Home / Romance / Mistress of A Mafia Don / With Money Solves Everything!

Share

With Money Solves Everything!

Nanghihina akong lumabas ng Club dala-dala ang chekeng kapalit ng aking puri. Muli ko itong pinakatitigan at hindi naman nagkakamali sa nababasang pigura duon. Bahagya akong napangiti dahil ito lang ang kaya kong maitulong sa aking mga kapatid na kasalukuyang nag-aaral. Hindi ko makakayang makita ang mga itong gumapang sa hirap. Napansin kong pati ang panahon ay hindi masaya sa aking kinitang pera. Anumang oras ay babagsak ang ulan at nais na kong mawithdraw ang pera para sila ay maihanap na ng maayos na tirahan. Iniwan lamang ko lang sila sa kalapit na kakilala dahil wala naman kaming matutuluyan ng gabing iyon.Nagmadali kong hinabay ang lugar na iyon dahil labis narin ang aking pag-aalala sa mga ito.

'Ganun naman talaga siguro ang mga panganay na anak. Kadalasan sila ang naoobligang tumapos ng responsibilidad na na dapat mga magulang ang gumagawa'muli siyang napangiti at inayos ang kanyang damit bago humarap sa mga kapatid.

Pagpasok niya sa bahay ng kaibigan ay halos mawala siya sa katinuan ng makita ang lalaki na nakaupo sa paanan ng kanyang mga kapatid at bahagyang nilililis ang damit nito. Dalawang dalagita. Sina Leina at Tatiana. Kambal ito at parehas nasa huling taon sa Junior High. Sumigaw siya.

"K-Karson,p***ngina mo. Lei-na, Ta-tiana" tanging salitang lumabas sa bibig niya. Agad naman itong tumayo at kinakamot ang ulong lumayo sa dalawa. Naalimpungatan naman ang kambal.

"K-Kat so-sorry.." sabi nito

Pagkakita palamang ng kambal ay agad silang bumaba ng kama at tumakbo sa kanilang kapatid. "Na-nasaan si Aling Loleng..ba-bakit andito yang lalaking yan?" tanong ni Katarina sa kambal ngunit sabay lamang itong umiling at niyakap ang kanyang mga kapatid. Umaagos ang kanyang luha dahil sa karumal-dumal na kahihinatnan ng dalawa kung siya ay nahuli lamang ng kaunti.

Inapuhap niya ang isang kutsilyo at pinalabas ang dalawang bata. "Ate bayaan mo na. Mahalaga andito kana. Umalis nalang tayo dito" awat ni Tatiana.

Nang mga oras naiyon nais kong kitilan ng buhay ang bw**sit na lalaki na iyon. Wala akong pakialam kung pamangkin siya ni Aling Loleng. Napuno ako ng galit pero malakas ang kapatid kong si Tati at pinakalma niya ang aking dibdib. Sabay-sabay kaming lumabas ng bahay naiyon at sa kalye nakasalubong ko si Aling Loleng. Tuwang-tuwa pa ang ale na akala mo ay tumama sa jackpot. Nang makita niya ako ay halos pawian siya ng katinuan. Mukhang naiintindihan ko na ang lahat. Kaya hinugot ko ang sampung-libo sa aking bag. At aking initsa sa kanya. Nagsambulat ang pera at agad niya itong pinulot.

"Kat- Kat andyan kana pala. Kamusta ang raket mo..mukhang kumita ka ng malaki ah. uoh wag mong sinasambulat ang pera.. madudumihan" sabi ng matanda

"Pinagkatiwala ko sainyo ang mga kapatid ko. Anong ginawa ninyo? iniwan ninyo sa pamangkin ninyong adik" sabi ko sa kanya dahil galit na galit ako.

"E-Eh wala ka naman maipambabayad sa pagtira ninyo sa bahay namin kaya ng sabihin ni Karson na kahit isang beses lang daw. Puma-" hindi na niya naituloy pa ng bigla ko siyang sampalin.

Isang pagkakamali na nadala ako ng aking galit dahil sa oras na ito nanakit ako ng isang matanda kaya ang ending ay pina-baranggay niya ako at binalater. Nakasimangot na si Leina sa akin. Kung si Tati ay maunawain at malapit sa akin iba itong si Leina dahil siya ang laging komokontra.

"Ate, naman hindi naman kami napaano. Ayan nakakahiya tuloy" sabi nito Leina

Tahimik lamang noon si Tati. At ng magsalita ang aming Kapitan ay alam ko ng may luto ang desisyon nila.

"Nagpapaareglo nalang si Aling Loleng. Kaya kailangan mo nalang magbayad ng Tatlumpong Libo. Kundi iaakyat daw niya ito sa pulisya at-" hindi ko na hinayaan kami ay maliitin at paikutin ng nasa katungkulan. Naglabas ako ang pera at ibinigay kay Kap.

"Ayan na Kapitan. Tinangka ng pamangkin niyang adik na halayin ang mga kapatid ko at nanggaling na sa matabil niyang dila na pumayag siyang gawin iyon ni Karson kaya paano ako magtitimpi. Ngayon mas lalo ninyo pinaramdam sa amin kung paano ninyo nalang kami paikutin porket mga ulila at wala kaming pera"

Nanlaki ang mata ni Aling Loleng dahil sa perang nasa desk ni Kap. "Abay, talagang kumita ka ng malaki kagabi. Ganyan ba talagang magbigay sa TVC mukhang marami kang napaligaya ah" hindi na nito napigil pa ang kanyang sarili kaya lahat nalamang duon ay sa akin ang kanilang mga mata. Lahat ng mapaghusgang mga mata na pilit akong nilulusaw ng mga oras na iyon. Kaya hinatak ko ang kamay ng dalawa kong kapatid.

"Tara na" sabi ko sa dalawa pero si Leina ay hindi ako sinunod. Kundi tinanggal niya ang aking kamay na nakahawak sa kanya

"Ate tama ba ang narinig namin.. Ang raket mo kagabi ay hindi sa restau tulad ng sabi mo. Kundi sa Club?"

"Leina mahalaga pa ba 'yon?" tanong ko

"Oo. Dahil nakakahiya ka.. Ikinahihiya kita. Marumi kang babae" may pagtawa pa na parang nanunutya.

Nangilid ang luha ko dahil galing na ito mismo sa aking kapatid. Kinahihiya niya ako. At ramdam kong nandidiri sila sa akin. Kaya wala akong pinalampas na sandali. Sinampal ko siya sa harap ng mga naroon.

"Oo. Nakakahiya ako. Nakakadiri at hindi karapat-dapat na maging inyong kapatid ngunit ito lang ang kaya kong gawin para maiahon ko kayo sa hirap at ng hindi tayo minamaliit ng mga tao"

"Ate, Leina tumigil na kayo"

Pinahid ko ang luha ko. Dahil hindi ko na napigilan pa. "Ihahanap ko kayo ng matutuluyan at hindi ko naman kayo masisisi kung ganyan na ang tingin ninyo sa akin"

Sumama sila sa akin. At napakabigat ng pakiramdam ko dahil alam kong ngayong nalaman nila ang tunay kong trabaho hindi na nilang nanaising maging parte ako ng kanilang buhay. Humanap ako ng apartment na maaari nilang matirahan at ibinili ko sila ng mga kailangan nila. Damit, gamit at pera. Dahil hindi ako kinikibo ni Leina si Tati ang aking binilinan. Sa kwarto ko siya kinausap.

"Ate bakit mo naman kami iiwan"

"Need ko ng tumuloy 'don. 'Wag ka yong magalala dahil bangko ko na ilalagay ang panggastos ninyo. Tatiana alam ko naiintidihan mo ang ate. Sana huwag sumama ang loob mo ha"

Umiling siya at humagulgol na umiiyak at yumakap sa akin. Malayo siya kay Leina. Naramdaman ko ang init ng pagmamahal sa mga yakap niya. Pero alam kong magiging mahina ako kapag nariyan sila. Para naman sa kanila ang mga ginagawa ko.

"Yung pag-aaral ninyo ha?!. At alam ko naman na hindi ninyo pababayaan ang inyong sarili. Hindi na ako magpapaabot ng gabi dito dahil hahanapin na ako ng Boss ko" sabi ko sa kanya kahit alam kong pati ako hahagulgol ng iyak.

Iniwan ko ang mga kapatid ko para sa trabahong ito. Ito lang ang kaya kong gawin dahil hindi naman ako nakapagtapos ng pag-aaral at kung magtatrabaho ako dito sa mga maliliit na restaurant hindi ko sila mapagtatapos ng pag-aaral. Inayos ko ang sarili ko bago ako tumapak sa TVC muli. At si Deborah agad ang nais kong makita.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status