Sebastian POV“I call you back, Bro!” ani ko kay Marco ng may nakita akong lalaking umaaligid. Dali-dali kong isinilid sa aking bulsa ang telepono ko at nagpanggap na parang wala alam. Naglakad ako ng paunti-unti hanggang makompirma ko ang lalaking sumusunod sa akin. Matapos ay bigla akong lumiko sa mga puno at nagtago. Madilim sa kakahuyan at kabisado ko ito.Ilang araw narin kami ni Rina dito at matapos siyang gumaling ay medyo nagbago naman, nabawasan ang duda sa akin. Akala niya kasi ikukulong ko parin siya.Kinagat naman niya ang pain ko. Mukhang naghahanap na siya sa akin. Narinig ko na ang pagkasa ng kaniyang baril. Hinuli ko siya at sinigurado kong sa sipa ko’y titilapon ang baril sa malayo kung saan hindi niya makikita. Sinuntok ko siya sa sikmura at napa-igik siya sa sakit. Sinunggaban ko na ang sitwasyon para mawalan siya nang malay. Tinali ko siya sa puno. At kinapkapan dahil nasisigurado akong may nakakabit sa damit niyang tracking device. Ngunit wala akong nakita. Sinamp
Sebastian Del CastilloSa huli, napagdesisyunan kong ginisingin si Rina mula sa bangungot na iyon. Niyakap niya ako at pawis na pawis siya. Narinig ko ang bawat pitik ng kaniyang dibdib.“Kukunin nila kami! Kukunin nila ang mga kapatid ko!” sigaw niya. Nang magkita sila ulit ng matandang lalaki na iyon bumalik ang lahat.Nahimasmasan siya at humiwalay sa akin.“Ikukuha kita ng tubig,” alok ko.Ngunit nang muli siya magsalita ay bumalik ako sa tabi niya.“N-Nakokonsensya ka na ba sa mga ginawa mo sa akin?” tanong niya. Napalunok ako ng mga oras na iyon, kay Primo siya galit bakit sa akin na naman niya binubunton.“H-Hindi! Gusto lang kitang bigyan ng tubig,” sagot ko sa kaniya.Nais ko pa siyang kausapin pero parang sa tingin ko ay hindi parin siya convince sa ginagawa kong tulong.Bago ako tumayo ay pakunyari akong nagmura para hindi niya bigyan ng kung anong kahulugan ang ginagawa ko. Iniwan ko siyang sapo-sapo ang mukha niya. Masaya akong makita siya na suot na niya ang mga damit na
SEBASTIAN DEL CASTILLOI was stupid and ass*ole. I dragged her into this…Pinagmasdan ko si Rina na tumakbo at dahil sa nangyari hindi niya ako matignan ng diretso. Huminto kami matapos ang 30 minutong pagtakbo. Narinig ko ang paghingal niya at iniabot ko sa kaniya ang isang bote ng tubig. Tinanggap naman niya ito pero inirapan lang niya ako. Malamang lahat ng ininom niyang alak ay naipawis na niya."Malawak ba ang kakahuyan?" tanong ni Rina."Hmm Oo. Pero kung gusto mong ikutin natin, why not?" hamon ko sa kaniya. Alam kong bored na bored na siya. Ako at ang maliit na bahay lang naman ang nakikita niya.Iniabot ko sa kaniya ang dala kong baril. "Glock 43? para saan ito?" may pagtataka niyang tanong sa akin. "... for your protection-- from me." Nginitian ko siya. Matapos ay itinitutok niya sa akin ang baril. Hindi na ako natatakot kapag may nanutok sa akin ng baril. Kung mamatay ako ngayon atleast wala akong maiiwang anak..."Try me. Sev." Hindi ko maintindihan ang naramdaman kong
Dinala siya ni Sev sa dalampasigan. Sa unang pagkakataon nakita niya kung paano ngumiti si Katarina. Mula ng dumating ito sa buhay niya ay larawan na ito ng takot at ngayon naman ay pagka-desperado. Subalit ng makita nito ang malawak na karagatan ay para itong naging bata ulit dahil sabik na sabik itong naghubad para makapagsaya sa tubig. Hinayaan lang niya itong gawin ang nais nito dahil ngayon araw ay mga normal silang tao. Malayo sa gulo at maramdaman ang kapirasong langit.Sa Reception ng Resort ay nagpakilala sila bilang Mr. and Mrs. Dela Fuente. Kumuha ng isang kuwarto at parang bagong kasal na nagha-honeymoon.Naupo si Sebastian sa dalampasigan. Takim-silim na at katatapos lang nila maghapunan. Si Katarina naman ay nakapaang naglalaro sa tubig. Inilabas ni Sebastian ang kaniyang dalang alak nagiisang kopita. Nagsalin siya at itinago sa kaniyang gilid ang alak. Nagsindi siya ng sigarilyo habang pinagmamasdan ang madilim na kalangitan.Naging pangarap niya rin ito dati at kung h
KATARINA POVHindi ako naniniwala sa isang magandang panaginip pero ang maramdaman ang maiinit niyang halik at pag-angkin niya sa akin kagabi ay dinala ako sa magandang panaginip na parang ayaw ko ng magising pa. Ang lalaking kinasuklaman ko ay mahalaga sa akin.Mahalaga si Sebastian sa akin at pinigilan ko lang ang sarili kong mahalin ang tulad niya dahil naghihiganti lamang siya at kasal siya. Pagbalik niya sa Villa ay hindi ko siguradong magkikita kami ulit. Paulit-ulit niyang binubulong sa akin ang magandang buhay na naghihintay sa akin kapag pumayag akong pumunta sa lugar na sinasabi niya pero hindi ko kayang pumunta ‘don hanggang hindi ko siguradong ligtas siya at magkikita kami ulit.Naramdaman ko ang mainit na likidong lumandas mula sa aking mga mata. Hindi ko napigilan dahil parang ina-alo- alo ko lang ang sarili ko. I know he’s lying last night. Lalo kong isiniksik ang mukha ko sa kaniyang dibdib. Patuloy kong pinigilan ang paghikbi ko pero mukhang kanina pa yata gising ang
KATARINA POV Dinala ako ni Sebastian sa isang Pier. Pinandilatan ko siya ng mata at mataray kong inilipat ang tingin ko sa malawak na karagatan. Narinig ko siyang naglabas ng isang stick ng sigarilyo at sinindihan iyon.“A-akala ko ba sa probinsya mo ako dadalhin? Bakit dito?” preskong tanong sa kaniya. Nakailang hitit at buga bago muna niya itinuro ang isang isla na halos hindi na matanaw mula sa kinatatayuan namin.“Gusto ko sanang dalhin ka sa probinsya pero mas safe ka do’n. Doon sa Isla Nuevo.”“Gusto ko nang kabahan sa babagsakan kong lugar.”“Kapag nandoon ka na just find this address. Nandito na rin ang pangalan ng taong hahanapin mo.” Iniabot niya ang isang pirasong papel kasama ang aking ticket.Kasalukuyang nagdadagundungan sa kabog ang dibdib ko dahil ilang oras na lang at maghihiwalay na kami. Hindi ko na siya kaya pang titigan dahil baka hindi ako sumakay patawid sa kabilang isla. Hindi ko na kayang mahiwalay sa kaniya. Para sa kaniya balewala lang lahat hindi ko manlang
Bumagsak ang malakas na ulan kumidlat ng matatalim at patuloy ang pagdagundong ng kulog. Naroon si Katarina nanatiling nakatayo sa gilid habang ang lalaking naka-suot ng black suit ay papalapit sa kanya. Tanging ang liwanag ng pagtama ng kidlat ang nagsisilbing tanglaw sa pagitan nilang dalawa. Umatras man siya ay wala na siyang magagawa. Hindi na niya matatakasan ang lalaking lango sa alak. Naramdaman niya ang lamig ng pader lalo pa ngayon sobrang nipis lang ng suot niyang pangtulog. Ilang gabi na siyang nanatili sa lugar na ito. At ni isang beses ay ayaw siya nitong kausapin ngunit ngayong gabi ay kaiba dahil ito na ang lumapit na sa kanya.'Bakit ka pa kasi natuksong lumabas ng kwarto na iyon, ngayon paano ka makakatakas sa lalaking ito' nanginginig niyang paninita sa sarili."An-anong ga-gagawin mo Mr. Del Castillo?""Ano paba sa tingin mo?""Dinala ko sa yo ang mga pinabibigay niya para sa proteksyon ko""Wala na itong pakialam sa mga dala-dala mo. Ito ay sa pagitan nating dalawa
Nakahanay na nakaupo ang mga bagong babaeng recruit ni Madam Lee sa backstage. Maingay ang loob ng TVC or kilala sa tawag na The Virgins Club, isang Elite Club na tanging mga mayayaman lang ang afford makapasok. Kasalukuyan kasing gumigiling ang stripper na si Faira. Talagang napupuno ang nasabing club.Napukaw ang kanilang atensyon ng dumating ang matabang babae na halos lumuwa ang bumper nito sa harap at abot ang paypay sa kanyang abaniko. May manipis na kilay na animo ay iginuhit lamang sa magkabila. Bahagyang natawa si Katarina ng ito ay magsalita dahil kakaiba ang tono nito. Sa paghagikgik niya ay nakuha tuloy nito ang atensyon nito. Kaya ito ay tumapat sa kanya."Tumayo ka!" utos niya kay Katarina. At si ay pinatalikod, pinatagilid at pati pagtuwad ay pinagawa. Matangkad si Katarina na may matambok na p'wet at malaking dibdib. Morena at may alon-along buhok na kulay brown. Para itong modelo sa tindig at may makinis na balat."Anong pangalan mo?" masungit niyang sabi at pinagpatu