Thanks po sa mga masugid kong mambabasa dahil sa paghihintay sa bawat chap. Salamat po ulit.
Ilang araw pa ang lumipas nakabalik na si Katarina sa TVC ngunit sa kanyang pagpasok pa lamang ay agad na siyang pinatawag ni Ms. Lee. Nais rin naman niyang harapin ito at tanggapin kung ano pamang mga kaparusahan ang kanyang matanggap."Pinahiya mo kami sa harap ni Master Sev, para tuloy siyang naging katawa-tawa sa pagkuha sayo sa Auction. Ngayon halos kalahati ng binayad niya ang gusto niyang irefund. Malulugi ako sa kagaga****n mo" lumapit ito sa kanya at binigyan siya ng isang malutong na sampal."Tinanggap kita at binigyan ng pagkakataong kumita ng malaki ngunit inaabuso muna man ata ang aking kabaitan"patuloy pa sa pagsasalita ang babae habang sapo-sapo niya ang kanyang pisngi. "Patawad po Ms. Lee. Hindi ko na po uulitin-" ngunit naputol iyon ng biglang pumasok si Carusso"Oh Dear, kay aga-aga ay hanggang ceiling na ang galit mo? Hmm.. nakalabas na pala siya ng ospital" lumipat sa kanya ang atensyon ni Carusso. Naupo ito sa swivel chair ni Ms. Lee at humitit ng kanyang sigari
Walang kumukwestyon sa authority ko bilang isang Mafia Boss na may hawak sa lugar na ito ngunit dahil sa dumarami ang nagnanais na magulo ang tahimik naming lugar ay kailangan kong ubusin ang mga taong bumangga sa isang Del Castillo. Wala akong pahinga at tulog nitong mga nakaraang gabi dahil sa pag-hunting sa mga taong may atraso sa Brotherhood. Hindi ko kayang makapagpahinga at makatulog ng mag-isa kaya isa lang ang naiisip kong puntahan para maipahinga ko ang sarili ko. Tanging ang babaeng iyon lamang ang makakatulong sa akin. Kailangan ko siyang makita at mapatunayan ang bagay na iyon. Pumunta ako sa TVC dahil alam ko namang hindi na papayagan pa ni Ms. Lee na ibigay ito sa ibang lalaki at tanging pagsayaw at pamamalagi lamang ang gagawin nito sa loob. At alam kong ayaw niya ako makita diba't pipiliin niya pa ang mapunta sa kabilang buhay kaysa makasama ako. Nakakatawang isipin na kung sino pa ang nais kong pahirapan at parusahan ay ang babaeng ayaw sa akin sa dinami-dami ng babae
Actually natakot ako ng makita ko na may sugat siya. Ng makita ko siya na may mga dugo noon sa kanyang suit ay natakot ako dahil he might killed or hurt someone. Wala akong nakitang sugat sa kanya na kailangan kong ipag-alala. Kaiba ngayong gabi na ito dahil may sugat siya na malalim. Sinuot ko ang aking damit kahit na alam kong magagalit siya. Kailangan niyang magamot dahil namumutla na siya at alam kong hindi na maganda ang lagay ng kanyang katawan kapag maraming dugo ang nawala sa kanya. Tumakbo ako paaalis ng kwartong iyon para kumuha ng First Aid kit sa aming kwarto hindi ko na naisip na humingi ng tulong sa aming mga kasama dahil wala ni isang babae roon kaya wala akong nagawa kundi balikan si Master Sev. Nakita ko siyang nakahiga sa kama at nakahawak sa kanyang tagiliran. Maaaring bumuka ang sugat nito kaya pinatagilid ko siya infairness ang bigat talaga ng lalaking ito. Tinawag ko ang pangalan niya para malaman kung may malay siya pero minura pa ako kaya sure akong meron naman
Simula ng gabing iyon hindi ko na muli pang nakita ang anino ni Master Sev sa TVC. Muli akong kumuha ng isa pang stick sa nakabukas na kaha ng sigarilyo at dahil sobrang lamig nanaman kaya napapadalas na ako humitit nito. Siguro kase pampapatatag ng sikmura dahil ilang beses na akong nakakaranas na ilabas ng ibang kliyente. Actually biglang pumayag sila Ms. Lee na bumalik ako sa paglabas at sa pagiging Escort. Siguro may dalawang buwan na simula ng makita ko siya. 'Namimiss mo ba siya?' siguro baliw na ako kasi nagtatanong na ako sa sarili ko. Natawa nalang ako ng biglang nagpop-up sa isip ko ang tanong na iyan."Bakit ang tagal mo diyan sa labas?" tanong ng lalaking ito. Kung minsan nakakawala ng mood kapag may salt**k din ang matapatan mong kliyente. Swerte siya mataba ang bulsa niya. "Boss, tapusin ko lang 'to" sabi ko sa kanya at sumunod narin. Nasa isang malaking casino kami at wala akong gagawin kundi maupo sa gilid niya at masahihin ang katawan niya.Pinagmasdan ko ang mga kah
Umalis ako ng gabing iyon sa condo niya at tinakpan ko ang mukha ko ng balabal na nadampot ko kung saan. Tumakbo ako palayo sa lugar na iyon hindi ko na ininda ang sakit ng mukha ko gawa ng pagkakangudngod niya sa akin. Habang kumakabog ang dibdib ko ay gayundin ang bilis ng hakbang ko. Bumuhos ang malakas na ulan at naagos ang mga dugo sa kamay ko at mukha. Nagpatuloy ako sa paglakad hanggang sa bumagsak ako dahil sa pagkahilo. "Ka-Kailangan kong ma-makala-layo dd-di-dito" paulit-ulit kong sinasabi habang unti-unti ng lumalamig ang aking katawan. Lumalabo ang aking mga mata at unti-unti narin nawalan ako ng kontrol sa aking katawan.-----'Pinatay mo ako!' sabi ng lalaki habang siya ay naliligo sa sarili niyang dugo. Umiling ako dahil hindi ako ang pumatay sa kanya. Hindi ba nakalayo na ako kanina? Bakit andito parin ako sa condo niya at ano to? Nasa kamay ko ang isang baril at unti-unti kong itinututok muli sa kanya. Bakit wala akong kontrol sa aking mga kamay.'H-Hindi! Hi-Hindi!'
Isang araw matapos nilang malaman ang sinapit ng huling lalaking nakasama ni Katarina. Sa loob ng office ay naroon si Ms Lee at Carusso. Pabalik-balik ang lalaki samantalang nagpapaypay naman si Ms Lee. "Hindi ka ba talaga titigil diyan sa ginagawa mo?" pagpigil ni Ms Lee sa kasama. "Siguradong buhay ang babaeng iyon. Wala siya sa crime scene" "Babalik siya dito kaya kailangan-" hindi na niya natapos pa ang sasabihin ng may mga armadong lalaki ang pumasok sa kanilang office. Kaya tinungo ni Ms Lee ang tabi ni Carusso. "Sino nagpadala sa inyo dito?" Biglang niluwa ng pintuang iyon si Sev. Naka-suit ng itim at naglalaro ng baril sa isa nitong kamay. "Master Sev?" tanging naiusal ni Carusso. Nakadekwatro itong umupo sa isang upuan na naroon. "Sinabi ko naman sa inyo na ingatan ninyo ang babaeng iyon pero-" "Kasalukuyan namin siyang hinihintay dahil wala naman siya sa crime-" sabi ni Carusso ngunit hindi na niya ito muli pang naituloy dahil sa tumigil sa paglalaro ng baril si Sev
Sebastian Del CastilloUnti-unti siyang nagkamalay at umungol kaya tumayo ako para lapitan siya. Mukha pa siyang nanghihina kaya hinawi ko ang kanyang buhok. "Master Sev.. tu-tulungan mo ako?" panghihingi niya ng tulong. Totoo ba itong naririnig ko sa kanya. Hindi pa ba niya naiintindihan na ako ang nagpakuha sa kanya."Ba-Bakit ko naman gagawin iyon?" "Kalagan mo ako please!" pagmamakaawa niya. Pero hindi ako agad kumilos sa kinalalagyan ko. Nais ko siyang tulungan pero naalala ko sa kanya ang kanyang ama na nais kong bigyan ng leksyon. Nang hindi ako kumikilos ay naunawaan na niya ang sitwasyon kaya iniwas niya ang tingin.Dinala ko siya rito dahil nais kong masiguradong hindi na siya muli pang mawawala sa paningin ko. At dahil sa- sandali akong natigilan 'f**k ano tong nararamdaman ko sa babaeng ito?'. Nais ko nalang siyang iwanan dahil hindi ko na alam ang takbo ng isip ko ngayon. Pero muli siyang nagsalita."Ba-Bakit mo ako dinala dito? May nagawa ba akong kasalanan sa iyo?"To
Matapos ang gabing iyon hindi na niya nakita si Sev o ang ibang lalaking bodyguard man lang. Tanging isang babae lamang ang kanyang nakikita kaya hindi na niya napigilan ang sariling tanungin ang kinaroroonan ng lalaki. Hindi siya maaaring tumigil sa pagtatrabaho dahil dalawa ang mga kapatid niyang nag-aaral. "Ah, sandali" tawag niya sa babaeng sobrang seryoso ng mukha. Huminto naman ang babae pero seryoso parin ang mukha nitong humarap sa kanya. Akala niya ay iisa lamang ang babaeng nag-asikaso sa kanya noong unang beses pero magkamukha lamang sila ng pagkakaayos ng buhok at siguro nga ay kasama ito sa requirement. "Magkailangan ka pa ba?" sabi nito. "Hanggang kailan ako magstay dito sa loob ng kwartong ito? Nasaan ba si Master Sev nais ko sana siyang makita at makausap" marahan niyang sabi. "Sa pagkakaalam ko wala si Master Sev ay ilang araw na mawawala. Bayaan mo sasabihan kita kapag narito na siya" "Salamat" Tumalikod ang babae sa kanya at muli ulit siyang naiwang magisa. Ma
KATARINA POV Dinala ako ni Sebastian sa isang Pier. Pinandilatan ko siya ng mata at mataray kong inilipat ang tingin ko sa malawak na karagatan. Narinig ko siyang naglabas ng isang stick ng sigarilyo at sinindihan iyon.“A-akala ko ba sa probinsya mo ako dadalhin? Bakit dito?” preskong tanong sa kaniya. Nakailang hitit at buga bago muna niya itinuro ang isang isla na halos hindi na matanaw mula sa kinatatayuan namin.“Gusto ko sanang dalhin ka sa probinsya pero mas safe ka do’n. Doon sa Isla Nuevo.”“Gusto ko nang kabahan sa babagsakan kong lugar.”“Kapag nandoon ka na just find this address. Nandito na rin ang pangalan ng taong hahanapin mo.” Iniabot niya ang isang pirasong papel kasama ang aking ticket.Kasalukuyang nagdadagundungan sa kabog ang dibdib ko dahil ilang oras na lang at maghihiwalay na kami. Hindi ko na siya kaya pang titigan dahil baka hindi ako sumakay patawid sa kabilang isla. Hindi ko na kayang mahiwalay sa kaniya. Para sa kaniya balewala lang lahat hindi ko manlang
KATARINA POVHindi ako naniniwala sa isang magandang panaginip pero ang maramdaman ang maiinit niyang halik at pag-angkin niya sa akin kagabi ay dinala ako sa magandang panaginip na parang ayaw ko ng magising pa. Ang lalaking kinasuklaman ko ay mahalaga sa akin.Mahalaga si Sebastian sa akin at pinigilan ko lang ang sarili kong mahalin ang tulad niya dahil naghihiganti lamang siya at kasal siya. Pagbalik niya sa Villa ay hindi ko siguradong magkikita kami ulit. Paulit-ulit niyang binubulong sa akin ang magandang buhay na naghihintay sa akin kapag pumayag akong pumunta sa lugar na sinasabi niya pero hindi ko kayang pumunta ‘don hanggang hindi ko siguradong ligtas siya at magkikita kami ulit.Naramdaman ko ang mainit na likidong lumandas mula sa aking mga mata. Hindi ko napigilan dahil parang ina-alo- alo ko lang ang sarili ko. I know he’s lying last night. Lalo kong isiniksik ang mukha ko sa kaniyang dibdib. Patuloy kong pinigilan ang paghikbi ko pero mukhang kanina pa yata gising ang
Dinala siya ni Sev sa dalampasigan. Sa unang pagkakataon nakita niya kung paano ngumiti si Katarina. Mula ng dumating ito sa buhay niya ay larawan na ito ng takot at ngayon naman ay pagka-desperado. Subalit ng makita nito ang malawak na karagatan ay para itong naging bata ulit dahil sabik na sabik itong naghubad para makapagsaya sa tubig. Hinayaan lang niya itong gawin ang nais nito dahil ngayon araw ay mga normal silang tao. Malayo sa gulo at maramdaman ang kapirasong langit.Sa Reception ng Resort ay nagpakilala sila bilang Mr. and Mrs. Dela Fuente. Kumuha ng isang kuwarto at parang bagong kasal na nagha-honeymoon.Naupo si Sebastian sa dalampasigan. Takim-silim na at katatapos lang nila maghapunan. Si Katarina naman ay nakapaang naglalaro sa tubig. Inilabas ni Sebastian ang kaniyang dalang alak nagiisang kopita. Nagsalin siya at itinago sa kaniyang gilid ang alak. Nagsindi siya ng sigarilyo habang pinagmamasdan ang madilim na kalangitan.Naging pangarap niya rin ito dati at kung h
SEBASTIAN DEL CASTILLOI was stupid and ass*ole. I dragged her into this…Pinagmasdan ko si Rina na tumakbo at dahil sa nangyari hindi niya ako matignan ng diretso. Huminto kami matapos ang 30 minutong pagtakbo. Narinig ko ang paghingal niya at iniabot ko sa kaniya ang isang bote ng tubig. Tinanggap naman niya ito pero inirapan lang niya ako. Malamang lahat ng ininom niyang alak ay naipawis na niya."Malawak ba ang kakahuyan?" tanong ni Rina."Hmm Oo. Pero kung gusto mong ikutin natin, why not?" hamon ko sa kaniya. Alam kong bored na bored na siya. Ako at ang maliit na bahay lang naman ang nakikita niya.Iniabot ko sa kaniya ang dala kong baril. "Glock 43? para saan ito?" may pagtataka niyang tanong sa akin. "... for your protection-- from me." Nginitian ko siya. Matapos ay itinitutok niya sa akin ang baril. Hindi na ako natatakot kapag may nanutok sa akin ng baril. Kung mamatay ako ngayon atleast wala akong maiiwang anak..."Try me. Sev." Hindi ko maintindihan ang naramdaman kong
Sebastian Del CastilloSa huli, napagdesisyunan kong ginisingin si Rina mula sa bangungot na iyon. Niyakap niya ako at pawis na pawis siya. Narinig ko ang bawat pitik ng kaniyang dibdib.“Kukunin nila kami! Kukunin nila ang mga kapatid ko!” sigaw niya. Nang magkita sila ulit ng matandang lalaki na iyon bumalik ang lahat.Nahimasmasan siya at humiwalay sa akin.“Ikukuha kita ng tubig,” alok ko.Ngunit nang muli siya magsalita ay bumalik ako sa tabi niya.“N-Nakokonsensya ka na ba sa mga ginawa mo sa akin?” tanong niya. Napalunok ako ng mga oras na iyon, kay Primo siya galit bakit sa akin na naman niya binubunton.“H-Hindi! Gusto lang kitang bigyan ng tubig,” sagot ko sa kaniya.Nais ko pa siyang kausapin pero parang sa tingin ko ay hindi parin siya convince sa ginagawa kong tulong.Bago ako tumayo ay pakunyari akong nagmura para hindi niya bigyan ng kung anong kahulugan ang ginagawa ko. Iniwan ko siyang sapo-sapo ang mukha niya. Masaya akong makita siya na suot na niya ang mga damit na
Sebastian POV“I call you back, Bro!” ani ko kay Marco ng may nakita akong lalaking umaaligid. Dali-dali kong isinilid sa aking bulsa ang telepono ko at nagpanggap na parang wala alam. Naglakad ako ng paunti-unti hanggang makompirma ko ang lalaking sumusunod sa akin. Matapos ay bigla akong lumiko sa mga puno at nagtago. Madilim sa kakahuyan at kabisado ko ito.Ilang araw narin kami ni Rina dito at matapos siyang gumaling ay medyo nagbago naman, nabawasan ang duda sa akin. Akala niya kasi ikukulong ko parin siya.Kinagat naman niya ang pain ko. Mukhang naghahanap na siya sa akin. Narinig ko na ang pagkasa ng kaniyang baril. Hinuli ko siya at sinigurado kong sa sipa ko’y titilapon ang baril sa malayo kung saan hindi niya makikita. Sinuntok ko siya sa sikmura at napa-igik siya sa sakit. Sinunggaban ko na ang sitwasyon para mawalan siya nang malay. Tinali ko siya sa puno. At kinapkapan dahil nasisigurado akong may nakakabit sa damit niyang tracking device. Ngunit wala akong nakita. Sinamp
"Rina?" mahina niyang tawag habang may dala-dalang mainit na soup. Hindi pa kasi kumain si Katarina simula kagabi. ---NIYAKAP niya ito dahil sa panginginig nito. Hindi siya lumabas ng kuwartong iyon hanggang hindi bumababa ang lagnat ni Katarina. Hindi na niya kaya pang itago ang pangungulila sa dalaga. Sa ilang buwan na dumaan hindi manlang ito nawala sa kaniyang isipan. Lalo pa itong naging mas mahirap sa kaniya dahil sa paghingi nang tulong sa kaniyang mortal na kalaban na si Mikayel Guererro. Ang pagnanais niyang makuha ito ay mas lalong umigting at kahit na kamatayan ay hahamakin niya para lang mapunan ang pagkukulang at kasalanan dito. "R-Rina..." paulit-ulit niyang bulong rito pero ang mga mata ni Katarina ay nanatiling pinid.Ipinikit niya ang kaniyang mga mata at dinama ang init ng katawan ng dalaga. Ilang beses siyang napailing at wari ay may nireresolba sa kaniyang isip. Hanggang sa unti-unti naring mapawi at parehas silang hatakin nang antok.---Ilang beses niyang tina
Katarina POVNAKAHINGA ako nang maluwag nang sabihin niyang hindi na niya ako muling ikukulong pero kung sakali man ay pipiliin ko parin na tumakas. Binantayan ko ang kaniyang ikinikilos at marahil ngayon ay alam na ni Mikayel na hindi ko sinunod ang inuutos niya at tumakas pa ako. Ilang beses na may pilit siyang tinatawagan sa telepono pero hindi ito sumasagot at sa inis niya ay naibalibag niya ang telepono. Hindi ko naiwasan ang kabahan dahil sa kaniya ko na-develop ang pagkakaroon ng takot at trauma na nga siguro ang tawag 'don. Hanggang-ngayon ay hindi parin niya kayang kontrolin ang kaniyang galit. "I-I'm sorry," sambit niya nang muling magtama ang mga mata namin. "Lalabas lang ako," Tumayo siya at mabilis na lumakad palabas ng pinto.Hindi na ako sumagot o mas okay na hindi ko nalang siya pansinin dahil para saan ba't magpapanggap siya na mabait kung mala-demonyo parin naman ang ugali niya. He is still that psycho and sadistic Sebastian that I know! Pero bakit ako sumama sa kani
NAKATAYO si Katarina sa paanan ng lalaking nasa kama. Nanginginig ang kaniyang kamay habang inilalabas ang isang maliit na bote na nakasuksok sa kaniyang dibdib. Mabibigat ang kaniyang paghinga nang may biglang nagsalita mula sa kaniyang likuran.“Hmmm what about slitting his throat? Ano iyan lalasunin mo lang siya na parang isang dagang salot?” walang prenong sabi ni Sebastian.Hinarap siya ni Katarina at nilisikan ng mga mata. “G-Gusto mo bang mauna?” ani nito.“H-Hindi mo ako kaaway? Gusto ko lang masiguradong okay ka at hindi ka napahamak sa kamay ng lalaking iyan!” paliwanag ni Sebastian.Ilang buwan lamang silang hindi nagkita ay ang laki na ng pinagbago ni Sebastian. Kung dati-rati siya ang maangas sa harap ni Katarina ngayon ay siya na ang kusang tumitiklop sa harap nito na dati lamang niyang mistress.“Tingin mo isa parin akong mahina na tulad ng nakilala mo noon? Mr. Del Castil –” hindi na niya ito naituloy ng maulinigan nilang may pumipihit sa doorknob. Hinablot siya ni Seb