Share

Mistress of A Mafia Don
Mistress of A Mafia Don
Author: Lexie Onibas

Panimula

Bumagsak ang malakas na ulan kumidlat ng matatalim at patuloy ang pagdagundong ng kulog. Naroon si Katarina nanatiling nakatayo sa gilid habang ang lalaking naka-suot ng black suit ay papalapit sa kanya. Tanging ang liwanag ng pagtama ng kidlat ang nagsisilbing tanglaw sa pagitan nilang dalawa. Umatras man siya ay wala na siyang magagawa. Hindi na niya matatakasan ang lalaking lango sa alak. Naramdaman niya ang lamig ng pader lalo pa ngayon sobrang nipis lang ng suot niyang pangtulog. Ilang gabi na siyang nanatili sa lugar na ito. At ni isang beses ay ayaw siya nitong kausapin ngunit ngayong gabi ay kaiba dahil ito na ang lumapit na sa kanya.

'Bakit ka pa kasi natuksong lumabas ng kwarto na iyon, ngayon paano ka makakatakas sa lalaking ito' nanginginig niyang paninita sa sarili.

"An-anong ga-gagawin mo Mr. Del Castillo?"

"Ano paba sa tingin mo?"

"Dinala ko sa yo ang mga pinabibigay niya para sa proteksyon ko"

"Wala na itong pakialam sa mga dala-dala mo. Ito ay sa pagitan nating dalawa. Anong silbi ng paninirahan mo dito kung wala ka manlang kayang i-offer sa akin. Lahat ng bagay ay may kapalit"

"Ha, kasalanan ito ng lalaking 'yon. Kung hindi ka niya binanggit at inutusan hindi ako pupunta ito"

Pinilit niyang umarteng hindi nababahala sa kayang gawin ng lalaking kaharap. Alam niyang delikado ang pakikipag-alyansa sa grupo ni Del Castillo. Ngunit kung hindi siya didikit dito ay pati siya ay matatapos at mamamatay ng walang kalaban-laban sa kamay ng kaaway na grupo.

"Then, I let you choose between death or be my mistress?" sumandali siyang napaisip sa huling sinabi nito.

'Mistress, Kabit, Kerida' lahat yun iisa.

"Paano kung wala akong piliin?" pagsusungit niya at pagtataas ng kilay.

"Automatic kamatayan ang pinili mo" simpleng sagot nito.

Lumakad siyang paabante at parang walang pakialam sa lalaking nasa kanyang harapan. Ngunit akala niya ay magagawa niyang makatakas dito. Nahablot siya nito at hinila ang mahaba niyang buhok.

"Aww, Mr Del Castillo nasasaktan ako" reklamo niya

"Pinasasakit mo talaga ang puson ko. Interes mo ba talagang akitin ako?" Nilapit nito ang kanyang mga labi sa punong tenga nito.

"H-Hindi. Pumunta ako para manghingi ng tulong para sa proteksyon. 'Yun lang hindi ko sinasadyang makita ang nangyari sa isa mong tauhan at inutusan niya akong pumunta sayo para ibigay ang mga iyon."

Pinakawalan siya nito at itinulak sa lapag.

"Serve me para sa proteksyong hinihingi mo. H-hndi ba ganyan naman ang trabaho mo?"

'Talagang pinipilit talaga ako ng lalaking 'to ah. May pamilya na siya tapos nais niya parin akong maging kerida' bulong niya sa sarili

Umarko ang kilay nito at nagtama ang kanilang mga mata. "What will you choose?"

"May asawa ka at anak. Ano nalang ang sasabihin sa akin ng asawa mo?"

"You seemed cared and not scared for your life ha,!" singhal nito

"Ayoko lang may masabi siya sa akin kung magkikita kami"

"Then, face death"

Bumaba ang tingin ng lalaki sa kanyang dibdib. Hindi ito ang kanilang unang beses dahil ito rin ang nakasama niya sa Auction. Ang lalaking nagpagawa sa kanya ng mga kakaibang bagay. Nagsimula na itong hapitin ang kanyang baywang at pisil-pisilin ito patungo sa kanyang maumbok na likuran. Patuloy ang pagkabog ng dibdib niya at sunod-sunod na paghinga ng malalim.

"P-Please bigyan mo pa ako ng ilang araw para makapagpasya" huling tawad niya.

"24hrs lang. Aalis ka o mananatili sa bahay na ito at susundin ang lahat ng kondisyon ko?"

"Oo. Na-naiintindihan ko Mr. Del Castillo" sabi niya ngunit hindi parin nito binibitawan ang kanyang baywang. Nanatiling magkadikit ang kanilang mga katawan. Hanggang sa kintalan siya nito ng halik. Tumugon naman siya ngunit siya na rin ang humiwalay rito dahil sa kaguluhan ng isip.

"Sa-salamat" paalam niya. Naiilang siyang muli itong tignan sa mga mata. Unti-unti siyang umatras palayo rito. Dahil alam niyang pati siya ay makakalimot at baka makapagdesisyon siya kung mananatili ba siya o haharapin nalamang niya ang kamatayan.

Ngunit habang siya ay patuloy sa paglayo rito ay pumasok sa kanyang isip ang kanyang mga kapatid. Ang kambal. Baka ito ang gamitin para siya ay mapalutang at makuha ang hinahanap ng mga pumatay sa kanyang kliyente ng gabing iyon.

Sinarado niya ang kanyang silid at kinandado ito. Tila parehas na iisa lamang ang nararamdaman nilang dalawa. Ang init ng kanilang mga katawan. Ang unang beses nitong h******n ang kanyang mga labi at umarko ang kanyang katawan sa bawat haplos nito at halik. Ang kanyang pagsigaw dahil sa kirot na naramdaman niya dahil sa pag-angkin nito.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status