iyong satisfaction sa mukha niya nang umamin siya at ako'y wala pa
SS009: Out Of My League by Stephen Speaks "Once again, that's the Rock & Destroy's Nightingale, Cyrelle Escareal. Let's give her a round of applause."
SS010:Fools by Troye Sivan Exam week ngayon sa school. Naging busy kami lahat kasi kailangang mag-review. Nakaka-pressure din lalo na sa mga grade conscious katulad ko. I'm partly a scholar, half ng tuition na binabayaran ko sa school ko is sagot na ng scholarship ko.
SS011:Ligaya by Eraserheads We were both quiet the whole ride. Ramdam na ramdam ko din ang tensyon sa pagitan namin. I didn't even tried to face him, nakaharap lang talaga ako sa bintana. I felt teary-eyed but I really tried my bes
SS012: Para Sa'yo by Parokya Ni Edgar From: Xyvier
SS013: Stuck With You by Ariana Grande & Justin Bieber Weeks have passed. The exam week is over. We already got our grades for this term. Luckily, I'm still at the dean's list and my grades are still reaching the goal for my scholarship. No
SS014: More Than Wordsby Extreme "Everything's here? Wala na bang nakalimutan?" tanong ni Xyvier pagkatapos niyang ilapag sa likod ng sasakyan niya ang huling bag na dadalhin ko.
SS015: Captivated by IV of Spades Xyvier entered the room wearing a grey tank top and black sweatshorts. May towel pa na nakalagay sa ulo niya at abala siya sa
Postlude: Sad Song by We The KingsI will never marry a woman who doesn't have the same soul as mine.It has always been my stand in life. If we don't think the same, if we don't have the same principles in life... then, it's a no. Kahit ang dami ko nang naging babae, wala ni isa sa kanila ang sineryoso ko. Sa mga pangarap pa lang nila sa buhay, nakakawala na agad ng gana't atensyon.Kuntento na ako sa sarili ko. Wala naman akong ibang kakampi sa mundo kundi ako lang din naman. I was full of pride and I admit I had an enormous ego. I was an independent person. I even believed that I can live alone in an
SS035:Can't Help Falling In Love by Elvis Presley"So, Xyvier, totoo ba 'yung kumakalat na chismis na nagkabalikan daw kayo ng ex mo na iniwan ka five years ago?"I pursed my lips. I never knew that a talkshow can be this heart pounding to watch. Para akong nanonood ng horror movie dahil 'di ko maiwasang makaramdam ng nerbiyos sa bawat isasagot nila.On the other hand, Xyvier was just sitting comfortably on his chair. Sa tingin ko ay mas kinakabahan pa ang mga ka-banda niya para sakanya. The side of his lips rose before helding on to his mic to answer.
SS034:Your Universe by Rico BlancoTumatawa ako habang kausap sila Aaliyah. They were telling a funny story that makes us all laugh. But I can't hide the fact that I'm already drunk. Magkakasama kaming mga babae sa isang bilog habang nakaupo sa lapag. Habang ang mga lalake naman ay nag-iinuman sa may countertop sa kitchen. Kung pagkukumparahin, mukhang matitino pa sila d'on habang kaming mga babae ay maiingay na."Ilang taon na mainit dugo nila sa isa't isa tapos magbabati din pala." Arie said, pertaining to Xyvier and Supremo.Tumango-tango naman sila habang si Saffia na katabi ko ay lum
SS033:Patawad, Paalam by Moira Dela TorreI wasn't able to go to work for the next few days. I became coward. Ilang beses kong sinubukang paniwalain ang sarili ko na matapang na ako. Pero nang dahil sa mga salita ni Xyvier sa akin, nagising ako sa katotohanan. I will never be strong if Xyvier is around me. He's my one and only weakness. Hindi ko na kayang lokohin pa ang sarili ko.["What now, Cyrelle? Itutuloy mo pa ba? Kasi kung hindi, magpapadala na lang ako diyan ng ibang magha-handle sa project na 'yan."] Idelle sounded so serious on the other line, as always.I shut my eyes tightly b
SS035:Paalam by Moira Dela TorreWalang humpay ang pagra-rant ko kay Ethan nang makalabas na kami ng building at makasakay ng sasakyan niya. Gusto ko na siyang saktan pero masyadong immature naman 'yon para gawin ko. Wala naman siyang ibang ginawa kundi ang tawanan ako."You don't know how awkward it was!" angil ko pa din sakanya."It's just getting more exciting, Cy. Come on. Are you a weakling?" he raised an eyebrow.Sinamaan ko lang siya ng tingin."What? Anong weakling pinagsa
SS031: Dulo ng Hangganan by IV of Spades"Caramel macchiato for Cyrelle."I stood up from my seat and went to the counter when I heard my name. The crew smiled at me before giving me my order."Here you go, Ma'am. Have a nice day." she said with enthusiasm.I smiled back before taking a sip at my drink. I took a deep breath as the coffee slowly went down into my system. Ah, heaven!"Thanks." huli kong sinabi bago na umalis ng Starbucks.I went to my
SS030:Take Her To The Moon by Moira Dela Torre "'Wag nga kasi pang-brokenhearted na kanta! Naiiyak si Arie e." pagpapasaway ni Aaliyah kay Saffia. Tumawa lang si Saffia bago naghanap na ulit ng ibang kanta sa phone niya. Napailing na lang ako habang nag-d-drive. Luella was just silent at the right side corner of the back seat. Si Saffia ay katabi ko na nasa shotgun seat. Nasa gitna naman ni Aaliyah at Luella si Arie. "Guys, ayos lang ako." ma-dramang saad ni Arie. Nagkatinginan na lang kami nila Luella, Saffia at Aaliyah sa rear v
SS029: Before It Sinks In by Moira Dela Torre
SS028:Kung Pwede Lang by Emman We woke up the next morning with the news that Ethan was hospitalized becau